Share

MARRYING THE BACHELOR
MARRYING THE BACHELOR
Author: Lanie

Chapter 1

“KAIRAH, maghanda ka bukas. Mamanhikan na,” Biglaang sinabi ito ng kanyang ama.

"S-Sinong magpapakasal?" tanong niya, halatang naguguluhan.

“Ikaw. You are marrying the bachelor."

“Ha? Ako?”

“We’ve set up your marriage to the heir of a powerful family na deeply involved sa business partnership namin. It's a match made for success, at ayaw kong palampasin ang oportunidad na 'to." Sabi ng ama niya nang walang paligoy-ligoy.

Napatingin si Kairah sa kanyang ama, gulat na gulat. Sa paligid niya, naramdaman niya ang mga mata ng kanyang pamilya, lahat ay nakatuon sa kanya.

"Anong sinasabi ninyo?" tanong niya, at ang nakuha lang niyang sagot ay malamig na tingin mula sa kanyang ama.

"This is crazy, you’ve got to be kidding me," sabi ni Kairah, hindi makapaniwala.

Para kay Kairah Montes, masyado pa siyang bata para magpakasal. Sa edad na 22, kakagraduate pa lang niya sa kursong Bachelor of Science in Business Administration major in Business Management, agad din siyang sumabak sa mundo ng corporation dahil iyon ang pangarap ng Ama para sa kanya. 

Buong buhay niya’y inialay niya sa pag-aaral upang makamit ang kanyang pangarap na maging isang matagumpay na businesswoman. Marami siyang pangarap para sa kanyang sarili—gusto niyang magkaroon ng sariling kumpanya at makilala sa industriya. Gusto niyang makabawi sa kanyang pamilya, dahil halos buong buhay nila ay nasa business lang talaga umiikot ang mundo nila. They have a small company, pero hindi talaga consistent ang growth ng sales. Minsan okay, minsan hindi, kaya lagi silang nag-a-adjust para lang makasurvive. Most of the time, sakto lang ang kinikita to keep the business running and support the family.

Kahit sobrang hardworking ng kanyang Ama at Ina, Kairah knows na they still need a lot more help to level up the company—from being a small business to a more successful corporation. 

Kahit na maraming pagkakataon na nahirapan sila sa buhay, hindi siya kailanman pinanghinaan ng loob. Nakita niya ang mga sakripisyo ng kanyang mga magulang, at alam niyang ang lahat ng iyon ay para sa kanyang kinabukasan. Kaya naman, buong buhay niyang pinanghawakan ang pangarap na makamit ang tagumpay sa sariling pagsisikap. Hindi kailanman pumasok sa isip niya na magpakasal para lamang sa yaman o kapangyarihan; sa halip, pangarap niyang magpakasal sa isang taong tunay niyang mamahalin at makakatuwang sa buhay.

Para sa kanya, ang kasal ay sagrado at hindi dapat isinasakripisyo para sa pansariling interes ng iba. Gusto niyang maglakbay, makaranas ng iba’t ibang kultura, at ma-explore ang totoong mundo bago siya magpakasal o bumuo ng pamilya. Sa isip niya, ang tunay na pag-ibig ay hindi isang bagay na dapat madaliin o ipinipilit. Kaya naman masakit sa kanya ang ideya ng arranged marriage.

"Trust me when I say I’m not kidding," sabi ng kanyang ama, his tone making it clear na tapos na ang usapang iyon. Pero alam nito na hindi siya madaling magpatalo, lalo na sa bagay na ito.

"You can’t do that!" sabi niya, medyo tumataas na ang boses habang nakatingin sa kanyang Ina, umaasang makakakuha ng suporta. "Mama, he can’t do this, can he?"

“Pasensya na, anak, pero wala na tayong magagawa. Kailangan mo nang magpakasal. Ito na lang ang paraan para maisalba ang kompanya,” sabi ng kanyang ina, halatang hindi rin masaya sa sitwasyon ngunit walang magawa.

Sa isip ni Kairah, alam niyang balang araw, maiaangat din niya at mapapalago ang kompanya, pero hindi sa paraang kailangan niyang magpakasal para lang sa kapangyarihan.

"So you’re just gonna marry me off to some total stranger? Someone I don’t even know or love?" sabi niya, ang pagkadismaya ay rinig sa kanyang boses.

"Anak, understand that this is what’s best for you... Alam mo na mahal ka namin—"

"Mahal?!" sabi niya, ramdam ang frustration habang nakatayo mula sa kanyang upuan, ang ingay nito sa sahig halos nag-echo sa buong silid. "Seryoso ba kayo dito? Ano bang klaseng pamilya ang ipagkakasundo ang anak nila sa taong hindi man lang niya kilala?"

"Young lady, will you behave yourself!" madiing sabi ng kanyang ama, ngunit hindi siya nagpatinag.

"Hindi ko ito matatanggap! Don’t I have a say in this? Don’t you guys even care how I feel?" desperado niyang tanong, hindi matanggap ang ideya ng pagpapakasal sa isang estranghero.

"No, you don’t. You’re getting married, and that’s final," tugon ng kanyang ama, hindi man lang siya tinitingnan.

"I can’t believe this," bulong niya, ang sakit sa kanyang boses ay halatang-halata. "My own family is marrying me off to a stranger. That’s how much you all love me, huh?"

With that, tinalikuran niya ang mga ito at naglakad paakyat sa kanyang kwarto.

"And where do you think you’re going?" tanong ng kanyang ama, mas malakas na ang tono nito.

"Lost my appetite," sagot niya nang hindi lumilingon, patuloy na naglakad paakyat. 

Pagpasok niya sa kwarto, naupo siya sa gilid ng kama, iniisip ang lahat ng nangyari. Parang itinali siya sa isang sitwasyong wala siyang boses. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nag-message kay May, ang kanyang best friend.

"We need to talk."

Wala pang limang minuto, tumawag na si May. Kilala siya nito nang ganoon na lang, alam nito kapag may hindi magandang nangyayari.

"Hey, Kairah, what’s up?" tanong ni May, at napabuntong-hininga si Kairah bago sumagot.

"I'm getting married," mahina niyang sinabi, ramdam ang lungkot sa kanyang boses. Makalipas ang ilang segundo, narinig niyang halos mabingi siya sa sigaw ni May sa kabilang linya, kaya nilayo niya ang telepono mula sa kanyang tenga habang nag-squeal si May nang halos isang minuto bago ito tumigil.

"Oh my gosh! You crazy! Bakit hindi mo sinabi agad sa akin?!" masayang tanong ni May, pero napairap si Kairah sa kabila ng ironic na sitwasyon.

"I just found out today," sagot niya nang walang emosyon, at alam niyang gulong-gulo na si May.

"Wait, wait… Anong nangyayari? Kanino ka daw ipapakasal?"

"Hindi ko rin alam. Malay natin, baka sa isang mayamang matandang panot pa," sagot ni Kairah, at naramdaman niyang namamasa ang kanyang mga mata.

"Hoy, girl, are you crying?" tanong ni May, halatang worried ang boses.

"Hindi pa naman... I just haven’t fully absorbed it yet."

"Okay, I’m coming over first thing tomorrow, okay? Please don’t cry. I love you. Kaya mo 'yan."

"I’ll try," bulong niya.

Ibinaba niya ang telepono, humiga sa kama, at pumikit, pero puno ng thoughts ang kanyang utak. Paulit-ulit niyang iniisip ang ideya na ikakasal siya sa isang taong hindi niya kilala. And to be honest, that terrified her.

Hindi niya na napapansin, pero unti-unti na siyang dinadala ng antok.

Nagising si Kairah sa tunog ng marahang pagkatok sa pinto ng kanyang kwarto. Halos mapapikit pa siya muli, ngunit ang biglang sumiklab na inis sa kanyang dibdib ang nagbalik ng kanyang diwa sa reyalidad.

"Go away!" mahina niyang sigaw, ngunit ramdam ang galit sa kanyang boses. Ayaw niyang makipag-usap sa kahit sino sa pamilya matapos ang nangyari. Ngunit sa kabila ng mga salita niya, narinig niyang bumukas pa rin ang pinto.

"Ayaw ko pong makipag-usap!" muli niyang sigaw, mas malakas na ngayon. Hindi ba nila kayang intindihin ang simpleng pakiusap na iyon? Tumalikod siya at tumingin sa may pintuan, at nakita niya ang kanyang Ina na nakatayo lang doon. Tahimik lang ito, hindi gumagalaw, nakatitig sa kanya ng diretso. Ang mga mapusyaw na bughaw na mata nito ay may bahid ng lungkot.

"Good morning," marahan nitong bati, ngunit nanatiling malamig ang tingin ni Kairah sa kanya, walang bakas ng emosyon o galang. 

"What do you want po?" malamig niyang tanong, ang boses ay sing-lamig ng yelo. Ayaw niyang magpakita ng kahit anong kahinaan sa harap nito.

"Nandito ako para kausapin ka," sagot ng kanyang Ina, bahagyang nag-aalinlangan ang tono.

"Well, ayoko makipag-usap. So please, leave." Ang bawat salitang lumabas sa bibig ni Kairah ay kasimbigat ng bato, walang pakialam kung masasaktan ang kanyang Ina. Tumalikod siya at muling humiga sa kanyang mga unan, isang malinaw na senyales na wala siyang intensyon makipag-usap.

"Anak, you have to listen to me," pagpupumilit ng kanyang Ina habang naglalakad palapit sa kanya.

"No, I don’t," mariing sagot ni Kairah. "Not when you don’t care about me anymore." Sa sandaling iyon, naramdaman niyang tumigas ang kanyang puso, binabakuran mula sa bawat salita ng kanyang Ina. Niyakap niyang mabuti ang kanyang unan, ang kanyang tanging sandigan sa gitna ng isang mundong tila walang malasakit sa kanya.

At least ang unan niya, hindi siya pipilitin ipakasal sa isang estranghero. Parang gusto na nga niyang isama ito sa mismong kasal niya, kung sakaling matuloy nga. Pero, napailing siya sa sariling naisip, pilit nilalabanan ang ideyang iyon sa kanyang isip.

"Anak… gusto ko lang sabihin na pasensya na at wala man lang akong magawa," bulong ng kanyang Ina, halos hindi na marinig ang boses. Pero bawat salita’y parang patak ng ulan na walang patutunguhan sa lupa.

"Too late, Mama," sagot ni Kairah, malamig at walang bahid ng emosyon, "that ship sailed a long time ago." Napakagat-labi siya, pinipigilang pumatak ang mga luha sa kanyang mata. "Please leave," ulit niyang sabi, isang malupit na utos na parang nagsasara ng pintuan sa pagitan nila.

Napapikit ang kanyang Ina, malalim na bumuntong-hininga bago siya tuluyang lumabas ng kwarto. At nang tuluyang nag-iisa si Kairah, tahimik niyang hinarap ang kisame, pilit nilulunod ang lahat ng emosyon na gustong kumawala.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status