Hindi alam ni Tori kung gaano katagal na silang magkatitigan ni Xander. Naroroon pa rin ang daliri nito sa mukha niya. Sa pisngi na niya to be exact sa side ng pinahid ni Xander na sauce ng gravy.
But Tori must admit it, she’s enjoying the moment. At mukhang ganun din naman kasi si Xander. Simpleng pagpahid lang ng daliri habang nakatitig sa mga mata niya pero abot-abot ang kaba at kilig na nararamdaman ni Tori. Hinayaan lang ni Tori si Xander sa mabining paghaplos ng daliri nito sa pisngi niya. There’s something magical with those soft brushes of Xander’s finger to her skin. Sabayan pa ng salitan nitong pagtitig sa kanyang mga mata at sa mga labi.
“You know what, Tori? I enjoy every moment that you are by my side. I enjoy moments with you like this. Call it crazy but that’s how I feel,” halos pabulong na sabi ni Xander.
Bumuka ang mga labi ni Tori. Gusto niyang isagot kay Xander na ganun din ang nararamdaman niya. Pero biglang nagbago an
[“Hey Tori, I'm on my way now.”]“Pwede bang hindi na ako pumunta?”[“Ha? Bakit naman?”]“Nakakahiya kasi. Hindi naman ako kasali sa circle ng mga pamilya n'yo.”[‘Hey! You have been invited by Tito Zyrus. And one more thing, they all agreed that you can come and join every Saturdays.”]“Tsk! Nahihiya talaga ako,sa totoo lang.”[“Ano'ng nakakahiya dun? And besides, it would be a great opportunity to be close with the Fantastic Four. Isipin mo na lang iyong mga referrals na makukuha mo from them sa interior design projects mo.”]Sandaling natigilan si To
Namilog ang mga mata ni Clover pagkakita sa reaksyon ni Tori.“Oh my! Don't tell me na hindi pa nanliligaw sa iyo ang apo ko?”Tipid na ngumiti si Tori. Hindi niya alam kung ano ba ang sasabihin sa ginang.“Ahm? We are treating each other professionally. Iyon lang po ang namamagitan sa amin ng apo n'yo. He's just being friendly with me since I am Xia's friend.”Saka naman biglang pumasok sa isip ni Tori ang mga eksena nila ni Xander na halos mapunta na sa paghahalikan. Professionally ba talaga, Tori?Nagsalin ng kape si Clover sa dalawang tasa na kinuha niya mula sa cupboard, pagkatapos ay hinarap si Tori at saka nakangiting umiling-ilin
Sa araw na ito ay napagkasunduan nilang dalawa na dumalo sa isang charity event na magbebenepisyo ang mga sanggol na inabandona ng kanilang mga ina. Isang sabi lang sa kanya ni Xia ay pumayag na agad siya. There is a soft spot in her heart when it comes to infants. Idagdag pa na mga Filipino rin ang nag-organisa ng event.Hanga siya kay Xia. Mas bata ito sa kanya ng dalawang taon pero napaka-independent nito. Mag-isa lang siyang namumuhay sa Canada malayo sa pamilya. Mas gusto niya raw ang ganun. Malayo sa apat na mga kuya niya na sobrang protective sa kanya. Naiintindihan naman ni Xia kung bakit ganun ang apat na kapatid, pati na rin ang mga magulang. Nag-iisang babae kasi siya at bunso pa.Kakaiba man kung iisipin, pero may naramdamang inggit si Tori kay Xia sa puntong iyon. Parang dalawang tao lang kasi ang nagpakita at nagbigay ng pagpapahalaga sa kanya. Ang ina niya na maagang binawian ng buhay at ang yaya niya na pinaalis ng ama ng mak
“So, that's why nung nakita ko kayo sa Madraullo Motors na nagbabangayan, sinasabi ni Kuya na pang-three times nang nangyari sa inyo iyong ganung eksena?” hindi makapaniwalang tanong ni Xia.Ikatlong pagdalo na ni Tori ngayon sa Saturday bonding ng grupo ng Lolo ni Xander. Ngayon naman ay sa bahay nila Adam at Hannah Zuniga sila nagkita-kita at nagsama-sama.“Yup!” / "Yes.” Sabay na sagot nila Xander at Tori. “Wow!” komento naman ni Queenie.Nabanggit kasi ni Xia sa gitna ng kuwentuhan na sayang at hindi nagkakilala sila Tori at Xander sa Canada nung graduation niya sa Interior Design School.“So, you two are really destined to meet,” komento ng Lola ni Xander, si Clover.“Baka coincidence lang po talaga siguro,” sagot ni Tori.“Yeah, I agree with Clover. It’s fate,” komento naman ni Hannah.“It’s destiny,” sagot naman ni Klarence Montenegro, sabay akbay sa katabin
Pang-apat na pagdalo na ni Tori sa Saturday bonding ng apat na sikat na negosyante ng San Clemente. Mahirap man aminin, pero nagiging komportable at kampante na si Tori na kasama ang apat na pamilya. Pakiramdam ni Tori ay nakahanap siya bigla ng pamilya sa pamamagitan nila, bukod pa sa pamilya nila Vic at ng pamangkin na si Julie.Tapos ng magtanghalian ang lahat kaya kani-kaniyang puwesto na ang lahat. Iyong iba ay natutulog lalo na ang mga may-edad na. Ang mga kabataan ay busy sa mga gadgets nila. Ang ilang kalalakihan ay naglalaro naman ng billiards. Ang mga kadalagahan naman ay magkaka-umpukan at nagkukuwentuhan. Habang si Tori ay busy sa tablet niya sa pagdidisenyo ng susunod na project niya na coffee corner sa kabilang branch ng kumpanya nila Xander. Ang alaga naman niyang si Mocha ay nakahiga at mukhang tulog na rin sa may paanan niya.Bahagya pang nagulat si Tori nang tumabi sa kanya sa sofa si Xander. Sinilip nito ang ginagawa niya.&l
Nang narinig ni Tori ang ugong ng pamilyar na sasakyan ay agad siyang tumayo at nagpunta sa dining room ng bahay. Inayos niya ang mga pagkaing inorder niya mula sa isang sikat na restaurant. Timing lang din ang pag-init niya ng mga pagkain. Wala ang tatlong katulong ngayon dahil pinag-day off niya lahat. Gusto niyang masolo ang lalaki ngayong gabi.Inilabas na rin ni Tori ang bote ng alak mula sa chiller ref. Dala-dala ang bote, pumasok siya sa kitchen room para kumuha ng mga yelo mula sa ice maker machine nila. Inilagay niya ang mga yelo sa isang stainless bucket at saka inilubog doon ang wine. Dinala niya iyon sa mesa kung saan nakahain ang mga pagkain at inilagay sa sentro ng mesa. Pagkatapos ay nagmamadaling sinindihan niya ang may disenyong kulay pink na dalawang kandila. Inayos na rin niya ang mga petals ng roses na ikinalat niya sa ibabaw ng mesa. Sabi sa nabasa niya sa internet a
Sinunod naman ni Tori ang sinabi ng lalaki.Sa totoo lang ay kanina pa siya nagugutom, pero dahil mag-isa lang siya sa pagre-ready ng dinner set-up nila ngayon ay hindi niya nakuhang magmeryenda o magkape man lang kanina.Nang natapos na sila sa pagkain, nakiramdam si Tori. Kahit napag-planuhan na niya ito, hindi pa rin niya alam kung paano isisingit ang gusto niyang sabihin sa lalaki.“Ahm… w-wine pa?” tanong ni Tori nang wala na siyang maisip sabihin o itanong pa sa lalaki.“Yeah… but I want to take a shower first.”“Ah, sige. Umakyat ka na sa kuwarto mo. Ihahatid ko na lang dun,” sagot ni Tori.
Nakarinig si Tori ng mahihinang katok sa pintuan.“Tita Tori?”Boses iyon ni Malia, ang panganay na anak nila Julie at Danny.“Malia? Bakit?” malakas na sagot ni Tori.“Baka raw po gusto mong sumabay sa amin sa breakfast ngayon? Nandun na po sila.”Tiningnan ni Tori ang orasan sa dingding ng kuwartong inookupa niya. Alas-siyete na ng umaga. Tamang-tama lang ang gising niya.“Sige, Malia. Susunod na ako.”“Okay.”Pagkatapos nun ay tumahimik na sa labas. Mukhang umalis na si Malia. Saka naman bumangon na si To
“Yes, darling ko. You see, lahat kami sa pamilya… mula kay Lolo Judd and Lola Clover, meron kami lahat. In fact, lahat ng apat na pamilya. Meron lahat ng family members.”Hindi nakapagsalita agad si Tori. Namamangha siya sa idea ng tracking device na nakakabit sa lahat ng miyembro ng pamilya ng apat na magkakaibigan.“Actually, the idea originated from Lolo Klarence. As you know, siya ang pinakamayaman sa apat na magkakaibigan. Being the heir to their family business, sinigurado niya na kung may kikidnap man sa kanya, mahahanap din siya agad thru his tracking device. And so, nung nakidnap nga si siya, nakita nila Lolo Judd, Lolo Adam at Lolo Chad na it’s a good idea for the safety of all the family members.”Hindi pa rin nakapag-react si Tori. Iniisip niya ngayon kung ano kaya ang itsura ng tracking device sa loob ng ngipin niya. Napagkamalan naman ni Xander na labag sa loob ng dalaga ang ginawa niyang walang paalam na
Inilapag ni Xander ang dalang dalawang flower arrangement sa harap ng puntod. Inilagay niya iyon sa magkabilang gilid, pagkatapos ay tumuwid na siya ng tayo. Sandali siyang pumikit at nag-usal ng panalangin.“I hope you like the flowers,” bungad agad ni Xander pagkadilat niya ng nga mata, “iyan kasi ang sabi nung napagtanungan ko na gusto mong bulaklak,” pagkausap ni Xander sa pangalan na nakaukit sa mamahaling lapida sa harapan niya.“Sana lang, hindi nagkamali iyong taong pinagtanungan ko. Baka kasi magalit ka sa akin at multuhin mo ako kapag mali pala itong dala kong mga bulaklak para sa iyo.”Inilipat ng tingin ni Xander ang mga mata niya sa isa pang pangalan na nakaukit sa parehong lapida. Nasa ilalim ito ng unang pangalan. Tipid siyang ngumiti.“Hello, there! Nice meeting you, little one. Be an angel always. I’m sorry for what happened to you. Believe it or not… mahal kita. Nakakahinayang&hellip
Xander kissed Tori passionately.Pakiramdam ni Tori ay hindi siya makahinga sa klase ng halik na ibinibigay ng binata ngayon sa kanya. Punung-puno ng pagkasabik ang mga halik nito, halatang na-miss nga siya ng sobra ng binata. Kaya naman ginantihan niya ng ganun ding kaalab na halik ang mga halik ng binata. At marahil dahil sa epekto ng alak kaya kusang loob na ring tinutugunan ni Tori ang mga halik ni Xander. Para sa dalaga, lasing na siya sa alak, pero mas nakakalasing ang mga halik nito.Dalang-dala na si Tori sa init ng paghahalikan nila. Hindi na niya alam kung ilang beses niyang narinig ang sarili na umungol. Ang mga kamay niya ay pinaglandas niya sa matipunong mga dibdib ng binata. Pakiramdam niya, bawat paghaplos niya sa dibdib nito ay dumadagdag sa init na nararamdaman niya ngayon. Idagdag pa na pina-init na ang katawan niya ng alak na nainom niya kanina. Darang na darang na si Tori. Kung hihilingin ni Xander ang katawan niya, hindi siya magdadalawang-is
Nagising si Tori. Sa tantiya niya ay mag-uumaga na base sa naririnig niyang mga huni ng mga insekto at ibin sa labas ng bintana.Nagtaka pa siya na iba ang disenyo ng kuwartong kinaroroonan niya at wala siya sa kuwartong tinutulugan nya sa bahay nila Sonia. Saka lang unti-unting bumalik sa isip niya ang mga nangyari at kung nasaan siya ngayon.Nanlaki ang mga mata niya nang maalala niya ang huling eksena na naalala niya. Naalala niyang nalasing na siya kagabi pagkatapos nilang kumain ng early dinner. Pinilit niyang alalahanin pa ang mga nangyari pagkatapos pero tila wala nang rumerehistro sa utak niya. Mahinang napasinghap si Tori nang biglang may humapit sa katawan niya mula sa likuran. Nakatagilid kasi siya kaya hindi niya alam kung sino ba iyon. Isiniksik pa ng kung sino man ang mukha nito sa gilid ng leeg niya. BIglang kinabahan si Tori. Base sa bigat ng kamay nito na nakayakap sa tiyan niya, nahulaan ni Tori na lalaki ang nasa likur
Napapikit si Tori ng gumuhit ang mainit na likido sa lalamunan niya. Bahagya pa niyang ipinilig ang ulo niya. Kanina pa siya nage-enjoy sa pag-inom ng alak na iniabot sa kanya ni Xander. Ang sabi naman ni Xander ay konti lang ang alcohol content ng alak. “So, what can you say about the place?” tanong ni Xander.May katagalan na rin silang umiinom ng wine habang may nakahain na iba’t-ibang chips sa ibabaw ng mesa. Sabi ni Xander ay para matunaw ang ga-bundok niyang kinain. Pero alam naman ni Tori na exaggerated lang iyong bundok. Pero sa totoo, marami naman talaga siyang nakain kanina. Nagutom siya sa madamdaming pakikipag-usap sa tatlong tao kanina. Pero hindi naman siguro kasing-laki at kasing-lawak ng bundok ang nakain niya.Tumango-tango si Tori, “it’s so lovely and yet, so peaceful…”“So you like it?” follow-up question ni Xander.Uminom si Tori ng wine mula s
Ahhhh… busog na busog ako!” sabi ni Tori habang hinihimas ang maumbok niyang tiyan.Natawa naman si Xander sa inakto ng babae. Natutuwa siya na nasiyahan ito sa mga pagkaing ipinahanda niya. “Nagustuhan mo ba lahat ng pagkain?” nakangiting tanong ni Xander habang pinagmamasdan ang tila batang kilos ni Tori.“Bakit hindi ko magugustuhan? Eh, favorite ko lang naman lahat ng pinahanda mo.”Napatigil sa paghimas ng tiyan niya si Tori, at saka kunot ang noo na nagtanong sa binata. “Paano mo nalaman ang mga paborito kong pagkain?” Nagkibit ng balikat si Xander.“Ako pa ba?” may pagyayabang na sagot niya, “lahat ng tungkol sa ‘yo, inaalam ko.”Tila lumukso ang puso ni Tori sa sinabi ni Xander. Natuwa siya na ganun siya kahalaga sa binata para alamin ang lahat tungkol sa kanya. Ngayon lang uli may nagpahalaga sa kanya nang ganun. “Ako lang naman ang hindi mahalaga sa ‘yo,” sundot pa ni Xander. Pabiro siyang inirapan ni Tori, “ang drama naman nito.”“Totoo naman. If I am important to you
Nainis si Tori sa tanong ni Xander. Heto na nga at nakikipaghalikan na siya sa binata, tapos may gana pa siyang magselos kay Gener?Pero sa tanong nga ba ni Xander siya nainis, o dahil sa paghinto ni Xander sa paghalik sa kanya?Both! Sagot ng utak ni Tori.Ubod lakas na itinulak ni Tori si Xander, at saka siya mabilis na tumayo at naglakad palayo mula kay Xander. Pero mas mabilis sa kanya si Xander dahil naramdaman na lang niya ang kamay nito sa braso niya.“Where are you going?” tanong sa kanya ng binata sabay hinto ni Tori dahil pigil-pigil siya ng binata.“Anywhere away from you!” inis na sagot ni Tori.Tumaas ang isang sul
Napatanong din si Tori sa sarili kung paanong alam ni Xander ang tungkol kay Gener at sa pagbibigay nito lagi ng gatas ng kalabaw sa kanya.“But I can ask someone to buy fresh milk sa grocery. Kahit ilan pang kahon ang gusto mo,” may pagyayabang na dagdag pa ni Xander.Nahalata ni Tori ang pagseselos ng binata kay Gener sa timbre ng salita nito. Pero binalewala niya iyon. Sa halip ay tinanong niya ito.“Bakit mo alam ‘yun?”“Hah! I have my own ways, darling,” may pagka-inis na sagot ni Xander.May sayang naramdaman si Tori sa kaalamang nagseselos ang binata kay Gener. Muntik pa siyang napangiti pero agad din niyang sinupil. Ayaw niyang makita
Hindi alam ni Tori kung paano pakakalmahin ang puso niya. Mula nang pumasok si Xander sa loob ng kuwarto at masilayan niya ito ay tila may sariling isip ang puso niya at nataranta na ito nang masilayan niyang muli ang guwapong mukha ni Xander. Medyo pumayat ito nang bahagya mula nung huli niya itong makita. Ang facial hair nito ay visible rin ngayon na tila ba ilang araw na itong hindi nakapag-ahit. Ayaw na ayaw pa naman ni Tori sa lalaki ang may balbas at bigote. Pero sa sitwasyon ni Xander, hindi iyon nakapagpa-turn off sa kanya. Sa halip, sa tingin niya ay bagay dito ang ganung konting buhok sa kanyang mukha. Tila ba nakadagdag pa ito sa kanyang kaguwapuhan. Bumrusko ng konti ang dating ng binata para sa kanya. Pakiramdam nga ngayon ni Tori ay gusto na niyang tumayo at salubungin ng yakap ang binatang tila slow motion na naglalakad patungo sa kanya. Nakasuot lang ito ng simpleng muscle sando at cargo pants pero hindi iyon nakabawas sa kaguwapuhan nito. Isang buwan lang siyang nap