Home / Romance / HEAL MY BROKEN HEART / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of HEAL MY BROKEN HEART: Chapter 21 - Chapter 30

129 Chapters

Chapter 21

"ATE?"Hindi natinag sa patagilid na pagkakahiga si Jamilla. Hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang pag-upo ni Lala sa tabi ng kanyang kama. Mas pinili niyang tumitig sa kawalan."Kumain ka na.""Hindi ako nagugutom.""Ikaw, hindi. Pero ang bata sa tiyan mo siguradong-""Natutulog siya kaya huwag mong istorbohin," maagap niyang putol sa pagsasalita ng kapatid."Ate...""Sinabi nang hindi ako nagugutom!" Hinawi ni Jamilla ang pagkain na pilit isinusubo sa kanya ng kapatid at galit siyang bumangon. "Bakit ba ang kulit mo?""Ano bang problema mo?" sigaw ni Lala. "Kung nahihirapan ka, nahihirapan din kami ni Kuya Von! Kung nasasaktan ka, mas nasasaktan kami! Akala mo ba ikaw lang ang nagdurusa? Ginusto mo naman iyan kaya bakit pati kami dinamay mo?"Napipilan si Jamilla nang makitang humagulhol ng iyak ang kapatid."Ayaw kitang sisihin! Ayokong magalit sa 'yo! Gusto ka naming intindihin ni Kuya Von! Pero sana intindihin mo rin kami! Hindi 'yong puro ikaw lang!"Bumalik sa pagkakahiga
last updateLast Updated : 2024-10-12
Read more

Chapter 22

"MOMMY, take your medicine and be healthy!"Ilang buwan ding naging masigla si Jamilla dahil sa makulit na manikang laging pinapatunog ni Lala kapag oras na ng pag-inom ng mga gamot. Sa pagkain at pagtulog, hindi rin nawawala si Angel sa tabi ng dalaga.Maayos na sana ang lahat. Nagsisimula nang bumangon ang magkakapatid mula sa pagkawala ng mga magulang nila.Lumipat sila ng tirahan upang makaiwas sa kontrobersiya lalo pa't naging usapin sa kanilang lugar na kaya namatay sina Cardo at Marta dahil sa pagbubuntis ni Jamilla.Nakahanap na ng permanente at maayos na trabaho si Von. Ilang buwan na lang at magtatapos na rin sa pag-aaral si Lala.Tahimik na sila. Pinag-aaralan na nilang unti-unting makalimot sa sakit na dinulot ng nagdaang pangyayari sa buhay nila."Jamilla, mukhang malapit ka nang manganak."Ngumiti lang siya sa isa sa mga kapitbahay na nadaanan niya."Alam mo na ba ang kasarian ng magiging anak mo?""Hindi pa po.""Bakit naman?" usisa ng isa pa nilang kapitbahay.Hindi si
last updateLast Updated : 2024-10-12
Read more

Chapter 23

"MADAM."Nakangiting nagpaalam sa mga kausap si Amelita at kunot-noong hinarap ang personal assistant na habol ang paghinga habang nasa mukha ang pag-aalala. "Sia, anong problema?""Tumawag si Mr. Arellano, Madam.""The managing director of AbTv?" tukoy niya sa isang istasyon ng telebisyon. "Bakit daw? Akala ko busy siya sa trabaho?"Pinagala muna ni Sia ang tingin sa paligid at siniguro na walang tao sa malapit saka ito pabulong na nagsalita, "Pumunta raw po roon si Jamilla para magpa-interview.""What? That filthy woman!" bulalas na gigil ni Amelita. "Hindi pa rin pala siya tumitigil?""Hindi naman daw nila iyon ilalabas.""Put him on the line.""Yes, ma'am."Sinulyapan muna ni Amelita ang mga bagong kasal na nasa presidential table bago siya umalis sa reception area."Ma'am, heto na po."Kinuha ni Amelita ang cellphone na inilahad ni Sia at kinausap sa kabilang linya ang isa sa mga matalik niyang kaibigan na si Gray Arellano."I know, I know. Don't worry too much. Walang ibang naka
last updateLast Updated : 2024-10-12
Read more

Chapter 24

"BITIWAN niyo 'ko! Bitiwan niyo 'ko! Lala! Lala!"Ilang nagmamalasakit na kapitbahay ang pumipigil sa pagwawala ni Jamilla habang nakatunghay sa nasusunog nilang bahay."Ang kapatid ko nasa loob! Iligtas niyo ang kapatid ko! Lala! Lala! Parang awa niyo na! Nasa loob ang kapatid ko! Lala! Lala!""Jamilla," mangiyak-ngiyak na singit ng isang babae. "Sa tingin ko nasa loob din ang kuya mo kasi nakita ko siya kaninang dumating. Binati pa nga ako."Nanlaki ang mga mata ng dalaga na lalo pang nanlaban sa mga humahawak sa kanya. "Hindi! Hindi! Kuya! Lala! Bitiwan niyo 'ko! Tulungan niyo ang mga kapatid ko!" pagsusumamo niya sa mga taong nakapaligid.Mabilis na nagbigay-daan ang laht nang magkasunod na dumating ang tatlong fire truck at isang ambulansiya."Sir, sir!" Nagmamakaawang sinalubong ni Jamilla ang ilan sa mga bombero. "Ang mga kapatid ko po nasa loob! Iligtas niyo sila! Parang awa niyo na! Iligtas niyo sila!""Gagawin namin ang lahat nang aming makakaya." Natuon ang tingin nito sa t
last updateLast Updated : 2024-10-13
Read more

Chapter 25

HINDI malaman at maipaliwanag ni Jamilla ang kamalasang dumapo sa buhay niya. Tila ba galit sa kanya ang langit.Mabait naman siyang tao. Mapagmahal na anak at kapatid. Kahit marami siyang pangarap, pinagsisikapan niya iyon kahit nahihirapan siya sa pag-abot niyon."Hoy! Magpapakamatay ka ba?"Binalewala ni Jamilla ang galit at sigaw ng drayber ng van na muntik na sanang makabangga sa kanya. Tuluy-tuloy lang siya sa pagtawid ng kalsada.Wala na sigurong mas sasarap pa sa mga oras na iyon kundi ang mamatay. Malas siya. Dapat lamang siguro na mawala na siya sa mundo. Baka nga kung napaaga iyon, hindi na nadamay pa ang kanyang pamilya."Wala na ang mga kapatid mo. Pareho silang nasawi sa sunog..."Tahimik na bumubuhos ang luha sa mga mata ni Jamilla habang naririnig sa isip ang balitang inihatid sa kanya ng mga pulis nang mismong araw na magising siya sa ospital."Namatay ang anak mo dahil sa mga komplikasyon..."Paluhod na bumagsak si Jamilla nang maalala ang isa pang masamang balita na
last updateLast Updated : 2024-10-13
Read more

Chapter 26

"JAMILLA!"Lumingon ang dalaga. Nag-aapoy sa galit ang mga mata nito. "Huwag kang lalapit!""Anong ginagawa mo riyan?" Iniunat niya ang kamay. "Halika. Baka mahulog ka.""Sinabi nang huwag kang lalapit!""Jamilla!" sigaw ni Jordan nang iamba ng dalaga ang isang paa sa ere. "Bumaba ka riyan!""Wala na siyang itinira sa akin! Ang lupit niya!" Humagulgol ito. "Kinuha niya lahat nang mga mahal ko! Wala siyang itinira! Wala siyang awa! Wala siyang puso!""Jamilla, huminahon ka.""Huwag kang lalapit!" pagbabanta nitong sigaw nang makitang humakbang palapit si Jordan."Pag-usapan natin ito. Hindi maaayos ang problema mo kung idadaan mo sa galit at pag-iyak. I will listen. And you know that I'm willing to help.""Sinungaling! Wala kang pinagkaiba kay Jerry! Manloloko! Hindi ka tumupad sa pangako!""Please, let's talk." Humakbang ulit siya, pero mabilis ding napahinto nang makita niyang niluwangan ni Jamilla ang hawak sa pinagkakapitan nito. Umuulan. Kaya siguradong madulas iyon. Isang maling
last updateLast Updated : 2024-10-13
Read more

Chapter 27

"GET OUT! Get out!""Daddy, I just want to play with you...""Sinabi nang lumabas ka!" Pinagulong ni Jerry ang kinauupuan na wheelchair patungo sa sidetable at dinampot doon ang remote control ng aircon. "Labas!"Lumakas ang pag-iyak ng walong taong gulang na bata nang tamaan sa braso ang binato ng ama."Malas ka! Labas! Labas!""I hate you, Daddy! I hate you!"Humahagulhol na tumakbo palabas ng silid ng ama si Amberlyn. Nakasalubong nito ang yaya na mahigpit naman itong niyakap."Anong nangyari sa 'yo?""I hate daddy, Yaya Erin! I don't like him! He's bad! He's bad!"Napansin ng ginang ang mapulang marka sa kaliwang braso ng alaga. "Pumasok ka na naman ba sa kuwarto niya?""Gusto ko lang makipaglaro sa kanya, yaya.""Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sinabi nang huwag na huwag kang papasok doon!""Yaya Erin, galit ka na rin ba sa akin? Lahat na lang galit sa akin! Bad po ba ako?""No, Amberlyn. Mabuti kang bata. Tahan na. Tahan na. Hindi ako galit." Pinahid niya ang mga luha sa mata ng
last updateLast Updated : 2024-10-14
Read more

Chapter 28

"PHILIPPINE time is 1:45 in the afternoon. Temperature is 28 degrees Celsius. Stay dry as rain is in the forecast..."Tinanggal ni Jamilla ang sunglasses at napatingala sa makulimlim na kalangitan. Heaven knows she's coming back. Pero walang bagyo o anumang kalamidad ang puwedeng pumigil sa kanyang pagbabalik. Pinaghandaan niya iyon ng walong taon."Mabuhay! Thank you for flying with us! Enjoy your stay!"Tumayo na ang dalaga sa kinauupuan kasunod si Jordan. It was eight years ago that they had been on their first flight together. Napakabilis ng panahon. At marami nang nagbago sa kanyang buhay."Welcome back!" Nakangiting salubong ni Marco na naghihintay na sa labas ng NAIA. Bumati rin si Rex sa dalawa. "Kumusta naman ang biyahe?""Nakakapagod," tugon ni Jordan."Hindi masyadong halata. Siguro dahil sa magandang dilag na kasama mo."Namula pareho sina Jordan at Jamilla sa panunudyo ni Marco na sinabayan pa ng nakakalokong tawa."Look at that!" patuloy na pagbibiro nito. "Nagba-blush b
last updateLast Updated : 2024-10-14
Read more

Chapter 29

"PHILIPPINE time is 1:45 in the afternoon. Temperature is 28 degrees Celsius. Stay dry as rain is in the forecast..."Tinanggal ni Jamilla ang sunglasses at napatingala sa makulimlim na kalangitan. Heaven knows she's coming back. Pero walang bagyo o anumang kalamidad ang puwedeng pumigil sa kanyang pagbabalik. Pinaghandaan niya iyon ng walong taon."Mabuhay! Thank you for flying with us! Enjoy your stay!"Tumayo na ang dalaga sa kinauupuan kasunod si Jordan. It was eight years ago that they had been on their first flight together. Napakabilis ng panahon. At marami nang nagbago sa kanyang buhay."Welcome back!" Nakangiting salubong ni Marco na naghihintay na sa labas ng NAIA. Bumati rin si Rex sa dalawa. "Kumusta naman ang biyahe?""Nakakapagod," tugon ni Jordan."Hindi masyadong halata. Siguro dahil sa magandang dilag na kasama mo."Namula pareho ang mukha nina Jordan at Jamilla sa panunudyo ni Marco na sinabayan pa nito ng nakakalokong tawa."Look at that!" patuloy na pagbibiro ng bi
last updateLast Updated : 2024-10-15
Read more

Chapter 30

NAGISING ang nahihimbing na si Jamilla sa mahihinang yugyog sa balikat niya. At nagmulat siya nang marinig ang tinig ni Rex."Ma'am, nandito na tayo.""Tatay Rex, Jamilla na lang po."Napakamot ito sa ulo. "Naku-""Marami mang nagbago at lumipas man ang mahabang panahon, ikaw pa rin po ang Tatay Rex ko noon."Ngumiti ang matanda saka tumango."Bakit nandito tayo?" pagtataka niya nang tumanaw sa labas ng binata.Hindi ang Talisay Public Cemetery ang kanilang kinaroroonan. Sa halip, nakikita niya ang magandang pagkakalilok ng pangalang MEMORIAL PARK sa kulay kremang marmol."Pinalipat dito ni Sir Jordan ang pamilya mo para maayos ang kanilang himlayan."Napangiti si Jamilla. Lahat na lang nang magpapasaya sa kanya ay ibinibigay ng binata. Masuwerte siyang nakilala ito. Darating ang araw na makakabawi rin siya sa mga kabutihan nito."Pinabili niya rin po sa akin."Bumaba ang tingin ni Jamilla sa limang tangkay ng pulang rosas. "Salamat."Sinamahan ni Rex hanggang sa labas ng mausoleum an
last updateLast Updated : 2024-10-15
Read more
PREV
123456
...
13
DMCA.com Protection Status