Nasa harapan ng salamin ng kanyang silid ang dalagang si Sofia, iniisip pa rin nito ang kanyang narinig na pag-uusap ng kanyang mommy at daddy tungkol sa pagkalugi ng kanilang negosyo. "Are you sure Armando na si Sofia ang gagawin mong kabayaran sa malaking utang natin, kay Don Facundo?" tanong ni Almira sa asawang si Armando. "Almira, listen, kapag nakasal si Sofia kay Don Facundo ay mababayaran na natin ang lahat ng pagkakautang natin sa kanila, ayaw mo ba nun?" naiinis na tanong ni Armando sa asawa. "Pero Armando, kaligayan ng anak mo ang kukunin natin sa gagawin mo!" naiiyak na wika ni Almira. "Damn you Almira... don't be too stupid! Mas malaki ang mawawala sa 'tin kapag patuloy na bumagsak ang kumpanya natin, kaya wala na tayong magagawa kung iyon ang gusto ni Don Facundo," mariing anas ni Armando. Napatulo na lamang ang mga luha ni Sofia sa mga naririnig nito. Ayaw nitong makasal sa isang matanda at mawala ang kanyang kalayaan kaya agad na umisip si Sofia ng paraan para hi
Read more