Pagkatapos naming maghapunan ay kinausap ko si Arthur ng makita ko siyang kumukuha ng tubig. Tumayo ako at lumapit kay Arthur, pero umatras siya. “Anak, hindi mo kailangang maramdaman na hindi ka mahalaga,” sabi ko, halos pabulong. “Alam kong nasaktan ka. Mali ako. Dapat nandun kami kanina.” Pero umiling siya. “Hindi lang ito tungkol sa laro, Mom. Parang sa lahat ng bagay, si Leo na lang ang iniintindi niyo.” Hindi ko alam kung paano siya papakalmahin. Ramdam ko ang kirot ng kanyang mga salita, dahil totoo ito hindi ko man sinasadya, napabayaan ko si Arthur. “Arthur,” sabi ni Enrique, mas kalmado ngayon, “mali ang ginawa namin. Pero hindi ibig sabihin noon na hindi ka mahalaga. Tanggap namin si Leo dahil pamilya natin siya ngayon, pero hindi ibig sabihin na nawala ka sa amin.” Tumahimik si Arthur. Kita kong naguguluhan siya, pero halatang pagod na rin siyang makipagtalo. “Arthur, anak,” dagdag ko, halos pabulong, “gagawin namin ang lahat para maitama ito. Bigyan mo kami ng pagka
ARTHUR POVKinabukasan, nagising ako nang mabigat ang pakiramdam. Naiisip ko pa rin ang nangyari kagabi sa hapag-kainan. Nasagot ko si Mommy, at alam kong hindi iyon tama. Nagmukhang masama ang ugali ko sa harap nila Lola Claire, na palagi akong pinapaalalahanan na maging marespeto sa mga magulang ko.Pero hindi ko mapigilan ang pagtatampo ko. Dahil mahalaga sakin ang larong iyon. Pinakamalaking araw iyon sa buhay ko, at wala man lang kahit na isa sa kanilang lahat. Ako na nga ang nag-champion, pero hindi nila nakita. Parang hindi mahalaga ang pagkapanalo ko. Gayunpaman alam kong hindi iyon excuse.Kaya ngayong umaga, nagpasya akong bumawi kay Lola Claire. Pagdating ko sa bahay nila Lola Claire, nandoon siya sa hardin, nagdidilig ng mga halaman. Tahimik lang siya at halos hindi ako iniimik noong una. Ramdam ko pa rin ang bigat ng kahapon.Lumapit ako ng dahan-dahan, pero hindi ko alam kung paano sisimulan.“La...”Napalingon siya sa akin. Ang mga mata niya ay hindi galit, pero halata
AT THE MALLKERRY POVHabang abala si Arthur sa pagpili ng bagong sapatos na treat sa kaniya ng kaniyang ama, napatingin ako sa kabilang boutique. Sa gitna ng mga tao, may isang babae na agad kong napansin. Naka-sumbrero siya, at tila naka-wig. Kahit na may kalayuan, parang kilala ko siya. May kakaiba sa paraan ng pagtayo niya, sa tindig ng katawan, at sa paraan ng pagtitig niya sa amin. Napakabigat ng pakiramdam ng pagtama ng mga mata namin. Para siyang multo ng nakaraan na biglang sumulpot sa harapan ko.Hindi ko napigilan ang sariling mapahawak sa braso ni Enrique. “Enrique,” mahinang tawag ko, halos hindi ko marinig ang boses ko dahil sa kaba. “Parang si Tara.”Napalingon siya sa akin, halatang nagulat. “Si Tara? Saan?”Tinuro ko ang botique kung saan ko siya nakita, pero nang balingan namin ito, wala na siya roon. Parang nawala siyang parang bula. Agad kong naramdaman ang kaba sa dibdib ko. Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa bigat ng alaala.“Sigur
Habang abala si Arthur sa pagpili ng bagong sapatos na treat sa kaniya ng kaniyang ama, napatingin ako sa kabilang boutique. Sa gitna ng mga tao, may isang babae na agad kong napansin. Naka-sumbrero siya, at tila naka-wig. Kahit na may kalayuan, parang kilala ko siya. May kakaiba sa paraan ng pagtayo niya, sa tindig ng katawan, at sa paraan ng pagtitig niya sa amin. Napakabigat ng pakiramdam ng pagtama ng mga mata namin. Para siyang multo ng nakaraan na biglang sumulpot sa harapan ko.Hindi ko napigilan ang sariling mapahawak sa braso ni Enrique. “Enrique,” mahinang tawag ko, halos hindi ko marinig ang boses ko dahil sa kaba. “Parang si Tara.”Napalingon siya sa akin, halatang nagulat. “Si Tara? Saan?”Tinuro ko ang botique kung saan ko siya nakita, pero nang balingan namin ito, wala na siya roon. Parang nawala siyang parang bula. Agad kong naramdaman ang kaba sa dibdib ko. Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa bigat ng alaala.“Sigurado ka ba?” tanong ni E
KERRY POV Mabilis kong tinawagan si Mommy. Hindi na kasi ako mapakali sa araw-araw na pagkaka-kita ko kay Tara. “Mommy… tanong ko lang po. Kumontak na ba sa inyo si Tara?” saglit akong napatigil sa paglalakas, pinakikiramdaman ko ang sagot ni Mommy mula sa kabilang linya. “Wala anak, dekada na ang nakalipas ng huling nakita namin si Tara” sagot ni Mommy, ang pagod at kaba’y ramdam sa boses niya. “Magmula nang umalis siya, ni anino niya wala kaming nakita. Pinahanap na namin siya sa imbestigador, pero kahit siya, wala ring nakapag-bigay ng lead.” Halos mabitawan ko ang hawak kong telepono. “Ano’ng sabi ng imbestigador?” tanong ko, pinipilit kong maging kalmado kahit na ang totoo ay napaparanoid na ako. “Ang huling balita na nakuha namin ay lumabas daw ng bansa si Tara. Pero wala ng nakuhang ibang detalye, walang flight records, walang destination. Parang naglaho lang siya. Hanggang sa sumuko na lang kami ng Daddy mo sa pagpapahanap sa kaniya.” Lumakas ang kabog ng puso k
After 2 days bigla akong tinawagan ni Jaime sa kalagitnaan ng meeting ko. “boss pasensya na sa abala. Meron akong good news sa inyo. Nakorner na namin ang babaeng nakita nila Mam Kerry.” Masayang pagbabalita niya sa akin. “Okay , im on my way!” Sagot ko naman. Agad kong tinapos ang meeting at dali-daling umalis ng bahay. Dinetalye sa akin ni Jaime ang ngyari. Ika nila Nasa likod ng isang lumang gusali siya, tila sinusundan si Kerry na nagpunta roon para makipagkita sa isang kaibigan. Kasama ko ang mga tauhan ko nang dumating ako. Nakita ko ang babaeng nakayuko, hawak ng dalawang tao ko, habang si Jaime ay nakatayo sa harap niya. “Ikaw ang sumusunod sa pamilya ko,” malamig kong sabi. Ang boses ko ay puno ng galit at pagkamuhi. “Ano’ng gusto mo? At bakit ka nagpapanggap na si Tara?” Tumingala ang babae. Halos matumba ako sa nakita ko. Mula sa hugis ng mukha niya hanggang sa paraan ng kanyang pagtitig, kamukhang-kamukha niya si Tara. Pero may mali. May kulang. “Hindi ako nag
“Miss Kerry, Vanessa, nais po sana naming magpasalamat. Ang anak namin, si Bea, ay isa sa mga natulungan ninyo. Noon, tahimik lang siya sa sulok ng kwarto, parang hindi na siya makakabangon. RPero dahil sa mga workshop ninyo, nagkaroon siya ng lakas ng loob na harapin ang mga takot niya. Ngayon, nag-aaral na siya ulit, at gusto niyang maging psychologist balang araw.” “Salamat po talaga,” dagdag ng asawa ni Marco, bakas ang pag-asa sa kanyang boses. “Hindi na namin alam kung anong gagawin noon. Pero dahil sa inyo, nakuha naming muli ang anak namin.” “Ang anak niyo ang gumawa ng paraan para makabangon,” sagot ni Vanessa, habang nasa tabi ni Kerry. “Kami lang ang naging tulay. Pero salamat sa tiwala ninyo.” Dahil sa dami ng mga taong nagpapasalamat, humaba ang oras ng seminar. Hindi na mabilang nina Kerry at Vanessa ang mga kwento ng pagbawi ng lakas ng loob at muling pagkabuo ng mga pamilya. Isa pang kabataan, si Ella, ang nagpasalamat sa kanila. “Miss Kerry, Miss Vanessa,” sabi
Pagkatapos ng matagumpay na seminar at masinsinang pag-uusap namin ni Vanessa sa coffee shop, ramdam ko ang saya at fulfillment, pero alam kong pagod na rin ang katawan ko. Habang pauwi, iniisip ko pa rin ang plano naming mag-recruit ng mas maraming volunteers mula sa mga unibersidad. “Paano kaya namin masisimulan ito nang maayos?” tanong ko sa sarili ko.Pagbukas ko ng pinto sa bahay, sinalubong ako ng amoy ng paborito kong lavender diffuser. Tahimik ang paligid, pero ramdam ko ang presensya ni Enrique. Napansin kong may nakahandang tasa ng tsaa sa mesa at isang nakatuping papel na may nakasulat.“Para sa pinakamamahal kong asawa, alam kong pagod ka na. Kailangan mo nang mag-relax. Enrique.”Napangiti ako. Napaka-sweet talaga ng asawa ko, sabi ko sa sarili. Napalingon ako nang marinig ko ang mga banayad na tunog ng gitara mula sa sala.Doon ko siya nakita, nakaupo siya sa sofa, naka-white shirt at pajama, hawak ang gitara habang may inaayos na tono. Nang makita niya ako, ngumiti siy
"At kung hindi kami umalis, anong gagawin mo?” mabagal na kinuha ni Aljur at sinindihan ang kaniyang sigarilyo at direstong binuga ang usok sa pwesto ni Frances na may mayabang na asal. "Hindi lang kami ang aalis, hindi ka rin makakaalis. Kung hindi ka hihingi ng tawad ngayon, pauli ulit kong sasabihin sayo na kailangan mong humingi ng tawad . At kailangan mo akong pagsilbihan ng mabuti sa harap ng talunan mong asawa at pakalmahin ako. Saka lang kita paalisin.” Pagkasabi ni Aljur ay tumingin siya sa kaniyang mga bodyguard , na animo’y nakalamang na siya. Iritable namang nakatingin si Frances at wala ng hiyang nagtanong sa lalaking ito. “Napakawalang hiya mo talaga Aljur, hindi ka ba natatakot na tumawag ako ng pulis?”“Ikaw tatawag ng pulis?”Natawa si Aljur .“Ano namang ikakaso mo sa akin? Kakasuhan mo ako na gusto kitang maka sex ? na may nag send sa akin ng location ng kwarto mo. Pwede kong sabihin sa mga pulis na inimbitahan mo ako sa bahay niyo. At ang magulang mo at step-br
THIRD PERSON POV[Nakita ko ang satisfaction sa ngiti ni Aljur. Lalo itong natuwa nang maisip niyang mahahawakan niya ang maliit na dilag sa kanyang kandungan at mahalikan ito sa harap ng asawa ni Frances. Maya-maya, dumating na ang ilang bodyguards at sumugod papunta sa box na tinutuluyan nina Frances at Arthur. Sa isang iglap, marahas na itinulak ng mga ito ang pinto ng kahon, dahilan para manginig ang puso ni Frances.]Naunang sumugod si Ethan, at ng makita niya sa Frances na naka-subsob ang ulo sa lalaking kasama nito, ay agad siyang sumigaw. “Anong ginagawa mo Frances, halika dito at humingi ka ng tawad kay Aljur!” Sa sandaling nawala ang boses, yumuko si Ethan na parang isang aliping tao at tinanggap si Aljur. Pagkatapos, sumunod ang tatlong bodyguard at hinawakan ang pinto nang nakatalikod. Nang makita ito, pinigilan ni Arthur ang sarili at itinukod ang kanyang salamin sa tungki ng kanyang ilong upang ipaalala sa kanyang sarili ang kanyang pagkatao sa sandaling ito, ngunit
Pagkasabi ni Ethan ay magalang niyang inalalayan si Aljur "Please." sabay latag ng kamay ni Ethan na animo’y asong takot sa kaniyang amo. Naglakad si Aljur papunta sa restaurant sa ikalawang palapag ng Hotel, at halatang masama ang timpla ng mukha niya."Sabihin mo nga sa akin, Ethan, ano kalokohan ito? Ang sinabi ko sayo papuntahin mo dito si Frances para humingi ng tawad sa akin, pero hindi mo ginawa.""Ay, paano ko naman hindi gagawin iyon!" Napabuntong-hininga si Ethan. "Hindi kasi nakikinig ang suwail na iyon sa akin. Nabugbog na nga siya n Daddy, at ikinulong pagkabalik niya mula sa last flight niya. Kaya ayun namaga ang mukha niya. Hindi siya makalabas ng bahay para humarap sa tao. Naisip ko na lang na kapag gumaling na ang mukha niya, saka ko siya dadalhin para humingi ng tawad sa'yo."Sinulyapan siya ni Aljur. "Totoo ba ang sinasabi mo?""Oo naman totoo ang sinasabi ko! Hindi ko kaagad sinabi sayo kasi baka ma-mis-interpret mo ako. Saka ano ka ba kakampi mo kami dito. Huwa
KinabukasanFRANCES POVMatapos ang isang nakakakilig na gabi sa pagitan namin ni Arthur ay back to normal na naman ako. Kailangan ko na namang pumasok sa opisina. Puro pagbati, halakhakan, mga bulungan ang sumalubong sa akin.Ilang minuto lang ang nakalipas ng pagpyestahan ako ng mga kasamahan ko, ilang minuto lang ya dumating na ang boss namin. Kapag wala kaming flight sa office ako nagta trabaho. Kaya sa isang iglap kami na lang ng best friend kong si Sa isang iglap, dalawa na lang kami ni Mia ang naiwan sa buong opisina, nakahinga na ako ng maluwag , sa wakas naka-ligtas na din ako sa kahihiyan. Nang makita ni Mia na wala ng tao sa paligid namin, mabilis niya akong hinila sa balkonahe “Ano ang nangyayari! Paano ka nakasal sa iba?! The last time i check ay napapag-usapan na ninyo ni ANdrew ang tungkol sa kasal niyo?!"Napabuntong hininga ako saka ko sinabi kay Mia ang buong istorya. Galit na galit si Mia at napa-irap, itinaas niya ang kaniyang sleeves na animo’y makikipag suntuk
“Kasal ka na?” hindi makapaniwalang tanong ni Ethan. Biglang tumaas na naman ang boses niya at nakakarindi itong nagreklamo sa akin. “Nag-hahalucinate ka ba? Paano ka nakasal? Kay Andrew ba? Paano na si Leonor!”Putsa! Si Leonor na naman? Pakiramdam ko ay mawawalan na talaga ako sa sariling katinuan ng dahil sa pamilya ito .sigurado akong nasa business trip si Andrew, at hindi siya makakabalik sa loob ng dalawa o tatlong buwan!”“So plinano niyo pala lahat ng ito?” natatawa kong sabi na naiiyak. “Sino-sino pa nakaka-alam Ethan? Ikaw pala ang nagplano ng lahat! Ang Mommy mo ba?, Si Leonor pati na ang kapatid ni Andrew?! Ang gagaling ninyo pero thank you!” gigil kong sabi. Kulang ang salita sa galit sa nararamdaman ko, kundi nasusuklam ako sa pamilya ko. “Hindi ko sinabi yan Frances…” mariiing pagtanggi ni Kuya Ethan sa akin. Sa sobrang galit ko gusto kong maghiganti sa kanila! Sa oras na magkaroon ako ng pagkakataon sa hinaharap, ipararanas ko sa kanila ang sakit na idinulot nila sa
Sandaling natigilan si Ethan, at matapos ang mahabang sandali ay nagsalita din siya“Hoy ito ang tandaan mo Frances! Leonor deserves better! Tumigil ka na sa kahibangan mo. Hindi ko na uulitin sayo ito puntahan mo ngayon si Aljur at suyuin mo siya. Kung hindi, sinasabi ko sayo, mananagot ka samin ni Daddy.”“Bakit ako pupunta sa isang hayop na katulad niya! Wala akong ginagawang masama sa kaniya, mabuti nga at sinikatan pa siya ng araw.!” nanindigan ako sa galit ko sa lalaking gustong gumahasa sa akin, at ngayon pati ang 2nd family ko didiktahan na naman ako na lapitan ko ang taong gustong gumahasa sa akin at ako pa ang hihingi ng paumanhin?WOW na wow. Kung nakasuporta lang sana sila sa akin at hindi nila ako babaliktarin, nung araw din nayun sana nagpunta ako sa pulis para maghabla ng kaso! Pero imbis na sumuko ay lalong naging masigasig si Ethan sa kabilang linya ng telepono: "Frances, ano ka ba, tinutulungan na nga kita! Kung hindi mo ito maayos ngayong gabi, hindi lang sa hind
FRANCES POV“Ako ng bahala dito Arthur. Magpahinga ka na din. Alam kong pagod ka din sa byahe natin. Tatapusin ko lang to” mahina at nahihiya kong sabi kay Arthur.“Hindi pa muna sa office ko muna ako, may mga kailangan pa kong asikasuhin. “ “Okay sige” tinulungan ko siyang dalhin ang mga gamit niya sa office room niya at bumalik na din sa kusina, nang matapos akong maglinis ay dumiretso na ako sa master bedroom namin. Pero pagdating ko ay nakahiga na din pala doon si Arthur at nakapaligo na. Dahil sa parang ayokong tumabi kaagad kay Arthur ay dumiretso lang ako sa computer table at ginawang busy ang aking sarili. Pagkasarado ko ng laptop, biglang tumunog ang cellphone ko. Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay nawala na naman ako sa mood. Napabuntong hininga ako saka ko sinagot ang tawag.“O bakit na naman ba Ethan?” pagkasagot na pagkasagot ko sa tawag, isang nakakarinding bulyaw ng step-brother ko ang umalingawngaw mula sa kabilang linya. “Baliw ka ba talaga Frances?,ano g
THIRD PERSON POV ilang minutong nagtagal sila Arthur at Atty. Joey sa loob ng study room. At gaya ng inaasahan mabilis siya nagpaalam kay Frances at umalis na. Habang si Frances ay nagtungo sa kanilang kitchen at tumingin sa mga platong hinanda niya sa lamesa, tumingin siya kay Arthur at nagtanong, “kumain ka na ba?” “Hindi pa…” sagot nito sa asawa “Ipagsasandok na kita ng kanin, sabay na tayong kumain” “Okay” Masayang nakamasid si Arthur sa asawa habang nakatalikod ito sa kaniya at nagsasandok ng pagkain. Hindi niya maiwasan ang pasimpleng mapangiti sa kilig sa lalong pagkahumaling na kaniyang nararamdaman. Pagharap nito ay isang simple ngiti ang kaniyang ibinigay habang nilalapag ni Frances ang isang mangkok ng sinigang na kaniyang niluto. Nang magsimula na silang kumain ay naglakas loob na mag suggest si Frances. “um.. Arthur ano kaya kung i save natin ang number ng isa’t isa sa whats*pp para kung may mga importante tayong kailangan sa isa’t-isa ay madali tayong magka-kontak
FRANCES POV Nang makarating ako sa unit na binigay sakin ni Arthur sa Ayala Subd., nakita ko ang kagandahan ng buong paligid. Kaya napag-desisyunan kong libutin ang mga buong lugar at nakita ko ang luntiang paligid ng komunidad. Parang lahat ng mga halaman ay inayos ng mga land scaper sa perpektong pagkakahubog. Nang marating ko na ang 30th floor. Hindi ako makapaniwalang ganito kalaki ang unit na binigay ni Arthur para sa akin, isang unit para sa buong floor!? Para sa isang piloto nabili niya ito sa murang edad niya? Wala akong kahit na isang kapitbahay. Pagbukas ng elevator ay diretso na ito kaagad sa aking unit, maganda ito lalo na sa mga kagaya kong hindi mahilig sa social life. Dahil sa may card key ang elevator hindi naman ito basta-basta mapapasok ng kahit na sino. Pagbukas ko sa malaking pintuan gamit ang electronic card, ay bumungad sa akin ang isang malaking floor-to-ceiling na bintana na tanaw ang ilog, kung saan makikita ang malawak na tubig sa paligid ng penthouse na i