All Chapters of Love and Coffee Spills (SYJUCO SIBLINGS Series #1: XANDER): Chapter 61 - Chapter 70

107 Chapters

CHAPTER 61 - ANNIVERSARY PART 1

Nang narinig ni Tori ang ugong ng pamilyar na sasakyan ay agad siyang tumayo at nagpunta sa dining room ng bahay. Inayos niya ang mga pagkaing inorder niya mula sa isang sikat na restaurant. Timing lang din ang pag-init niya ng mga pagkain. Wala ang tatlong katulong ngayon dahil pinag-day off niya lahat. Gusto niyang masolo ang lalaki ngayong gabi. Inilabas na rin ni Tori ang bote ng alak mula sa chiller ref. Dala-dala ang bote, pumasok siya sa kitchen room para kumuha ng mga yelo mula sa ice maker machine nila. Inilagay niya ang mga yelo sa isang stainless bucket at saka inilubog doon ang wine. Dinala niya iyon sa mesa kung saan nakahain ang mga pagkain at inilagay sa sentro ng mesa. Pagkatapos ay nagmamadaling sinindihan niya ang may disenyong kulay pink na dalawang kandila. Inayos na rin niya ang mga petals ng roses na ikinalat niya sa ibabaw ng mesa. Sabi sa nabasa niya sa internet a
last updateLast Updated : 2024-12-05
Read more

CHAPTER 62 - ANNIVERSARY PART 2

Sinunod naman ni Tori ang sinabi ng lalaki. Sa totoo lang ay kanina pa siya nagugutom, pero dahil mag-isa lang siya sa pagre-ready ng dinner set-up nila ngayon ay hindi niya nakuhang magmeryenda o magkape man lang kanina.Nang natapos na sila sa pagkain, nakiramdam si Tori. Kahit napag-planuhan na niya ito, hindi pa rin niya alam kung paano isisingit ang gusto niyang sabihin sa lalaki. “Ahm… w-wine pa?” tanong ni Tori nang wala na siyang maisip sabihin o itanong pa sa lalaki.“Yeah… but I want to take a shower first.”“Ah, sige. Umakyat ka na sa kuwarto mo. Ihahatid ko na lang dun,” sagot ni Tori. 
last updateLast Updated : 2024-12-05
Read more

CHAPTER 63 - BREAK UP

Nakarinig si Tori ng mahihinang katok sa pintuan. “Tita Tori?”Boses iyon ni Malia, ang panganay na anak nila Julie at Danny.“Malia? Bakit?” malakas na sagot ni Tori.“Baka raw po gusto mong sumabay sa amin sa breakfast ngayon? Nandun na po sila.” Tiningnan ni Tori ang orasan sa dingding ng kuwartong inookupa niya. Alas-siyete na ng umaga. Tamang-tama lang ang gising niya.  “Sige, Malia. Susunod na ako.”“Okay.”Pagkatapos nun ay tumahimik na sa labas. Mukhang umalis na si Malia. Saka naman bumangon na si To
last updateLast Updated : 2024-12-05
Read more

CHAPTER 64 - SASAKYAN NI XANDER

 Pagkatapos ng agahan, nagsimba ang mag-anak at si Vic. Walang choice si Tori kung hindi ang sumama sa kanila. Ayaw nga niya kasing mapag-isa muna. Kagabi, bago siya nakatulog, ang mukha ni Xander ang nasa isip niya. Kahit i-set niya sa isip niya ang mukha ng ibang tao, bumabalik pa rin sa imahe ni Xander ang isip niya. Kung nasa kuwarto nga lang niya si Mocha, baka bumangon siya at kinausap na ang alaga. Pero ipinagpaalam kasi ni Malia na sa kuwarto niya muna matulog si Mocha. Hindi na nga rin alam ni Tori kung anong oras na ba siya nakatulog. Habang nagmimisa, panay-panay ang pasimpleng tingin ni Tori sa paligid. Iniisip niya na baka nasa paligid din si Xander dahil niyaya nga siya ng lalaki kahapon na magsimba. Hindi lang alam ni Tori kung dito rin ba sana siya dadalhin ni Xander kung sakali, o baka sa ibang simbahan dito sa San Clemente. 
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

CHAPTER 65 - BISITA NI TORI

Nagririgodon ang tibok ng puso ni Tori habang nakatayo siya sa tabi ni Vic at pinapanood ang pagparada ni Xander ng sasakyan niya. “Uy… may bisita si Ate Tori…” mahinang panunukso ni Malia sa likod ni Tori.“Chinese ba ‘yan, Ate? Tanghaling tapat kung manligaw, eh,” komento naman ni Nhiel. “Hindi pa naman tanghali. Magluluto pa nga lang si Mama ng ulam natin,” sagot naman ni Malia.“Kahit na, maaga pa rin para manligaw. Dapat sa gabi ang ligaw,” sagot naman ni Nhiel.“Oy. Kayong dalawa,” sabi sa kanila ni Vic, “puro ligaw ang pinag-uusapan.  Bawal pa kayo rito. Tulungan n’yo ang Papa n’yo na magpasok ng mga pinam
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

CHAPTER 66 - UMUWI KA NA

Lumipad ang tingin ni Tori kay Vic habang maang itong nakatingin sa kanya. Si Xander naman ay pasimpleng nagbuga ng hangin sabay dukot ng panyo mula sa pantalon ng bulsa niya. Pinunasan ni Xander ang pawis sa noo at mukha niya. Samantalang si Danny ay palihim na napapangiti habang sinisinop ang mga natitira pang pinamili sa loob ng sasakyan. “Okay, Tito,” kalmadong sagot naman ni Julie at saka nagmartsa na sa loob ng bahay. “Tawagin n’yo na lang ako kapag kakain na,” sabi ni Vic at saka naglakad papunta sa direksyon ng bahay niya habang sinusundan siya ng tingin nila Tori at Xander. Sabay ding lumipad ang tingin nila nang may kalakasang isinara ni Danny ang likod na pinto ng sasakyan. “Pano? Maiwan ko na kayo ri
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

CHAPTER 67 - BAKIT UMALIS ANG BISITA?

Mabilis na hiniwa ni Julie ang mga okra na sahog niya sa niluluto. May pagmamadali sa kilos niya dahil may bisita si Tori ngayon at gusto niyang nasa oras ang pagkain nila. Pero napalingon siya ng may pumasok sa kusina. Mabilis niyang nilingon kung sino iyon. Nakita niya si Tori na tahimik na naglalakad at saka naupo sa isang high stool sa tapat ng kitchen counter.  “Oh, Tori? Nasaan ang bisita mo?”  Pero hindi sumagot si Tori. Tahimik lang itong dumampot ng tangkay ng kangkong at saka pinutol-putol ito. Sakto namang kasunod na pumasok ang anak ni Julie na si Malia, at bitbit pa rin ang tray na may dalawang baso ng juice. Nang makita ni Julie ang dala ni Malia, lubos siy
last updateLast Updated : 2024-12-07
Read more

CHAPTER 68 - SANA SA NEXT LIFE

Agad naman na tinabihan ni Vic si Tori at saka masuyong inakbayan. Agad namang inihinto ni Tori ang ginagawa at saka ipinatong ang ulo sa balikat ni Vic. Hinayaan lang siya ni Vic. Hindi niya kinulit na tanungin si Tori. Hanggang sa mayamaya ay naramdaman niya ang pagyugyog ng mga balikat nito, na ibig sabihin ay umiiyak na ang dalaga.Hindi pa rin niya ito inusisa. HInayaan lang niya ito na mailabas ang sama ng loob niya.“Daddy Vic… I have no choice. I have to drive Xander away. He wants to court me. Pero hindi pwede.” Mayamaya ay sabi ni Tori sa pagitan ng mga paghikbi. “But why?” tanong ni Vic, at saka pinilit itinaas ang mukha ni Tori.Umiling-iling si Tori nang magtagpo ang mga mata nila ni Vic.“He doesn’t deserv
last updateLast Updated : 2024-12-07
Read more

CHAPTER 69 - WELGA NG UNYON

“Tori, hindi ka pinaginising ni Tito para raw makapagpahinga ka,” sabi ni Julie ng bumungad si Tori sa kusina.            “Okay lang, Ate Juls. Sarap nga ng tulog ko,” sagot ni Tori.           “Bibiyahe ka na ba ngayon? Pwede kitang ipagbaon na lang ng dinner mo. Pati na ng almusal mo para bukas,” alok ni Julie.  “No, dito ako magdi-dinner. Gusto kong may kasabay kumain.” Umirap si Julie kay Tori.“Sumasabay ka nga, di ka naman nagsasalita.”Bah
last updateLast Updated : 2024-12-07
Read more

CHAPTER 70 - THE WITNESSES

Tiningnan ni Tori ang telepono niya. Wala namang mensahe o tawag si Xander doon, “Baka naman sa kapitbahay na bisita iyan at hindi naman dito,” sabi ni Tori sabay lingon sa kasambahay.“Eh… Tori po ang hinahanap. Wala naman akong alam na Tori ang pangalan sa magkabilang kapitbahay natin,” pangangatwiran ng katulong. “Labasin mo na, Tori,” utos ni Vic, “para matapos na ang panghuhula natin.”Sa puntong ito, abot-abot na ang kaba ni Tori. Hindi niya alam kung paano pakikiharapan ang pamilya ni Xander kung sakaling pamilya nga ni Xander ang nasa labas. Pakiramdam niya ay tatalon na palabas ang puso niya. Napilitang tumayo si Tori at kinakabahang naglakad pa
last updateLast Updated : 2024-12-07
Read more
PREV
1
...
56789
...
11
DMCA.com Protection Status