Pagkatapos naming maghapunan ay kinausap ko si Arthur ng makita ko siyang kumukuha ng tubig. Tumayo ako at lumapit kay Arthur, pero umatras siya. “Anak, hindi mo kailangang maramdaman na hindi ka mahalaga,” sabi ko, halos pabulong. “Alam kong nasaktan ka. Mali ako. Dapat nandun kami kanina.” Pero umiling siya. “Hindi lang ito tungkol sa laro, Mom. Parang sa lahat ng bagay, si Leo na lang ang iniintindi niyo.” Hindi ko alam kung paano siya papakalmahin. Ramdam ko ang kirot ng kanyang mga salita, dahil totoo ito hindi ko man sinasadya, napabayaan ko si Arthur. “Arthur,” sabi ni Enrique, mas kalmado ngayon, “mali ang ginawa namin. Pero hindi ibig sabihin noon na hindi ka mahalaga. Tanggap namin si Leo dahil pamilya natin siya ngayon, pero hindi ibig sabihin na nawala ka sa amin.” Tumahimik si Arthur. Kita kong naguguluhan siya, pero halatang pagod na rin siyang makipagtalo. “Arthur, anak,” dagdag ko, halos pabulong, “gagawin namin ang lahat para maitama ito. Bigyan mo kami ng pagka
Last Updated : 2025-01-10 Read more