KERRY POV Mabilis na bumalik ang sigla ng katawan ko matapos ang ilang buwan ng matinding pakikibaka sa sakit. Sa tulong ng pamilya at mga kaibigan ay nalampasan ko Pakiramdam ko, muling nabuhay ang dati kong sarili—buo, malakas, handa sa kahit anong hamon ng buhay. Ngunit hindi ko inakala na ang isang simple umagang iyon, bago pa man pumutok ang bukang liwayway ay magdadala ng isang balitang gugulantang sa aming lahat, balitang mukhang magpapabago sa aming buhay . Habang umiinom ako ng kape sa veranda, biglang bumulusok ng takbo patungo sa akin si Yaya mula sa likod-bahay, takot na takot, halos masamid sa kanyang pag-sigaw. “Ma’am Kerry! Ma’am!.... Naku Mam bilisan mo at pumamarini ka….” nanginginig ang boses niya habang tinuturo ang gate. Tumayo ako at parang bigla din akong kinabahan sa kaniyang itsura. “Bakit? Anong nangyari?... huminahon ka yaya… anong nangyayari?” tanong ko sa kaniyang sobra na ding natataranta. “Ma’am, may sanggol po sa labas! Iniwan! Iniwan po sa tapat ng
Isang gabi, habang tahimik kong pinapatulog si Leo sa kanyang crib, narinig ko ang tunog ng pinto. Excited ako dahil nakabalik ng ligtas ang aking asawa mula sa kaniyang business trip. Sa pagkakarinig ko pa lang sa bigat ng kanyang mga hakbang, alam kong pagod siya, pero sigurado rin akong mapapansin niya ang crib sa sala.Pagpasok niya, hinila niya ang kanyang maleta papasok, ngunit biglang napatigil. Nakita niya si Leo na mahimbing na natutulog, balot sa malambot na kumot. Napatingin siya sa akin at nanlaki ang mga mataK niya.“Love…,” mahina niyang sabi, pero puno ng tensyon ang boses niya. “Sino ’yan? Bakit may baby dito?”Tumayo ako , kinarga si Leo, at tumingin sa kanya. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang paliwanag. “Iniwan siya dito, Enrique. Mamamalengke na sana si Yaya pagbukas niya ng gate nakita niya ang basket kung saan naruruon si Leo. Nasa tapat siya ng gate, iniwan ng hindi namin kilalang tao. May sulat na nagsasabing hindi na raw niya kayang alagaan ang sanggol kaya
ENRIQUE POVIlang linggo matapos naming makuha ang pansamantalang kustodiya ni Leo, akala ko ay maayos na ang lahat. Ginawa namin ang lahat ng hinihingi ng social services. pinirmahan ang mga dokumento, nakipag-ugnayan sa social workers, at inasikaso ang pag-file ng Petition for Adoption. Pero sa likod ng lahat ng ito, may bagay na hindi namin inasahan ang komplikasyon ng sistema at mga taong gusto kaming pigilan.Isang araw, habang pauwi ako mula sa trabaho, tumawag ang abogado namin, si Attorney Velasco.“Enrique,” bungad niya, halata ang bigat sa boses, “may problema tayo. May nag-file ng reklamo laban sa inyo.”“Reklamo?!” halos sigaw kong tanong. “Ano ang ibig mong sabihin Atty.?”“May taong nagke-claim na sila raw ang magulang ni Leo. Hindi pa malinaw ang detalye, pero posibleng maantala ang proseso ng adoption dahil dito.”Nanlambot ako. Sa isip ko, Paano kung totoo ngang magulang ni Leo ang naghahabol na yun? Paano kung mawala siya sa amin? Alam kong hindi ito kakayanin ni Kerr
KERRY POVLumipas ang ilang araw at pinatawag na din kami ng korte . Kabado kami na naghihintay ni Kerry. Pagkalabas namin ng korte, dala-dala na namin ang pinal na desisyon, legal na sa amin si Leo. Parang natanggal ang bigat ng mundo sa balikat ko. Hinawakan ko ang kamay ni Enrique habang buhat niya si Leo. Kitang-kita sa mukha niya ang saya at pagmamalaki.“Sa wakas, love,” bulong niya.Habang pauwi kami, hindi ko mapigilang mapaluha. Hindi lang dahil sa saya, kundi dahil sa lahat ng pinagdaanan namin para makarating dito.Pagdating sa bahay, nagbigay agad si Enrique ng pagkatuwa kay Leo habang nakahiga ito sa kanyang crib. Ay Magiliw niya itong kinausap“Leo, anak, legal ka na naming anak. Walang sinuman ang pwedeng kumuha sa’yo mula sa amin. Pangako namin, palalakihin ka naming puno ng pagmamahal.” napapangiti ako dahil sa reaksyong iyon ni Enrique. Noong una ay tutol siya sa gusto kong mangyari, marahil natatakot siya sa maaring mangyari.Tahimik akong nakamasid sa kanila, ramd
AFTER A WEEKPagkarating ni Arthur, ramdam ko agad ang pagbabago sa enerhiya ng paligid. Malambing siyang bumati sa kaniyang lolo at lola pero halatang may bigat sa kanyang tinig, napansin ko ang pag-iwas ng kaniyang mata sa amin ng kaniyang Daddy. Nang imbitahan siyang sumali sa aming pagsasalo-salo, agad siyang nagdahilan na pagod siya.“Arthur, apo, halika na,” sabi ni Mommy Claire, may lambing sa boses. “Kahit saglit lang. Ngayon na nga lang kami ulit nakapunta ng lolo mo. Tatanggihan mo pa ba ang pag-aayan ni Mamila mo?”Napatingin siya kay Mommy Claire, at matapos ang maikling pag-aalinlangan, tumango siya. Pero alam kong wala talaga siyang gana.Habang nagkakainan at nagkukuwentuhan, ramdam ko ang tensyon na dala ni Arthur. Nang tanungin siya ni Mommy Claire kung kamusta na siya, tumigil siya sa pagkain at tumingin sa kanya, halatang hindi nagpipigil.“Okay lang, Lola,” sagot niya, pero puno ng sarcasm ang boses. “Katatapos lang namin ng final game kanina. Ang saya kasi ako lan
Pagkatapos naming maghapunan ay kinausap ko si Arthur ng makita ko siyang kumukuha ng tubig. Tumayo ako at lumapit kay Arthur, pero umatras siya. “Anak, hindi mo kailangang maramdaman na hindi ka mahalaga,” sabi ko, halos pabulong. “Alam kong nasaktan ka. Mali ako. Dapat nandun kami kanina.” Pero umiling siya. “Hindi lang ito tungkol sa laro, Mom. Parang sa lahat ng bagay, si Leo na lang ang iniintindi niyo.” Hindi ko alam kung paano siya papakalmahin. Ramdam ko ang kirot ng kanyang mga salita, dahil totoo ito hindi ko man sinasadya, napabayaan ko si Arthur. “Arthur,” sabi ni Enrique, mas kalmado ngayon, “mali ang ginawa namin. Pero hindi ibig sabihin noon na hindi ka mahalaga. Tanggap namin si Leo dahil pamilya natin siya ngayon, pero hindi ibig sabihin na nawala ka sa amin.” Tumahimik si Arthur. Kita kong naguguluhan siya, pero halatang pagod na rin siyang makipagtalo. “Arthur, anak,” dagdag ko, halos pabulong, “gagawin namin ang lahat para maitama ito. Bigyan mo kami ng pagka
ARTHUR POVKinabukasan, nagising ako nang mabigat ang pakiramdam. Naiisip ko pa rin ang nangyari kagabi sa hapag-kainan. Nasagot ko si Mommy, at alam kong hindi iyon tama. Nagmukhang masama ang ugali ko sa harap nila Lola Claire, na palagi akong pinapaalalahanan na maging marespeto sa mga magulang ko.Pero hindi ko mapigilan ang pagtatampo ko. Dahil mahalaga sakin ang larong iyon. Pinakamalaking araw iyon sa buhay ko, at wala man lang kahit na isa sa kanilang lahat. Ako na nga ang nag-champion, pero hindi nila nakita. Parang hindi mahalaga ang pagkapanalo ko. Gayunpaman alam kong hindi iyon excuse.Kaya ngayong umaga, nagpasya akong bumawi kay Lola Claire. Pagdating ko sa bahay nila Lola Claire, nandoon siya sa hardin, nagdidilig ng mga halaman. Tahimik lang siya at halos hindi ako iniimik noong una. Ramdam ko pa rin ang bigat ng kahapon.Lumapit ako ng dahan-dahan, pero hindi ko alam kung paano sisimulan.“La...”Napalingon siya sa akin. Ang mga mata niya ay hindi galit, pero halata
AT THE MALLKERRY POVHabang abala si Arthur sa pagpili ng bagong sapatos na treat sa kaniya ng kaniyang ama, napatingin ako sa kabilang boutique. Sa gitna ng mga tao, may isang babae na agad kong napansin. Naka-sumbrero siya, at tila naka-wig. Kahit na may kalayuan, parang kilala ko siya. May kakaiba sa paraan ng pagtayo niya, sa tindig ng katawan, at sa paraan ng pagtitig niya sa amin. Napakabigat ng pakiramdam ng pagtama ng mga mata namin. Para siyang multo ng nakaraan na biglang sumulpot sa harapan ko.Hindi ko napigilan ang sariling mapahawak sa braso ni Enrique. “Enrique,” mahinang tawag ko, halos hindi ko marinig ang boses ko dahil sa kaba. “Parang si Tara.”Napalingon siya sa akin, halatang nagulat. “Si Tara? Saan?”Tinuro ko ang botique kung saan ko siya nakita, pero nang balingan namin ito, wala na siya roon. Parang nawala siyang parang bula. Agad kong naramdaman ang kaba sa dibdib ko. Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa bigat ng alaala.“Sigur
Sa totoo lang nainis ako sa mga sinabi niya kaya sinagot ko din sila ng nararapat na sagot.“Teka lang huh…Una sa lahat ang obligasyon namin si Papa, at FYI nagbibigay kami ng pang gastos ni Papa.Pangalawa, hindi niyo nga ako tinuring na anak niyo, ngayon kung maka-asta ka akala mo ay talagang ulirang ina ka?At pangatlo, bakit hindi niyo pag-trabahuhin yang si Ate Leonor. Hindi yung aasa lang siya sa binibigay namin kay Papa. Kung tutuusin siya ang pinaka-matanda sa amin pero siya ang pinaka-walang pinagka-katandaan.” agad na napa-ismid si Tita Mylene pero nagmatigas siyang umalis ng kusa.Napaisip ako, ngayon lang ako nakakita na niyawyawan ng kaniyang mapang-aping madrasta sa sarili nitong bahay, pagka bukas na pagkabukas pa lang ng pinto. ANo pa nga bang magagawa ko, kung palalayasin ko sila malamang na gagawan nila ito ng malaking issue kaya naman hinayaan ko na lang silang pumasok. Inalok ko na lang sila ng juice. Alam kong may naglalaro na naman sa isip ng mga ito kaya nand
Kagaya ng hindi ko pagyayabang, bumungad sa kanila ang isang mala mansyong bahay na tinitirahan namin ni Arthur. Hindi ko kailanman flinex sa aking social media account ang aming bahay dahil hindi naman ito sa akin. “Tang in*! Frances, ito ang bahay niyo?!” sigaw ng kasamahan kong bakla na halos ikahulog ko na sa golf cart sa sobrang pagkagulat.Napakamot ako ng ulo at napabuntong-hininga. “Bwisit ka bakla, gulat na gulat ako sayo!, oo ito yung bahay namin.” Ngunit hindi agad sila gumalaw. Nakabuka ang mga bibig nila, tila hindi pa rin makapaniwala sa nakikita nila sa kanilang harapan. Si Kristal, na kanina ay puro kayabangan ngayon ay halatang hindi makasabay sa pangyayari. Kahit na inaatake siya ng pride niya dahil sa dami ng paninirang sinasabi niya sa akin sa opisina ay hindi rin maipagkailang namangha din siya sa bahay na tinutuluyan namin ni Arthur. “Frances… ito ba talaga ang bahay mo?” tanong ng isa na hindi pa rin makapaniwala.“Hindi. Trip ko lang pumasok para sa staycat
FRANCES’ POV Pagdating ng Sabado, maaga akong nagbihis ng komportableng damit at tumungo sa tagpuan kung saan ko sasalubungin ang mga kasama ko sa trabaho. Isa-isa na silang dumating, at agad akong binati ng ilan sa kanila. “Congratulations sa promotion mo, girl!” sigaw ni Mary, sabay tapik sa balikat ko. Ngumiti ako at isa-isang nagpasalamat. Habang naghihintay pa sa iba, naisipan kong bumili ng maiinom sa mini-store sa kanto. Tahimik lang ang paligid nang biglang dumating si Kristal, ang babaeng kilalang mahilig mambara at laging may masasabi tungkol sa iba. “Oh, dito ba ‘yung inyo?” tanong niya, sabay irap sa mumurahing apartment sa harapan namin. “Anong apartment number ‘yung bahay niyo?” Bago pa ako makasagot, sumabat na ang isa pang kasamahan namin na malapit kay Kristal. “Oo nga, Ma’am! Dapat sa susunod lumipat ka na ng mas magandang apartment. Hindi bagay sa isang aviation manager ang nakatira sa ganitong klaseng bahay!” Napataas ang kilay ko at napatingin kay Ella. Hin
[Gusto ko lang magtanong, may boyfriend na nga ba talaga si Miss Frances?] Matapos ang maanghang na akusasyon laban kay Frances , ngayon lahat ay pumabor sa kaniya. Napapangiti naman si Mr. Rivera sa kaniya.Kagaya ng orihinal na dahilan kung bakit nagpunta si Frances sa restaurant ay nagsimula ang kanilang meeting. Ilang discussiona ng naganap sa pagitan nila at hindi din nagtagal ang meeting na iyon. Bumalik siya sa opisina. Nagulat siya ng salubungin siya ng kaniyang mga kasamahan.“Frances, congratulations!”“Frances, treat mo kami this time!”“Tama, Frances, weekends naman sa susunod na araw, mas okay siguro kung sa bahay niyo tayo mag-celebrate. Para makatipid at double celebration na din tayo. Ang pagkaka promote sayo officially at ang kasal mo.”Hindi naman kaagad nakasagot si Frances. Sa kalagitnaan ng pangungulit ng mga kasamahan niya ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone. “Hello!”“Love, mukhang pagod ka? Hindi mo ata hiyang ang magpanggabi. Dibale malapit na din n
Pagkatapos sabihin ni Mr. Rivera ay naglakad na sila pabalik sa loob ng restaurant. Ngunit napansin ni Frances na mula sa di kalayuan ay may nagkakagulong mga tao at kumakapal na kamera na nagmumula sa mga vloggers, isang babae ang napansin nilang nagpunta sa isang sulok. Halata ang pagkabalisa sa kanyang mukha, at tila gusto niyang maglaho na lang sa hangin.Pero hindi nagtagal, agad siyang pinalibutan ng mga vloggers."Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito! Sabi mo may relasyon si Mr. Rivera at Frances! Ng dahil sayo muntik pa akong makasuhan" singhal ng isang lalaki habang nakatutok ang camera sa kanya.“Oo nga, hayop ka. Mali-mali ang mga impormasyong sinasabi mo samin!”“Kaya nga pahamak ka!” "Ano ang masasabi mo na nalantad na ang totoo?" sigaw naman ng isa pa.Napayuko ang babae at hindi niya alam kung paano ipagtanggol ang kaniyang sarili. Pero wala na siyang lusot. Nalantad na ang katotohanan, ang mga maling ipinakakalat niya dahil sa galit kay Frances ay nalantad na. Si Al
“Nakakatawa ka naman, hindi mo pa rin alam ang bigat ng kasong kakaharapin mo ng dahil sa pambibintang mo?” mahinahong sabi ni Mr. Rivera.Lingid sa kaalaman nila na sa mga oras na yun, ay grabe na ang pag-aatake ng mga inggiterang kababaihan laban kay Frances online. [naku naman napakalandi][ano? Ayan na yung babaeng napili ni Mr. Rivera!][grabe naman hindi naman pala maganda si ate girl!][Patawarin nawa ang mga babaeng gagawin ang lahat alang-alang sa posisyon!]Lalong dumami ang mga mini vlogger na dumating sa lugar at nagsimulang mag-live broadcast sa sitwasyon. Nahirapan na din sila Frances basta maka-alis dahil napalibutan na sila ng mga ito. Ayaw naman nilang ipagtabuyana ng mga ito dahil baka lalo lang lumala ang sitwasyon.“Anong klaseng babae ang basta na lamang kakapit sa patalim para lang makuha ang gusto niyang posisyon sa kompanya? Ako si Maris, wag niyong kalimutan i hit ang like, share , comment at i click niyo ang notification bell para updated kayo sa mga latest
Agad siyang sumakay sa isang taxi na nakaparada sa gilid ng kalsada. Ngunit bago pa siya tuluyang makapasok sa sasakyan, napansin siya ng ilang tao mula sa mga grupo ng vloggers na nag-re-repost ng mga videos na kumakalat."Tingnan niyo! Hindi ba siya yung babaeng kasama ni Mr. Rivera?""Oo, siya nga yun!"Agad na lumapit ang ilang vloggers na may hawak na kanilang mga cellphone, parang nakakita ng pagkakataong makakuha ng daan-daang libong views. Nakakairita ang pangungulit ng mga ito para kay Frances."Miss Frances, saan ka papunta ngayon?""Miss Frances, nakita mo na ba yung video na kumakalat?""May kumakalat na balita online na sinadya mo daw lapitan si Mr. rivera para sa posisyon!""Hindi ka ba nahihiyang kaya mo makukuha ang posisyon mo ay dahil sa ginawa mong pang-aakit kay Mr. Rivera?""Alam na ba ito ng boyfriend mo?"Walang pakielam na sunod-sunod na nagtaning kay Frances ng matitinding katanungan ang mga social media influences na ito. Hindi na rin alintana ng mga ito na
Nagpatuloy ito sa pang-aasar. "Haist ewan ko ba naman kasi sayo! Gwapo ka! Mayaman! Edukado! Mula sa kinikilalang pamilya!Kung hindi mo lang sana binaliwala ang anak ko? Hindi naman tayo aabot sa ganito! Isa pa haharang-harang ka sa dadaanan ko!Kailangan mawala ni Frances hindi lang sa landas ko, kundi pati sa landas mo!” Bago pa nito matapos ang sinasabi ay humalakhak na si Arthur!."Too soon para magdiwang!Hindi ko kasalanan kung walang magkagusto sa anak mo!Tumawag lang ako para ipaalam sayo, ang tungkol sa Jackson Pyramiding?”Biglang natigilan si Nancy. Hindi siya nakaimik at nagngitngit sa galit. Ang pyramiding company na iyon ay ang lihim na negosyo ng kaniyang pamilya. Maraming nahikayat ang kumpanyang ito para mag invest pero pagdating sa itaaas ay wala ng nakakarating hanggang sa makapag pay out sila. Dahil dito naging maugong ang balita na mabilis ding napapatay ng kaniyang pamilya ang issue dahil sa pagbabayad ng ibang tao. Hindi maitatagong kinabahan si Nancy dahi
[nakita niyo ba yung vidoe? Nakakadiri noh? Talagang siya pa ang dumidikit kay boss?][tama! Alam mo na kapit sa patalim si ateng! hahaha][Nakakasuka! Hindi dapat yana ng naging aviation manager, mabuti pang si Kristal na lang][Tama! Dapat yun na lang! Yung kapatid ng sekretary][Hayop na babae yan! Mamatay na sana ang malalandi sa mundo!]Malalim na huminga si Frances upang pakalmahin ang sarili. Alam niyang malulupit magsalita ang mga tao, pero hindi niya inaasahan na ganito ito kasama!Kahit pa sabihan siya ng kaniyang mga kaibigan na kung gusto niya ay lumipat na lang siya ng kumpanya tutal ay may ibang offer pa naman siya ay hindi siya nagpatinag. Para sa kaniya hindi dapat tinatakbuhan ang ganuong klaseng iskandalo dahil parang pinapatunayan na lang niya na tama ang mga ito sa kanilang iniisip tungkol sa kaniya. Ang pinakamagandang tugon ay manahimik at hayaan na lang ito sa kamay ng kaniyang asawa. Napasandal na lang si Frances, nagulat siya ng tumunog na naman ang cellpho