Eli's POV"Eli?"Natigilan ako sa paglalakad palapit sa pinto ng bahay nang bumukas iyon at lumabas si Juancho. I looked at him with furrowed brows."Anong ginagawa mo dito?" mas malamig pa sa yelo na tanong ko.Malalaki ang mga hakbang na nilapitan niya ako. "Saan ka nagpunta? Eli, you've been gone for three days! Saan ka nagpunta? Sino'ng kasama mo?"Inalis ko ang shades na suot ko. "Ang tanong ko ang sagutin mo."Ilang ulit siyang napalunok habang nakatingin sa akin. "Bumalik na ako.""Bumalik ka?" Natawa ako. Matapos niyang tumira sa kabit niya, ngayon babalik siya? "Well, whatever. Wala na akong pakialam, tutal, aalis na ako dito.""What? W-what do you mean, aalis ka? Where are you going?" Inirapan ko ito at hindi pinansin. Nilagpasan ko siya kaya mabilis niya akong hinawakan sa braso para pigilan. "Eli, ano ba? Please, mag-usap naman tayo.""Huwag mo akong hahawakan.""Eli, please."Marahas kong binawi ang kamay ko saka ko siya tuluyang hinarap. "Pagkatapos ng pamamahiyang ginaw
Last Updated : 2025-01-03 Read more