Chapter 248Jimmie POVRamdam ko ang tension sa paligid nang dumating muli si Sarah kasama ang kanyang asawa at ang triplets nila. Hindi ko masisisi ang bunsong kapatid namin—alam kong mahirap para sa kanya na lumayo habang may pangamba pa sa puso niya. Pero ngayong wala nang banta sa aming pamilya, gusto kong maibalik ang katahimikan sa lahat.Napatingin ako kay Claire. Kanina pa siya tahimik, pero alam kong hindi pa rin nawawala ang kaba niya. Lumapit ako at marahang hinawakan ang kanyang kamay.“Mahal, okay na tayo. Wala nang banta,” bulong ko sa kanya.Huminga siya nang malalim bago tumango. “Alam ko… pero hindi ko maiwasang mag-alala. Ang daming nangyari, Jimmie. At kung may isa pang ganitong sitwasyon…” Napahinto siya at napatingin sa mga anak namin na masayang naglalaro kasama ang pinsan nilang triplets. “…hindi ko alam kung kakayanin ko pa.”Hinila ko siya papalapit at yinakap nang mahigpit. “Wala na, Claire. Tapos na ang gulo. Ngayon, tayo naman ang magpapasya kung paano nat
Chapter 249Pagsikat ng araw, handa na kaming bumalik sa mansyon. Halos walang nakatulog sa amin kagabi, lalo na ako at si Jammie. Ang sinabi namin sa isa't isa kagabi ay malinaw pa rin sa isipan ko—hindi pa tapos ang laban.Habang nag-aayos ng gamit, lumapit sa akin si Claire at mahigpit akong niyakap mula sa likod. "Sigurado ka bang ligtas na talaga tayo?" mahina niyang tanong.Huminga ako nang malalim at ipinatong ang kamay ko sa mga kamay niya. "Gagawin ko ang lahat para siguraduhin 'yon," tugon ko.Narinig kong bumuntong-hininga siya. "Hindi kita pipigilan, Jimmie. Pero sana… huwag mo ring kalimutan ang sarili mo. Huwag mong hayaang kainin ka ng takot."Humarap ako sa kanya at hinawakan ang mukha niya. "Hindi ako natatakot. Hindi ko hahayaang may mangyari sa 'yo at sa mga anak natin."Bago pa siya makasagot, bumukas ang pinto at sumilip si Jammie. "Handa na tayo?" tanong niya.Tumango ako at hinalikan si Claire sa noo bago tuluyang sumama sa kanila.Sarah’s POVHabang nasa loob n
Chapter 250"Sandali, kailangan hindi natin sabihin kay Mom at iba pa. Kailangan tayong apat lang ang nakakaalam upang maiwasan ang kanilang takot," sabi ni Jammie sa aming lima. Tumango si Dad at hinilot ang sentido niya. "Tama ka, Jammie. Ayokong mag-panic ang lahat, lalo na ang mommy niyo."Nagkatinginan kami ni Emer, halatang pareho kaming nag-aalala. "Pero sino naman 'tong bagong kalaban natin?" tanong ko, sinisikap na panatilihin ang aking boses na kalmado.Nagbuntong-hininga si Tita Althea bago naglabas ng isang folder mula sa kanyang bag. "Matagal ko nang minamanmanan 'to, pero hindi ko inakalang magpapakita siya sa ganitong pagkakataon."Binuksan ni Dad ang folder, at sa loob ay may mga litrato ng isang lalaki—matangkad, may matalim na mga mata, at mukhang walang awa."Siya si Darius Montenegro," mahinang sabi ni Tita Althea. "Isang international arms dealer at dating hitman ng Cobra Gang."Napamura si Emer. "Cobra Gang na naman? Akala ko ba tapos na kami sa kanila?""Hindi
Chapter 251Jammie POV"Dad, maiwan ka lang dito. Kami na lang apat ang pupunta!" matigas kong sabi habang hinahanda ang gamit ko.Matalim ang tingin sa akin ni Dad, halatang hindi sang-ayon sa sinabi ko. "Anong tingin mo sa akin? Matanda na?!" bumuntong-hininga siya. "Jammie, anak, hindi mo ako mapipigilan. Hindi ako mananatili rito habang kayo ang nasa panganib."Lumingon ako kay Jimmie, naghahanap ng suporta, pero nakita kong seryoso rin ang expression niya. "Mas mabuting maiwan ka, Dad. Hindi dahil matanda ka na, kundi dahil ikaw ang dapat mangalaga sa pamilya natin kung sakaling may hindi magandang mangyari.""Walang mangyayaring masama," sabat ni Tita Althea na kasalukuyang nagkakabit ng mga bala sa kanyang pistol. "Basta sumunod tayo sa plano.""Tita Althea's right," dagdag ni Emer habang inaayos ang body armor niya. "Mabilis lang 'to, Dad. Hindi namin hahayaang humaba pa ang laban na ‘to."Napailing si Dad, pero sa huli ay sumuko na rin siya. "Kung may mangyayari sa inyo…" Tum
Chapter 1 "Heart, gising na! Naku, ikaw talagang bata ka, pag nalate ka sa klase mo, kukurutin talaga kita sa singit!" wika ng aking butihing ina. Dahil sa lakas ng boses ni Mama, kaya siya ang ginawang naming alarm clock kasama na ang mga kaibigan kong sina Althea at Angie. Kung kapitbahay kami ni Janith, siguradong magigising talaga din ito. Sino ba naman hindi magigising sa kanyang boses para itong nakalunok ng megaphone dahil sa tinig nito. Habang tinatabunan ko ang aking mga tainga, sinilip ko ang orasan sa dingding. Ganoon na lang ang paglalaki ng mata ko nang makita kong 6:45 AM na pala. Agad akong napabalikwas saka mabilis bangon at nagmadaling tumungo sa likod ng bahay kung saan naroon ang aming paliguan. Agad kong binuksan ang gripo at sabay na umangal, dahil ngayon lang ako ginising ng aking ina. "Mama, bakit ngayon mo lang ako ginising? Malilate na ako!" pagsisisi ko dito habang nagbubuhos ng tubig sa aking ulo galing sa tabo. Nangingisay pa ako sa sobrang lami
Chapter 2 Napa tingin ako sa kay unahan dahil nakita ko silang silang dalawa nag-uusap kaya malakas ko silang tumawag. "Mga Bakla..." sigaw ko. Lumingon silang dalawa. Si Althea ay may sama ng tingin, pero si Angie, masaya, ay kumakaway at naka-ngiti. "Kahit kailan, ang ingay mo! Gusto mo talagang titigan yang dibdib mong malaki, kasing laki ng bunga ng niyog," sabi ni Althea, na agad namang kinatawan ni Angie, kaya tumingin ako sa kanya na nakasimangot. "Hahaha! Ang nag-salita, parang hindi malaki ang dibdib niya. Hoy, Althea, kasing laki lang kayo!" wika ni Angie, na nagpasimangot si Althea, pero hindi ko na napigilang tumawa. Si Althea kasi, kahit mukhang seryoso sa buhay, at may matinding personalidad ay may kapilyahan din itong tinataho. Hindi siya basta-basta at hindi mo siya dapat bastusin. Sa mga ganitong klaseng tao ay mahirap ang pagkasamahan, pero minsan may pagka kalog din ito. Pagkapasok namin sa loob ng school, nakita namin si Janith na masayang kumakawa
Chapter 3 Brandon POV Nandito kami ni Kurt sa isang birthday ng kakilala niya sa school. Naimbitahan kasi kami, kaya pinaunlakan namin. Habang papasok kami, napansin ko ang apat na babae na pumasok sa loob. Yung tatlo ay masayahin, pero yung isa ay napaka-seryoso. Pagpasok nila, nagtinginan silang apat saka pumunta sa lamesa kung nasaan ang mga pagkain. Hindi sila nag-atubiling kumuha. Yung isa, humiwa ng lechon sa bandang tiyan na malaki, habang yung isa ay kumuha ng iba’t ibang putahe—dalawang plato ang nakuha niya. Yung isa naman, kumuha ng maraming kanin. Pero yung isang babae na seryoso, pumunta sa lihenang inumin at may sinabi sa nakatalaga roon. Binigyan siya ng dalawang wine. Siguro kakilala siya ng may kaarawan. Pagkatapos, lumabas sila, at sinundan ko sila hanggang sumakay sa tricycle. Mukhang papunta sila sa dagat. "Oh bro, tulala ka ata..." tanong sa aking kaibigan. "Ha? Ah, eh may iniisip lang," palusot ko dito. "Ano?" tanong muli niya sa akin. "Tungkol s
Chapter 4Heart POVTsk! Nagtanong lang ako, tapos sinabihan lang ako! “Uwi na tayo, mga bakla, gabi na,” sabi ko. Nagsitayuan na kaming lahat, handa nang umalis. Pero habang naglalakad, nabunggo si Althea ng isang babae. Siya pa ang ginawang may kasalanan, ngunit hindi umalma ang kaibigan ko. Hinayaan mang niya ito pero si Janeth ay nais sa inasta ng babae kaya agad silang nag-sagutan nito. “You, bitch?” sigaw ng babae kay Althea.“Ha? Siya? Bitch?” sabay turo kay Althea, na cool na nakatingin sa babae. “O baka ikaw yun! Ikaw nga tong bumangga sa kanya tapos ikaw pa ang may ganang magalit? Hoy, babaeng bulang sa harina ang mukha, wag mong gagalitin ang kaibigan namin, baka manghiram ka ng mukha sa aso!” galit na singhal ni Janith.Kaya ayaw naming galitin si Janith kasi baka hindi na mapigilan ang bibig niya.“Tayo na!” yun lang ang sabi ni Althea. Pero nagtanong si Angie, “Ayaw mo bang humingi siya ng sorry sayo?” may pagtatakang tanong niya kay Althea. “Na, ayaw ko ng aksayahin a
Chapter 251Jammie POV"Dad, maiwan ka lang dito. Kami na lang apat ang pupunta!" matigas kong sabi habang hinahanda ang gamit ko.Matalim ang tingin sa akin ni Dad, halatang hindi sang-ayon sa sinabi ko. "Anong tingin mo sa akin? Matanda na?!" bumuntong-hininga siya. "Jammie, anak, hindi mo ako mapipigilan. Hindi ako mananatili rito habang kayo ang nasa panganib."Lumingon ako kay Jimmie, naghahanap ng suporta, pero nakita kong seryoso rin ang expression niya. "Mas mabuting maiwan ka, Dad. Hindi dahil matanda ka na, kundi dahil ikaw ang dapat mangalaga sa pamilya natin kung sakaling may hindi magandang mangyari.""Walang mangyayaring masama," sabat ni Tita Althea na kasalukuyang nagkakabit ng mga bala sa kanyang pistol. "Basta sumunod tayo sa plano.""Tita Althea's right," dagdag ni Emer habang inaayos ang body armor niya. "Mabilis lang 'to, Dad. Hindi namin hahayaang humaba pa ang laban na ‘to."Napailing si Dad, pero sa huli ay sumuko na rin siya. "Kung may mangyayari sa inyo…" Tum
Chapter 250"Sandali, kailangan hindi natin sabihin kay Mom at iba pa. Kailangan tayong apat lang ang nakakaalam upang maiwasan ang kanilang takot," sabi ni Jammie sa aming lima. Tumango si Dad at hinilot ang sentido niya. "Tama ka, Jammie. Ayokong mag-panic ang lahat, lalo na ang mommy niyo."Nagkatinginan kami ni Emer, halatang pareho kaming nag-aalala. "Pero sino naman 'tong bagong kalaban natin?" tanong ko, sinisikap na panatilihin ang aking boses na kalmado.Nagbuntong-hininga si Tita Althea bago naglabas ng isang folder mula sa kanyang bag. "Matagal ko nang minamanmanan 'to, pero hindi ko inakalang magpapakita siya sa ganitong pagkakataon."Binuksan ni Dad ang folder, at sa loob ay may mga litrato ng isang lalaki—matangkad, may matalim na mga mata, at mukhang walang awa."Siya si Darius Montenegro," mahinang sabi ni Tita Althea. "Isang international arms dealer at dating hitman ng Cobra Gang."Napamura si Emer. "Cobra Gang na naman? Akala ko ba tapos na kami sa kanila?""Hindi
Chapter 249Pagsikat ng araw, handa na kaming bumalik sa mansyon. Halos walang nakatulog sa amin kagabi, lalo na ako at si Jammie. Ang sinabi namin sa isa't isa kagabi ay malinaw pa rin sa isipan ko—hindi pa tapos ang laban.Habang nag-aayos ng gamit, lumapit sa akin si Claire at mahigpit akong niyakap mula sa likod. "Sigurado ka bang ligtas na talaga tayo?" mahina niyang tanong.Huminga ako nang malalim at ipinatong ang kamay ko sa mga kamay niya. "Gagawin ko ang lahat para siguraduhin 'yon," tugon ko.Narinig kong bumuntong-hininga siya. "Hindi kita pipigilan, Jimmie. Pero sana… huwag mo ring kalimutan ang sarili mo. Huwag mong hayaang kainin ka ng takot."Humarap ako sa kanya at hinawakan ang mukha niya. "Hindi ako natatakot. Hindi ko hahayaang may mangyari sa 'yo at sa mga anak natin."Bago pa siya makasagot, bumukas ang pinto at sumilip si Jammie. "Handa na tayo?" tanong niya.Tumango ako at hinalikan si Claire sa noo bago tuluyang sumama sa kanila.Sarah’s POVHabang nasa loob n
Chapter 248Jimmie POVRamdam ko ang tension sa paligid nang dumating muli si Sarah kasama ang kanyang asawa at ang triplets nila. Hindi ko masisisi ang bunsong kapatid namin—alam kong mahirap para sa kanya na lumayo habang may pangamba pa sa puso niya. Pero ngayong wala nang banta sa aming pamilya, gusto kong maibalik ang katahimikan sa lahat.Napatingin ako kay Claire. Kanina pa siya tahimik, pero alam kong hindi pa rin nawawala ang kaba niya. Lumapit ako at marahang hinawakan ang kanyang kamay.“Mahal, okay na tayo. Wala nang banta,” bulong ko sa kanya.Huminga siya nang malalim bago tumango. “Alam ko… pero hindi ko maiwasang mag-alala. Ang daming nangyari, Jimmie. At kung may isa pang ganitong sitwasyon…” Napahinto siya at napatingin sa mga anak namin na masayang naglalaro kasama ang pinsan nilang triplets. “…hindi ko alam kung kakayanin ko pa.”Hinila ko siya papalapit at yinakap nang mahigpit. “Wala na, Claire. Tapos na ang gulo. Ngayon, tayo naman ang magpapasya kung paano nat
Chapter 247 Sarah POV Hindi ko pa rin alam kung matutuwa ba ako o magagalit sa aking asawa. Pakiramdam ko ay pinagtakpan niya ang isang napakalaking bagay—ang pagiging Mafia ng kanyang tiyuhin! "Emer, paano mo nagawang hindi sabihin sa akin ang tungkol kay Tito Dark?" matalim kong tanong habang nasa loob kami ng sasakyan. Napakamot siya ng ulo at lumingon sa akin. "Mahal, hindi ko naman sinasadyang itago. Hindi lang talaga ako sanay na pag-usapan ang pamilya ko, lalo na si Tito." "Pwes, dapat sanayin mo na! Dahil pamilya mo rin ako, Emer. At dapat wala kang tinatago sa akin!" inis kong sabi, sabay hampas sa braso niya. Napairap siya at hinawakan ang kamay ko. "Okay, okay! Sorry na. Wala na naman tayong dapat ipag-alala, ‘di ba? Tapos na ang lahat." Napabuntong-hininga ako. "Oo nga, pero paano kung may kasunod pa? Paano kung may ibang kalaban pang lalabas? Hindi mo ba naisip kung gaano ako nag-aalala sa’yo?" Huminto siya sa pagmamaneho at tumingin sa akin, hawak pa rin ang kama
Chapter 246 Nagkatinginan kami ni Jimmie at hindi napigilang magpalitan ng tingin. Mukhang malalim pa ang bahaging ito ng kwento ng pamilya namin. Samantala, si Mommy Heart naman ay lumapit kay Daddy Brandon at marahang hinawakan ang kamay nito. "Ngayong nakuha na si Ruby, anong balak natin? Hahayaan ba natin si Zaina ang bahala sa kanya?" Napatingin si Uncle Red sa kanyang asawa. "Si Zaina lang ang may alam kung paano niya ito patatakbuhin. Pero gusto kong makuha ang lahat ng impormasyon na alam ni Ruby bago siya mawala nang tuluyan." Tahimik kaming lahat. Alam naming hindi magiging madali ang susunod na hakbang. Maya-maya, bumukas ang pinto ng safehouse, at pumasok si Zaina. Suot pa rin niya ang kanyang combat gear, at may bahid ng dugo ang kanyang guwantes. "Tapos na," malamig niyang sabi. "At may nalaman akong hindi niyo magugustuhan.""Ano?" takang tanong ni Mom."Siya pala ang likod sa lahat na mga problema sa inyong pamilya at negosyo!" wika niya. "Ang muntik nangabuldo
Chapter 245 "Dahil nasa panganib ang pamilaya sa asawa ng pamangkin mo na si Emer, nasayo kung ayaw mong magalit ang kapatid mo na si Janith. Dark!" Nagkaroon ng maikling katahimikan sa linya. Halos pigilin ko ang hininga ko habang hinihintay ang sagot ni Xyler. Alam kong hindi basta-basta nagbibigay ng tulong ang isang tulad niya, lalo na kung walang kapalit. Sa wakas, sumagot ito—mabagal, matalim. "Tsk. Gamit na gamit ang pangalan ng kapatid ko, ah?" Ramdam ko ang tensyon sa boses niya. Alam kong hindi niya kayang balewalain ang sinabi ni Uncle Red, dahil si Janith lang ang isa sa mga taong tunay niyang iniingatan. "Bigyan mo ako ng isang oras. Ako na ang bahala sa natitirang galamay ni Ruby," malamig na saad nito. Napatingin kami kay Uncle Red, na tumango nang bahagya bago sumagot. "Ayos. Hinihintay namin ang kilos mo, Dark." Biglang napakunot ang noo ko. "Dark?" tanong ko, hindi mapigilang magduda. Tumingin si Uncle Red sa akin, saka napangisi nang bahagya. "Xyler
Chapter 244 Matapos ang seryosong usapan, napagdesisyunan naming lahat na umalis muna sa mansyon at lumipat sa isang safehouse sa Tagaytay na inihanda ni Dad. Habang nasa daan, tahimik ang lahat. Tila iniisip ang mga maaaring mangyari sa misyon ni Tita Zaina. Si Mommy Heart ay nakayakap kay Daddy Brandon, halatang nag-aalala. Si Uncle Red naman ay panay ang tingin sa kanyang telepono, siguro ay naghihintay ng balita mula sa asawa niya. Ako? Tiningnan ko si Jimmie, at kita ko rin sa mukha niya ang pag-aalala. Kahit hindi kami nagsasalita, alam kong pareho kaming nag-iisip kung kailan matatapos ang lahat ng ito. Nang makarating kami sa safehouse, agad kaming inasikaso ng mga tauhan ni Dad. Malaki ang lugar, may magandang tanawin ng Taal Lake, pero sa kabila ng ganda nito, alam naming hindi kami nandito para magbakasyon. Habang inaayos ang mga gamit, lumapit ako kay Jimmie. "Sa tingin mo, magiging maayos ba ang lahat?" Huminga siya nang malalim bago sumagot. "Wala tayong iban
Chapter 243Lumipas ang dalawang araw, at sa unang pagkakataon, nakita namin nang personal si Tita Zaina—ang asawa ni Uncle Red.Tahimik akong nakamasid habang bumababa siya mula sa itim na sasakyan. Maganda siya, may matikas na tindig, at isang presensiyang mahirap ipaliwanag. Ni hindi mo iisiping isang assassin siya. Sa suot niyang eleganteng dress at mahinhing galaw, mukha siyang isang royal na bumisita mula sa isang mayamang bansa. Pero alam kong sa likod ng maamong mukha niyang iyon, may itinatagong galing na hindi basta-basta matatalo.Si Uncle Red mismo ang sumalubong sa kanya, at doon ko lang nakita ang bahagyang pagkalma sa mukha ng tiyuhin ko.“Zaina,” mahinang tawag ni Uncle Red.Ngumiti si Tita Zaina at hinalikan siya sa pisngi bago iniangat ang tingin sa amin. Isa-isa kaming tinapunan ng tingin, tila ini-scan niya ang bawat isa. Nang tumapat ang mata niya sa akin, bahagya siyang tumango bilang pagbati.“Finally, we meet,” aniya sa malamig pero magalang na tono.“Welcome,