Pumasok si Aeverie kasunod ang dalawang kapatid.
Sa mahabang sofa sila naupo, napapagitnaan ang babae ng kaniyang mga kuya. Ngayon napagtanto ni Aeverie kung gaano kakomportable ang maupo sa sariling sofa. Walang pag-aalangan niyang inalis ang strap ng kaniyang high heels at nang makita iyon ni Uriel, tinulungan siya. “My feet hurts.” Natatawang saad ni Aeverie. Hindi na siya sanay na maglakad na mataas ang suot na takong, mabilis nang mangalay ang kaniyang mga paa. Itinaas ni Uriel ang dalawa niyang paa at minasahe iyon. “What are you?” Galit na tanong ni David. “Is that what you learned from your years of experience as a doctor in the battle field? Itaas ang paa at ipamasahe sa iba? Where did you learned that? From the bandits?” Muling bumalik ang strikto at malamig na mukha ni David. Noon ay halos hindi sila magkasundo ni Aeverie, siya ang palaging kaaway nito, pero simula nang mawala ang babae, labis-labis ang kaniyang pangungulila. Ngunit hindi niya alam kung paano iyon ipakita ng tama kaya idinaan niya sa pangangaral. Kagaya ng palaging ginagawa ni Aeverie kapag pinapagalitan siya ng kaniyang Daddy, pinaikot niya ang mga mata. Ngunit nahagip ng kaniyang tingin ang isang malaking frame. Kumunot ang kaniyang noo at napatitig sa frame. “When would you change, young lady?” Nadidismayang saad ni David. Ngunit hindi na niya iyon narinig dahil natulala na siya sa nakasabit sa dingding. Hinding-hindi siya magkakamali, iyon ang iniregalo niya sa kaniyang ama nang maikasal ito sa pangatlong asawa. That's my personal poem I wrote for him. Bulong ng kaniyang isip. Sampung taon na ang nakakalipas, akala niya'y itinapon na iyon ng kaniyang Daddy. Pero nagkamali siya, mas pinalaki pa nito ang dati ay sa maliit na hardwood niya lang iniukit na tula. Ngayon ay kapansin-pansin iyon, at kayang basahin kahit sa malayong distansya. Sa galit niya noon dahil sa muling pagpapakasal ng kaniyang Daddy, hindi na niya naisip na masyadong masasakit ang mga katagang naroon. Ang regalo ay ibinigay niya sa mismong kasal ni David, labis siyang nasaktan nang sa pangatlong beses, ay nagpakasal ito. Pinagpyestahan ng media ang kanilang pamilya dahil nagkaroon ito ng apat na asawa. Hindi siya masaya sa pamilyang nakagisnan niya, kaya sa kagustuhan na makaiwas sa pamilyang Cuesta ay nagboluntaryo siyang sumama sa Israel para manggamot ng mga sundalong sugatan. Mas pipiliin niyang sumulong sa mapanganib na gyera kaysa araw-araw na humarap sa problema ng kanilang pamilya. “Why would you hang this to your office?” Baling niya sa ama. Kumunot ang noo ni David, napasulyap sa regalong bigay niya. “You gave me this, so I decided to hang it in my office. In that way, I could read it during my free time and remember that you once wrote a poem for me.” Umasim ang mukha ni Aeverie. He must be kidding me. Bulong niya sa sarili. Ang tula ay punong-puno ng galit at pagkamuhi para sa kaniyang ama. Hindi dapat iyon ginawang palamuti sa opisina. “Dad, since Aeverie is back, maybe you can already consider my suggestions.” Singit ni Rafael. Seryoso ang boses nito. “I decided to give up my position as the CEO of AMC Group and let Aeverie take over it.” “What?” Mabalis na napabaling si Aeverie sa kaniyang Kuya Rafael. Nakita niyang seryoso itong nakikipagtitigan sa kanilang ama. Determinado ang guwapo nitong mukha. “You don't know what you're saying, Rafael.” Madiin na saad ni David, nagulat din sa biglaang saad ng anak. Napailing ang matandang lalaki. “I've been the CEO for years now, Dad. I already told you about my opinion for the AMC Group, I believe that Aeverie can handle it much better.” “Kuya Raf—” “I told you about my heart's desire, I want to become a pastor and spend my years in serving the Lord.” Napaawang ang labi ni Aeverie nang marinig ang sinabi ni Rafael. Seryoso ang mukha nito at parang mula sa kaibuturan ng puso nito ang mga salitang binigkas. Natahimik ang silid. Walang nangahas na kumontra. Napatikhim si David. “If you don't want to be the CEO of the company, then the second son will do it!” Deklara ni David. Natigil ang pagmamasahe ni Uriel sa paa ni Aeverie. “No, no, no, no.” Mabilis na umiling si Uriel. “I am already a public official and I must not have anything to do with the big consortium. I will be suspended for investigation and the court would probably kick me out!” Idinaan ni Uriel sa pagtawa ang kabang naramdaman ngunit namutla ang kaniyang mukha. Marahas na bumuga ng hangin si David. Isa ito sa iniiwasan niyang pag-usapan, ang pagpasa ng pangangalaga sa kompanya. Rafael is his first and only choice! “Rafael, you know that you're more than capable to manage the company.” Ipinilit muli ni David. Ano pang silbi ng pagkakaroon niya ng maraming anak na lalaki kung lahat ay umiiwas sa responsabilidad? Isa-isa silang nag-niningning at nakikilala sa iba't ibang larangan sa labas at napapagod na siya sa mga nangyayari. “I wouldn't let Aeverie take over the position. She wouldn't be able to act as a CEO of AMC Group.” Pagkontra ni David. Humihina na ang katawan ni David, at alam niya sa kaniyang sarili na dapat nang ipasa ang obligasyon sa kanilang negosyo. Si Rafael ang gusto niyang mamahala, malaki ang potential nito sa pagpapalago ng kanilang negosyo, ngunit ngayon ay umaayaw na ang lalaki. Hindi dahil sa hindi niya mahal ang kaniyang anak na babae, sadyang matigas lamang ang kaniyang ulo sa paniniwalang dapat na ang lalaking anak ang magmamana at magpapatakbo ng kompanya. “If Kuya Rafael and Kuya Uriel wouldn't like to take the position, then maybe I can do it myself.” Ani Aeverie. Pagak na natawa si David, sumisikip ang kaniyang paghinga at binalingan ang anak. “You would like to take over? Do you think that AMC Group is just a game? How can you possibly handle all the work-pressure? How can you pursue all the inventors? Much more, how can you handle all the employees and workers? What do you even know about business?" Hindi na naitago ang galit at lungkot sa boses ni David. Ngunit nang makitang blangko lamang ang ekspresyon ng mukha ni Aeverie ay nadismaya rin sa sarili. Kababalik lamang ni Aeverie ngunit ito na agad ang kanilang bungad. Ganunpaman, hindi niya pa rin napigilan na sabihin ang kaniyang hinanakit. “At isa pa, you're also an impulsive and fickle-minded person. You wouldn't hesitate to abandon everyone just so you can go and chase all the stupid things out there!” Huminga siya ng malalim, napaiwas ng tingin kay Aeverie nang makitang naapektuhan ito sa kaniyang sinabi. “I wouldn't put someone to an important position just because he or she is my son or my daughter, gusto kong pumili ng taong hindi iiwan ang posisyon ng ganoon lang. You've been in Israel for three d*mn years, we were so worried Aeverie!” Ibinalik niya ang tingin sa anak, ngayon ay ito naman ang nag-iwas. “I thought you were blown into pieces by a bomb at the border! We were so worried. Your mothers are so worried about you! We thought we're gonna lose you.” Sa huli ay humina ang kaniyang tinig. Tatlong taon din siyang naghirap, labis-labis ang kaniyang pag-aalala para sa kaniyang anak.“At ngayon na bumalik ka na ay gusto mo agad na maging CEO? You must be kidding me, Aeverie!” Parang may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ni Aeverie. Naiintindihan niya ang galit ng kaniyang ama. Naiintindihan niya kung hindi ito sasang-ayon sa kagustuhan ni Rafael na gawin siyang CEO ng AMC group. Tatlong taon siyang nawala. And guilt is already creeping inside her. Itinago niya ang tungkol sa kaniyang pagpapakasal kay Silvestre. Tanging ang kaniyang mga kapatid lamang ang nakakaalam tungkol sa bagay na iyon. At isa pa, hindi niya kayang sabihin iyon kay David at sa kaniyang ina. Dahil masalimuot ang kanilang pamilya, ayaw niyang madamay pa si Silvestre sa kanila. For once, she dreamed for a perfect and peaceful family. Akala niya'y maibibigay iyon ni Silver. Malaki ang galit niya kay David, malaki ang kasalanan nito sa kaniyang Mommy. Ayaw niya sanang magaya sila ni Silver sa kanila, pero sa huli, bigo na naman siya. “Dad, Aeve knows as much as I do. She also has the
Bumukas ang pinto ng opisina ni Silver at pumasok si Gino, ang lalaking secretary. Nag-angat siya ng tingin at sumandal sa swivel chair. Inaasahan na niyang may ibabalita na itong maganda sa kaniya. “How's your investigation about Avi's matter?” Pinaharap niya ang upuan sa salaming dingding ng opisina at pinagmasdan ang mga katabing gusali sa labas. Madalas niya iyong gawin kapag marami ang gumugulo sa isip niya. At napapadalas pa ang pagmasid niya sa mga gusali nang nagdaang araw. “I'm sorry, Mr. Galwynn, there is no progress at all.” Matuwid na tumayo si Gino sa harap ng kaniyang amo. Hindi niya pinahalata ang kabang nararamdaman. Bumaling si Silver sa secretary at kumunot ang noo. “What do you mean by that? Ilang araw na pero hindi niyo pa rin nakukuha ang nga impormasyong kailangan ko?” “Pagkatapos umalis ni Avi nang gabing ‘yon ay hindi rin siya bumalik sa dating sanatorium na kaniyang pinagtatrabahuan noon. Ako na mismo ang pumunta sa Santa Clara para hanapin ang tahanan
Nang pumasok sa elevator si Silver ay mabigat na ang kaniyang loob. Simula nang humina ang katawan ng kaniyang Abuelo ay hindi na ito madalas na bumibisita sa kompanya, nagkataon pa na ngayon ito bumisita ulit kung kailan narito si Arsen. Pagkarating sa tamang palapag ay lumabas siya ng elevator at tumuloy sa opisina ng matanda. Katabi nito ang opisina ng kaniyang Daddy. Nang buksan niya ang pinto ay tumambad sa kaniya ang matandang lalaki na inaalalayan ng personal nitong assistant para maupo sa sofa. Kunot na kunot ang noo ni Lucio habang umuupo. At nang mag-angat ito ng tingin sa kaniya ay nagdilim ang mukha nito. Pumasok siya at matuwid na tumayo malapit sa mesa nito. Samantalang lingid sa kaalaman ni Silver, si Arsen ay pinigilan na makapasok ng kompanya ng kaniyang Abuelo. Hindi hinayaan ni Lucio na makapasok ang kabit ng kaniyang apo, at hindi niya hahayaan na humarap ito sa kaniya. “Tell me. What's wrong with that woman?” Galit na tanong ni Lucio at ibinagsak nito ang
Aligaga ang buong hotel nang marinig ang pagdating ng bagong taga-pamahala. Ngayon ang unang araw ni Aeverie sa trabaho kaya ang lahat ng empleyado ay naghahanda para sa pagdating niya. Ang mga señior executives ay nakahilera sa labas ng Arc Hotel para salubungin si Aeverie. “Nabalitaan kong ang bagong general manager na darating ay isang babae. Narinig kong bata pa iyon.” Bulong ng isang babaeng executive. “Tsk. How true is it? Apat na lalaking manager na ang dumating at namahala pero ni-isa sa kanila ay wala man lang nabago sa hotel. Ang iba pa nga sa kanila ay inilipat sa malayo at ang iba'y pinag-paresign na. Ano naman ang kayang gawin ng isang babae? Baka mas lalo lamang na malugmok ang hotel.” Umismid ang lalaking executive at saka napailing. Nagkibit ng balikat ang naunang babae. Ang isa na nasa gilid at may katandaan na ay nakisali sa usapan. “I heard that she is Mr. Cuesta's daughter. Kilala natin ang mga anak ni Mr. Cuesta, lahat sila ay magaling sa negosyo.” “Iyong
Pinaikot niya ang mga mata. “And I also do my research, Mr. Agripino, isa ang restaurant natin sa pinag-uusapan nilang low quality ang inihahain.” Dagdag niya. “Iyon na pala ang best dishes?” Tanong niya sa lalaki. Nakita niya ang pagkapahiya sa mukha ni Mr. Agripino, pero hindi pa siya roon natatapos. Lumapit siya sa isa pang putahe at halos paikutin na naman ang kaniyang mga mata. “Look at these shrimps. Are you really serving dead shrimps to our customers? Bakit hindi iyong fresh? Bakit kailangan ganitong klase?” Bumaling siya muli kay Mr. Agripino. Ang matanda ay namumutla na pero sinubukan nitong magsalita ulit. “Those weren't dead, Miss Cuesta. Maganda ang storage room ng restaurant, at maayos na iniluluto ng mga chief ang pagkain.” Umismid siya. This man, matigas din ang ulo at ayaw tumanggap ng katotohanan. Binalingan niya si Blue at sinabi, “Please remind me to talk to our kitchen staff this afternoon. This has to stop. Humanap kayo ng bagong supplier para masigura
“May problema ba, Aeverie?” Nag-aalalang tanong ni Blue nang mapansin ang kaniyang reaksyon. What the h*ck? Aeverie cursed silently. Hinaplos niya ang kama at inalis pa ang makapal na duvet na nakapatong. Nagsalubong ang kaniyang kilay nang maramdaman ang mismong kama. “Aeverie?” She pursed her lips. “Where’s the bathroom?” Tanong niya. Itinuro ni Blue ang isang pinto. Tumayo siya’t iniwan ang kama para tingnan ang loob ng bathroom. Malaki iyon at mukhang bagong linis. She squinted her eyes. Talagang matalino si Mr. Agripino, sinusubukan siyang dayain. Malinis ang kuwarto at banyo pero may nakaligtaan yata sila. She smirked. Naglakad siya palapit kay Rafael. “Let’s go to my office.” Aniya. Tumango si Rafael at bumaling sa mga executives. Pormal itong nagpaalam at ibinilin na matutuloy ang meeting mamaya. “I saw your face, Aeverie. What’s wrong with the bed?” Tanong ni Rafael nang makapasok sila sa opisina. Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng opisina at napatango sa s
Sinubukan niyang ipaliwanag ang nangyari sa kalmadong boses para hindi gaanong mag-alala si Rafael. Ngunit hindi maiwasan ni Rafael na makaramdam ng pagkirot sa kaniyang dibdib. Inabot niya ang kamay ni Aeverie para tingnan iyon. “Did you get hurt because of… Silvestre?” Parang binuhusan ng malamig na tubig ang ulo ni Aeverie nang banggitin nito ang pangalan na ‘yon. She bit her lower lip. Umiling siya at sinubukan na ngumiti. “H-hindi naman sa ganoon.” Tumitig sa kaniya si Rafael, sinusuri ang kaniyang reaksyon. “I was in the battle, Kuya. I did it for world peace, and to bring honor to our family. Hindi dahil sa kaniya.” But in fact, it’s really him that she saved. Limang taon na ang nakakalipas, nagkasama si Aeverie at Silvestre sa border ng Israel. Siya bilang isang battlefield doctor, at si Silver bilang isang magiting na sundalo. Dahil sa biglaang pag-atake ng kalaban ay hindi nakapaghanda ang grupo nila. Marami ang napuruhan at ilang tent ang nawasak. Silvestre was
Aeverie couldn't believe her ears. Si Silver? “Should I answer it?” Bored na tanong ni Rafael. She cleared her throat. Marahan siyang tumango. “Answer it.” Saan naman nakuha ni Silver ang numero ng kaniyang kapatid? Rafael slowly pressed the answer button, pero hindi siya sumagot, hinintay niyang magsalita ang nasa kabilang linya. “This is Silvestre Galwynn. Is my wife with you, Mr. Cuesta?” Malamig at medyo malalim ang boses ni Silver nang magsalita. Parang pinukpok ng martilyo ang ulo ni Aeverie nang marinig ang tanong ni Silver. At talagang halos bigyang diin nito ang salitang “wife”? “I think you have to be careful with your words, Mr. Galwynn. She’s no longer your wife.” Malamig na paalala ni Rafael. “I’m not playing games with you, Mr. Cuesta. Where is Avi?” Bumaling sa kaniya si Rafael, tiningnan siya nito. He mouthed, “How about I dropped this call?” Umiling siya. “Avi.” Biglang tawag ni Silver. Kinabahan siya. Tila alam ng lalaki na nakikinig siya sa usapan.
“Aeverie.” Sinundan siya ni Maredith nang pumasok siya sa bahay. Malakas ang tibok ng kaniyang puso at hindi maitago ang matinding pagkayamot sa ekspresyon ng kaniyang mukha. Sumunod si David sa kanilang mag-ina. “Hindi namin napag-usapan ang tungkol sa arrange marriage kagaya ng iniisip mo, Aeverie.” Matigas na saad ni David. “I just want you to know CK Huo better. As a future president of the AMC Group, you have to learn how to expand your knowledge, influence and power in this field. You need great alliance with powerful and influential people.” Tumigil sila sa salas. Hinarap niya muli ang kaniyang ama at sarkastikong nginitian ito. “We were able to stand on our own for the past decades! AMC Group and Hou Group are two different group of company. Magkaiba sila, malakas pareho pero malaki ang pagkakaiba sa larangan ng tinatahak na negosyo! You cannot f**l me now, why don't you just tell me directly that you’re trying to merge the two companies by setting us up with each other!”
“CK,” mabilis siyang lumakad nang dumiretso ang lalaki malapit sa swimming pool.“What the h*ck is going on right now? Is there something you need to tell me?”Nang sapat na ang kanilang distansya sa kanilang mga magulang, tumigil si CK at humarap sa kaniya. Sanay siya na palaging may pang-aasar sa ekspresyon ng mukha nito. Ngunit seryoso masyado ang mukha ngayon ng binata.Bahagya siyang natigilan at mas lalo pang kinabahan.“I think, it's you who has to tell me something.” Malamig nitong sabi.“Alam ba ni Silver na isa kang Cuesta?”Saglit siyang nawalan ng sasabihin nang mabanggit nito si Silvestre. She straightened her back.“Alam na niya, but I think Silvestre has nothing to do with us now. What’s really going on?” Nakakunot noo niyang tanong.Huminga ng malalim si CK at nag-iwas ng tingin. Tila bigo ito.“You lied about your identity. You weren't Avi Mendoza. Your parents weren't dead. You’re hardly a poor woman. Avi’s personality and identity were far from your real one.” Bigo
Maybe the guilt was too strong. Naisip ni Aeverie ang kaniyang mga kasalanan na maaaring naging dahilan kung bakit pinapatawag siya bigla ni David at gustong makipaghapunan ng eksklusibo sa kanilang mag-ina. Sinalubong siya ni Pablo, ang sekretaryo ni David Cuesta, na naging malapit din sa kaniya noong kabataan niya. Sa parking lot ay natanaw niya si Pablo na matuwid na nakatayo at tila naghihintay sa kaniyang pagdating. “Good evening, Young Lady.” Bati nito nang bumaba siya sa sasakyan. “Good evening, Pablo.” Bati niya pabalik. Malaki ang villa na ito. Noong hindi pa sila dinadala ni David Cuesta sa mansyon, dito sila nakatira ng kaniyang inang si Maredith ng ilang taon. Dito siya tumira noong bata pa siya, habang itinatago silang mag-ina ni David Cuesta kay Felistia. Ang villa na ito, na dating isang masayang tahanan, ay naging malungkot na alaala na lamang para kay Aeverie. Para sa kaniya, sa tahanan na ito nagsimula ang lahat ng kasinungalingan ng kaniyang pamilya na akala niy
Hapon nang makatanggap ng tawag si Aeverie galing sa matandang sekretaryo ni David Cuesta.“Young Lady,” pormal na bati ni Pablo sa kabilang linya nang tanggapin niya ang tawag.“I want to inform you that Mr. Cuesta wants to see you tonight at Madam Maredith’s villa. He wants to have dinner with you and your mother.” Imporma nito.Maredith's villa. May kakaibang lamig sa kaniyang sikmura. Of course, that's my Mom’s property. Nakapangalan nga pala sa kaniyang ina ang villa na iyon dahil regalo ito ni David Cuesta.She was hesitant at first.“Young Lady, do I have to pick you up from the hotel?” Tanong ni Pablo.Umayos siya ng upo.“Hindi na, Pablo. I will come to the villa. Pagkatapos ko sa hotel, didiretso ako sa villa.” Sagot niya.“Your father is expecting you, Young Lady.” Bilin nito.Saka nito ibinaba ang tawag.Nang maibaba niya ang cellphone sa mesa, natulala siya saglit. May kakaibang kabog ang kaniyang dibdib na hindi niya kayang ipaliwanag. Saktong pumasok si Blue at natanaw
Maayos na ang kondisyon ni Silvestre, ngunit madalas pa rin siyang matulala habang nagtratrabaho. Ngayon ang araw na plano niyang puntahan si Aeverie sa hotel nito, ngunit may kumukontra sa likod ng kaniyang utak. Hindi siya ang humihingi ng oras at atensyon sa mga tao. Ang mga tao ang pumupunta sa kaniya para hingin ang kaniyang oras at atensyon. What’s so special with her that I considered this st*p*d idea? Sarkastiko niyang tanong sa sarili. Si Aeverie ang dapat na pumunta sa kaniya dahil ito ang may kasalanan, at hindi siya. Kagabi pa niya iniisip si Aeverie at ang planong puntahan ito sa hotel para makausap ito.Ngunit palaging nagtatalo ang kaniyang isipan at ego. Pupuntahan niya ang babae para isuko nito ang totoong may kasalanan, pero sa tuwing naiisip niya na mag-aaksaya siya ng lakas at panahon para makausap lamang ito, parang natatapakan ang kaniyang pagkalalaki. Biglang nagambala ang tahimik na opisina nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Sinulyapan niya iyon ng ti
“Have you heard about the word ‘Paradoxial Intention’?” Bigla’y tanong ni Blue. Kumunot ang kaniyang noo. “Huh?” Never heard of it. Hindi niya pa narinig ang ganoong salita kaya naging kuryuso siya sa tanong nito. “Paradoxial Intention or Law of Reverse Effort. I have a friend, major in Psychology siya. He once tried to explain it to me. Sabi niya sa akin, the more na hinahabol mo, pinapangarap mo, o ginugusto mo ang isang bagay, the more na hindi mo ‘yon makukuha o makakamit. You became so obsessed with it, to the point that you’re exerting too much effort just to get or achieve it. But in the end… hindi mo pa rin makuha. Kaya sumuko ka.” Ngumiti si Blue, kumuha ito ng tissue at inilapag malapit sa kaniya nang makitang may dumi sa kaniyang labi. “Then, you suddenly lose interest over that thing or person. You started to attract it afterwards. Kung kailan hindi mo na siya hinahabol o ipinipilit, saka mo naman siya nakuha. That’s Paradoxial Intention.” Pinunasan ni Aeverie ang ka
Totoo ang sinabi ni Sage na inalis lahat ng wine at champagne sa cellar. Maging ang mga inumin sa maliit na bar counter ng mansyon ay wala nang naka-display.Aeverie still couldn't remember what happened last night. Kung totoo na nakatulog siya sa bathtub at nakalubog ang kaniyang mukha, baka nalunod na lamang siya dahil sa sariling kapabayaan.Mabuti at naabutan pa siya ni Sage at maagang naiahon bago pa siya mawalan ng pulso.Her near death experience feels like a dream. Hindi niya alam at hindi niya maalala.Sage's still mad. Si Uriel ay hindi rin makausap. Mas lalo na si Rafael na pumasok pa rin sa trabaho kahit na masama ang mood ngayong araw para lang hindi sila magkausap dahil galit din ito sa kaniya.“Ano ang gusto mong kainin, Aeve?” Tanong ni Blue.Hindi pumayag si Sage at si Uriel na magtrabaho siya ngayong araw, kaya magkasama sila ni Blue sa mansyon. Naatasan itong bantayan siya’t samahan maghapon, hanggang sa makabalik ang tatlo.“I don’t know. Maybe a cucumber salad.”U
Nagising siya kinabukasan na masakit ang ulo. Parang may mga langgam sa loob ng kaniyang utak na kinakagat siya’t tinutusok. Dahan-dahan siyang bumangon sa kama, naghahanap ng tubig na maiinom, ngunit ang bumungad sa kaniya ay si Sage na madilim ang ekspresyon ng mukha. “S-sage.” Utal niyang tawag sa kapatid nang makita ito sa paanan ng kama. Mas lalong dumilim ang ekspresyon ng mukha nito. Tumayo si Sage at inalalayan siyang makaupo ng maayos. Sinapo naman niya ang kaniyang ulo nang maramdaman na parang nanunuyo ang dugo nito sa loob. “Why are you here? Anong oras na ba?” Tanong niya. Bumukas ang pinto, pumasok si Uriel. Nang makita siya nito ay dumilim din ang ekspresyon ng mukha. “How is she? Do we still have to send her to the hospital?” Tanong ni Uriel kay Sage. Kumunot ang kaniyang noo, hindi maintindihan ang nangyayari. “Hospital? Why would you send me to the hospital? I’m fine.” Aniya. “You almost drown last night, Aeve. And I think you don't know it yet.” Malamig na s
Mabigat ang loob ni Aeverie nang umuwi siya sa mansyon. Nauna silang umalis ni Sage, dahil may biglaan itong meeting ngayong dis oras ng gabi. Hindi na siya halos nakapagpaalam dahil gusto na lamang niyang makapagpahinga.The family dinner wasn’t that great. Bulong ng kaniyang isip nang lumubog siya sa bathtub.Si Achilles lamang at ang asawa nito ang pumunta pagkatapos ng halos dalawang oras na paghihintay sa iba pang anak ni David Cuesta. Pagkatapos na salubungin si Achilles, ay hindi na siya nagsalita pa sa hapag.Hinintay na lamang niyang matapos silang kumain at nang makauwi na siya.Her phone rings suddenly.Hindi pa nag-iisang oras simula nang makauwi siya ay sunod-sunod na tawag na ang kaniyang natatanggap. Nasa gilid lamang ng maliit na mesa ang kaniyang cellphone kaya madali lamang abutin.Sumimsim siya sa baso ng champagne bago sagutin ang tawag. Panglimang baso na niya iyon at ramdam na niya ang kaunting epekto nito sa kaniyang sistema.“Where are you?” Bumati agad sa kani