Nagtaas ng kilay si Aeverie. Malamig pa rin ang tingin sa kaniya.
“I don't question your relationship with Arsen, so don't question my relationship with this gentleman.”
Hindi nakapagsalita si Silver.
Para siyang nag-ugat sa kaniyang kinatatayuan.
Si Arsen na napag-iwanan dahil sa pagmamadali kanina ni Silver ay patakbong lumapit sa kanila.
Nang makita nitong nakatulala si Silver kay Aeverie ay parang sinakop ng galit ang kaniyang dibdib.
Bumigat ang kaniyang mga paa at padarag na naglakad. Dahil mataas ang suot niyang takong, natapilok siya.
“Ah!” Napahiyaw siya nang sumigid ang kirot sa kaniyang paa, bumagsak siya dahil sa kawalan ng balanse.
“Silver! Help please! My foot hurts.” Iyak niya.
Nagising si Silver sa kaniyang pagkatulala. Nang lingunin niya si Arsen, nakasalampak ito sa sahig. Dali-dali siyang lumapit, at tinulungan ito.
Nang ibalik niya ang tingin kay Aeverie, wala na sila roon. Ang dalawa ay naglakad na palayo na tila magkasintahan na hindi kailanman magagawang saktan ninuman.
Napatulala siya sa likod nilang paunti-unting naglalaho sa kaniyang paningin.
Bumukas ang malaking gate nang makarating si Rafael at Aeverie sa Cuesta La Palacio. Bumungad ang pamilyar na daan papunta sa malaking bahay.
Ang gate ay malayo pa sa mismong mansyon kaya may pagkakataon pa si Aeverie na magbalik-tanaw.
Marami na ang nagbago sa kanilang tahanan. Mas lalo lamang itong napuno ng karangyaan.
Ang kanilang dinadaanan ay parang hardin na walang katapusan.
“Uriel is already waiting.” Si Rafael nang pagbuksan siya ng pinto.
Ngumiti siya at agad na kumapit sa braso ng kapatid. Umakyat sila sa marmol na hagdan at nakita ang isa pang kapatid, si Uriel.
Nakangiti itong naghihintay sa kanila sa tapat ng malaking pinto ng kanilang tahanan.
“Welcome back, Princess!”
Ang mukha ni Aeverie ay mas lalong nagliwanag. Sa paningin ni Uriel ay parang anghel ang kaniyang nakababatang kapatid.
Hindi na niya hinintay na makalapit pa ito, sinugod niya ito ng mahigpit na yakap.
Ngunit nanatiling matuwid ang pagkakatayo ni Aeverie, hindi nasuklian ang kaniyang yakap.
Ganunpaman, kilala niya ang kaniyang kapatid, kahit na malamig ang pakikitungo nito, alam niyang mabuti at mabait ang puso nito.
“Is everything alright, Kuya Uriel?”
Kumalas siya sa yakap. Ngumiti at hinaplos ang buhok ni Aeverie.
“Everything's better now, Aeve. Especially that you're back.”
Nakapagpalit ng high heels si Aeverie sa sasakyan ni Rafael kanina ngunit mas matangkad pa rin talaga ang kaniyang mga kapatid. Hanggang balikat lamang siya ni Uriel.
Pero hindi niya iyon inalintana. She personified the queen in her.
“How's my gift?” Ngumiti si Uriel. “Did you like it?”
Umikot ang mga mata ni Aeverie. Kaya bahagyang natawa si Uriel.
“Hey. Hey. The fireworks display is amazing! It attracted the attention of the whole city and has become a hot search in internet.” Natatawang dipensa ni Uriel sa sarili.
Punong-puno ng energy ang katawan ni Uriel.
“Yes, Kuya. I've actually seen an update about your so-called amazing gift. Iniisip ng lahat na nagwaldas ka ng milyon-milyon para lang sa isang engrandeng regalo. They're making rumors now, thinking that it's actually intended to pursue the local tycoon's wife.”
Nagtaas ng kilay si Uriel.
“Iniisip nila na patay na patay ka sa isang babae para gumastos ng ganoon kalaki. You're now the newest hot search, the crazy-tycoon who paid millions for fireworks display. Congratulations, Kuya Uriel, for unlocking a new achievement in life.” Pumalakpak pa si Aeverie para mas lalong maasar ang kapatid.
Ngunit hindi iyon pinatulan ni Uriel. Tumawa lamang ang lalaki.
“I can actually spend more than that, Aeverie, if it's for you. I don't hella care about their assumptions and all. Who cares anyway?”
Umakbay si Uriel kay Aeverie at natawa.
“I hope you won't leave us again this time, Princess.” Bulong niya.
“I'm already divorced, Kuya Uriel. So, why should I leave?”
Tinapik Aeverie ang likod ng kapatid.
“I've let everyone down. Masyado akong naging desperada sa nagdaang tatlong taon, halos inubos ko ang oras at lakas, maging ang puso at kaluluwa para sa isang lalaki na hindi naman ako kayang mahalin. I'm such a failure, a complete failure.”
Unti-unting nanikip ang kaniyang dibdib at parang may nagbabara sa kaniyang lalamunan.
Naramdaman niyang kung patuloy niyang babanggitin ang bigong pag-ibig kay Silvestre ay maiiyak na naman siya.
Kaya bahagya niyang ipinilig ang ulo para makalimutan ang mapapait na alaala.
Nangako siyang hindi na niya iiyakan si Silver. It's not worth it!
“That d*mn, Silvestre Galwynn! How dare he betray my sister?”
Hinaplos muli ni Uriel ang buhok ni Aeverie.
“I will start a thorough investigation of the Galwynn Group tomorrow, I will make him regret it. Let's see what Sage can do to him.”
Si Rafael na nakikinig ay nagbaba ng tingin at saglit na pumikit sabay sabing, “Amen.”
Mabilis na tinampal ni Aeverie ang braso ng kaniyang mga kapatid.
“Tumigil nga kayo!” Awat niya.
“Kuya Uriel, walang kang gagawin na kahit na ano! Huwag mo rin idamay si Sage sa mga kalokohan mo. You're a respected prosecutor, a public official, hindi ka gagawa ng ikakapahamak mo lang din sa huli.”
Pinanlakihan niya ng mata si Uriel.
“Bakit hindi ka gumaya kay Kuya Rafael? Learn to control your anger and be more loving and patient.”
“B*llsh*t!” Humalakhak si Uriel tiningnan ang nakatatandang kapatid na nagkibit-balikat.
“Bakit hindi na lang kaya pumasok sa simenaryo si Kuya Rafael kung ganoon? Hindi mo lang nakita, he's actually planning to cut your ex-husband's body using a butcher's knife!”
Niluwagan ni Uriel ang kaniyang kurbata. Naramdaman niya ang matinding galit pero itinawa na lamang niya iyon.
Ayaw niyang matakot si Aeverie sa kaniya.
“Stop it, okay? Kayo ni Kuya Rafael, lalo na si Sage!”
Pagod na tumango si Rafael, kaya napipilitan nalang din na tumango si Uriel.
“As you wish, Princess.”
Muling umakbay si Uriel kay Aeverie.
“But it's really hard to control myself when we're already talking about your safety, Aeverie.” Seryosong saad ni Uriel.
“We can take all the pain and suffering just to save you. What he did to you is really getting to my nerves. How about we sabotage their company?”
Siniko ni Aeverie ang matigas na tiyan ng kapatid. Nagkunwari naman si Uriel na nasaktan kahit ang totoo ay hindi naman.
“I said, stop it!”
Muli ay tumawa si Uriel para pagaanin ang sitwasyon.
“I'm just kidding, Princess.”
Iniangkla ni Aeverie ang kaniyang mga kamay sa bisig ni Uriel at Rafael.
Silang tatlo ay sabay-sabay na naglakad papasok ng mansyon na halos ilang taon din ni Aeverie na hindi nabisita. Napuno ng kanilang tawanan at asaran ang buong tahanan.
Mula sa silid ni David Cuesta ay narinig niya ang pamilyar na mga tinig ng kaniyang mga anak.
Nangibabaw ang boses ng babae na tila nakikipag-asaran. Kahit ilang taon na niyang hindi naririnig ang boses na iyon, kilala niya kung sino iyon.
Ibinaba niya ang hawak na dokumento at wala sa sariling napangiti. Ang puso niya'y nabalot ng kakaibang init.
Sa unang pagkakataon, ang malamig at striktong Chairman ng AMC Group ay nagpakita ng emosyon. Sumungaw ang saya sa kaniyang mga mata.
“Old Man?”
Bumukas ang pinto ng study room at bumungad ang magandang mukha ng kaniyang babaeng anak.
“I'm back.” Ani Aeverie.
Pumasok si Aeverie kasunod ang dalawang kapatid. Sa mahabang sofa sila naupo, napapagitnaan ang babae ng kaniyang mga kuya. Ngayon napagtanto ni Aeverie kung gaano kakomportable ang maupo sa sariling sofa. Walang pag-aalangan niyang inalis ang strap ng kaniyang high heels at nang makita iyon ni Uriel, tinulungan siya. “My feet hurts.” Natatawang saad ni Aeverie. Hindi na siya sanay na maglakad na mataas ang suot na takong, mabilis nang mangalay ang kaniyang mga paa. Itinaas ni Uriel ang dalawa niyang paa at minasahe iyon. “What are you?” Galit na tanong ni David. “Is that what you learned from your years of experience as a doctor in the battle field? Itaas ang paa at ipamasahe sa iba? Where did you learned that? From the bandits?” Muling bumalik ang strikto at malamig na mukha ni David. Noon ay halos hindi sila magkasundo ni Aeverie, siya ang palaging kaaway nito, pero simula nang mawala ang babae, labis-labis ang kaniyang pangungulila. Ngunit hindi niya alam kung paano iyon
“At ngayon na bumalik ka na ay gusto mo agad na maging CEO? You must be kidding me, Aeverie!” Parang may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ni Aeverie. Naiintindihan niya ang galit ng kaniyang ama. Naiintindihan niya kung hindi ito sasang-ayon sa kagustuhan ni Rafael na gawin siyang CEO ng AMC group. Tatlong taon siyang nawala. And guilt is already creeping inside her. Itinago niya ang tungkol sa kaniyang pagpapakasal kay Silvestre. Tanging ang kaniyang mga kapatid lamang ang nakakaalam tungkol sa bagay na iyon. At isa pa, hindi niya kayang sabihin iyon kay David at sa kaniyang ina. Dahil masalimuot ang kanilang pamilya, ayaw niyang madamay pa si Silvestre sa kanila. For once, she dreamed for a perfect and peaceful family. Akala niya'y maibibigay iyon ni Silver. Malaki ang galit niya kay David, malaki ang kasalanan nito sa kaniyang Mommy. Ayaw niya sanang magaya sila ni Silver sa kanila, pero sa huli, bigo na naman siya. “Dad, Aeve knows as much as I do. She also has the
Bumukas ang pinto ng opisina ni Silver at pumasok si Gino, ang lalaking secretary. Nag-angat siya ng tingin at sumandal sa swivel chair. Inaasahan na niyang may ibabalita na itong maganda sa kaniya. “How's your investigation about Avi's matter?” Pinaharap niya ang upuan sa salaming dingding ng opisina at pinagmasdan ang mga katabing gusali sa labas. Madalas niya iyong gawin kapag marami ang gumugulo sa isip niya. At napapadalas pa ang pagmasid niya sa mga gusali nang nagdaang araw. “I'm sorry, Mr. Galwynn, there is no progress at all.” Matuwid na tumayo si Gino sa harap ng kaniyang amo. Hindi niya pinahalata ang kabang nararamdaman. Bumaling si Silver sa secretary at kumunot ang noo. “What do you mean by that? Ilang araw na pero hindi niyo pa rin nakukuha ang nga impormasyong kailangan ko?” “Pagkatapos umalis ni Avi nang gabing ‘yon ay hindi rin siya bumalik sa dating sanatorium na kaniyang pinagtatrabahuan noon. Ako na mismo ang pumunta sa Santa Clara para hanapin ang tahanan
Nang pumasok sa elevator si Silver ay mabigat na ang kaniyang loob. Simula nang humina ang katawan ng kaniyang Abuelo ay hindi na ito madalas na bumibisita sa kompanya, nagkataon pa na ngayon ito bumisita ulit kung kailan narito si Arsen. Pagkarating sa tamang palapag ay lumabas siya ng elevator at tumuloy sa opisina ng matanda. Katabi nito ang opisina ng kaniyang Daddy. Nang buksan niya ang pinto ay tumambad sa kaniya ang matandang lalaki na inaalalayan ng personal nitong assistant para maupo sa sofa. Kunot na kunot ang noo ni Lucio habang umuupo. At nang mag-angat ito ng tingin sa kaniya ay nagdilim ang mukha nito. Pumasok siya at matuwid na tumayo malapit sa mesa nito. Samantalang lingid sa kaalaman ni Silver, si Arsen ay pinigilan na makapasok ng kompanya ng kaniyang Abuelo. Hindi hinayaan ni Lucio na makapasok ang kabit ng kaniyang apo, at hindi niya hahayaan na humarap ito sa kaniya. “Tell me. What's wrong with that woman?” Galit na tanong ni Lucio at ibinagsak nito ang
Aligaga ang buong hotel nang marinig ang pagdating ng bagong taga-pamahala. Ngayon ang unang araw ni Aeverie sa trabaho kaya ang lahat ng empleyado ay naghahanda para sa pagdating niya. Ang mga señior executives ay nakahilera sa labas ng Arc Hotel para salubungin si Aeverie. “Nabalitaan kong ang bagong general manager na darating ay isang babae. Narinig kong bata pa iyon.” Bulong ng isang babaeng executive. “Tsk. How true is it? Apat na lalaking manager na ang dumating at namahala pero ni-isa sa kanila ay wala man lang nabago sa hotel. Ang iba pa nga sa kanila ay inilipat sa malayo at ang iba'y pinag-paresign na. Ano naman ang kayang gawin ng isang babae? Baka mas lalo lamang na malugmok ang hotel.” Umismid ang lalaking executive at saka napailing. Nagkibit ng balikat ang naunang babae. Ang isa na nasa gilid at may katandaan na ay nakisali sa usapan. “I heard that she is Mr. Cuesta's daughter. Kilala natin ang mga anak ni Mr. Cuesta, lahat sila ay magaling sa negosyo.” “Iyong
Pinaikot niya ang mga mata. “And I also do my research, Mr. Agripino, isa ang restaurant natin sa pinag-uusapan nilang low quality ang inihahain.” Dagdag niya. “Iyon na pala ang best dishes?” Tanong niya sa lalaki. Nakita niya ang pagkapahiya sa mukha ni Mr. Agripino, pero hindi pa siya roon natatapos. Lumapit siya sa isa pang putahe at halos paikutin na naman ang kaniyang mga mata. “Look at these shrimps. Are you really serving dead shrimps to our customers? Bakit hindi iyong fresh? Bakit kailangan ganitong klase?” Bumaling siya muli kay Mr. Agripino. Ang matanda ay namumutla na pero sinubukan nitong magsalita ulit. “Those weren't dead, Miss Cuesta. Maganda ang storage room ng restaurant, at maayos na iniluluto ng mga chief ang pagkain.” Umismid siya. This man, matigas din ang ulo at ayaw tumanggap ng katotohanan. Binalingan niya si Blue at sinabi, “Please remind me to talk to our kitchen staff this afternoon. This has to stop. Humanap kayo ng bagong supplier para masigura
“May problema ba, Aeverie?” Nag-aalalang tanong ni Blue nang mapansin ang kaniyang reaksyon. What the h*ck? Aeverie cursed silently. Hinaplos niya ang kama at inalis pa ang makapal na duvet na nakapatong. Nagsalubong ang kaniyang kilay nang maramdaman ang mismong kama. “Aeverie?” She pursed her lips. “Where’s the bathroom?” Tanong niya. Itinuro ni Blue ang isang pinto. Tumayo siya’t iniwan ang kama para tingnan ang loob ng bathroom. Malaki iyon at mukhang bagong linis. She squinted her eyes. Talagang matalino si Mr. Agripino, sinusubukan siyang dayain. Malinis ang kuwarto at banyo pero may nakaligtaan yata sila. She smirked. Naglakad siya palapit kay Rafael. “Let’s go to my office.” Aniya. Tumango si Rafael at bumaling sa mga executives. Pormal itong nagpaalam at ibinilin na matutuloy ang meeting mamaya. “I saw your face, Aeverie. What’s wrong with the bed?” Tanong ni Rafael nang makapasok sila sa opisina. Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng opisina at napatango sa s
Sinubukan niyang ipaliwanag ang nangyari sa kalmadong boses para hindi gaanong mag-alala si Rafael. Ngunit hindi maiwasan ni Rafael na makaramdam ng pagkirot sa kaniyang dibdib. Inabot niya ang kamay ni Aeverie para tingnan iyon. “Did you get hurt because of… Silvestre?” Parang binuhusan ng malamig na tubig ang ulo ni Aeverie nang banggitin nito ang pangalan na ‘yon. She bit her lower lip. Umiling siya at sinubukan na ngumiti. “H-hindi naman sa ganoon.” Tumitig sa kaniya si Rafael, sinusuri ang kaniyang reaksyon. “I was in the battle, Kuya. I did it for world peace, and to bring honor to our family. Hindi dahil sa kaniya.” But in fact, it’s really him that she saved. Limang taon na ang nakakalipas, nagkasama si Aeverie at Silvestre sa border ng Israel. Siya bilang isang battlefield doctor, at si Silver bilang isang magiting na sundalo. Dahil sa biglaang pag-atake ng kalaban ay hindi nakapaghanda ang grupo nila. Marami ang napuruhan at ilang tent ang nawasak. Silvestre was
Mabilis na inalis ni Silver ang suit at itinapon iyon sa sofa, na tila ba nagliliyab iyon sa apoy. “We're already divorced. I'm not interested in knowing what she has done to me. Sige na, Nang, pwede ka nang bumalik at magpahinga.” Ngunit hindi nakinig ang ginang. “Señorito, bakit kailangan niyong maghiwalay ni Avi? Napakabuting babae ni señorita Avi, halatang mahal na mahal kayo.” “Mahal na mahal?” Sarkastiko niyang tanong. “Ganoon ba siya magmahal, Inang? Pagkatapos niyang umalis ay pupunta siya sa ibang lalaki? Is she really in love with me? Then why would she throw herself into the arms of another man right after leaving me?” Sumilay ang mapang-insultong ngiti sa labi ni Silver. Naglandas sa kaniyang lalamunan ang pait. “Totoo pala talaga na hindi sapat ang tatlong taon para makilala mo ng husto ang isang tao.” Gumalaw ang kaniyang panga nang maalala ang maamong mukha ni Avi, at pagkaraan ay napalitan iyon ng maganda at malamig na mukha ng babae sa ospital. “Why would she
Para kay Uriel, walang deserving sa pagmamahal ni Aeverie. She might be mean sometimes, but her intentions would always be pure and genuine. Kilala niya si Aeverie, mukha lang itong suplada at masama ang ugali, pero malambot ang puso nito at mabilis na masaktan. Kaya para tiisin ni Aeverie ang tatlong taon kasama si Silvestre? Hindi niya kayang tanggapin na puro pasakit at paghihirap lang ang naranasan ng kaniyang kapatid sa piling ng lalaking iyon. “How is she?” Tanong ni Rafael nang bumaba siya. “Nakatulog agad.” Iniabot sa kaniya ni Rafael ang isang baso ng cognac. Huminga ito ng malalim at saka tinungga ang hawak na inumin. “Aeve’s alcohol tolerance is low. Dapat pala hindi ko na siya pinainom.” Naupo si Uriel sa high stool. Nasa bar counter sila ng mansyon at natatanaw ang ilang katulong na nag-aakyat ng mainit na tubig sa kuwarto ni Aeverie. “She actually needs that. Kung hindi pa siguro nalasing, baka hindi pa nasabi sa atin ang mga ganoong bagay.” “Tsk.” Rafael hisse
Kagaya ni Aeverie, magaling din si Uriel sa musika, magaling itong tumugtog ng piano at gitara. Kaya para ma-distract si Aeverie pagkatapos ng tawag ni Silver, tumugtog si Uriel ng piano. Habang nakatayo naman sa tabi ng piano si Aeverie at kumakanta. Isa sa paborito niya ang Queen of the Night. Hindi kailanman nawala ang magandang tinig ni Aeverie. Nanatiling marikit at kahanga-hanga ang soprano nitong boses. Puno ng emosyon ang kaniyang mga mata habang kinakanta iyon. Ang maganda niyang mukha ay tila nagliliwanag sa madilim at maliit na entablado. Nang matapos niya ang kanta, agad na pumalakpak si Rafael at nagtaas ng wine glass. Puno ng paghanga ang mga mata nito sa magaling at magandang kapatid. “You’re still good at it, huh?” Lumapit si Rafael at ibinigay sa kaniya ang isa pang wineglass na tinanggap niya naman. “The third wife taught you very well.” Ani Rafael, nangingiti pa rin. Sumimsim si Aeverie sa inumin at saka tiningnan ang kapatid. “If it’s in ancient times, she
Nang pirmahan ni Aeverie ang divorce paper, umalis siyang walang dalang kahit na ano kaya naiwan ang lahat ng kaniyang gamit sa kuwarto. Hindi iyon pinapakialaman ng mga katulong dahil umaasa silang babalik pa rin si Avi.Ngayon ay pumasok si Arsen sa silid para sirain at itapon ang lahat ng mga gamit nito.Ang mga skin care na nasa mesa ay itinapon ni Arsen sa sahig kasama na ang mga palamuti na naroon. Lahat iyon ay basura sa kaniyang paningin.Kaya nang makarating si Silver sa silid, nagkalat na ang lahat ng gamit sa sahig at basag-basag na ang ilang salamin.“Arsen! What are you doing?” Magkasalubong ang makapal na kilay ni Silver nang makita ang kalat.“I hate the traces of your life here, the smell of Avi! Her things, these are all garbages!”Naiyak si Arsen nang makitang palapit sa kaniya si Silver. “Kung hindi dahil sa kaniya, hindi sana nasayang ang tatlong taon, Silver. Ako dapat ‘yon! Ako dapat ang kasama mo sa tatlong taon na iyon. Ako dapat ang ipinakilala mo kay Abuelo.
Hinilot ni Silver ang kaniyang sintido habang nakasandal sa kaniyang swivel chair.Hindi pa rin lubos na mag-sink in sa kaniya na binababaan siya ng tawag ng dati niyang asawa na parang walang halaga ang kaniyang mga salita.F*ck *t.She was so decisive and cold, how could she still be the little wife who cried and begged me not to divorce?Naisip niyang baka sa nagdaang tatlong taon, wala naman talagang nararamdaman sa kaniya si Avi. Nagtiis lamang ito sa kaniyang piling para sa lihim at personal na interes.At sa tuwing napapagtanto niya ito, lumalaki lamang ang galit sa kaniyang dibdib.“Mr. Galwynn, here's your coffee.”Ibinaba ni Gino ang dalang kape at napansin ang seryoso at madilim na anyo ni Silver.Kaya hindi niya napigilan ang sarili, “Na-contact niyo na ba Sir si Avi? Nakuha niyo ba ang numero niya?”Silvestre massages the bridge of his nose.D*mm*t. Ayaw niya man sisihin ang sarili, hindi niya maiwasan makaramdam ng pagkayamot sa sarili. Napangunahan siya ng emosyon at h
Dessert was served.“Why don't you establish a restaurant, Kuya Uriel? You really have the talent and skill.”Medyo natawa si Uriel sa kaniyang sinabi.“Nuh, my cooking skill is for you only, Aeve. Tyaka hindi ko naman talaga hilig ang pagluluto, mabilis lang ako ma-bored, baka iwanan ko rin agad ang restaurant. You know how much I want to do extreme activities.”“Hmm?” Nagtaas ng kilay si Aeverie.“Baka ayaw mong ma-stuck sa kitchen kasi hindi ka na makakapangbabae?”Uriel chuckled.“I’m not a womanizer.” Dipensa nito.Pinaikot niya ang mga mata na tinawanan naman ni Uriel.Nasa gitna sila ng pag-aasaran nang mag-ring ang cellphone ni Rafael.Natahimik sila ni Uriel at bumaling ng tingin sa nakatatandang kapatid.Inilabas na ni Rafael ang cellphone at tiningnan kung sino iyon. Mabilis na nangunot ang noo ng lalaki at dumilim ang anyo.“What’s wrong?” She worriedly asked.“It’s your ex-husband again.”Natigilan si Aeve at hindi nakapagsalita.“D*mn! He's addicted!” Kumento ni Rafael.
Sa pamilya na ito, siya ang pinakapaborito ng lahat. Hindi siya kailanman naging parte ng kahit na anong eskandalo. At hindi hinahayaan ng kaniyang pamilya na may magmaltrato sa kaniya. Mabuti na lamang at natauhan na siya. Hindi na siya muling babalik sa piling ni Silver para lang masaktan at tapakan ang kaniyang pagkatao. Pumasok si Aeverie sa kaniyang kuwarto at inalis ang mga alahas na suot. Nagtagal ang kaniyang tingin sa golden bracelet na ibinigay sa kaniya ni Abuelo. Hinaplos niya iyon saka napangiti ng mapait. Naging mabuti sa kaniya si Abuelo, wala siyang maipipintas sa ugali nito. Alam niyang nakahanap siya ng kakampi sa matandang lalaki habang nasa tahanan siya ng mga Galwynn. Bilang kapalit sa kabutihan nito, iingatan niya ng buong puso ang heirloom bracelet na ibinigay nito. Maingat niyang inalis ang pulseras at inilagay sa maliit na gintong stante na nasa gitna ng malaking kahon na gawa sa salamin. Hindi bababa sa dalawang daan ang mga alahas na naroon at lahat iy
Ito ang unang pagkakataon na may namahalang babae sa hotel, at para malaman nilang lehitimong anak ito ay talagang napakalaking impormasyon iyon. Maraming asawa si David Cuesta, at marami pang kabit. May mga anak sa labas na pilit na gustong mamahala sa hotel. Hindi rin kilala ang mga lehitimong anak ni David Cuesta, mga misteryoso ang mga pagkakakilanlan, kumpara sa mga anak sa labas, ang mga lehitimong anak ay hindi gaanong nakikipag-agawan sa pamamahala ng negosyo. “Uriel is planning to cook dinner to celebrate your first day in the hotel, Aeve.” Imporma ni Rafael sa babae nang nasa parking lot sila. Tumango si Aeverie. Paborito pa naman niya ang mga luto ni Uriel. “I’ll drive my car, Kuya.” Saad niya nang pagbuksan siya ni Rafael ng pinto ng sasakyan nito. Umiling ng mariin ang lalaki. “No, Blue will drive your car. Sa akin ka muna sasabay.” Pinaningkitan niya ng mga mata ang kapatid pero blangko pa rin ang ekspresyon ng mukha nito. Alam niyang pinagbigyan lamang siya ni R
Mahigpit ang hawak ni Aeverie sa steering wheel habang nagmamaneho. Hindi siya natatakot kung sakaling paimbestigahan siya ni Silvestre. Hindi niya lang maunawaan kung bakit ganoon na lamang ang pagiging kuryuso nito sa buhay niya? Hindi naman siya nito trinato ng tama noong nagsasama sila kaya bakit biglang naging kuryuso ito ngayon sa kaniyang pinagmulan? Bakit ngayon pa nagkaroon ng interes si Silvestre sa buhay niya kung kailan hiwalay na sila? Sa bagay, may ilan talaga sa mga lalaki ang mga walang utak. Kapag ikaw ang naghahabol, sila naman itong hindi ka magustuhan, pero kapag mawalan ka ng pakialam, sila naman itong maghahabol. Napasulyap siya sa rearview mirror at agad na nangunot ang noo. Hindi kalayuan sa kaniyang likod ay nakita niya ang sasakyan ni Silvestre na nakasunod sa kaniya ng walang tigil. “What the h*ck, Mr. Galwynn?” She gritted her teeth. Hindi ba talaga siya tatantanan ni Silvestre? Hindi pa ba ito tapos sa kaniya? She stepped on the accelerator. Bumi