Sinunod naman ni Tori ang sinabi ng lalaki.
Sa totoo lang ay kanina pa siya nagugutom, pero dahil mag-isa lang siya sa pagre-ready ng dinner set-up nila ngayon ay hindi niya nakuhang magmeryenda o magkape man lang kanina.
Nang natapos na sila sa pagkain, nakiramdam si Tori. Kahit napag-planuhan na niya ito, hindi pa rin niya alam kung paano isisingit ang gusto niyang sabihin sa lalaki.
“Ahm… w-wine pa?” tanong ni Tori nang wala na siyang maisip sabihin o itanong pa sa lalaki.
“Yeah… but I want to take a shower first.”
“Ah, sige. Umakyat ka na sa kuwarto mo. Ihahatid ko na lang dun,” sagot ni Tori.
Nakarinig si Tori ng mahihinang katok sa pintuan.“Tita Tori?”Boses iyon ni Malia, ang panganay na anak nila Julie at Danny.“Malia? Bakit?” malakas na sagot ni Tori.“Baka raw po gusto mong sumabay sa amin sa breakfast ngayon? Nandun na po sila.”Tiningnan ni Tori ang orasan sa dingding ng kuwartong inookupa niya. Alas-siyete na ng umaga. Tamang-tama lang ang gising niya.“Sige, Malia. Susunod na ako.”“Okay.”Pagkatapos nun ay tumahimik na sa labas. Mukhang umalis na si Malia. Saka naman bumangon na si To
Pagkatapos ng agahan, nagsimba ang mag-anak at si Vic. Walang choice si Tori kung hindi ang sumama sa kanila. Ayaw nga niya kasing mapag-isa muna. Kagabi, bago siya nakatulog, ang mukha ni Xander ang nasa isip niya. Kahit i-set niya sa isip niya ang mukha ng ibang tao, bumabalik pa rin sa imahe ni Xander ang isip niya. Kung nasa kuwarto nga lang niya si Mocha, baka bumangon siya at kinausap na ang alaga. Pero ipinagpaalam kasi ni Malia na sa kuwarto niya muna matulog si Mocha. Hindi na nga rin alam ni Tori kung anong oras na ba siya nakatulog.Habang nagmimisa, panay-panay ang pasimpleng tingin ni Tori sa paligid. Iniisip niya na baka nasa paligid din si Xander dahil niyaya nga siya ng lalaki kahapon na magsimba. Hindi lang alam ni Tori kung dito rin ba sana siya dadalhin ni Xander kung sakali, o baka sa ibang simbahan dito sa San Clemente.
Nagririgodon ang tibok ng puso ni Tori habang nakatayo siya sa tabi ni Vic at pinapanood ang pagparada ni Xander ng sasakyan niya.“Uy… may bisita si Ate Tori…” mahinang panunukso ni Malia sa likod ni Tori.“Chinese ba ‘yan, Ate? Tanghaling tapat kung manligaw, eh,” komento naman ni Nhiel.“Hindi pa naman tanghali. Magluluto pa nga lang si Mama ng ulam natin,” sagot naman ni Malia.“Kahit na, maaga pa rin para manligaw. Dapat sa gabi ang ligaw,” sagot naman ni Nhiel.“Oy. Kayong dalawa,” sabi sa kanila ni Vic, “puro ligaw ang pinag-uusapan. Bawal pa kayo rito. Tulungan n’yo ang Papa n’yo na magpasok ng mga pinam
Lumipad ang tingin ni Tori kay Vic habang maang itong nakatingin sa kanya. Si Xander naman ay pasimpleng nagbuga ng hangin sabay dukot ng panyo mula sa pantalon ng bulsa niya. Pinunasan ni Xander ang pawis sa noo at mukha niya. Samantalang si Danny ay palihim na napapangiti habang sinisinop ang mga natitira pang pinamili sa loob ng sasakyan.“Okay, Tito,” kalmadong sagot naman ni Julie at saka nagmartsa na sa loob ng bahay.“Tawagin n’yo na lang ako kapag kakain na,” sabi ni Vic at saka naglakad papunta sa direksyon ng bahay niya habang sinusundan siya ng tingin nila Tori at Xander.Sabay ding lumipad ang tingin nila nang may kalakasang isinara ni Danny ang likod na pinto ng sasakyan.“Pano? Maiwan ko na kayo ri
Mabilis na hiniwa ni Julie ang mga okra na sahog niya sa niluluto. May pagmamadali sa kilos niya dahil may bisita si Tori ngayon at gusto niyang nasa oras ang pagkain nila.Pero napalingon siya ng may pumasok sa kusina. Mabilis niyang nilingon kung sino iyon. Nakita niya si Tori na tahimik na naglalakad at saka naupo sa isang high stool sa tapat ng kitchen counter. “Oh, Tori? Nasaan ang bisita mo?” Pero hindi sumagot si Tori. Tahimik lang itong dumampot ng tangkay ng kangkong at saka pinutol-putol ito. Sakto namang kasunod na pumasok ang anak ni Julie na si Malia, at bitbit pa rin ang tray na may dalawang baso ng juice.Nang makita ni Julie ang dala ni Malia, lubos siy
Agad naman na tinabihan ni Vic si Tori at saka masuyong inakbayan. Agad namang inihinto ni Tori ang ginagawa at saka ipinatong ang ulo sa balikat ni Vic. Hinayaan lang siya ni Vic. Hindi niya kinulit na tanungin si Tori. Hanggang sa mayamaya ay naramdaman niya ang pagyugyog ng mga balikat nito, na ibig sabihin ay umiiyak na ang dalaga.Hindi pa rin niya ito inusisa. HInayaan lang niya ito na mailabas ang sama ng loob niya.“Daddy Vic… I have no choice. I have to drive Xander away. He wants to court me. Pero hindi pwede.” Mayamaya ay sabi ni Tori sa pagitan ng mga paghikbi.“But why?” tanong ni Vic, at saka pinilit itinaas ang mukha ni Tori.Umiling-iling si Tori nang magtagpo ang mga mata nila ni Vic.“He doesn’t deserv
“Tori, hindi ka pinaginising ni Tito para raw makapagpahinga ka,” sabi ni Julie ng bumungad si Tori sa kusina.“Okay lang, Ate Juls. Sarap nga ng tulog ko,” sagot ni Tori.“Bibiyahe ka na ba ngayon? Pwede kitang ipagbaon na lang ng dinner mo. Pati na ng almusal mo para bukas,” alok ni Julie. “No, dito ako magdi-dinner. Gusto kong may kasabay kumain.” Umirap si Julie kay Tori.“Sumasabay ka nga, di ka naman nagsasalita.”Bah
Tiningnan ni Tori ang telepono niya. Wala namang mensahe o tawag si Xander doon,“Baka naman sa kapitbahay na bisita iyan at hindi naman dito,” sabi ni Tori sabay lingon sa kasambahay.“Eh… Tori po ang hinahanap. Wala naman akong alam na Tori ang pangalan sa magkabilang kapitbahay natin,” pangangatwiran ng katulong.“Labasin mo na, Tori,” utos ni Vic, “para matapos na ang panghuhula natin.”Sa puntong ito, abot-abot na ang kaba ni Tori. Hindi niya alam kung paano pakikiharapan ang pamilya ni Xander kung sakaling pamilya nga ni Xander ang nasa labas. Pakiramdam niya ay tatalon na palabas ang puso niya.Napilitang tumayo si Tori at kinakabahang naglakad pa
“Kuya.”Sa halip na lingunin ni Xander ang bagong dating, tinungga niya ang alak na nasa basong hawak niya. Hindi pa rin siya lumingon dito kahit na naupo na ito sa tabi niya. Nasa mini bar si Xander sa loob ng kuwarto niya. Ganito na ang naging routine niya sa halos isang linggong pagkawala ni Tori. Gigising sa umaga, maliligo at papasok sa opisina. Pagkarating naman niya sa hapon, maliligo at saka dederecho na sa mini bar niya para lunurin ang sarili sa alak. Minsan ay sumasabay siya sa hapunan ng pamilya, minsan naman ay hindi. Katulad ngayon, kaya siguro nandito si Xavier ay para yayain siyang kumain. Ito siguro ang nautusan ng ina na tumawag sa kanya.“Huy, Kuya!” pag-uulit ni Xavier, at saka lang siya nilingon saglit ni Xander pero ibinalik din ang tingin sa alak na nasa harapan niya na para bang may tinitingnan siyang imahe doon.&
“Everyone, let’s have first a fifteen-minute break before we go through the rest of the reports. We have prepared a snack for everybody at the back. You may get your snack there,” anunsiyo ng HR Manager ng Araullo branch ng Madraullo Motors.Nandito ngayon si Xander dahil hindi nga nakapasok si Xavier ngayong araw. Hindi niya alam kung nagkukunwari lang ba na masama ang timpla ngayon ng kapatid o totoo. Paano naman kahapon nang umuwi ito mula sa pagdalaw kay Tori ay mukhang okay naman ito. Pero ilang oras lang na nakauwi ito sa bahay nila ay tumawag na agad sa kanya at sinabing siya na muna ang bahala ngayon sa kumpanya. Mabuti na lang at maigi na ang lagay ni Tori at may makakasama ito sa hospital, si Sonia.Napasulyap si Xander sa telepono niyang nasa ibabaw ng mesa nang mag-vibrate ito. Kapag ganitong nasa
Bahagyang nagitla si Tori nang narinig ang boses ni Sonia. Napakurap-kurap pa siya. Tiningnan niya si Sonia na manghang nakatingin sa kanya.“Bakit?” nagtatatakang tanong ni Tori.“Nakatulala ka na naman diyan, Mam.”Bahagyang ipinilig ni Tori ang ulo niya. Hindi siya aware na lumilipad na naman ang isip niya. Mukha namang hindi siya niloloko ni Sonia.Dinampot ni Tori ang tasa ng batirol na ginawa ni Sonia. Dahan-dahan siyang humigop mula sa tasa, para lang magulat na hindi na iyon ganun kainit. Mabilis na ibinaba ni Tori ang tasa sa ibabaw ng mesa.“Malamig na, ah,” napalakas niyang komento, pero hindi naman niya sinisisi si Sonia.
Bumangon si Tori. Naamoy niya ang mabangong amoy ng bawang. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng gutom. Naisip niyang marahil ay nagluluto na si Sonia sa kusina ng bahay.Narinig niya ang huni ng mga ibon at mga kuliglig sa labas. Kung noong una ay hindi siya sanay at naiingayan siya sa mga pang-umagang ingay ng mga hayop at insekto sa paligid, ngayon ay naa-appreciate na niya ang mga bagay na iyon sa halos mag-isang linggo niyang pamamalagi rito sa bahay nila Sonia sa probinsiya.Dinampot ni Tori ang tuwalya bago siya lumabas ng kuwarto niya. Dadaan muna siya sa nag-iisang banyo ng bahay bago tumuloy ng kusina. Maghihilamos at papasadahan muna niya ng sipilyo ang bibig niya. Mabilis lang ang ginawa niyang paghihilamos at pagsisipilyo. Pakiramdam niya ay lalo siyang nakakaramdam ng gutom
Masaya ang lahat habang kumakain. Panay ang tuksuhan at asaran ng magkakapatid na Syjuco. Ang maganda lang sa kanila ay walang napipikon sa mga pang-aasar nila. Tahimik lang na nakikinig at nanonood si Tori sa kanila. Sa isip niya, inisip niya na baka ito na ang huling sandali na makikita niya ang ganitong kaguluhan ng pamilyang ito. Hanggang sa magkasundo ang pamilya Syjuco na umuwi na.“Uuwi na kami para makapagpahinga ka na,” sabi ni Xandra sa dalaga.“Kayo rin po. Pihadong may mga jet lag pa po kayo,” sagot naman ni Tori.“Medyo nga. Oh, sige. Babalik na lang uli ako. Ipagluluto kita.”“Tita, huwag na nga po. Okay lang…”“Oh, no. Basta. Ipagluluto kita.&rd
“Hi, Tori!” Napatingin si Tori sa direksyon ng pintuan, pati na sina Xander at Sonia. Malapad ang ngiti ni Xandra Syjuco nang pumasok mula roon. Kasunod niya sa likod ang asawang si Jordan.“Hi, friend!” masayang bati naman ni Xia.“It should be sis-in-law, di ba?” tanong naman ni Xavier na kasunod na naglalakad ni Xia at may dalang basket na may mga lamang fresh na sunfllower na mga bulaklak.“Eh, di friend sis-in-law na lang. Oh, satisfied ka na, Kuya?” sagot naman sa kanya ni Xia.Inakbayan naman ni Xavier si Xia at saka hinila ito palapit sa kanya.“Flowe
“Darling ko, okay lang naman akong magbantay sa ‘yo. Inabala mo pa itong si Sonia,” sabi ni Xander habang sinusubuan si Tori ng pagkain.“Hindi ako makapaglinis mabuti ng katawan ko dahil sa nakakabit na IV sa isang kamay ko.”“Oh? Bakit hindi mo sinasabi sa akin?”“At ano? Ikaw ang sasama sa akin sa loob ng CR?” nakataas ang isang kilay na balik-tanong ni Tori kay Xander.Tumawa lang si Xander sa reaksyon ni Tori.“Eto talagang darling ko... di bale, makikita ko rin naman ‘yan. Soon…”Inirapan ni Tori si Xander, pero sige pa rin ng tawa ng lalaki.
Mabilis na hinalikan ni Xander si Tori sa pisngi kaya nahinto siya sa pagsisintimyento.“Bibili muna ako ng maiinom nila Tito. Kayo muna ang mag-usap, catch up,” nagbaling ng tingin si Xander kay Vic, “Tito, hot coffee?”“Yes, please. No sugar.”“Any specific blend or type of coffee? Any recipe?”“Anything basta no sugar.”“Got it,” nilingon ni Xander si Julie at Danilo, “how about you, ‘Te Julie? Kuya Danny? Your kids?”“Hot coffee rin ako. Bagay ‘yun sa egg pie na dala namin,” sagot ni Julie at saka binalingan ang dalawang anak, “mga anak, how about you?”
Tila naman napipilan si Tori. Hindi niya alam ang isasagot. Nag-assume nga lang ba siya?“Tatanungin lang kita… since pupunta sila Tito Vic today, gusto mo bang mag-sponge bath? Bubuhatin ba kita para dalhin sa CR? O magdadala na lang ako dito ng tubig sa palanggana?”Namilog ang mga mata ni Tori.“Dadating si Daddy Vic?”Bahagyang natigilan si Xander, nawala ang pilyong ngiti sa mga labi niya.“Bakit? Ayaw mo ba? Nandito rin sila nung unconscious ka pa,” nag-aalalang sagot ni Xander sa dalaga, iniisip niya na baka ayaw makausap ng dalaga si Vic.Umiling si Tori.&ldquo