Home / Romance / PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) / Kabanata 241 - Kabanata 250

Lahat ng Kabanata ng PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) : Kabanata 241 - Kabanata 250

270 Kabanata

Chapter 241

Chapter 241Nagkatinginan kaming lahat matapos marinig ang sinabi ni Mommy Heart. Maging si Uncle Red Paris ay tila nagulat sa rebelasyong iyon."Mommy, anong ibig mong sabihin?" tanong ni Jammie, bakas ang pagtataka sa boses niya.Tahimik lang si Uncle Red, pero kita sa mukha niya ang tensyon. Napalunok siya bago nagsalita. "Paano mo nalaman ‘yan, Heart?" seryoso niyang tanong."Hindi mo akalaing alam ko, ano?" sagot ni Mommy Heart, matalim ang tingin. "Matagal ko nang narinig ang pangalan ni Zaina. Ang 'Princess Assassin'—isa sa pinakamagagaling at pinaka-misteryosong assassin sa mundo. At kung hindi ako nagkakamali, isa siya sa mga itinuturing na pinakamakapangyarihan sa kanilang organisasyon."Napatayo si Jimmie. "Uncle, totoo ba ‘to?"Huminga nang malalim si Red Paris bago tumango. "Oo, totoo," pag-amin niya. "Si Zaina ay dating miyembro ng isang elite assassin group. Pero matagal na niyang tinalikuran ang buhay na ‘yon. Hindi na siya bahagi ng organisasyon.""Kung gano’n," seryo
last updateHuling Na-update : 2025-02-20
Magbasa pa

Chapter 242

Chapter 242Jammie POVTahimik akong nakikinig habang si Uncle Red ay kausap ang asawa niyang si Zaina. Kahit nasa kalagitnaan ng isang misyon, nanatiling kalmado ang boses nito, tila walang anuman ang mga pagsabog at putok ng baril na naririnig namin sa background."Tatapusin ko muna ito, mahal," sabi ni Zaina sa kabilang linya. "At pagkatapos, ako na ang bahala kay Ruby."Matigas ang boses niya, walang bahid ng alinlangan. Hindi ko maiwasang mapahanga—at matakot nang kaunti. Ang babaeng ito, ang asawa ni Uncle Red, ay isang prinsesa ng isang assassin organization. Kung may isang taong kayang tapatan si Ruby, walang iba kundi siya.Napatitig ako kay Kiera, na halatang nagpipigil ng kaba. Napansin kong bahagya siyang nakahawak sa braso ni Mommy Heart, na tahimik lang pero halatang nag-iisip."Dalawang araw," bulong ko, saka tumingin kay Uncle Red. "Sigurado ka bang sapat ‘yon?"Tumango siya. "Zaina doesn’t fail. You’ll see."Napatingin ako kay Mommy Heart. Mahigpit ang pagkakahawak ni
last updateHuling Na-update : 2025-02-20
Magbasa pa

Chapter 243

Chapter 243Lumipas ang dalawang araw, at sa unang pagkakataon, nakita namin nang personal si Tita Zaina—ang asawa ni Uncle Red.Tahimik akong nakamasid habang bumababa siya mula sa itim na sasakyan. Maganda siya, may matikas na tindig, at isang presensiyang mahirap ipaliwanag. Ni hindi mo iisiping isang assassin siya. Sa suot niyang eleganteng dress at mahinhing galaw, mukha siyang isang royal na bumisita mula sa isang mayamang bansa. Pero alam kong sa likod ng maamong mukha niyang iyon, may itinatagong galing na hindi basta-basta matatalo.Si Uncle Red mismo ang sumalubong sa kanya, at doon ko lang nakita ang bahagyang pagkalma sa mukha ng tiyuhin ko.“Zaina,” mahinang tawag ni Uncle Red.Ngumiti si Tita Zaina at hinalikan siya sa pisngi bago iniangat ang tingin sa amin. Isa-isa kaming tinapunan ng tingin, tila ini-scan niya ang bawat isa. Nang tumapat ang mata niya sa akin, bahagya siyang tumango bilang pagbati.“Finally, we meet,” aniya sa malamig pero magalang na tono.“Welcome,
last updateHuling Na-update : 2025-02-21
Magbasa pa

Chapter 244

Chapter 244 Matapos ang seryosong usapan, napagdesisyunan naming lahat na umalis muna sa mansyon at lumipat sa isang safehouse sa Tagaytay na inihanda ni Dad. Habang nasa daan, tahimik ang lahat. Tila iniisip ang mga maaaring mangyari sa misyon ni Tita Zaina. Si Mommy Heart ay nakayakap kay Daddy Brandon, halatang nag-aalala. Si Uncle Red naman ay panay ang tingin sa kanyang telepono, siguro ay naghihintay ng balita mula sa asawa niya. Ako? Tiningnan ko si Jimmie, at kita ko rin sa mukha niya ang pag-aalala. Kahit hindi kami nagsasalita, alam kong pareho kaming nag-iisip kung kailan matatapos ang lahat ng ito. Nang makarating kami sa safehouse, agad kaming inasikaso ng mga tauhan ni Dad. Malaki ang lugar, may magandang tanawin ng Taal Lake, pero sa kabila ng ganda nito, alam naming hindi kami nandito para magbakasyon. Habang inaayos ang mga gamit, lumapit ako kay Jimmie. "Sa tingin mo, magiging maayos ba ang lahat?" Huminga siya nang malalim bago sumagot. "Wala tayong iban
last updateHuling Na-update : 2025-02-22
Magbasa pa

Chapter 245

Chapter 245 "Dahil nasa panganib ang pamilaya sa asawa ng pamangkin mo na si Emer, nasayo kung ayaw mong magalit ang kapatid mo na si Janith. Dark!" Nagkaroon ng maikling katahimikan sa linya. Halos pigilin ko ang hininga ko habang hinihintay ang sagot ni Xyler. Alam kong hindi basta-basta nagbibigay ng tulong ang isang tulad niya, lalo na kung walang kapalit. Sa wakas, sumagot ito—mabagal, matalim. "Tsk. Gamit na gamit ang pangalan ng kapatid ko, ah?" Ramdam ko ang tensyon sa boses niya. Alam kong hindi niya kayang balewalain ang sinabi ni Uncle Red, dahil si Janith lang ang isa sa mga taong tunay niyang iniingatan. "Bigyan mo ako ng isang oras. Ako na ang bahala sa natitirang galamay ni Ruby," malamig na saad nito. Napatingin kami kay Uncle Red, na tumango nang bahagya bago sumagot. "Ayos. Hinihintay namin ang kilos mo, Dark." Biglang napakunot ang noo ko. "Dark?" tanong ko, hindi mapigilang magduda. Tumingin si Uncle Red sa akin, saka napangisi nang bahagya. "Xyler
last updateHuling Na-update : 2025-02-22
Magbasa pa

Chapter 246

Chapter 246 Nagkatinginan kami ni Jimmie at hindi napigilang magpalitan ng tingin. Mukhang malalim pa ang bahaging ito ng kwento ng pamilya namin. Samantala, si Mommy Heart naman ay lumapit kay Daddy Brandon at marahang hinawakan ang kamay nito. "Ngayong nakuha na si Ruby, anong balak natin? Hahayaan ba natin si Zaina ang bahala sa kanya?" Napatingin si Uncle Red sa kanyang asawa. "Si Zaina lang ang may alam kung paano niya ito patatakbuhin. Pero gusto kong makuha ang lahat ng impormasyon na alam ni Ruby bago siya mawala nang tuluyan." Tahimik kaming lahat. Alam naming hindi magiging madali ang susunod na hakbang. Maya-maya, bumukas ang pinto ng safehouse, at pumasok si Zaina. Suot pa rin niya ang kanyang combat gear, at may bahid ng dugo ang kanyang guwantes. "Tapos na," malamig niyang sabi. "At may nalaman akong hindi niyo magugustuhan.""Ano?" takang tanong ni Mom."Siya pala ang likod sa lahat na mga problema sa inyong pamilya at negosyo!" wika niya. "Ang muntik nangabuldo
last updateHuling Na-update : 2025-02-22
Magbasa pa

Chapter 247

Chapter 247 Sarah POV Hindi ko pa rin alam kung matutuwa ba ako o magagalit sa aking asawa. Pakiramdam ko ay pinagtakpan niya ang isang napakalaking bagay—ang pagiging Mafia ng kanyang tiyuhin! "Emer, paano mo nagawang hindi sabihin sa akin ang tungkol kay Tito Dark?" matalim kong tanong habang nasa loob kami ng sasakyan. Napakamot siya ng ulo at lumingon sa akin. "Mahal, hindi ko naman sinasadyang itago. Hindi lang talaga ako sanay na pag-usapan ang pamilya ko, lalo na si Tito." "Pwes, dapat sanayin mo na! Dahil pamilya mo rin ako, Emer. At dapat wala kang tinatago sa akin!" inis kong sabi, sabay hampas sa braso niya. Napairap siya at hinawakan ang kamay ko. "Okay, okay! Sorry na. Wala na naman tayong dapat ipag-alala, ‘di ba? Tapos na ang lahat." Napabuntong-hininga ako. "Oo nga, pero paano kung may kasunod pa? Paano kung may ibang kalaban pang lalabas? Hindi mo ba naisip kung gaano ako nag-aalala sa’yo?" Huminto siya sa pagmamaneho at tumingin sa akin, hawak pa rin ang kama
last updateHuling Na-update : 2025-02-23
Magbasa pa

Chapter 248

Chapter 248Jimmie POVRamdam ko ang tension sa paligid nang dumating muli si Sarah kasama ang kanyang asawa at ang triplets nila. Hindi ko masisisi ang bunsong kapatid namin—alam kong mahirap para sa kanya na lumayo habang may pangamba pa sa puso niya. Pero ngayong wala nang banta sa aming pamilya, gusto kong maibalik ang katahimikan sa lahat.Napatingin ako kay Claire. Kanina pa siya tahimik, pero alam kong hindi pa rin nawawala ang kaba niya. Lumapit ako at marahang hinawakan ang kanyang kamay.“Mahal, okay na tayo. Wala nang banta,” bulong ko sa kanya.Huminga siya nang malalim bago tumango. “Alam ko… pero hindi ko maiwasang mag-alala. Ang daming nangyari, Jimmie. At kung may isa pang ganitong sitwasyon…” Napahinto siya at napatingin sa mga anak namin na masayang naglalaro kasama ang pinsan nilang triplets. “…hindi ko alam kung kakayanin ko pa.”Hinila ko siya papalapit at yinakap nang mahigpit. “Wala na, Claire. Tapos na ang gulo. Ngayon, tayo naman ang magpapasya kung paano nat
last updateHuling Na-update : 2025-02-24
Magbasa pa

Chapter 249

Chapter 249Pagsikat ng araw, handa na kaming bumalik sa mansyon. Halos walang nakatulog sa amin kagabi, lalo na ako at si Jammie. Ang sinabi namin sa isa't isa kagabi ay malinaw pa rin sa isipan ko—hindi pa tapos ang laban.Habang nag-aayos ng gamit, lumapit sa akin si Claire at mahigpit akong niyakap mula sa likod. "Sigurado ka bang ligtas na talaga tayo?" mahina niyang tanong.Huminga ako nang malalim at ipinatong ang kamay ko sa mga kamay niya. "Gagawin ko ang lahat para siguraduhin 'yon," tugon ko.Narinig kong bumuntong-hininga siya. "Hindi kita pipigilan, Jimmie. Pero sana… huwag mo ring kalimutan ang sarili mo. Huwag mong hayaang kainin ka ng takot."Humarap ako sa kanya at hinawakan ang mukha niya. "Hindi ako natatakot. Hindi ko hahayaang may mangyari sa 'yo at sa mga anak natin."Bago pa siya makasagot, bumukas ang pinto at sumilip si Jammie. "Handa na tayo?" tanong niya.Tumango ako at hinalikan si Claire sa noo bago tuluyang sumama sa kanila.Sarah’s POVHabang nasa loob n
last updateHuling Na-update : 2025-02-24
Magbasa pa

Chapter 250

Chapter 250"Sandali, kailangan hindi natin sabihin kay Mom at iba pa. Kailangan tayong apat lang ang nakakaalam upang maiwasan ang kanilang takot," sabi ni Jammie sa aming lima. Tumango si Dad at hinilot ang sentido niya. "Tama ka, Jammie. Ayokong mag-panic ang lahat, lalo na ang mommy niyo."Nagkatinginan kami ni Emer, halatang pareho kaming nag-aalala. "Pero sino naman 'tong bagong kalaban natin?" tanong ko, sinisikap na panatilihin ang aking boses na kalmado.Nagbuntong-hininga si Tita Althea bago naglabas ng isang folder mula sa kanyang bag. "Matagal ko nang minamanmanan 'to, pero hindi ko inakalang magpapakita siya sa ganitong pagkakataon."Binuksan ni Dad ang folder, at sa loob ay may mga litrato ng isang lalaki—matangkad, may matalim na mga mata, at mukhang walang awa."Siya si Darius Montenegro," mahinang sabi ni Tita Althea. "Isang international arms dealer at dating hitman ng Cobra Gang."Napamura si Emer. "Cobra Gang na naman? Akala ko ba tapos na kami sa kanila?""Hindi
last updateHuling Na-update : 2025-02-24
Magbasa pa
PREV
1
...
222324252627
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status