"MOMMY, take your medicine and be healthy!"Nakasapo sa tiyan si Jamilla habang pinapatunog nang paulit-ulit ang hawak na manika. Napapangiti siya sa alaala ng batang dinala niya sa sinapupunan ng siyam na buwan, pero naghahatid din ng lungkot ang pagkawala nito.Sabay silang lumaban. Mula nang malaman niyang buntis siya ay napansin na niya ang pagkapit ng anak para lang mabuhay. She experienced depression, malnourishment, stress, physical injuries— at lahat nang iyon ay matapang na nilagpasan nilang dalawa. Kaya mahirap paniwalaan na namatay ito sa komplikasyon noong araw na ipinanganak niya ito. But the doctor himself told her about it. She needs to believe.Marami siyang pagsisisihan habangbuhay. Kung puwede lang sanang ibalik ang panahon, babaguhin niya ang kahapon.Napatingala si Jamilla sa kalangitan. Maganda man ang panahon, pero hindi niyon naibsan ang lungkot na kanyang nararamdaman.If only God exist and could hear her prayers, hihilingin niya na sana may ipadala itong isang
Last Updated : 2024-10-22 Read more