Halos hindi niya makilala ang babaeng nasa harap niya. Ang babaeng nakikita niya ay malayo sa babaeng pinakasalan niya. Tatlong taon din silang nagkasama ni Avi, ngunit ito ang unang pagkakataon na nakita niyang ganito ito kaganda. “D*mn she’s hot!” Nagising sa pagkakatulala si Silver nang marinig ang sinabi ni Gino. Binalingan niya ng tingin ang sekretaryo at nakita na nakatulala pa rin ito kay Avi. “How’s Abuelo, Mr. Secretary?” Ani Avi. Iyon ang madalas na tawag ni Avi kay Gino “Mr. Secretary”. Nang tingnan ni Silver ang babae ay hindi man lang siya nito sinulyapan ng tingin. Tanging si Gino lamang ang gusto nitong makausap. What the— “A-avi?” Medyo gulat na saad ni Gino, natatawa. “Ikaw ba ‘yan?” Hindi pa rin makapaniwala si Gino sa kaniyang nakikita. Ang babaeng nasa kaniyang harap ay talagang napakaganda. Malayo sa simpleng Avi na madalas niyang makita noon. Ang Avi na nakikita niya ngayon ay sobrang ganda. She’s wearing delicate make up and sporting a
Napatingin sa kaniya si Arsen at agad niyang nakita ang pagtalim ng mga mata nito. Bumakas sa mukha ni Arsen ang pagkairita pero nawala iyon agad ilang segundo lang ang lumipas. “Anong ginagawa mo rito?” Sinalubong ni Silver ang babae. Nang magkalapit ang dalawa, mabilis na yumakap si Arsen sa lalaki. Hinawakan naman ng huli ang bewang nito para suportahan sa biglaang pagsugod ng yakap. Wala sa sariling umikot ang mga mata ni Aeverie nang makita ang eksena. Such a drama. “Bakit hindi mo agad sinabi sa akin ang nangyari? Kamusta na si Abuelo? M-maayos na ba ang kalagayan niya?” Nakalapit si Fatima, nahuli ito ng ilang hakbang lang dahil sa pagtakbo kanina ni Arsen. “Arsen was so worried, Silver. Kanina pa ako kinukulit na samahan ko siya para makita ang matanda. Alam kong Nag-aalala ang pamingkin ko kaya sinamahan ko na. Tyaka hindi matigil ang panic attack ni Arsen kanina pa, masyado siyang nag-aalala sa kalagayan ni Papa.” Makabagbag-damdaming saad ni Fatima. “Bakit ka
Pumasok si Aeverie sa silid kasama si Silvestre. Naiwan naman sa labas si Arsen. Agad na nahanap ni Aeverie ang matandang may sakit. Nang makita siya nito ay bumalik ang buhay sa namumutla at nanghihina nitong mukha. Nakaupo ang matanda habang nakaalalay ang maraming unan sa likod nito. “Avi!” Maligayang tawag ni Abuelo sa kaniya. “Halika rito, hija.” Tawag nito. Aeverie’s personality instantly switched to an obedient Avi. Kilala niya ang sarili. Matigas na parang bato ang puso ni Aeverie, ngunit masunurin at malambot ang puso ni Avi. Naupo siya sa tabi ng kama ni Lucio at sa malumanay na boses ay nagtanong. “Kamusta na ang pakiramdam mo, Abuelo? Mayroon bang masakit?” Pilit na ngumiti ang matanda. “Maayos na ako, Avi! Lalo na’t narito ka na at bumisita sa akin.” Hinawakan ni Abuelo ang kaniyang kamay, marahan iyong hinaplos. Kita ang pag-aalala sa mga mata ng matanda kahit na siya ang dapat mag-alala sa kalagayan nito. “Where have you been, hija? I’ve heard that my good-fo
Ang sekretaryo nito ay agad na kumilos at dinala ang isang velvet box. Binuksan ng lalaki ang kahon at tumambad sa paningin ni Aeverie ang isang gintong pulseras. Umawang ang kaniyang bibig. Kinuha ni Benito ang pulseras at inilahad iyon kay Lucio. Magaling si Aeverie sa mga alahas. Ang totoo ay mayroon siyang isang malaking kahon na gawa sa salamin at puno iyon ng mamahaling mga alahas. Ang ilan sa kaniyang collection ay nagkakahalaga ng milyones. Lalo pa’t mahilig magregalo ang kaniyang mga kapatid ng alahas kaya marami ang nakalagay sa salaming kahon na iyon. Ngunit itong nakikita niya, alam niyang matagal na iyon! Baka nga ay mas matanda pa ang alahas na iyon kumpara sa kaniya. Kaya nang makita niyang tumingin sa kaniya ang matanda ay agad siyang kinabahan. Imposible. It must be a heirloom bracelet. Hindi dapat ginagawang panregalo sa kaniya. Ang gintong pulseras ay may mga diamanteng kumikinang. Nakapalibot ang diamante na hugis bulaklak sa kabuuan ng pulseras at ang nasa
Muling pumikit ng ilang segundo si Lucio. Buo na ang desisyon ni Avi na iwan ang kaniyang apo. Wala na siyang magagawa. Marahan na tumango si Lucio, pinisil niya ang kamay ng babae. “Papayag na ako, Avi. But my 80th birthday is fast approaching, ilang araw na lang ay kaarawan ko na. Maari mo bang hintayin ang araw na iyon bago mo tuluyang iwan ang pamilya namin? Ilang araw na lang, Avi.” May pagsusumamo sa kaniyang boses. Hindi niya kayang mawala si Avi, sana ay makapaghintay pa ito sa kaniyang kaarawan. “Abuelo, hindi naman na kailangan.” Si Silver sa mababa at nakakatiyak na tinig. Bumaling ang matanda sa kaniyang apo na may galit sa mga mata. “Anong hindi na kailangan?” Galit niyang tanong. Halos mapuno ang silid ng galit nitong tinig. “Anong alam mo, Silver? Gusto kong naroon si Avi sa araw na iyon! Bakit? Anong gusto mo? Sa araw na iyon, si Arsen ang nasa tabi ko habang binabati ko ang mga bisita? Gusto mong ang magaling mong kabit ang nasa aking tabi habang pinagdiriwang
“Arsen!” Sigaw ni Fatima at mabilis na dumalo sa kaniyang pamangkin. Medyo natatawa pa siya sa naging hitsura ni Arsen nang bumagsak ito pero pinigilan niya ang sarili. “What happened? Are you okay?” Mabilis na lumapit si Silver nang makita sa sahig si Arsen. Tinulungan nitong makatayo at nanghihina naman ang babae na sumandal sa kaniya. “My ankle hurts, Silver.” Halos maiyak na saad ni Arsen. Sumakit talaga iyon dahil hindi niya nahawakan ng maayos si Aeverie. At tuluyang natapilok ang kaniyang paa dahilan para sumakit. “I was trying to hold her,” nag-angat ng tingin si Arsen kay Aeverie. “But instead, she pushed me.” Sumakit din ang kaniyang likod dahil sa pagbagsak. Hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari sa kaniya. “She pushed me.” Ulit ni Arsen nang maitayo siya ni Silver. Pinagcross ni Aeverie ang kaniyang braso sa ibaba ng kaniyang dibdib at sinamaan ng tingin si Arsen. Sa harap niya pa talaga mismo gumagawa ng eksenang ang dalawang ito. Nagtaas siya ng kilay na
Nagtatagis ang bagang ni Arsen habang sinusundan niya ng tingin ang papaalis na si Aeverie. That b*tch! Akala mo kung sino kung makapagsalita. Gusto niya pa sanang supalpalin ang babae pero dahil sa huli nitong sinabi ay tuluyan siyang natameme. Isa pa, paano nalaman ni Avi kung totoo o peke ang isang alahas? Imposibleng marunong siya sa mga ganitong bagay. Ikinuyom niya ang kaniyang kamay dahil sa matinding galit na nararamdaman. Sa harap pa mismo ni Silver siya napahiya. Hindi niya man lang nagawang sagutin si Avi pagkatapos ng mga sinabi nito. Makakaganti rin ako sa babaeng iyon! Sumpa niya sa sarili. Ngunit laking gulat niya nang lumayo sa kaniya si Silver at naglakad paalis. Sinundan nito si Avi. Malalaki ang hakbang at tila hindi na magpapagil. “Silver!” She helplessly called. Hindi ito lumingon bagkus ay tuluyan nitong hinabol si Avi. Sinubukan niyang ihakbang ang nga paa para habulin din ang lalaki, pero kumirot ang natapilok na paa dahilan para mapatigil siya sa pag
Nagbalik sa kaniyang alaala ang nangyari labintatlong taon na ang nakakalipas. Habang malakas ang buhos ng ulan at sinasakop ng dilim ang kapaligiran ay naging malinaw sa kaniya ang magandang mga mata ng isang batang lalaki. Isang beses na siyang iniligtas ni Silver. Kung hindi dahil sa lalaki ay baka hindi na siya nabubuhay ngayon. But somehow, she felt a pang of regrets. Kung hindi siya siguro iniligtas ni Silver noon ay baka hindi niya rin nagustuhan ang lalaki. Hindi na niya sana kailangan danasin ang mala-impyernong buhay sa piling nito. Ang tatlong taon nilang pagsasama ay malayo sa kaniyang pinangarap na buhay kasama si Silver. Those were full of void memories. Nothing’s really special. Siguro dahil sa sobra niyang mahal si Silver kaya kahit pakiramdam niya’y hindi naman siya pinapahalagan ng lalaki, nanatili pa rin siya. Tumuwid ng tayo si Silver kaya nag-iwas ng tingin si Aeverie. “Thank you.” She said politely. “Answer my question now.” Silvestre demanded. Oo nga pal
Hindi niya man gustong aminin, pero napansin niyang matalino si Aeverie sa pamamahala sa ganitong sitwasyon. She handled the incident decisively. She was calm and resourceful, domineering but graceful, and very much like a manager who’s ready for anything. Kumento ng isip ni Silvestre. Hindi na siya ang dati niyang asawa na palaging nakakulong sa isang maliit at masikip na lugar, mapagpatawad, at sunud-sunuran, mahiyain at takot na humarap sa mga tao. How could she have two different personalities all at the same time? Mapait na tanong ni Silvestre sa kaniyang sarili. “Okay, you said it, you will kneel down in front of me and ask an apology once na mapatunayan kong magnanakaw ang mga empleyado mo!” Nagtatagis ang bagang na sabi ni Lucinda. “I am the manager of the hotel and I should be responsible for my guests. Kung may nagawang mali ang isa sa mga empleyado ko, ako ang hihingi ng tawad at didipensa.” Sagot ni Aeverie saka ngumiti ngunit walang emosyon ang mga mata. “I found th
Nang mga oras na iyon, kapapasok lang ni Silvestre at Gino sa lobby.Nang makita ni Silvestre si Aeverie hindi niya maunawaan ang kaniyang nararamdaman. Bigla nalang bumilis ang tibok ng kaniyang puso, lalo pa nang makitang naglakad ito palapit sa mga nagkakagulong tao.Hindi niya maalis ang tingin kay Aeverie, namamangha siya sa ganda nito. Tila nakalimutan na niyang kumurap dahil sa pagsunod ng tingin sa babae.“Grabe. Ang hirap paniwalaan na ganiyan pala talaga kaganda si Avi.” Naiiling na sabi ni Gino sa kaniyang tabi na sinusundan din ng tingin ang babae.“Wait. Isn't that Miss Lucinda Galwynn?” Napansin ni Gino si Lucinda kasama ang dalawang babae.“Manager?” Narinig nilang singhap ni Lucinda.“Oh, you are now a manager, Avi? That’s good for you.” Puno ng sarkasmong turan ni Lucinda at hinagod ng tingin si Aeverie.“I’m actually much more better than before.” Nagtaas ng kilay si Aeverie at sinukat din ng tingin ang babaeng Galwynn.“At least now, I could feel that I’m living in
Ang huling gumamit sa kanilang presidential suite ay si CK noong nakaraang dalawang taon. Nabalitaan niyang doon ginanap ang intimate birthday celebration nito. Sa bagay, sa sobrang yaman ng mga Huo ay hindi sila magdadalawang-isip na magwaldas ng daan-daang libong piso para sa isang kuwarto. “Hindi si CK.” Bigla’y sagot ni Blue. “Sino?” “Si Miss Cassandra Recto. She’s a daughter of a former ambassador in Kuwait. Kasama niya kagabi si Lucinda Galwynn at ang isa pang foreigner na babae.” Tumaas agad ang kilay ni Aeverie nang marinig ang pangalan ni Lucinda. “Really? Why would they check into such a big room?” “They’re having a party in the room last night. Fortunately, our hotel has good sound insulation, kaya hindi naging problema kagabi ang ingay nilang tatlo. I reviewed the CCTV this morning, nakita kong may pumasok na dalawang lalaki sa loob ng presidential suite nang bandang hatinggabi. Mga mukhang modelo. Nakakapagtaka lang na hatinggabi na sila pumunta at madaling araw pa
Ilang araw ang lumipas, mas lalong naging magagalitin si Silvestre at nawalan ng gana sa lahat ng bagay.Hindi niya ma-contact si Avi, o si Rafael Cuesta. Medyo frustrated na siya dahil sa maya’t mayang pagtawag ng kaniyang Abuelo at pangungulit nitong hanapin si Avi at iharap dito. Malapit nang mag-otsenta si Lucio Galwynn at mas lalo siyang nahihirapan na hindian ito, lalo pa’t alam niyang makikipag-away lamang sa kaniya ang matanda.“How about we report this to the police?” Wala sa sariling suhestyon ni Gino sa kaniya.“And why would we do that?” Sarkastiko niyang tanong sa sekretaryo.“Because, ah, legally she’s still your wife, since you haven't completed the divorce procedure yet, but her family is hiding her away from you? Maybe the police could help us with that.”“What?” Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Silvestre.“That’s the best idea you could come up with?” Matalim niyang tiningnan ang lalaki.“E, ano pa ba ang gagawin natin, Sir? Hindi natin mahanap si Avi, or Aeverie,
Nang sumunod na gabi, hindi inaasahan ni Aeverie na makikita niya si Rafael at Uriel pagkauwi niya galing sa trabaho. Kapwa madilim ang mukha ng dalawang kapatid nang maabutan niya sa sala. “Kuya Rafael? Kailan ka pa?” Nagtataka niyang tanong nang makabawi sa pagkabigla. Akala niya ay bukas pa ito ng umaga dadating. Tumayo si Rafael at hinintay siyang makalapit. Medyo nagdalawang-isip pa siya, pero lumapit pa rin at hinalikan ang pisngi nito. “How’s your business trip?” Tanong niya, pilit pinapagaan ang mabigat na atmospera sa sala. “I learned about what happened at the auction from Mom.” Ani Rafael sa seryosong tinig. Bumaba ang tingin ni Rafael at Uriel sa nakabenda niya pa rin na kamay. Nagtagis ang bagang ng panganay nilang kapatid. Nagtagal ang tingin ni Rafael sa kaniyang kamay na pilit naman niyang itinago. Naisip agad ni Rafael na hindi sana magkakaganito si Aeve kung hindi niya hiniling na ito ang pumunta sa auction para sa kaniya. Hindi sana ito nasaktan. “How is your
Nagawang pakalmahin ni Silvestre si Amanda sa pamamagitan ng pagsabing maaari pa naman bumisita si Avi sa kanilang tahanan.Inalalayan niya pabalik si Amanda sa mansyon, ngunit tumigil din siya sa paglalakad nang makatanggap siya ng tawag mula sa isang numero. Nang makita niya ang naka-register na pangalan ay nagbuntong-hininga na lamang siya.Anong oras na? Bakit gising pa si Abuelo? Tanong niya sa sarili.Natanaw niya si Manang Petrina na puno ng pag-aalala ang mukha habang naghihintay sa may hagdan.“Nanang, dalhin niyo sa kuwarto si Amanda. Marumi na rin ang damit niya dahil sa dalang stuffed toy. Help her.”“S-sige, Silver.”Hinawakan ni Manang Petrina ang braso ni Amanda para dalhin ito sa taas. Samantalang sinagot naman ni Silvestre ang tawag ng kaniyang Abuelo.“Abue—”“Why I can’t contact Avi again? What did you do to her?” Galit nitong tanong, hindi na siya pinatapos.Habang tumatanda si Lucio Galwynn, bumabalik naman ito sa pagkabata. Madalas na itong magtantrums, dahilan p
Hindi na hinintay ni Amanda na tulungan siya ng mga katulong na kunin ang malaking teddy bear na itinapon ni Lucinda. Dali-dali siyang lumayo kay Manang Petrina at tumakbo palabas ng mansyon para kunin sa likod ang nahulog na stuffed toy. Mabilis na sumunod si Manang Petrina, natatakot na baka nasa labas si Lucinda at makita na naman nito si Amanda. Ngunit pagkababa sa hagdan, nakita niyang nasa may pinto si Silvestre, sinusundan ng tingin ang tumatakbong si Amanda. “What happened, Nanang?” Tanong ni Silvestre, nakakunot ang noo. Napalunok siya. Alam niyang kapag magsumbong siya kay Silvestre sa nangyari ay magagalit ito ng husto kay Lucinda, malaking gulo na naman. Alam pa naman niya na mas malapit si Amanda kay Silvestre kumpara sa ibang anak ni Fatima. “Ah, si Anda…” hindi niya alam kung paano ipapaliwanag. “Bakit tumatakbo si Amanda? Saan pupunta ‘yong bata?” Tanong nito. “Kukunin ‘yong stuffed toy na nahulog.” Tanging nasagot ni Manang Petrina. Mas lalong nagsalubo
Samantalang sa mansyon ng mga Galwynn, mas lalong pinag-initan ni Lucinda ang kaniyang kapatid dahil sa pagtatanggol nito kay Avi. Nasa ospital pa rin si Fatima kasama si Arsen at Arabella, si Bernard ay may business trip, si Silvestre ay nasa labas pa kaya si Lucinda at Amanda lamang ang nasa bahay. Tahimik na sinusuklay ni Amanda ang kaniyang buhok, matutulog na dapat siya nang marinig ang katok mula sa kaniyang pinto. Kumunot ang kaniyang noo. Madalas ang mga katulong lamang ang bumibisita sa kaniyang kuwarto, minsan ay para dalhan siya ng mainit na gatas. Baka si Manang Petrina. Tumayo siya at dahan-dahan lumapit sa pinto. Binuksan niya iyon ng may ngiti sa kaniyang labi, pero agad iyon naglaho nang makita si Lucinda. “Ate—” “You little b*tch! Have you been bribed by that promdi girl? Are you someone she sent to spy on us?!” Naamoy ni Amanda ang alak sa hininga ni Lucinda. Napaatras siya, agad na kinabahan. “Kagayang-kagaya ka ni Avi! Kunwari ay isang santa pero m
“Remember the woman you’ve mentioned to me after your last battle in Israel?” Bigla’y saad ni CK.“What about her?”“You told me that you almost died in the battle field, but then, may nagligtas sa’yong babae. What happened to her? Did you already find her?” Agad na nagdilim ang mukha ni Silvestre. Naalala niya ang babaeng humila sa kaniya pabalik sa safezone. Ilang bala rin ang tumama sa kaniyang katawan dahil sa biglang pag-atake ng mga rebelde sa barracks.Half conscious na lamang siya nang maramdaman na may humihila sa kaniya, at nang buksan niya ang mga mata, malabong imahe ng babae ang nakita niya. Hindi niya nakilala, ngunit may ilang detalye siyang nakuha.Iyon nga lang, pagkatapos siyang mabigyan ng pangunahing lunas at magpagaling, hindi na niya alam kung paano hahanapin ang babae nang makapagpasalamat man lang siya.Huling misyon na niya iyon sa Israel, dahil pagkatapos ng nangyari sa kaniya, naisip niyang itigil na ang pagsusundalo at magpukos na lamang sa pamamalakad ng