Habang nasa sala kami, hindi ko mapigilan ma curious kay Tara. Hindi siya tulad ng dati, na hindi matatapos ang araw ng hindi nakikipagtalo sa akin. Palagi siyang nangangatwiran at pakiramdam niya ay siya na lang ang palaging tama. Dumiretso siya ng upo sa may sofa at nilalaro ang singsing sa kaniyang daliri. "Okay ka lang ba?" tanong ko, habang iniaabot sa kanya ang isang baso ng tubig. Naupo ako sa tabi niya, nagtataka kung ano ang bumabagabag sa isip niya. "Okay lang," sagot niya, pero hindi ako kumbinsido. Napansin ko ang bahagyang panginginig ng kanyang mga daliri, at ang paraan ng pag-iwas niya sa tingin ko. "Tara, kung may problema ka, sabihin mo sa akin. Alam mong nandito ako, 'di ba?! bulyawan mo ko kung gusto mo, magalit ka okay lang, maiintindihan ko. Hindi na kasi ako sanay sa kinikilos mo ngayon. Sobrang nagiging tahimik ka na" Mahina ang boses ko, pero puno ng pag-aalala. Huminga siya nang malalim, at sa wakas, tumingin siya sa akin. "Enrique, paano kung... paano ku
Terakhir Diperbarui : 2024-12-30 Baca selengkapnya