Tara dito. Umupo ka. Pinahihirapan mo naman ang batok ko kakalingon sa ‘yo.”
Hindi alam ni Tori kung biro ba iyon o seryoso ang pagkakasabi ni Vic nun, pero sumunod na rin siya. Naupo siya sa bakanteng silya sa tapat ng lalaki.
“I’m not disappointed with the Tori in front of me now. I am disappointed with the way this Tori in front of me thinks of herself.”
Nakagat ni Tori ang ibabang labi niya.
“But that’s the truth, Tito.”
“Tsk! No… What happened to little Arya? Nasaan iyong matapang at walang pakialam sa sasabihin ng iba na katulad ni Arya?”
Nag-angat ng mukha si Tori kay Vic, pero kita sa mga mata nito ang pangingilid ng mga luha.
“Look at you… sa ‘yo pa lang, dina-downgrade mo na agad ang sarili mo. Ikaw mismo, hinuhusgahan mo na agad ang pagkatao mo. You should be the one uplifting yourself. You should be the first one building your self-esteem. But what’s happening is the other way around, and I don’t like the
Narinig ni Tori ang tunog ng doorbell niya. Kanina pa siya gising pero tinatamad pa siya bumangon. Marami kasi silang ginawa at inayos nila Julie at Danny kahapon, kaya medyo napagod siya.Muling narinig ni Tori ang tunog ng doorbell. Tumahol na rin si Mocha na nakapaharap sa direksyon ng pintuan. Napilitan ng bumangon si Tori. Sigurado naman siyang sila Vic, Julie at Danny ang nasa labas. Lalo na at Sabado ngayon, hindi obligadong mag-report ang asawa ni Julie sa architecture firm ni Vic.Mabilis na nagsuot mg roba si Tori at saka nagbukas ng pinto ng kuwarto niya. Agad na nakatakbo si Mocha palabas.“Nauna ka pang lumabas sa akin, Mocha,” sita ni Tori sa alaga, tapos ay sumunod na rin siya rito.“Good morning, Tori!” masayang bati ni Vic sa kanya, pagkatapos ay nagbaling ng tingin kay Julie, “magluto ka na, Julie at nang makapaligo na itong si Tori.”Pagkasabi ni Vic nun ay pumasok na ito sa loob ng bahay ni Tori. Nagtatakang sinundan
“Tito, would you mind telling me where we are going?”Tumaas ang isang sulok ng labi ni Vic. “I sold you to a mafia boss.”Nagsalubong ang mga kilay ni Tori. “Tito?””Totoo.”“Meron bang ganun?”“Wait, till you see him. “Seryosong tiningnan ni Tori ang nagda-drive na si Vic. Mukhang hindi nga ito nagbibiro. Pero hindi naman siya naniniwala sa sinasabi nito. Padarag siyang umayos ng upo. Isinandal niya ang likod niya sa sandalan ng upuan.“Bahala ka diyan, Tito.”Bahagyang tumawa si Vic. Ganun lang pala ang kailangan niyang gawin para tumahimik si Tori. Kanina pa kasi ito tanong ng tanong kung saan sila pupunta. Nauubusan na siya ng sasabihin para lansihin ito.Sa wakas ay natanaw na ni Vic ang condominium building na inookupa ng dalaga.“Pupunta tayo sa condo ko, Tito?” “Yup! Nandiyan ‘yung mafia boss na kausap ko.”Humalukipkip si Tori at saka inirapa si Vic kahit hindi naman ito nakatingin sa kanya.“Tito Vic, umayos ka nga…”Muling tumawa si Vic, tapos ay tila may naalala ito.
“Looks like everybody is here…” komento ni Xander pagkarating sa bahay nila. Iginala ni Tori ang mga mata. Nagtatanong ang isip niya sa term na everybody ni Xander. Kung titingnan ni Tori, parang may party sa loob ng mansyon ng mga Syjuco sa dami ng nakaparadang mga sasakyan dito sa labas. Magtatanong sana siya kay Xander nang biglang lumitaw si Xia mula sa gate ng mansyon.“Friend!” sigaw nito, at saka kumaway sa direksyon ng sasakyan ni Xander, kahit hindi naman niya nakikita ang sakay sa loob.“Mukhang hindi lang ako ang excited,” narinig ni Tori na komento ni Xander kaya nilingon niya ito.Napaisip si Tori kung sino pa ang sinasabi ni Xander na excited na makita siya. Bigla niyang naisip ang Mommy nila ni Xia. Wala naman siyang alam na iba pang tao na excited na makita siya. Hindi ba nga at nagyayaya pa ang ginang na samahan niya sa pagbisita sa spa o parlor? Bumaba na si Xander mula sa sasakyan niya kaya binuksan na ni Tori ang pintuan sa tabi niya para bumaba na rin. Nagulat
“Kuya, mukhang tinatalo ka na nung isang ‘yan,” sabi naman ni Xavier, ang sumunod kay Xander, habang malapad na nakangiti at nakatingin kay Xander.“Hoy, Xavier. Gumagatong ka pa. Ikaw naman, Ash… kung ano ang ikinatahimik ng ama mo, siya namang alaskador mo,” tukoy ni Xandra doon sa matabang lalaki na inaanak niya.“Kasi naman, doon sa ina nagmana,” singit naman ng isang lalaki na mas bata ng konti kay Xandra. Nagtawanan na naman silang lahat.“Ayan… sa iyo nagmana itong inaanak mo, Kuya Yoseph! Kuhang-kuha…” “Huy, Cassandra… ang bait-bait ko, ha? Di ba, Xyrene ko?” malambing pang tawag ni Yoseph sa asawa. Muling nagtawanan ang mga naroroon.“Huy, mga Tito at Tita. Tama na po. Baka ma-culture shock itong kaibigan ko,” salo ni Xia. Masaya uling nagtawanan ang mga tao roon.“Xander, hindi mo pa kami pinapakilala sa bisita mo,” biglang sabi ng Lolo nila Xia at Xander na si Judd Madrigal, ang haligi at utak ng Madraullo Motors.Dahil sa pagkakabanggit sa pangalan niya, lahat ay tumin
Pagkatapos ng masaganang tanghalian, niyaya ni Xia si Tori sa isang kuwarto.“Dito tayo sa entertainment room. Dito ang mga girls tumatambay after ng lunch tapos ‘yung mga boys dun naman sa gaming room,” sabi ni Xia nang buksan na niya ang kuwarto.Naroroon na iyong ibang babaeng bisita.“Hi!” pagbati ng ilan kay Tori.Sinuklian ni Tori ng ngiti ang mga naroroon.“Dito ka, Tori,” tawag ng isang babae kay Tori, sabay tapik sa katabi niyang espasyo.Walang nagawa si Tori kung hindi pagbigyan ang tumawag sa kanya na sa pagkakatanda niya ay Amber ang pangalan.“Ako si Amber. Baka hindi mo kasi naalala sa dami ng ipinakilala sa ‘yo kanina over lunch.”“Ah, naalala ko naman,” nahihiyang sagot ni Tori.“Ate Tori, oh,” tawag kay Tori ng isang teenager, si Mikayla, habang may hawak na baso na may lamang inumin.Nag-atubili si Tori kung kukunin ang inumin."
Palingon-lingon si Tori sa likuran niya habang naglalakad kasunod ni Xander. Baka kasi may biglang lumabas mula sa kuwartong inalisan niya. Ayaw niyang may makakita sa kanila ni Xander ngayon. Unang-una, kaya nga siya umalis doon sa kuwarto ay dahil sa panay na tukso sa kanya kay Xander, tapos makikita pa silang magkasama ngayon? Kung hindi lang talaga gusto niyang tumakas mula sa tuksuhan, malabong pumayag siya na sumama dito. Sa wakas ay huminto na si Xander sa tapat ng isang pintuan, kaya huminto na rin doon si Tori.“Eto ‘yung…”“Gym,” pagtatapos ni Xander sa sasabihin pa ni Tori, “‘yung katabi ang kuwarto ko,” sabay turo ni Xander sa direksyon sa likuran niya habang na kay Tori ang atensyon niya.Paano ba naman, mamula-mula ang mukha ng dalaga ngayon. Hindi alam ni Xander kung dahil ba sa nilakad nila ngayon kaya ganun, pero ang gandang pagmasdan ng mamula-mulang pisngi ng dalaga. Parang ang sarap nitong kurutin at hali
Sa pangalawang pagkakataon, muling nasalo mula sa tuluyang pagbagsak ni Xander si Tori. Pero sa unang pagkakataon, solo nila ngayon ang lugar. Walang ibang tao sa paligid. Kaya kahit magtitigan sila hanggang gusto nila ay walang pipigil sa kanila.Muling naalala ng bawat isa ang nangyari noong nakaraang araw habang titig na titig sila sa mga mata ng bawat isa. Halos pareho lang, magkaiba lang ng lugar. Ang mga palad ni Tori ay nakadantay sa mga dibdib ni Xander. At ang mga kamay ni Xander ay nakahawak sa malambot na mga bewang ni Tori.Pilit nilang binabasa ang mga mata ng bawat isa. Sinasamantala na walang ibang tao sa paligid at pumutol ng kung ano mang mahika na namamagitan ngayon sa pagitan nila. Gustong iparating ni Xander kay Tori ang kagustuhan ng puso niya, habang hinahanap naman ni Tori sa mga mata ni Xander ang sinseridad niya.Para kay Xander, hanggang maaari ay hindi na sana matapos ang eksenang ito sa pagitan nila ni Tori. Napaka-k
“What’s happening here? Kanina pa namin naririnig sa ibaba ang ingay n’yo. Alam n’yo namang siesta time ng mga oldies, ang iingay n’yo,” sita ni Xandra sa mga naroroon.“Eh, Mommy kasi si Kuya Xander…” si Xia ang sumagot.“Why? Ano’ng ginawa ni Xander?” tanong uli ni Xandra.“He’s inside his room. With Tori.” Si Amber naman ang sumagot ngayon. “Oh…” napalingon si Xandra sa asawang si Jordan.Magsasalita sana si Jordan nang magsalita si Xander na nakatayo sa nakabukas pang pintuan ng gym, katabi si Tori.“And who gave you all the idea that we are inside my room?”Naglingunan ang lahat ng naroroon sa direksyon nila. Ang mga babae ay gulat na gulat, habang ang mga lalaki naman ay may pinipigilang mga ngiti sa mga labi nila.“What are you doing there?” tanong naman ni Queenie.“Well, I am showing Tori the gym room…” nilingon ni Xander si Tori, “to ask for ideas.” Pagkatapos ay muli siyang nagbaling ng tingin sa mga kausap. “Gusto ko kasi siyang ipa-renovate. I found it old fashioned a
“Yes, darling ko. You see, lahat kami sa pamilya… mula kay Lolo Judd and Lola Clover, meron kami lahat. In fact, lahat ng apat na pamilya. Meron lahat ng family members.”Hindi nakapagsalita agad si Tori. Namamangha siya sa idea ng tracking device na nakakabit sa lahat ng miyembro ng pamilya ng apat na magkakaibigan.“Actually, the idea originated from Lolo Klarence. As you know, siya ang pinakamayaman sa apat na magkakaibigan. Being the heir to their family business, sinigurado niya na kung may kikidnap man sa kanya, mahahanap din siya agad thru his tracking device. And so, nung nakidnap nga si siya, nakita nila Lolo Judd, Lolo Adam at Lolo Chad na it’s a good idea for the safety of all the family members.”Hindi pa rin nakapag-react si Tori. Iniisip niya ngayon kung ano kaya ang itsura ng tracking device sa loob ng ngipin niya. Napagkamalan naman ni Xander na labag sa loob ng dalaga ang ginawa niyang walang paalam na
Inilapag ni Xander ang dalang dalawang flower arrangement sa harap ng puntod. Inilagay niya iyon sa magkabilang gilid, pagkatapos ay tumuwid na siya ng tayo. Sandali siyang pumikit at nag-usal ng panalangin.“I hope you like the flowers,” bungad agad ni Xander pagkadilat niya ng nga mata, “iyan kasi ang sabi nung napagtanungan ko na gusto mong bulaklak,” pagkausap ni Xander sa pangalan na nakaukit sa mamahaling lapida sa harapan niya.“Sana lang, hindi nagkamali iyong taong pinagtanungan ko. Baka kasi magalit ka sa akin at multuhin mo ako kapag mali pala itong dala kong mga bulaklak para sa iyo.”Inilipat ng tingin ni Xander ang mga mata niya sa isa pang pangalan na nakaukit sa parehong lapida. Nasa ilalim ito ng unang pangalan. Tipid siyang ngumiti.“Hello, there! Nice meeting you, little one. Be an angel always. I’m sorry for what happened to you. Believe it or not… mahal kita. Nakakahinayang&hellip
Xander kissed Tori passionately.Pakiramdam ni Tori ay hindi siya makahinga sa klase ng halik na ibinibigay ng binata ngayon sa kanya. Punung-puno ng pagkasabik ang mga halik nito, halatang na-miss nga siya ng sobra ng binata. Kaya naman ginantihan niya ng ganun ding kaalab na halik ang mga halik ng binata. At marahil dahil sa epekto ng alak kaya kusang loob na ring tinutugunan ni Tori ang mga halik ni Xander. Para sa dalaga, lasing na siya sa alak, pero mas nakakalasing ang mga halik nito.Dalang-dala na si Tori sa init ng paghahalikan nila. Hindi na niya alam kung ilang beses niyang narinig ang sarili na umungol. Ang mga kamay niya ay pinaglandas niya sa matipunong mga dibdib ng binata. Pakiramdam niya, bawat paghaplos niya sa dibdib nito ay dumadagdag sa init na nararamdaman niya ngayon. Idagdag pa na pina-init na ang katawan niya ng alak na nainom niya kanina. Darang na darang na si Tori. Kung hihilingin ni Xander ang katawan niya, hindi siya magdadalawang-is
Nagising si Tori. Sa tantiya niya ay mag-uumaga na base sa naririnig niyang mga huni ng mga insekto at ibin sa labas ng bintana.Nagtaka pa siya na iba ang disenyo ng kuwartong kinaroroonan niya at wala siya sa kuwartong tinutulugan nya sa bahay nila Sonia. Saka lang unti-unting bumalik sa isip niya ang mga nangyari at kung nasaan siya ngayon.Nanlaki ang mga mata niya nang maalala niya ang huling eksena na naalala niya. Naalala niyang nalasing na siya kagabi pagkatapos nilang kumain ng early dinner. Pinilit niyang alalahanin pa ang mga nangyari pagkatapos pero tila wala nang rumerehistro sa utak niya. Mahinang napasinghap si Tori nang biglang may humapit sa katawan niya mula sa likuran. Nakatagilid kasi siya kaya hindi niya alam kung sino ba iyon. Isiniksik pa ng kung sino man ang mukha nito sa gilid ng leeg niya. BIglang kinabahan si Tori. Base sa bigat ng kamay nito na nakayakap sa tiyan niya, nahulaan ni Tori na lalaki ang nasa likur
Napapikit si Tori ng gumuhit ang mainit na likido sa lalamunan niya. Bahagya pa niyang ipinilig ang ulo niya. Kanina pa siya nage-enjoy sa pag-inom ng alak na iniabot sa kanya ni Xander. Ang sabi naman ni Xander ay konti lang ang alcohol content ng alak. “So, what can you say about the place?” tanong ni Xander.May katagalan na rin silang umiinom ng wine habang may nakahain na iba’t-ibang chips sa ibabaw ng mesa. Sabi ni Xander ay para matunaw ang ga-bundok niyang kinain. Pero alam naman ni Tori na exaggerated lang iyong bundok. Pero sa totoo, marami naman talaga siyang nakain kanina. Nagutom siya sa madamdaming pakikipag-usap sa tatlong tao kanina. Pero hindi naman siguro kasing-laki at kasing-lawak ng bundok ang nakain niya.Tumango-tango si Tori, “it’s so lovely and yet, so peaceful…”“So you like it?” follow-up question ni Xander.Uminom si Tori ng wine mula s
Ahhhh… busog na busog ako!” sabi ni Tori habang hinihimas ang maumbok niyang tiyan.Natawa naman si Xander sa inakto ng babae. Natutuwa siya na nasiyahan ito sa mga pagkaing ipinahanda niya. “Nagustuhan mo ba lahat ng pagkain?” nakangiting tanong ni Xander habang pinagmamasdan ang tila batang kilos ni Tori.“Bakit hindi ko magugustuhan? Eh, favorite ko lang naman lahat ng pinahanda mo.”Napatigil sa paghimas ng tiyan niya si Tori, at saka kunot ang noo na nagtanong sa binata. “Paano mo nalaman ang mga paborito kong pagkain?” Nagkibit ng balikat si Xander.“Ako pa ba?” may pagyayabang na sagot niya, “lahat ng tungkol sa ‘yo, inaalam ko.”Tila lumukso ang puso ni Tori sa sinabi ni Xander. Natuwa siya na ganun siya kahalaga sa binata para alamin ang lahat tungkol sa kanya. Ngayon lang uli may nagpahalaga sa kanya nang ganun. “Ako lang naman ang hindi mahalaga sa ‘yo,” sundot pa ni Xander. Pabiro siyang inirapan ni Tori, “ang drama naman nito.”“Totoo naman. If I am important to you
Nainis si Tori sa tanong ni Xander. Heto na nga at nakikipaghalikan na siya sa binata, tapos may gana pa siyang magselos kay Gener?Pero sa tanong nga ba ni Xander siya nainis, o dahil sa paghinto ni Xander sa paghalik sa kanya?Both! Sagot ng utak ni Tori.Ubod lakas na itinulak ni Tori si Xander, at saka siya mabilis na tumayo at naglakad palayo mula kay Xander. Pero mas mabilis sa kanya si Xander dahil naramdaman na lang niya ang kamay nito sa braso niya.“Where are you going?” tanong sa kanya ng binata sabay hinto ni Tori dahil pigil-pigil siya ng binata.“Anywhere away from you!” inis na sagot ni Tori.Tumaas ang isang sul
Napatanong din si Tori sa sarili kung paanong alam ni Xander ang tungkol kay Gener at sa pagbibigay nito lagi ng gatas ng kalabaw sa kanya.“But I can ask someone to buy fresh milk sa grocery. Kahit ilan pang kahon ang gusto mo,” may pagyayabang na dagdag pa ni Xander.Nahalata ni Tori ang pagseselos ng binata kay Gener sa timbre ng salita nito. Pero binalewala niya iyon. Sa halip ay tinanong niya ito.“Bakit mo alam ‘yun?”“Hah! I have my own ways, darling,” may pagka-inis na sagot ni Xander.May sayang naramdaman si Tori sa kaalamang nagseselos ang binata kay Gener. Muntik pa siyang napangiti pero agad din niyang sinupil. Ayaw niyang makita
Hindi alam ni Tori kung paano pakakalmahin ang puso niya. Mula nang pumasok si Xander sa loob ng kuwarto at masilayan niya ito ay tila may sariling isip ang puso niya at nataranta na ito nang masilayan niyang muli ang guwapong mukha ni Xander. Medyo pumayat ito nang bahagya mula nung huli niya itong makita. Ang facial hair nito ay visible rin ngayon na tila ba ilang araw na itong hindi nakapag-ahit. Ayaw na ayaw pa naman ni Tori sa lalaki ang may balbas at bigote. Pero sa sitwasyon ni Xander, hindi iyon nakapagpa-turn off sa kanya. Sa halip, sa tingin niya ay bagay dito ang ganung konting buhok sa kanyang mukha. Tila ba nakadagdag pa ito sa kanyang kaguwapuhan. Bumrusko ng konti ang dating ng binata para sa kanya. Pakiramdam nga ngayon ni Tori ay gusto na niyang tumayo at salubungin ng yakap ang binatang tila slow motion na naglalakad patungo sa kanya. Nakasuot lang ito ng simpleng muscle sando at cargo pants pero hindi iyon nakabawas sa kaguwapuhan nito. Isang buwan lang siyang nap