Eli's POVDALA ng matinding galit, kung ano-ano ang mga nasabi ko kay Juancho bago siya umalis noong nakaraang araw. At magmula no'n, hindi na siya tumawag o nag-text. Ni hindi man lang nito tinanong kung ano ang susuotin para sa kasal. Hindi ko tuloy maiwasang hindi kabahan.Linggo ngayon, at mag-a-alas-nuebe na ng umaga. Isang oras na lang, mahuhuli na kami sa kasal ni Diana. Kumakabog nang malakas ang dibdib ko. Kapag hindi ako pumunta, siguradong pagtatawanan nila ako dahil iisipin nilang tama ang usap-usapan. Pero kapag pumunta naman ako na wala si Juancho, ganoon pa rin.Naghintay ako nang ilan pang minuto. Tatawagan ko na sana ito pero ilang katok sa pinto ang narinig ko."Bukas iyan.""Ma'am, nandiyan na po si Sir," ang sabi ng katulong namin habang may ngiti ito sa mga labi.Dali-dali akong tumayo. Nakasuot ito nang simpleng dress na ang kulay ay pink blush. Ito kasi ang color motif ng kasal. Pagbaba ko ng sala, nandoon na si Juancho. He's wearing a white suit that compliment
Last Updated : 2024-12-26 Read more