All Chapters of Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE : Chapter 11 - Chapter 20

35 Chapters

Chapter 10

"Where have you been, Andromeda? I've been looking for you everywhere."Nagloading ng mga sixty seconds and utak ko. Ilang beses pa akong kumurap at baka namamalik mata lang ako. Kiniling ko pa ang ulo at baka namali lang ako ng dinig pero hindi. Nandito talaga si Sir Gustavo sa harapan ko. Sigurado akong sya ito at hindi guni-guni ko lang dahil nakasimangot na naman ito habang nakatingin sa akin. Dala-dala niya ang signatured angry dragon look niya. Pawisan ang mukha na mukhang kagagaling lang sa marathon at natalo tapos ngayon ako ang pinagbunbuntunan. "S-sir?" tanong ko pero galit niya lang akong tinitigan. Aba parang kasalanan ko pa kung natalo sya. Lalong tumingkad ang kulay asul niyang mga mata sa intensidad ng pagtitig niya sa akin. Para bang nanunuot sa kaloob-looban ko ang uri ng kanyang tingin. May halong galit na hindi ko maipaliwanag. Nakadama ako ng pagkailang. Nakapagpalit na ako ng damit. Luma pero malinis na puting t-shirt na pinaresan ko ng maong na pantalon ang
last updateLast Updated : 2024-11-19
Read more

Chapter 11

... Sa silong ni kaka (aha, aha) may taong nakadapa (nakadapa)Kaya pala nakadapa (why, why) naninilip ng palaka (Ay sus!)...Goodness gracious! Nung nagpaulan ata na kakulitan dito sa mundo nasalo lahat nitong kapatid. Andito na naman sya ngayon sa opisina ko. Umalis lang ako saglit kanina dahil may meeting ako pagkabalik andito naman sya ulit. Ayos lang naman sana. Walang problema sa akin kung dito sya tumambay basta ba tumahimik siya. Pero ang lintek, hindi ko alam kung anong trip. Kung nung nakaraan STUPID-STUPID yung kantang trip niya ngayon iba na naman. Nakakarindi ang boses niya. He is banging his head, really feeling the song. May pasayaw-sayaw pa ito, sabay pikit ng mga mata niya. Ang gago, ang lakas ng loob kumanta tunog palaka naman. Palakang naipit....Palakang may buhok ( may buhok) ngipin ay nakalubog (nakalubog)Ang kulay nito'y itim (itim yoh) hindi naman sunog (aha,aha)..."What the fuck Gaston Pierre, hindi ka ba talaga titigil?"What's wrong with this brute
last updateLast Updated : 2024-11-20
Read more

Chapter 12

Mag-isa na naman ako ulit.Nanginginig ang mga kamay ko. Yumuyogyog ang mga balikat ko at masakit na ang aking lalamunan sa impit na pag-iyak. Sa loob ng mahabang panahon ngayon lang uli ako nakadama ng ganito. Sanay na akong mag-isa. Sanay na akong sarili ko lang ang inaalala ko. Sanay na akong walang kasama. Ayos na ako eh, kontento na ako na ako lang pero dumating silang tatlo sa buhay ko. At kung kelan nasanay na akong nandyan sila kasama ko, saka naman sila mawawala sa akin. Kausap ko lang silang tatlo kagabi. Ang saya pa nilang tatlong nagtatawanan. Ang dami pa nilang plano at kalokohan. Andito lang silang tatlo kaninang umaga. Dito ko lang sila iniwan. Sabi ko dito ko sila babalikan. Walang aalis ng hindi nagpapalam pero nasaan sila ngayon?"Luningning! Milagring! Mariposa!" Tawag ko ulit pero kinain lang ang boses ko ng ingay ng mga sasakyang dumadaan. Balik na ulit ang mga tao sa kanya-kanyang buhay. Na parang wala lang nangyaring clearing. Samantalang kaming mga nanini
last updateLast Updated : 2024-11-21
Read more

Chapter 13

"What the hell are you doing?!""B-boss.""You're fired!" Pagalit na sigaw ng lalaki gwardya."Don't show your face ever again!"At bago paman ako makaangat ng tingin may ng kumuha kay Luningning mula sa mga braso ko.Hindi ako nakagalaw kahit narinig ko na ang malakas na iyakan ni Mariposa at Milagring. Para akong napako sa kintatayuan ko."Ate Chichay si Ningning! Kinuha ng lalaki si Ningning. Kunin mo si Ningning Ate.""Follow me, Miss." Sabi ng lalaki at doon pa ako nahimasmasan. Nagulat ako pagkakita sa mukha niya pero hindi ko na ito binigyang pansin."Wag kayong malikot sa loob. Wag kayong humiwalay sa akin kahit anong magyari. Tara!" Kinuha ko ang gitara kay Milagring at ako ang nagdala nito. Nakasunod na kaming tatlo ngayon sa lalaki. "Get out of my way!" Sigaw niya sa mga taong nakaharang sa dinadaanan at parang may hangin na humawi sa mga taong nagbigay daan sa amin.Nakasunod lang kami sa kanya, mukhang alam niya kung saan dadalhin si Ningning. Lakad takbo na ang ginawa ni
last updateLast Updated : 2024-11-22
Read more

Chapter 14

"You'll stay with me until you reached eighteen and we will get married. Take it or take it. You choose." "F*ck Lexus! Ang astig ng style ni Kuya. Take it or take it daw. Kopyahin natin." Parang batang sabi ni Sir Gaston sabay akbay dun sa lalaking tinawag niyang Lexus pero pumiksi ito. "Bilatibay! Indi niyo bala ko idamay sa mga style nyo na. Ano pamati niyo sa akon, law-ay? Depuga! Daw si gago ka bala Kuya G ah! Arang style ni Kuya Gus, pang-mal-am kag panglaw-ay lang na! Lantawa bala ni chura ko, amo ni ang in-demand yah.Tinonto!" [ Kalokohan! Wag niyo akong idamay sa style na ganyan. Anong akala niyo sa akin, pangit? Para kang gago Kuya G! Yang style na ganyan ni Kuya Gus, pangmatanda at pangpangit lang yan. Tingnan mo itong pagmumukha ko, ito ang mukha ng mga in-demand." Sa tingin ko hindi magkakalayo ang edad nilang dalawa. Parehas matangkad, parehas ng built ng katawan at parehas din ang mukha. Actually magkakahawig silang tatlo ni Sir Gustavo. Yun ang una kong napansin.
last updateLast Updated : 2024-11-23
Read more

Chapter 15

"Luningning marunong na ako mag plus ng mabilis."Sinulyapan ko silang tatlo, kadarating lang nila mula sa paglalako ng kung ano-anong rekado sa palengke at kadarating ko lang din galing sa trabaho.Oo, bumalik ako sa trabaho dahil wala akong choice. Natatakot ako na kapag tinuloy ko ang pag-alis sa kompanya ng mga Sandoval totohanin din ni Sir Gustavo ang banta niya sa akin.Back to normal kaming apat. Nakalabas na si Ningning ng ospital. Nangutang ako kay Sir Gustavo ng pera pambayad para makalabas sya. Ang sabi ni Sir Gustavo wag ko nang bayaran pero hindi ako pumayag. Kahit si Sir Gaston nag offer din na tutulong sa akin pero maayos kong tinanggihan. Si Sir Caleb na apo ng may-ari ng ospital at syang namamahala doon ay hindi na sana pabayaran ang bill ni Ningning pero hindi ko rin ako pumayag. Sabihin ng mapagmalaki ako pero ayokong pagdating ng panahon maging issue itong pagtong nila sa akin. Ayokong isipin ng ibang tao na inaabuso ko ang kabaitan ng mga amo ko sa akin.Isa din
last updateLast Updated : 2024-11-25
Read more

Chapter 16

Mabilis na lumipas ang mga araw. Ang linggo ay naging buwan, ang buwan ay naging taon.Nagawan ko ng paraan ang pag-aaral ni Luningning, Milagring at Mariposa. Nagpatulong ako kay Sir Gustavo para makakuha ng mga dokumento nila. Nakakuha kami ng birth certificate nilang tatlo at yun ang ginamit ko para makapag-enroll sila.Nasa grade 5 na silang tatlo ngayon. Pagkatapos nilang mag-grade-1 noong isang taon pinatake sila ng exam at pinalad na makapasa kaya ngayon ay nasa grade 5 na sila.Nakapag-enrol din ako sa ALS. Nakuha ko ang mga dati kong papeles na sya ring ginamit ko. Sabado at Linggo ang pasok ko. Nagtake ako ng exam nung nakaraang taon at pinalad din ako.Gabi-gabi kaming nag-aaral apat. Tinuturuan ko silang tatlo sa mga aralin nila. Tinatyaga ko ang pagturo sa kanilang magbasa at magbilang. Mabuti na lang din at masipag silang mag-aral.Alam kong malayo pa, madami pa kaming kailangan pagdaanan pero kahit papano masasabi kong umuusad kami.Malayo pa, pero malayo na. Yung ang p
last updateLast Updated : 2024-11-26
Read more

Chapter 17

"Bakit wife, Sir?"Agad kong tanong pagkasara niya ng pintuan. Ano nalang ang sasabihin ng sekretary niya at mas masaklap pa kung ipagkalat niya na naman ito. Tiyak magiging pulutan na naman kami ni Sir Gustavo dito sa buong kompanya. Isa din kasing mahadera si Miss Santos at hindi ko alam kung bakit galit na galit ito sa akin. Wala na man akong ginagawang masama sa kanya. Sinusunod ko pa nga mga utos nya kahit hindi ko na trabaho mga yun. "Kita mo ba ang mukha ng sekretarya mo? Hindi lang nabigla, talagang ginulat mo po.""You're soon to be my wife, Baby and I don't care what she thinks." Hinila niya pa ako palapit sa kanya. Kulang nalang ay yakapin ako.Ayos lang sa kanya na pagchismisan kami dahil sya naman ang may-ari nitong kompanya pero paano naman ako. Sigurado akong mas dadami ang may galit sa akin. Dagdagan pa sa nangyaring pagtanggal niya kay Maribeth at Cherry ngayon."Bakit kasi wife agad, Sir?""Bakit hindi? Doon din naman tayo papunta. Need I remind you Andromeda, my
last updateLast Updated : 2024-11-27
Read more

Chapter 18

"Kuya G, si Ate Chichay ay tahimik lang sa umpisa."Mula sa pagtutupi ng mga damit, parang nag 180 degrees ang ulo ko sa sobrang bilis ng paglingon ko kay Milagring na ka-video chat ngayon si Sir Gustavo. Tatlo silang nasa harap ng cellhone. Nasa America ang amo at soon-to-be husband ko ngayon dahil may kailangan itong daluhang business conference.Naks! Maypa soon to be husband na akong nalalaman pero seryoso yun. Nga lang hindi pa alam ng iba dahil hiniling ko sa kanya na sa amin lang muna hanggang sa makapagtapos ako ng pag-aaral at makasal kami. Konting tiis lang naman at matutupad na ang hiling niya. May iniwan siyang cellphone sa akin na tinatawagan niya para magkausap kami araw-araw. Sa isang araw ilang beses itong tumatawag sa akin para kamustahin ako at ang mga bata. At heto nga ngayon kausap niya ang tatlo. "Yeah, I know. " Narinig kong sagot nito at naghagikhikan ang tatlo. Seryoso at walang idea ang Baba ko sa kalokohan na naman ng tatlong bata. Narinig ko na ang kalok
last updateLast Updated : 2024-11-28
Read more

Chapter 19

"You know me Lisa, sanay na ako sa kaliwat kanang babae ni Gustavo. Hindi ka pa ba sanay sa akin? Kita mo naman sa bandang huli, saan ba sya umuuwi? Diba sa akin di naman?"Hindi ko alam kung sadya bang pinaparinig ni Dra. Thrishia at Miss Santos ang usapan nilang dalawa sa akin. Kanina pa silang dalawa nag-uusap tungkol kay Sir Gustavo. Wala na atang ibang topic kundi yun lang.Halatang sobrang close nila sa isa't -isa. Mukhang matagal nang magkakilala. Ngayon, hindi na ako magtataka kung bakit nagmamaldita itong sekretarya ni Sir Gustavo sa akin. "Sabagay, ilang babae na ba ang dumaan kay Boss? Yung iba, ikaw pa nga nagpapadala ng bulaklak eh. Alam mo Doc, bilib din ako sa pagiging understanding mo. Sa ganda mong yan? Naku!""Men will always be men Lisa. Natural na sa kanila ang mambabae and I don't give a damn about that. What's important to me is that at the end of the day he always comes back home running to me."Ganun na ba talaga ngayon? Normal lang sa mga lalaki na mambabae a
last updateLast Updated : 2024-11-29
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status