Nang maghapunan, ang lahat ay nasa dining table na at pinag-uusapan si Arsen.
Lahat sila ay natutuwa sa pagbabalik ng babae.
Ngunit tahimik lamang si Silver na nakikinig sa mga binabatong tanong kay Arsen. Magkasalubong pa rin ang makapal niyang kilay at hindi pa rin napapatag ang nakakunot niyang noo.
Umalis si Avi kasama si Rafael Cuesta na walang dinalang kahit na anong bagay, maging ang inalok niyang 20 million at ang villa.
“Nasaan si Avi? Bakit hindi siya bumaba at nang makakain na?” Si Director Bernard Galwynn ang nagtanong dahil sa pagtataka.
“Silver?” Bumaling ito kay Silver.
“Where's Avi?” Nag-aalala nitong tanong.
“She left.”
“Ano?” Kumunot ang noo ni Bernard.
“Where did she go? Ang batang ‘yon, kumain na ba si Avi?”
“Dad, she left already. She signed the divorce paper and decided to leave.”
Nagbaba ng tingin si Silver.
“But we still have to choose a day to go through the formality and get the divorce certificate.”
Naibaba ni Bernard ang kaniyang kubyertos. Nagulat siya sa sinabi ng anak.
“Ano?! Divorce?”
“Kuya Bernard,” singit ni Fatima. “Sinabi ko na sa iyo dati pa man na si Silver at Avi ay hindi talaga bagay sa isa't isa. Ang matanda lamang ang pumilit para magsama ang dalawa.”
Huminga ng malalim si Fatima.
“Three years is already long enough. Nahihirapan na siguro si Avi kaya pinili na niyang umalis. She's now finally willing to let go and part ways with Silver happily. Mas makabubuti na rin ito para sa kanilang dalawa. Alam mo rin naman na dati pa, si Arsen na ang tinatangi ni Silver.”
Bumaling si Bernard kay Silver. Seryoso ang mukha.
“Silvestre, marriage is not a joke, not to mention Avi is—”
“Dad,” putol ni Silver sa sasabihin ng ama.
“We have signed the divorce agreement, it's a mutual decision. Umalis siya, at walang kinuha na anuman.”
Muling kumunot ang kaniyang noo dahil sa naramdamang pagkayamot.
“Not even her clothes?” Gulat na tanong ni Bernard.
Umiling siya.
“Wow, that country girl is quite strong-willed.”
Napaismid naman si Lucinda. “Hindi kaya paraan lang niya ito para magmukhang kaawa-awa? Baka mamaya niyan ay pagsalitaan tayo ng masama at sabihin niyang tinatrato natin siya ng hindi tama!”
Nang marinig iyon ni Silver ay mabilis na dumaan ang galit sa kaniyang mga mata. Nagsalubong ang makapal na kilay at gumalaw ang panga.
“Masyado kang nagpadalos-dalos sa desisyon mo ngayon, Silver.” Medyo bigong saad ni Bernard. “Your Abuelo is still sick. How would you explain this to him?”
Natahimik ang lahat ng nasa mesa dahil sa pagbanggit ni Bernard sa matanda.
Halata rin sa mukha ng lalaki ang labis na pag-aalala. Alam ni Bernard na malaki ang posibilidad na hindi matuwa ang matanda kapag nalaman ang pakikipaghiwalay ni Silver kay Avi, baka mas lumala lamang ang kalagayan nito.
“I will tell him the truth, Dad. And next month, I will announce the engagement with Arsen. I want to marry her and make her my wife.”
Napatitig si Arsen sa guwapong mukha ng lalaki. Namungay ang kaniyang mga mata dahil sa mga sinabi nito.
“You are just kidding! Have you already thought about this, Silver?” Tumaas ang boses ni Bernard.
“You've already been married to Avi for three years, you should not risk your marriage like that. And your reputation? It will be ruined the moment you announce your engagement with another woman!”
Umiling si Silver. Hindi natatakot sa pagtaas ng boses ng kaniyang ama.
“I never care about false reputation. Avi has never been the woman I want." Buo ang kaniyang loob na sabihin iton.
“Tito Bernard, please don't blame Silver, blame me if you want to.”
Hindi na napigilan ni Arsen ang bugso ng damdamin. Humilig siya sa balikat ni Silver at kinuha ang kamay nito.
Pinagsiklop nila ang kanilang mga kamay.
“It's my fault, Tito.” Pag-amin niya.
“I shouldn't have appeared in front of Silver... I will go back to Canada tomorrow morning.”
Kumunot ang noo ni Silver sa kaniyang sinabi.
“And for you, Silver, kailangan mong ayusin ang relasyon mo kay Avi. I don't want you to regret anything. I don't want to feel bad by ruining your marriage with her—”
“Stop it, Arsen.” Putol ni Silver.
“I don't regret anything. And I would not regret anything.”
Humigpit ang hawak ni Silver sa kamay ng babae.
“And you're not going back to Canada. I wouldn't let you go.”
“But...” nag-alinlangan si Arsen nang makita ang pagtagis ng bagang ni Silver.
Mabigat ang mga mata nito at mahigpit ang pagkakahawak sa kaniyang kamay.
“Avi and I are over. You have endured for me for three years. I won't let you suffer any more grievances.” Nangangakong saad ng lalaki.
Natahimik ang mesa.
Lahat ay nakatingin na lamang kay Silver at Arsen habang ang dalawa ay parang may sariling mundo.
“I love you, Ariel Sendyll Espejo. I'd marry you no matter what.”
Sa labas naman ay malamig ang simoy ng hangin sa gabing iyon. Tila hinihele ang mga kumikirot na puso.
Dinala ni Rafael si Aeverie sa port kung saan naghihintay ang pribadong yate na binili ni Uriel.
Sumakay sila at agad naman na pinaandar ng kapitan ang yate.
Gabi na at halos marami ang tao sa nadaanan nilang boulevard. Mula sa yate ay tanaw niya ang mga magkasintahan na naglalakad-lakad sa may boulevard.
Binalingan niya ang kapatid.
“Really, Kuya Rafael? You're killing me. This place is for lovers!” Sarkastiko niyang saad.
Marahang natawa ang lalaki.
Hinila siya nito para yakapin.
“I want you to relax and enjoy the yatch by looking the gorgeous city lights at night. Huwag mong pansinin ang ibang bagay. Lalayo rin naman tayo.” Pang-aasar nito.
Pinaikot niya ang mga mata.
Palayo nang palayo sa boulevard ay lumiliit ang mga tao. Tanging ang liwanag nalang mula sa street lamp at establismento ang natatanaw nila.
Gone those sweet couples.
Naupo siya sa maliit na sofa, at humugot ng malalim hininga.
“I think I don't like what's happening now.”
Naupo sa katapat na upuan si Rafael.
“Really? Then you have to blame your Kuya Uriel for that. He said that he will set off fireworks here at 8 o'clock in the evening.”
Eleganteng itinaas ni Rafael ang kaniyang kamay kung saan nakalagay ang mamahaling relo.
Nang makita ang oras, agad na napangisi.
Sakto lamang ang pagdating nila.
“Five, four, three, two, one.”
Nag-angat siya ng tingin at kasabay no’n ay ang ingay na sumabog sa kalangitan nang magsimula na ang fireworks display.
Malaking kulay purple-red na fireworks ang sumasabog sa kalangitan.
At dahil nasa dagat sila, kitang-kita iyon ni Aeverie.
Rumereplekta sa tubig ang liwanag ng fireworks dahilan para mas maging maganda ang tanawin.
Ang mga tao sa boulevard ay nagsipaglapitan pa para makita ang fireworks display.
Everyone's cheering.
Naririnig nila ang sigawan at hiyawan dahil sa pagsabog ng fireworks sa kalangitan.
Napangiti si Aeverie habang pinagmamasdan ang maliwanag na kalangitan.
“Kuya Uriel's aesthetics are very... very rustic.” Unti-unti siyang umiling, pero hindi niya maitatanggi na uminit ang kaniyang puso.
“Thinking about the weird gifts you received over the years, this is already a great improvement.”
Umakbay si Rafael kay Aeverie at maingat itong pinahilig sa kaniyang braso.
“You would receive a lot of gifts today, Aeve. Everyone has prepared them for you and they are piled up in your room. Hermosa, there are many people who love you. Give your love and time to those who deserve it.”Nag-init ang sulok ng mga mata ni Aeverie dahil sa sinabi ng kapatid.She missed a lot of things.Pinagmasdan nila ang fireworks at napagtanto niyang marami pang tao ang nagmamahal sa kaniya.Marami pa ang nagpapahalaga sa kaniya. Hindi niya lang makita dahil nakapokus lamang siya kay Silver.“Thank you, Kuya.” Bulong niya.Samantalang nang mga oras na iyon ay pumarada ang itim na Maybach sa boulevard.Nasa likod sila ng nagkakagulong mga tao.Lumabas ng sasakyan si Silvestre at pinagbuksan ng pinto si Arsen.Naglahad siya ng kamay na tinanggap naman agad ng babae.Nang makalabas ito, itinuro agad ang fireworks display.“Look! Wow.” Umawang ang bibig ni Arsen dahil sa pagkamangha.“What a beautiful fireworks!”Ngumiti ng malaki si Arsen na pinagmasdan naman ni Silver.“Tingna
Nagtaas ng kilay si Aeverie. Malamig pa rin ang tingin sa kaniya.“I don't question your relationship with Arsen, so don't question my relationship with this gentleman.”Hindi nakapagsalita si Silver.Para siyang nag-ugat sa kaniyang kinatatayuan.Si Arsen na napag-iwanan dahil sa pagmamadali kanina ni Silver ay patakbong lumapit sa kanila.Nang makita nitong nakatulala si Silver kay Aeverie ay parang sinakop ng galit ang kaniyang dibdib.Bumigat ang kaniyang mga paa at padarag na naglakad. Dahil mataas ang suot niyang takong, natapilok siya.“Ah!” Napahiyaw siya nang sumigid ang kirot sa kaniyang paa, bumagsak siya dahil sa kawalan ng balanse.“Silver! Help please! My foot hurts.” Iyak niya.Nagising si Silver sa kaniyang pagkatulala. Nang lingunin niya si Arsen, nakasalampak ito sa sahig. Dali-dali siyang lumapit, at tinulungan ito.Nang ibalik niya ang tingin kay Aeverie, wala na sila roon. Ang dalawa ay naglakad na palayo na tila magkasintahan na hindi kailanman magagawang saktan
Pumasok si Aeverie kasunod ang dalawang kapatid. Sa mahabang sofa sila naupo, napapagitnaan ang babae ng kaniyang mga kuya. Ngayon napagtanto ni Aeverie kung gaano kakomportable ang maupo sa sariling sofa. Walang pag-aalangan niyang inalis ang strap ng kaniyang high heels at nang makita iyon ni Uriel, tinulungan siya. “My feet hurts.” Natatawang saad ni Aeverie. Hindi na siya sanay na maglakad na mataas ang suot na takong, mabilis nang mangalay ang kaniyang mga paa. Itinaas ni Uriel ang dalawa niyang paa at minasahe iyon. “What are you?” Galit na tanong ni David. “Is that what you learned from your years of experience as a doctor in the battle field? Itaas ang paa at ipamasahe sa iba? Where did you learned that? From the bandits?” Muling bumalik ang strikto at malamig na mukha ni David. Noon ay halos hindi sila magkasundo ni Aeverie, siya ang palaging kaaway nito, pero simula nang mawala ang babae, labis-labis ang kaniyang pangungulila. Ngunit hindi niya alam kung paano iyon
“At ngayon na bumalik ka na ay gusto mo agad na maging CEO? You must be kidding me, Aeverie!” Parang may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ni Aeverie. Naiintindihan niya ang galit ng kaniyang ama. Naiintindihan niya kung hindi ito sasang-ayon sa kagustuhan ni Rafael na gawin siyang CEO ng AMC group. Tatlong taon siyang nawala. And guilt is already creeping inside her. Itinago niya ang tungkol sa kaniyang pagpapakasal kay Silvestre. Tanging ang kaniyang mga kapatid lamang ang nakakaalam tungkol sa bagay na iyon. At isa pa, hindi niya kayang sabihin iyon kay David at sa kaniyang ina. Dahil masalimuot ang kanilang pamilya, ayaw niyang madamay pa si Silvestre sa kanila. For once, she dreamed for a perfect and peaceful family. Akala niya'y maibibigay iyon ni Silver. Malaki ang galit niya kay David, malaki ang kasalanan nito sa kaniyang Mommy. Ayaw niya sanang magaya sila ni Silver sa kanila, pero sa huli, bigo na naman siya. “Dad, Aeve knows as much as I do. She also has the
Bumukas ang pinto ng opisina ni Silver at pumasok si Gino, ang lalaking secretary. Nag-angat siya ng tingin at sumandal sa swivel chair. Inaasahan na niyang may ibabalita na itong maganda sa kaniya. “How's your investigation about Avi's matter?” Pinaharap niya ang upuan sa salaming dingding ng opisina at pinagmasdan ang mga katabing gusali sa labas. Madalas niya iyong gawin kapag marami ang gumugulo sa isip niya. At napapadalas pa ang pagmasid niya sa mga gusali nang nagdaang araw. “I'm sorry, Mr. Galwynn, there is no progress at all.” Matuwid na tumayo si Gino sa harap ng kaniyang amo. Hindi niya pinahalata ang kabang nararamdaman. Bumaling si Silver sa secretary at kumunot ang noo. “What do you mean by that? Ilang araw na pero hindi niyo pa rin nakukuha ang nga impormasyong kailangan ko?” “Pagkatapos umalis ni Avi nang gabing ‘yon ay hindi rin siya bumalik sa dating sanatorium na kaniyang pinagtatrabahuan noon. Ako na mismo ang pumunta sa Santa Clara para hanapin ang tahanan
Nang pumasok sa elevator si Silver ay mabigat na ang kaniyang loob. Simula nang humina ang katawan ng kaniyang Abuelo ay hindi na ito madalas na bumibisita sa kompanya, nagkataon pa na ngayon ito bumisita ulit kung kailan narito si Arsen. Pagkarating sa tamang palapag ay lumabas siya ng elevator at tumuloy sa opisina ng matanda. Katabi nito ang opisina ng kaniyang Daddy. Nang buksan niya ang pinto ay tumambad sa kaniya ang matandang lalaki na inaalalayan ng personal nitong assistant para maupo sa sofa. Kunot na kunot ang noo ni Lucio habang umuupo. At nang mag-angat ito ng tingin sa kaniya ay nagdilim ang mukha nito. Pumasok siya at matuwid na tumayo malapit sa mesa nito. Samantalang lingid sa kaalaman ni Silver, si Arsen ay pinigilan na makapasok ng kompanya ng kaniyang Abuelo. Hindi hinayaan ni Lucio na makapasok ang kabit ng kaniyang apo, at hindi niya hahayaan na humarap ito sa kaniya. “Tell me. What's wrong with that woman?” Galit na tanong ni Lucio at ibinagsak nito ang
Aligaga ang buong hotel nang marinig ang pagdating ng bagong taga-pamahala. Ngayon ang unang araw ni Aeverie sa trabaho kaya ang lahat ng empleyado ay naghahanda para sa pagdating niya. Ang mga señior executives ay nakahilera sa labas ng Arc Hotel para salubungin si Aeverie. “Nabalitaan kong ang bagong general manager na darating ay isang babae. Narinig kong bata pa iyon.” Bulong ng isang babaeng executive. “Tsk. How true is it? Apat na lalaking manager na ang dumating at namahala pero ni-isa sa kanila ay wala man lang nabago sa hotel. Ang iba pa nga sa kanila ay inilipat sa malayo at ang iba'y pinag-paresign na. Ano naman ang kayang gawin ng isang babae? Baka mas lalo lamang na malugmok ang hotel.” Umismid ang lalaking executive at saka napailing. Nagkibit ng balikat ang naunang babae. Ang isa na nasa gilid at may katandaan na ay nakisali sa usapan. “I heard that she is Mr. Cuesta's daughter. Kilala natin ang mga anak ni Mr. Cuesta, lahat sila ay magaling sa negosyo.” “Iyong
Pinaikot niya ang mga mata. “And I also do my research, Mr. Agripino, isa ang restaurant natin sa pinag-uusapan nilang low quality ang inihahain.” Dagdag niya. “Iyon na pala ang best dishes?” Tanong niya sa lalaki. Nakita niya ang pagkapahiya sa mukha ni Mr. Agripino, pero hindi pa siya roon natatapos. Lumapit siya sa isa pang putahe at halos paikutin na naman ang kaniyang mga mata. “Look at these shrimps. Are you really serving dead shrimps to our customers? Bakit hindi iyong fresh? Bakit kailangan ganitong klase?” Bumaling siya muli kay Mr. Agripino. Ang matanda ay namumutla na pero sinubukan nitong magsalita ulit. “Those weren't dead, Miss Cuesta. Maganda ang storage room ng restaurant, at maayos na iniluluto ng mga chief ang pagkain.” Umismid siya. This man, matigas din ang ulo at ayaw tumanggap ng katotohanan. Binalingan niya si Blue at sinabi, “Please remind me to talk to our kitchen staff this afternoon. This has to stop. Humanap kayo ng bagong supplier para masigura
Hindi niya man gustong aminin, pero napansin niyang matalino si Aeverie sa pamamahala sa ganitong sitwasyon. She handled the incident decisively. She was calm and resourceful, domineering but graceful, and very much like a manager who’s ready for anything. Kumento ng isip ni Silvestre. Hindi na siya ang dati niyang asawa na palaging nakakulong sa isang maliit at masikip na lugar, mapagpatawad, at sunud-sunuran, mahiyain at takot na humarap sa mga tao. How could she have two different personalities all at the same time? Mapait na tanong ni Silvestre sa kaniyang sarili. “Okay, you said it, you will kneel down in front of me and ask an apology once na mapatunayan kong magnanakaw ang mga empleyado mo!” Nagtatagis ang bagang na sabi ni Lucinda. “I am the manager of the hotel and I should be responsible for my guests. Kung may nagawang mali ang isa sa mga empleyado ko, ako ang hihingi ng tawad at didipensa.” Sagot ni Aeverie saka ngumiti ngunit walang emosyon ang mga mata. “I found th
Nang mga oras na iyon, kapapasok lang ni Silvestre at Gino sa lobby.Nang makita ni Silvestre si Aeverie hindi niya maunawaan ang kaniyang nararamdaman. Bigla nalang bumilis ang tibok ng kaniyang puso, lalo pa nang makitang naglakad ito palapit sa mga nagkakagulong tao.Hindi niya maalis ang tingin kay Aeverie, namamangha siya sa ganda nito. Tila nakalimutan na niyang kumurap dahil sa pagsunod ng tingin sa babae.“Grabe. Ang hirap paniwalaan na ganiyan pala talaga kaganda si Avi.” Naiiling na sabi ni Gino sa kaniyang tabi na sinusundan din ng tingin ang babae.“Wait. Isn't that Miss Lucinda Galwynn?” Napansin ni Gino si Lucinda kasama ang dalawang babae.“Manager?” Narinig nilang singhap ni Lucinda.“Oh, you are now a manager, Avi? That’s good for you.” Puno ng sarkasmong turan ni Lucinda at hinagod ng tingin si Aeverie.“I’m actually much more better than before.” Nagtaas ng kilay si Aeverie at sinukat din ng tingin ang babaeng Galwynn.“At least now, I could feel that I’m living in
Ang huling gumamit sa kanilang presidential suite ay si CK noong nakaraang dalawang taon. Nabalitaan niyang doon ginanap ang intimate birthday celebration nito. Sa bagay, sa sobrang yaman ng mga Huo ay hindi sila magdadalawang-isip na magwaldas ng daan-daang libong piso para sa isang kuwarto. “Hindi si CK.” Bigla’y sagot ni Blue. “Sino?” “Si Miss Cassandra Recto. She’s a daughter of a former ambassador in Kuwait. Kasama niya kagabi si Lucinda Galwynn at ang isa pang foreigner na babae.” Tumaas agad ang kilay ni Aeverie nang marinig ang pangalan ni Lucinda. “Really? Why would they check into such a big room?” “They’re having a party in the room last night. Fortunately, our hotel has good sound insulation, kaya hindi naging problema kagabi ang ingay nilang tatlo. I reviewed the CCTV this morning, nakita kong may pumasok na dalawang lalaki sa loob ng presidential suite nang bandang hatinggabi. Mga mukhang modelo. Nakakapagtaka lang na hatinggabi na sila pumunta at madaling araw pa
Ilang araw ang lumipas, mas lalong naging magagalitin si Silvestre at nawalan ng gana sa lahat ng bagay.Hindi niya ma-contact si Avi, o si Rafael Cuesta. Medyo frustrated na siya dahil sa maya’t mayang pagtawag ng kaniyang Abuelo at pangungulit nitong hanapin si Avi at iharap dito. Malapit nang mag-otsenta si Lucio Galwynn at mas lalo siyang nahihirapan na hindian ito, lalo pa’t alam niyang makikipag-away lamang sa kaniya ang matanda.“How about we report this to the police?” Wala sa sariling suhestyon ni Gino sa kaniya.“And why would we do that?” Sarkastiko niyang tanong sa sekretaryo.“Because, ah, legally she’s still your wife, since you haven't completed the divorce procedure yet, but her family is hiding her away from you? Maybe the police could help us with that.”“What?” Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Silvestre.“That’s the best idea you could come up with?” Matalim niyang tiningnan ang lalaki.“E, ano pa ba ang gagawin natin, Sir? Hindi natin mahanap si Avi, or Aeverie,
Nang sumunod na gabi, hindi inaasahan ni Aeverie na makikita niya si Rafael at Uriel pagkauwi niya galing sa trabaho. Kapwa madilim ang mukha ng dalawang kapatid nang maabutan niya sa sala. “Kuya Rafael? Kailan ka pa?” Nagtataka niyang tanong nang makabawi sa pagkabigla. Akala niya ay bukas pa ito ng umaga dadating. Tumayo si Rafael at hinintay siyang makalapit. Medyo nagdalawang-isip pa siya, pero lumapit pa rin at hinalikan ang pisngi nito. “How’s your business trip?” Tanong niya, pilit pinapagaan ang mabigat na atmospera sa sala. “I learned about what happened at the auction from Mom.” Ani Rafael sa seryosong tinig. Bumaba ang tingin ni Rafael at Uriel sa nakabenda niya pa rin na kamay. Nagtagis ang bagang ng panganay nilang kapatid. Nagtagal ang tingin ni Rafael sa kaniyang kamay na pilit naman niyang itinago. Naisip agad ni Rafael na hindi sana magkakaganito si Aeve kung hindi niya hiniling na ito ang pumunta sa auction para sa kaniya. Hindi sana ito nasaktan. “How is your
Nagawang pakalmahin ni Silvestre si Amanda sa pamamagitan ng pagsabing maaari pa naman bumisita si Avi sa kanilang tahanan.Inalalayan niya pabalik si Amanda sa mansyon, ngunit tumigil din siya sa paglalakad nang makatanggap siya ng tawag mula sa isang numero. Nang makita niya ang naka-register na pangalan ay nagbuntong-hininga na lamang siya.Anong oras na? Bakit gising pa si Abuelo? Tanong niya sa sarili.Natanaw niya si Manang Petrina na puno ng pag-aalala ang mukha habang naghihintay sa may hagdan.“Nanang, dalhin niyo sa kuwarto si Amanda. Marumi na rin ang damit niya dahil sa dalang stuffed toy. Help her.”“S-sige, Silver.”Hinawakan ni Manang Petrina ang braso ni Amanda para dalhin ito sa taas. Samantalang sinagot naman ni Silvestre ang tawag ng kaniyang Abuelo.“Abue—”“Why I can’t contact Avi again? What did you do to her?” Galit nitong tanong, hindi na siya pinatapos.Habang tumatanda si Lucio Galwynn, bumabalik naman ito sa pagkabata. Madalas na itong magtantrums, dahilan p
Hindi na hinintay ni Amanda na tulungan siya ng mga katulong na kunin ang malaking teddy bear na itinapon ni Lucinda. Dali-dali siyang lumayo kay Manang Petrina at tumakbo palabas ng mansyon para kunin sa likod ang nahulog na stuffed toy. Mabilis na sumunod si Manang Petrina, natatakot na baka nasa labas si Lucinda at makita na naman nito si Amanda. Ngunit pagkababa sa hagdan, nakita niyang nasa may pinto si Silvestre, sinusundan ng tingin ang tumatakbong si Amanda. “What happened, Nanang?” Tanong ni Silvestre, nakakunot ang noo. Napalunok siya. Alam niyang kapag magsumbong siya kay Silvestre sa nangyari ay magagalit ito ng husto kay Lucinda, malaking gulo na naman. Alam pa naman niya na mas malapit si Amanda kay Silvestre kumpara sa ibang anak ni Fatima. “Ah, si Anda…” hindi niya alam kung paano ipapaliwanag. “Bakit tumatakbo si Amanda? Saan pupunta ‘yong bata?” Tanong nito. “Kukunin ‘yong stuffed toy na nahulog.” Tanging nasagot ni Manang Petrina. Mas lalong nagsalubo
Samantalang sa mansyon ng mga Galwynn, mas lalong pinag-initan ni Lucinda ang kaniyang kapatid dahil sa pagtatanggol nito kay Avi. Nasa ospital pa rin si Fatima kasama si Arsen at Arabella, si Bernard ay may business trip, si Silvestre ay nasa labas pa kaya si Lucinda at Amanda lamang ang nasa bahay. Tahimik na sinusuklay ni Amanda ang kaniyang buhok, matutulog na dapat siya nang marinig ang katok mula sa kaniyang pinto. Kumunot ang kaniyang noo. Madalas ang mga katulong lamang ang bumibisita sa kaniyang kuwarto, minsan ay para dalhan siya ng mainit na gatas. Baka si Manang Petrina. Tumayo siya at dahan-dahan lumapit sa pinto. Binuksan niya iyon ng may ngiti sa kaniyang labi, pero agad iyon naglaho nang makita si Lucinda. “Ate—” “You little b*tch! Have you been bribed by that promdi girl? Are you someone she sent to spy on us?!” Naamoy ni Amanda ang alak sa hininga ni Lucinda. Napaatras siya, agad na kinabahan. “Kagayang-kagaya ka ni Avi! Kunwari ay isang santa pero m
“Remember the woman you’ve mentioned to me after your last battle in Israel?” Bigla’y saad ni CK.“What about her?”“You told me that you almost died in the battle field, but then, may nagligtas sa’yong babae. What happened to her? Did you already find her?” Agad na nagdilim ang mukha ni Silvestre. Naalala niya ang babaeng humila sa kaniya pabalik sa safezone. Ilang bala rin ang tumama sa kaniyang katawan dahil sa biglang pag-atake ng mga rebelde sa barracks.Half conscious na lamang siya nang maramdaman na may humihila sa kaniya, at nang buksan niya ang mga mata, malabong imahe ng babae ang nakita niya. Hindi niya nakilala, ngunit may ilang detalye siyang nakuha.Iyon nga lang, pagkatapos siyang mabigyan ng pangunahing lunas at magpagaling, hindi na niya alam kung paano hahanapin ang babae nang makapagpasalamat man lang siya.Huling misyon na niya iyon sa Israel, dahil pagkatapos ng nangyari sa kaniya, naisip niyang itigil na ang pagsusundalo at magpukos na lamang sa pamamalakad ng