All Chapters of His Divorced Wife Is A Secret Spoiled Millionaire : Chapter 1 - Chapter 10

31 Chapters

Kabanata 1: Divorce Agreement

Napatitig si Avi sa divorce paper na nasa ibabaw ng mesa. Nang bumaba ang kaniyang tingin, agad niyang nakita ang pirma ni Silvestre sa papel.Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at nanubig agad ang kaniyang mga mata.May kung anong nagbabara sa kaniyang lalamunan.Nakatayo si Silver sa may pinto, nakatalikod sa kaniya't nakatingin sa malawak na hardin.Parang binalot ng lamig ang kaniyang puso nang mapagmasdan ang likod nito. Matuwid ang pagkakatayo, ang isang kamay ay nasa bulsa, at kahit sa simple nitong postura ay napaka-guwapo pa rin nitong tingnan.Kahit ang likod nito'y maayos at maganda ang hubog. Tila nagpapahiwatig na kahit na saang anggulo ay wala itong kapintasan.“I have signed it,” basag nito sa katahimikan. “You should do the same as soon as possible. Babalik na si Arsen. And all the legal procedures should take place, para mapadali ang paghihiwalay natin.”Hindi pa rin ito humarap sa kaniya, pero nanunuot sa kaniyang puso ang malamig nitong tinig.“And about the pr
Read more

Kabanata 2: Birthday

“Sir! Sir!” Nasa sala sila nang tumakbo papalapit ang isang kasambahay.“S-si Ma'am Avi, umalis.” Kinakabahan nitong saad.“Ano? Umalis? Kailan?”Ibinaling niya ang tingin sa may dining area. Nasulyapan niya kanina si Avi roon.Nakita niya pa na naghahanda ito sa mesa.“Ngayon lang, Sir! Sinundan ko hanggang sa may gate, sumakay agad sa itim na sasakyan, Sir!”Napatayo siya.Nagsalubong ang kaniyang kilay at hindi makapaniwala sa narinig.Mabilis siyang naglakad papunta sa hagdan. Umakyat siya sa kanilang kuwarto. Malinis ang buong kuwarto, ngunit napansin niya ang divorce paper na nasa sidetable. Kinuha niya iyon at nakitang pinirmahan na iyon ni Avi.Mabilis niyang binuksan ang mga kabinet at nakita na naroon pa rin naman ang mga gamit nito.Kumunot ang kaniyang noo, naglakad siya patungo sa teresa. Tanaw mula roon ang gate kaya nakita niya pa ang isang Rolls-Royce na mabilis ang patakbo paalis.Naikuyom niya ang kamao.Wasn't she reluctant to leave in the afternoon? Nakita niya pa
Read more

Kabanata 3: Fireworks

Nang maghapunan, ang lahat ay nasa dining table na at pinag-uusapan si Arsen.Lahat sila ay natutuwa sa pagbabalik ng babae.Ngunit tahimik lamang si Silver na nakikinig sa mga binabatong tanong kay Arsen. Magkasalubong pa rin ang makapal niyang kilay at hindi pa rin napapatag ang nakakunot niyang noo.Umalis si Avi kasama si Rafael Cuesta na walang dinalang kahit na anong bagay, maging ang inalok niyang 20 million at ang villa.“Nasaan si Avi? Bakit hindi siya bumaba at nang makakain na?” Si Director Bernard Galwynn ang nagtanong dahil sa pagtataka.“Silver?” Bumaling ito kay Silver.“Where's Avi?” Nag-aalala nitong tanong.“She left.”“Ano?” Kumunot ang noo ni Bernard.“Where did she go? Ang batang ‘yon, kumain na ba si Avi?”“Dad, she left already. She signed the divorce paper and decided to leave.”Nagbaba ng tingin si Silver.“But we still have to choose a day to go through the formality and get the divorce certificate.”Naibaba ni Bernard ang kaniyang kubyertos. Nagulat siya sa
Read more

Kabanata 4: Anger

“You would receive a lot of gifts today, Aeve. Everyone has prepared them for you and they are piled up in your room. Hermosa, there are many people who love you. Give your love and time to those who deserve it.”Nag-init ang sulok ng mga mata ni Aeverie dahil sa sinabi ng kapatid.She missed a lot of things.Pinagmasdan nila ang fireworks at napagtanto niyang marami pang tao ang nagmamahal sa kaniya.Marami pa ang nagpapahalaga sa kaniya. Hindi niya lang makita dahil nakapokus lamang siya kay Silver.“Thank you, Kuya.” Bulong niya.Samantalang nang mga oras na iyon ay pumarada ang itim na Maybach sa boulevard.Nasa likod sila ng nagkakagulong mga tao.Lumabas ng sasakyan si Silvestre at pinagbuksan ng pinto si Arsen.Naglahad siya ng kamay na tinanggap naman agad ng babae.Nang makalabas ito, itinuro agad ang fireworks display.“Look! Wow.” Umawang ang bibig ni Arsen dahil sa pagkamangha.“What a beautiful fireworks!”Ngumiti ng malaki si Arsen na pinagmasdan naman ni Silver.“Tingna
Read more

Kabanata 5: Cuesta La Palacio

Nagtaas ng kilay si Aeverie. Malamig pa rin ang tingin sa kaniya.“I don't question your relationship with Arsen, so don't question my relationship with this gentleman.”Hindi nakapagsalita si Silver.Para siyang nag-ugat sa kaniyang kinatatayuan.Si Arsen na napag-iwanan dahil sa pagmamadali kanina ni Silver ay patakbong lumapit sa kanila.Nang makita nitong nakatulala si Silver kay Aeverie ay parang sinakop ng galit ang kaniyang dibdib.Bumigat ang kaniyang mga paa at padarag na naglakad. Dahil mataas ang suot niyang takong, natapilok siya.“Ah!” Napahiyaw siya nang sumigid ang kirot sa kaniyang paa, bumagsak siya dahil sa kawalan ng balanse.“Silver! Help please! My foot hurts.” Iyak niya.Nagising si Silver sa kaniyang pagkatulala. Nang lingunin niya si Arsen, nakasalampak ito sa sahig. Dali-dali siyang lumapit, at tinulungan ito.Nang ibalik niya ang tingin kay Aeverie, wala na sila roon. Ang dalawa ay naglakad na palayo na tila magkasintahan na hindi kailanman magagawang saktan
Read more

Kabanata 5.2: Cuesta La Palacio

Pumasok si Aeverie kasunod ang dalawang kapatid. Sa mahabang sofa sila naupo, napapagitnaan ang babae ng kaniyang mga kuya. Ngayon napagtanto ni Aeverie kung gaano kakomportable ang maupo sa sariling sofa. Walang pag-aalangan niyang inalis ang strap ng kaniyang high heels at nang makita iyon ni Uriel, tinulungan siya. “My feet hurts.” Natatawang saad ni Aeverie. Hindi na siya sanay na maglakad na mataas ang suot na takong, mabilis nang mangalay ang kaniyang mga paa. Itinaas ni Uriel ang dalawa niyang paa at minasahe iyon. “What are you?” Galit na tanong ni David. “Is that what you learned from your years of experience as a doctor in the battle field? Itaas ang paa at ipamasahe sa iba? Where did you learned that? From the bandits?” Muling bumalik ang strikto at malamig na mukha ni David. Noon ay halos hindi sila magkasundo ni Aeverie, siya ang palaging kaaway nito, pero simula nang mawala ang babae, labis-labis ang kaniyang pangungulila. Ngunit hindi niya alam kung paano iyon
Read more

Kabanata 5.3: Cuesta La Palacio

“At ngayon na bumalik ka na ay gusto mo agad na maging CEO? You must be kidding me, Aeverie!” Parang may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ni Aeverie. Naiintindihan niya ang galit ng kaniyang ama. Naiintindihan niya kung hindi ito sasang-ayon sa kagustuhan ni Rafael na gawin siyang CEO ng AMC group. Tatlong taon siyang nawala. And guilt is already creeping inside her. Itinago niya ang tungkol sa kaniyang pagpapakasal kay Silvestre. Tanging ang kaniyang mga kapatid lamang ang nakakaalam tungkol sa bagay na iyon. At isa pa, hindi niya kayang sabihin iyon kay David at sa kaniyang ina. Dahil masalimuot ang kanilang pamilya, ayaw niyang madamay pa si Silvestre sa kanila. For once, she dreamed for a perfect and peaceful family. Akala niya'y maibibigay iyon ni Silver. Malaki ang galit niya kay David, malaki ang kasalanan nito sa kaniyang Mommy. Ayaw niya sanang magaya sila ni Silver sa kanila, pero sa huli, bigo na naman siya. “Dad, Aeve knows as much as I do. She also has the
Read more

Kabanata 6: Information

Bumukas ang pinto ng opisina ni Silver at pumasok si Gino, ang lalaking secretary. Nag-angat siya ng tingin at sumandal sa swivel chair. Inaasahan na niyang may ibabalita na itong maganda sa kaniya. “How's your investigation about Avi's matter?” Pinaharap niya ang upuan sa salaming dingding ng opisina at pinagmasdan ang mga katabing gusali sa labas. Madalas niya iyong gawin kapag marami ang gumugulo sa isip niya. At napapadalas pa ang pagmasid niya sa mga gusali nang nagdaang araw. “I'm sorry, Mr. Galwynn, there is no progress at all.” Matuwid na tumayo si Gino sa harap ng kaniyang amo. Hindi niya pinahalata ang kabang nararamdaman. Bumaling si Silver sa secretary at kumunot ang noo. “What do you mean by that? Ilang araw na pero hindi niyo pa rin nakukuha ang nga impormasyong kailangan ko?” “Pagkatapos umalis ni Avi nang gabing ‘yon ay hindi rin siya bumalik sa dating sanatorium na kaniyang pinagtatrabahuan noon. Ako na mismo ang pumunta sa Santa Clara para hanapin ang tahanan
Read more

Kabanata 6.2: Information

Nang pumasok sa elevator si Silver ay mabigat na ang kaniyang loob. Simula nang humina ang katawan ng kaniyang Abuelo ay hindi na ito madalas na bumibisita sa kompanya, nagkataon pa na ngayon ito bumisita ulit kung kailan narito si Arsen. Pagkarating sa tamang palapag ay lumabas siya ng elevator at tumuloy sa opisina ng matanda. Katabi nito ang opisina ng kaniyang Daddy. Nang buksan niya ang pinto ay tumambad sa kaniya ang matandang lalaki na inaalalayan ng personal nitong assistant para maupo sa sofa. Kunot na kunot ang noo ni Lucio habang umuupo. At nang mag-angat ito ng tingin sa kaniya ay nagdilim ang mukha nito. Pumasok siya at matuwid na tumayo malapit sa mesa nito. Samantalang lingid sa kaalaman ni Silver, si Arsen ay pinigilan na makapasok ng kompanya ng kaniyang Abuelo. Hindi hinayaan ni Lucio na makapasok ang kabit ng kaniyang apo, at hindi niya hahayaan na humarap ito sa kaniya. “Tell me. What's wrong with that woman?” Galit na tanong ni Lucio at ibinagsak nito ang
Read more

Kabanata 7: Arc Hotel

Aligaga ang buong hotel nang marinig ang pagdating ng bagong taga-pamahala. Ngayon ang unang araw ni Aeverie sa trabaho kaya ang lahat ng empleyado ay naghahanda para sa pagdating niya. Ang mga señior executives ay nakahilera sa labas ng Arc Hotel para salubungin si Aeverie. “Nabalitaan kong ang bagong general manager na darating ay isang babae. Narinig kong bata pa iyon.” Bulong ng isang babaeng executive. “Tsk. How true is it? Apat na lalaking manager na ang dumating at namahala pero ni-isa sa kanila ay wala man lang nabago sa hotel. Ang iba pa nga sa kanila ay inilipat sa malayo at ang iba'y pinag-paresign na. Ano naman ang kayang gawin ng isang babae? Baka mas lalo lamang na malugmok ang hotel.” Umismid ang lalaking executive at saka napailing. Nagkibit ng balikat ang naunang babae. Ang isa na nasa gilid at may katandaan na ay nakisali sa usapan. “I heard that she is Mr. Cuesta's daughter. Kilala natin ang mga anak ni Mr. Cuesta, lahat sila ay magaling sa negosyo.” “Iyong
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status