TAHIMIK ang biyahe pauwi, at kahit ilang beses na sinubukan ng mga magulang ni Kairah na makipag-usap sa kanya, binibigyan niya lang sila ng mga maikli at malamig na isang-salitang sagot. Parang gustong tapusin agad ni Kairah ang anumang usapan, at unti-unti, tila nakuha naman ng mga magulang niya ang hint na wala siyang gana makipagkwentuhan sa kanila.Nang makarating sila sa harap ng bahay, agad na bumaba si Kairah, umaasang tapos na ang awkward na pag-uusap. Pero bago pa siya tuluyang makalabas, tinawag siya ng kanyang ama mula sa likod ng sasakyan at tinanong siya nang may bahagyang excitement sa boses."So, Kairah, anak, kumusta naman si Liam?"Bago pa siya makasagot, biglang sumingit ang kanyang ina, halos kumikislap ang mga mata sa tuwa, "Bagay sila! Para silang match made in heaven," ani nito, na pinaikot na lang ni Kairah ang mga mata niya sa pagkadismaya. Alam niyang wala silang alam sa tunay na nangyari, at kung gaano siya ka-frustrated.Parang hindi pa nakontento, sinimula
Read more