All Chapters of Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE : Chapter 21 - Chapter 30

53 Chapters

Chapter 20

Saktong bonding lang AVAngers! Pero need ko mga ambag niyo dun sa baba. Pag walang comments at votes next year na ang next update! Hahaha______________________________"May problema po ba , Ma'am? " Tanong ni Manong Dom sa akin. "Si Sir Gustavo po ba ang tumawag?"Umiiyak akong tumango sa kanya. Inabot ko ang folder na inutos sa aking ihatid sa Leviste Farms at dinala ito sa aking dibdib. Umaasa na ito ang magsasalba, hindi lang sa relasyon namin kundi sa kung ano mang mali na nagawa ko para sa kompanya niya.Abot langit ang pagsisisi ko ngayon. Dahil sa pagkakamaling nagawa ko mawawala ang taong nagbigay ng pagmamahal at pagtitiwala nya sa akin."Nakauwi na po sya Manong, nasa opisina na. Bumalik na po tayo." Umiiyak kong sabi, hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko. Kita ko ang awa at pang-unawa sa mga mata ni Manong para sa akin dahilan para lalo akong maiyak.Napakatanga ko kasi. Bakit hinayaan kong mangyari sa akin ito? Bakit labis akong nagtiwala? Hindi ko man lang n
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more

Chapter 21

Let's end this...Hindi ako nakapagsalita agad. Kahit na inaasahan ko na ganito ang mangyayari masakit pa rin pala. Masakit palang marinig mula sa taong pinagbuksan ko ng aking puso ang mga katagang ito. Sabi ko kanina ayos lang, pero hindi pala. Sobrang sakit pala sa dibdib. Akala ko wala na akong ikakadurog pa pero meron pa pala. Ang kaninang sakit na naramdaman ko ay tila ba ilang ulit na dinoble. Sobrang sakit, literal na sakit na para bang hindi ako makahinga. Sakit na nakakapanghina. Nararamdaman ko ang sakit hanggang sa kaibuturan. Nanginginig ang aking katawan. Para akong sinasakal. Parang may pumipiga sa puso ko.Naninikip ang aking dibdib, namamanhid ang utak ko, parang may matinis na tunog akong narinig sa loob ng tenga ko. Para akong nabibingi. Naramdaman ko ang sobrang lakas na tibok ng aking puso. Para na itong lalabas sa aking dibdib. "I'm so tired." His voice broke. His shoulder started trembling. He started crying. Halos hindi ko na sya makita sa dami nang luhang
last updateLast Updated : 2024-12-01
Read more

Chapter 22

Pagsinabi kong magbo-bonding tayo, magbo-bonding tayo! Hahah. Walang iwanan syempre.Trigger Warning: Sensitive content below. Read responsibly. Please skip this chapter if you are going through a rough time. _________________________Nanginginig ang katawan ko pagkapasok sa elevator niya. Hindi na kinaya ng tuhod ko ang panghihin. Napaluhod ako at tuluyan ng bumigay. Ang mga hikbing kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan ng kumawala. Iyak lang ako ng iyak. Wala na akong pakialam kung may makakarinig man sa akin. Gusto kong ilabas lahat ng sakit. Awang-awa ako sa sarili ko. Puno ng kalmot ang braso ko. Humahapdi ang anit ko. Pakiramdaman ko namamanhid ang buong mukha ko. Pero lahat ng sakit na yun ay hindi mapapantayan ang sakit na nararamdaman ng puso ko. Nanghihina ako sa sakit. Literal na sakit na parang may kutsilyong sumasaksak doon ng paulit ulit.Bakit kailangan kong maranasan lahat ng 'to?Nagmahal lang naman ako. Nagtiwala at umasa pero bakit ganito?Lintek na pagmamahal. S
last updateLast Updated : 2024-12-02
Read more

Chapter 23

"Time is up class, that's all for today." Nakangiti kong sabi sabay pahid sa kaonting luhang namuo sa gilid ng mga mata ko. Tiningnan ko sila isa-isa, wala ni isang tumayo sa kanila. Ang iba nagpapahid pa ng luha, habang ang iba naman ay nakayuko. I just finished telling them some parts my life story. Those parts that I can only share. Yung parte ng buhay na pakiramdam ko pwede ko lang ibahagi at hindi na mabigat sa puso ko."Why are you crying? I told you not to cry, diba? I'm okay now. Those were just part of my past at kapag past na ibig sabihin parte na yun ng nakaraan at hindi na binabalikan pa." Sabi ko pero walang sagot ang mga ito.I am now a teacher. Graduated Cum Laude and luckily top 8 in licensure exam. I am teaching in high school here in Davao."There are some lessons in life that we need to learn the hard way but it's okay. That's how life is and we have to deal with it in order for us to survive." I said softly and smiled. That's the reality of life sometimes we ar
last updateLast Updated : 2024-12-03
Read more

Chapter 24

" What took you so long, Cairo Ford?"I stilled. I feel like my world stopped revolving for a while. Kahit hindi pa ako lumingon kilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na yun. At kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya nararamdaman ko ang intensidad ng mga titig nito sa akin.Tiningnan ko si Cairo pero hindi ito nakaitingin sa akin. Nakatingin ito sa taong nararamdaman ko na ilang pulgada lang ang distansya mula sa kinatatayuan ko.Pagtingin ko kay Damon pati ito ay wala din ang atensyon sa akin. Magkasampok ang mga kilay, kunot ang noo at umiigting ang mga pangang nakatingin sa likuran ko. Ni hindi nito alintana ang pagtawag sa kanya ni Aadam."Mama, Daddy, let's go." Tumakbo na ang bata palapit sa amin. "Oh Tito Cai-cai you are here too? I missyow Tito Cai!" Bati ni Aad kay Cairo pagkatapos yumakap na sa akin ang bata. Inabot ko kay Damon ang bulaklak na binigay ni Cairo sa akin bago ko pinantay ang katawan kay Aadam at binuhat ito."I miss you, Langga. How are you?" I said
last updateLast Updated : 2024-12-04
Read more

Chapter 25

"Araguy! Lintian Kuya Gus! Kagaina ka pa bala. Gaina mo pa ako ginasakit ha. Sakit-sakit na sang dapungol mo sa akon ginkusi mo pa gid ko. Ako na gani nagbantay sa bebe mo ako pa akigan mo? Sumbong ta gid ka bala kay Papá." [Ouch! What the hell Kuya Gus! You are too much. Kanina mo pa ako sinasaktan. Ang sakit ng suntok mo kinurot mo pa ako. Ako na nga nagbabantay sa bebe mo, ako pa pinapagalitan mo? Isusumbong na talaga kita kay Papá"]The guts of this brute to act hurt after I punched his face. Kulang pa nga yun kung tutuusin. Sino ba naman kasi ang hindi magagalit sa ginawa nyang paglilihim sa akin?I told him to tell me everything and anything about Andromeda but he didn't. Ang masaklap pa ngayon ko lang nalaman na may anak na kami. The hell!I was fuming mad. Galit ako hindi kay Cairo kundi sa sarili ko. Fuck! I'm so stupid!"Why didn't you tell me?" I asked trying to control my anger. I should think calmly now. Hindi ako pwedeng magpadalos-dalos lalo't kita ko ang galit sa mga
last updateLast Updated : 2024-12-05
Read more

Chapter 26

"Hala nakuyapan! Unsay gibuhat nimo apo? Ginoo ko! E-prc dayon. Dalii! ["Hala nahimatay! Anong ginawa mo apo? Juskopo! E-prc mo. Bilis!"]Nagkukumahog si Lolo Domeng na hinila ako palabas ng bahay. Wala pa itong tsinelas sa sobrang pagmamadali niya pagkarinig ng malakas na kalabog. Lumuhod ito para e-check ang palapulsuhan ng lalaki pati ang sa gilid ng leeg nito. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa ni Lolo. Nagulat din ako sa aking nagawa. Hindi ko naman inaasahan na ganun kalakas ang pagkasara ko sa pintuan at lalong hindi ko inaasahan na tatamaan sya sa mukha. "E-prc na Andromeda tawon malooy ka." [E-prc mo na Andromeda parang awa mo na.]"Anong prc Lo? Di ko alam kung anong prc.." Nanginginig na rin ako at kinakabahan dahil hindi parin ito gumagalaw. Parang hindi na humihinga. Mahina kong sinipa ang paa nito pero parang wala itong naramdaman. "Huy lalaki gumising ka!""E-prc na ba, katong lips to lips gud para makaginhawa! Giatay kang bataa ka giunsa man gud nimo ni?" [E-prc
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

Chapter 27

I went inside my room to get some beddings for Gustavo. I'm not sure if he's really serious na dito sya matutulog o nang-go-good time lang pero naghanda pa rin ako. Wala din naman akong choice dahil pumayag na si Lolo tsaka konsenysa ko pa kapag nadisgrasya sa daan.Dalawa lang ang silid dito sa bahay ni Lolo. Ang isa ay doon natutulog si Lolo at ang isa naman ay ang silid na ginagamit ko. Maliit lang ang kama ni Lolo at hindi sya pwedeng tumabi doon. Medyo malaki ang kama sa silid ko dahil ito ang dating ginagamit ni Nanay at Tatay kapag dumadalaw sila dito pero hindi ibig sabihin na pwede siyang tumabi sa akin dito. Ano sya sinuswerte?Pinalitan ko ng punda ng mga unan at kumuha din ako ng kumot at banig para ibigay sa kanya sakaling totohanin niyang dito siya matutulog. Which I doubt kung kaya nya ba? I'm sure hindi ito sanay matulog sa matigas na higaan. Bahala sya! Wala kaming extrang foam pero meron akong manipis na conforter. Meron din kaming extrang kulambo na ginagamit lan
last updateLast Updated : 2024-12-07
Read more

Chapter 28

Flashback...***"Anak, birthday mo na bukas. Anong gusto mong ihanda natin?"Birthday ko na pala bukas muntik ko pang makalimutan. Bukas na pala sana yun.Mula sa pagtutupi ng mga damit nag-angat ako ng tingin kay Nanay at Tatay. Magaan ang mukha at nakangiti silang dalawa sa akin pero napansin ko ang kanilang pag-aatubili.Kahit dalawang buwan na kaming magkasama dito sa probinsya hindi pa rin ako masyadong nakikipag-usap sa kanila. Madalas, tahimik lang akong tumutulong sa mga gawaing bahay.Pakiramdam ko bumalik ako muli sa dati. Ang dating pader na binuo ko para sa aking sarili ay muli na namang nakaangat. Muli na namang nawala ang tiwala ko sa mga tao sa aking paligid."Magiging eighteen ka na anak. Magiging ganap ka nang dalaga. Madadagdagan na naman ng isang taon ang buhay mo. Panibagong buhay, panibagong pag-asa." Si Tatay Dom.Hindi ako nagkomento dahil hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Panibagong buhay at pag-asa nga ba? May pag-asa pa kaya para sa akin na sinukua
last updateLast Updated : 2024-12-08
Read more

Chapter 29

Present time...***Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi sa sobrang pag-iisip kung bakit sya andito ulit. Bakit ginugulo na naman nya na naman ako? Tahimik na ang buhay ko. Pinaubaya ko na siya pero bakit ba nagpakita sya ulit sa akin ngayon? Ang dami kong katanungan sa aking isip. Gulong-gulo ang utak ko. Nasira na naman ang sistema ko. Ang resulta, mataas na ang araw ng magising ako at medyo masama ang aking pakiramdam. Saan na kaya ang lalaking yun ngayon? Umuwi na kaya ito? Dito kaya talaga sya natulog kagabi?Nauulinigan kong may nag-uusap sa labas ng bahay at parang may lumalagitik na para bang tunog galing sa pagsisibak. Ang aga namang nagsibak ni Lolo at sino ang kausap nya? Kailangan ko na palang bumangon para maghanda ng agahan namin. Mabilis kong inayos ang aking sarili. Kahit na medyo nahihilo pa ako lumabas na ako ng silid. Tinali ko ang mahabang buhok, naghilamos at nagtoothbrush bago ako nagpakita sa kanila. "Tama na yan, Senyorito. Madami-dami na ito
last updateLast Updated : 2024-12-09
Read more
PREV
123456
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status