NADAKO ang mga mata ni Jamilla sa direksiyon ng pintuan nang bumukas iyon at magkasunod doong pumasok sina Gener at Vhen."Hi," bati niya sa dalawa."Did we keep you waiting?" usisa ni Vhen na humalik sa pisngi ng dalaga."I just came early. Maupo kayo.""Nagkita kami sa reception," wika naman ni Gener na tumingin pa kay Vhen. "Hindi ko alam na iisa lang pala ang pupuntahan namin."Ipinakilala ni Jamilla ang dalawa sa isa't isa. Magiliw namang nagkamay ang mga ito.Kasalukuyan silang nasa pribadong silid ng isa sa mga eksklusibong restaurant. Pumunta ang tatlo roon para sa ilang mahahalagang bagay na dapat nilang pag-usapan."Detective ka pala.""That was a long time ago. Isa na lang akong traffic enforcer ngayon.""He was demoted because he wanted to unveil the truth behind my family's case," ani Jamilla."So, he's working again with the same case na nagpaalis sa kanya sa serbisyo." Hindi nito derektang ipinukol kay Gener ang naging kumento, "Not afraid?""The Angeles case didn't lea
PATINGKAYAD ang bawat hakbang ni Amberlyn habang patungo sa silid ng ama. Palinga-linga rin siya sa paligid.Nasa laundry room ang kanyang Yaya Erin. At ilang beses itong naghabilin sa kanya na huwag na huwag lalabas nang wala ito.Pero may gusto siyang kumpirmahin sa araw na iyon dahil hindi siya pinapatulog ng pag-iisip."I'm on my way..."Mabilis na nagtago si Amberlyn sa gilid ng malaking flower vase na nasa sahig nang maulinigan niya ang ina. Palabas ito sa silid. At nakatuon ang atensiyon nito sa kausap sa cellphone kaya hindi siya nito napansin."Just give me some minutes. Bakit ba ang kulit mo? Kung ma-late man ako, maghintay sila. I'm the star of today's commercial shoot kaya wala na silang magagawa if I come a little late. Bye."Inis nang ibinabi ni Corrie ang cellphone. Tumungo ito sa silid ni Jerry. At bago ito pumasok ay pinasadahan muna nito ng tingin ang suot."For sure, he'll regret the time he spent alone without me. That choosy cripple."Inayos ni Corrie ang pagkakal
SAAN ka na naman ba galing? Hindi ba't ibinilin ko sa 'yo na huwag kang lalabas ng kuwarto?"Dere-deretso lang sa pagpasok ng silid si Amberlyn; nakayuko pa rin at laglag ang mga balikat. Nakasunod dito ng tingin si Erin nang lagpasan siya na parang wala itong nakita. Naupo ang bata sa kama at pinili munang makipagtitigan sa hawak na teddy bear. "Nakita po ako ni Mommy.""Bakit ba kasi napakatigas ng ulo mo?" Nag-aalala siyang lumuhod sa harapan ng alaga at sinipat ang buong katawan nito. "Saan ka napalo?""Hindi naman po niya ako pinalo. Pinitik lang ako."Napatingala si Erin. Saka lang niya napansin ang namumulang noo ni Amberlyn. "Bakit ka ba kasi lumabas?""Gusto ko po kasing puntahan si Daddy.""Haist!" dismayadong bulalas ni Erin. "Ano naman ang gagawin mo roon?""I just want to see him closer kung magkamukha po ba talaga kami."Bumalik sa isip ni Erin ang sinabi niya sa bata na kahawig nito ang mga mata at ilong ng ama. "Sinaktan ka ba niya?"Umiling si Amberlyn."Pinagalitan
"SHE deserved it!""No child deserves the thing you did. Kailangan ba nating umabot sa police station para malaman natin kung sino ang tama at mali rito?""Jerry!""Ma!" balik-sigaw ni Jerry sa ina na nais siyang pigilan sa pagsasalita. "This is my territory! Dapat marunong lumugar ang bisita mo!""Right! Bisita ko siya! At pamamahay ko rin ito!""Apo mo ang sinaktan niya!"Napipilan si Amelita. Gusto sana nitong ipagsigawan na tinanggap lang nila ang bata dahil wala nang kakayahan si Jerry na magkaroon pa ng anak matapos ang aksidente, mahigit walong taon na ang nakakaraan."How did you raise your son? He clearly doesn't know the ranking!"Napangisi si Jerry na pumigil ulit sa balak na pagdepensa ni Amelita. "Hindi ko alam na nakadepende pala ngayon sa ranggo ang pagsasabi ng totoo o ang pananakit ng kapwa." Tiningala niya ang kausap na nakatayo sa may harapan. "Mrs. Eliezar, have you forgotten that your husband and the rest of your family are mostly holding a position in the governm
PINALIPAD ni Miguel ang bawat gamit na mahawakan na maliksi ring iniiwasan ng mga taong naroon sa loob ng silid.Regal Oasis was now asking for the full compensation of all the damages that were brought by the series of incidents. They want the settlement to be made as soon as possible.Ang halagang hinihingi ni Al Romeo ay halos katumbas na nang pagbagsak ng Dynamic Build King. Hindi pa kasama sa computation ang dapat na bayaran para sa mga casualties na karamihan ay nasa ospital pa rin at nagpapagaling mula sa tinamo ng mga itong injuries."The only option to save your reputation is to sell it," kumento ng abogado ng legal team."No!" pasigaw na kontra ni Miguel."You'll lose the lawsuit kapag pinilit pa nating lumaban sa korte.""Abogado ka! It's your job to defend my company na bumubuhay sa 'yo" ngitngit ni Miguel na nakalarawan sa mukha ang matinding galit. "Ano ang silbi ninyo rito kung ipapatalo niyo ang kaso?"Nagkatinginan ang apat na bumubuo sa legal team ng DBK. "Sir -"Maa
BUMAGSAK si Amberlyn matapos itong pagtulungan na itulak ng mga kaklase na pinangungunahan ni Alexa."Do you know how much Lola scolded me because of you?""You lie to her!" depensa ni Amberlyn."I'm not lying! Totoo naman na ampon ka! Hindi mo nga kamukha ang Mommy mo!""Kamukha ko ang Daddy ko!""Where is he, then?" Nakataas pa ang isang kilay nito at naka-ekis ang mga braso sa harapan. "Bakit kahit minsan, hindi siya pumupunta rito sa school?"Napipilan si Amberlyn."Baka naman ikinakahiya siya?" singit ng isa sa tatlong kasama ni Alexa."Dahil ampon nga siya!"Nagkatawanan ang apat. Dinala ng mga ito sa likurang parte ng eskuwelahan si Amberlyn. Hindi roon matao."Ampon! Ampon! Ampon!"Pinilit ni Amberlyn na tumayo kahit na masakit ang bahaging puwetan dahil sa pagbagsak sa lupa."Lola told me not to apologise to you. You're such a lowly being that doesn't deserve it. And besides, wala naman akong kasalanan.""Oh."Natuon ang tingin ng lahat ng mga bata sa naka-posturang babae na
"WHAT did you say?""Lola, sinaktan niya ako. And it hurts here and here..."Nagngingitngit si Lida habang nakatingin sa umiiyak na apo at itinuturo ang ilan sa mga bahagi ng katawan. "At sino nga uli ang babaing sinasabi mo?""Mommy ni Amberlyn!""Si Corrie?""I don't know. But Amberlyn called her Mommy.""That's impossible." Nakita niya sa news na abala si Corrie sa bagong commercial nito. At ayon sa balita ay kasalukuyan na nasa photoshoot ito. "Who is she?""Lola, sinabi ng babae na 'yon na masamang tao ka raw.""What? Sinabi niya 'yon?"At sa 'yo raw ako nagmana. Pareho raw masama ang ugali natin."Pinakalma ni Lida ang sarili sa nag-aapoy na galit na nararamdaman. "She's not the real mother. Hindi iyon sasabihin sa akin ni Corrie." Tumingin uli siya sa umiiyak na apo. "Did you get her name?""No, lola. But she said she would visit you."Natuon ang tingin ni Lida sa pagpasok ng katulong sa sala. "Madam, may bisita po kayo?""Sino raw?"Hindi na nakasagot ang katulong dahil sa der
NANLAKI ang mga mata ni Lida. Hindi ito makapaniwala sa narinig. The design she was holding is not just a masterpiece. It's something that, somehow, connected to the Vice-President of Magna. That alone can bring her to the limelight. And giving it to her is already a fortune."What can you say? I'm offering you the best deal in this negotiation."Napangiti ito. "But surely, the best thing does not come for free.""I like your humour, Mrs. Eliezar!" Mahina siyang natawa. "But, yes. I am giving you two best proposals in exchange with two simple things in return.""Fire away, then. I'm on my ears.""I want you to take over the Fab & Style. But you have to wait for my go-signal, of course. Gusto kong mangyari iyon in the not-so-most-unexpected moment in her life. Don't worry, Amelita will not die from shock. She'll choose to live at any cost.""Now it gets intriguing. Clearly, you have a deep dispute with her.""And if you don't ask questions regarding that matter, I won't change my mind.
"NAKIKITA mo ba ang taong 'yon?"Sinundan naman ng tingin ni Amberlyn ang itinuro ng ina at saka tumango nang matanaw sa unahan ang isang lalaking nakatalikod habang nakatanaw sa malawak na karagatan."Ibigay mo ito sa kanya..."Nabaling ang mga mata ng bata sa singsing na iniangat ng ina sa harapan nito. "Are you going to marry him?"Buong paglalambing na ginulo ni Jamilla ang buhok ng anak. "You're really smart.""Ibig pong sabihin magiging daddy number two ko na siya?""He's going to be the best daddy in the whole world." Napansin ni Jamilla ang lumarawang lungkot sa mukha ng anak. "Why?""Daddy number one is still my best daddy from Pluto to Earth."Napipilan si Jamilla."Mommy?""Hmm?""Mommy has Daddy number two. Tito Gener has Tita Money. Me, I have Angel and Yaya Erin. But Daddy Jerry has no one."Muling natigilan si Jamilla. Hindi niya inilihim sa anak ang mga nangyari lalo na sa pamilya ng ama nito."Mommy, I want to live with Daddy.""Baby..." Iniharap niya ang anak sa kany
"MOMMY, I'm so happy today. Can we do this again?"Nakangiting sinulyapan ni Jamilla ang anak matapos maupo sa harapan ng manibela. "Sure, anak. Gagawin natin lahat nang makapagpapasaya sa 'yo.""Yeheyyy!" Natutuwa nitong itinaas ang yakap-yakap na manika. "Did you hear that, Angel? She's the best mommy in the world!"Pinaandar na ni Jamilla ang kotse. Nagsisimula na siyang bumawi sa ilang taon na nawala sa kanila ng anak. Pero mas makukumpleto ang kaligayahan niya kung masasabi na niya rito ang buong katotohanan sa relasyon nilang dalawa. At isasakatuparan na niya ang pagtatapat sa araw na iyon."Mommy, where are we going now?""Gutom ka na ba?""Opo.""Then, let's eat first.""You're also hungry, Angel?" Hinawakan nito sa ulo ang manika at pinatango. "We really are sisters."Inunat ni Jamilla ang braso at masuyong hinaplos ang pisngi ng anak. "I love you, baby.""I love you more, Mommy."Mula sa Enchanted Kingdom ay dumiretso ang dalaga sa Paseo de Santa Rosa. Noong isang araw pa si
"PUMUNTA ka sa mga tita at tito mo sa Amerika. Alam ko na hindi ka nila pababayaan doon.""No," salungat ni Jerry sa suhestiyon ng ina. "I want to stay here para lagi ko kayong madadalaw.""Forget about us."Napatingin si Jerry sa ama. "Dad, what are you saying?""Kalimutan mo nang may mga magulang kang tulad namin. Go on with your own life. Huwag mo lang uling tatahakin ang daan na nagdala sa amin sa buhay na ito."Pinatatag ni Jerry ang kanyang sarili kahit nakakaramdam siya ng awa sa ama't ina.Hindi man lamang pumasok sa isip niya minsan na makikita ang mga magulang niya sa ganoong sitwasyon.Nahatulan ng habangbuhay na pagkabilanggo sina Miguel at Amelita sa kasong murder, arson at kidnapping. No bail and parole. Sa loob ng selda na nila gugugulin ang ilang taon na natitira na lang sa kanilang buhay."Hindi ako naging mabuting anak. I'm sorry.""No." Ginagap ng ginang ang kamay ni Jerry, "Wala kang dapat na sisihin kundi kami ng papa mo. Pero tadaan mo lang lagi na hindi mababago
MABILIS ang naging usad ng pagdinig sa patong-patong na mga kasong isinampa sa pamilya Villar.Malakas ang nakalap na mga ebidensiya ni Gener. Idinawit nito ang mga dating opisyal at katrabaho na sangkot sa tampering ng Angeles Murder case.Mas lumakas pa ang pagdidiin ng kampo ni Jamilla sa pamilya Villar dahil sa CCTV footage na nakuha sa mismong Red Intel Manila na sinuportahan ng testimonya ni Aurora Pulatis.Isa sa mabigat na kaso na kinaharap nina Miguel at Amelita ay kidnapping. Tumayo bilang testigo sina Dra. Delda Ancheta at Zeraida Capisano.Natanggalan ng lisensiya ang direktor ng Miracle Hope na tumulong sa pag-kidnap kay Amberlyn at pinatawan ito ng pitong taon na pagkakabilanggo.Dumagdag ang kasong child abuse na nagdiin kay Corrie nang akusahan ito ni Erin ng labis na pagmamaltrato sa hindi naman pala nito anak. Sampung taon na sentensiya ang iginawad dito ng hurado at sampung taon naman sa naudlot na plano nitong pagtakas sa batas kasama ang kalaguyo nitong pulis.Mad
"KUKUHA lang ako ng mainit na tubig. Huwag kang lalabas ng silid, ha?"Hinawakan ni Amberlyn sa ulo ang nilalarong manika at pinatango iyon. "Opo," tugon niya sa maliit na tinig."Promise?"Muli niyang pinagalaw ang ulo ni Angel. "Promise, Tita Tere. I will be a good girl.""Okay. Babalik agad ako."Sinundan ng pagbangon ni Amberlyn sa higaan ang paglapat ng isinarang pinto ni Tere."Angel, ikaw ang nangako sa kanya kaya huwag na huwag kang lalabas ng silid.""Let's play and happy!" pag-iingay ng manika nang pindutin ni Amberlyn ang tiyan nito."Okay. Let's play and be happy when I come back. Sandali lang ako." Inihiga ni Amberlyn sa kama ang manika. "Miss ko na kasi si Yaya Erin kaya sisilipin ko lang siya.""Let's play and be happy!""I'll be back."Pinakiramdaman muna ni Amberlyn ang likod ng pinto bago marahang pinihit ang seradura at sumilip sa maliit na nilikhang siwang niyon. Natutulog sa hilera ng mga upuan ang dalawang bantay habang ang isang gising ay nakalikod at abala nama
"KAYA mo na ba uli silang harapin?""Kakayanin ko," tugon ni Jamilla sa naging tanong ni Jordan. "I've been waiting for this day.""Kung sigurado ka na at handa ka na, then go ahead. I'll be right here."Nag-iwan muna nang huling sulyap si Jamilla sa mga taong naroon sa loob ng interrogation room bago siya humakbang patungo sa pinto ng extension room.Sandali munang nakipagtitigan ang dalaga sa seradura at saka unti-unti 'yong pinihit.Marahan na tinapik ni Jordan sa balikat ang isang lalaki na nakaupo sa harapan ng control panel kung saan nakakonekta iyon sa loob ng silid na napapagitnaan lang ng malapad na kuwadradong one-way glass wall. "Please, start."Tumalima naman agad ang operator na pansamantalang tinanggal ang audio at video sa interrogation room.Wala mang naririnig na tinig o ingay sa labas, malinaw na malinaw naman na nakikita ni Jordan sa loob ng silid ang iisang reaksyon sa mukha ng pamilya Villar nang pumasok na roon si Jamilla."Masaya ka na ba?" asik na salubong ni C
PALIPAT-LIPAT ang tingin ng immigration officer sa hawak na passport at may-ari niyon na makikita sa window glass ang nakalarawang iritasyon sa mukha."What took you so long?" asik ni Corrie. "Baguhan ka lang ba rito?""No. I've been here for more than twenty years.""Then you should retire! Ang bagal mo!"The man smirked. Tumango-tango rin ito at lalo pang binagalan ang pagkilos. "I'm really planning. At magiging memorable pa yata ang retirement year ko.""I don't have time for chit-chat, okay? Do your job. Sayang ang pinapasahod sa 'yo ng gobyerno.""Why such in a hurry, Mrs. Corrie Han Villar?""Gosh! You're annoying! Bilisan mo riyan!""Hindi mo puwedeng apurahin ang immigration officer. May sinusunod kaming protocol dito para sa checking and verification ng mga documents. But if you're really in a hurry, may kilala ka ba rito sa loob na puwedeng makatulong sa 'yo?"Lumapit na si Amelita mula sa likuran ng yellow line dahil sa tagal ni Corrie. Narinig na rin niya ang malakas niton
"MUM, stop it."Sandaling natigil sa pagtitipa ng mensahe sa cellphone si Amelita. Sinulyapan nito ang anak.Magkakasama sa mahabang police patrol vehicle ang buong pamilya. Naroon din si Monette. Nakahiwalay lang sa kanila sina Lodi, Baldo at Edna."Don't try to stop me." Sumulyap ito sa mga kasamang pulis. "Gusto mo ba na makulong, ha?""We've been free for too long..." Pinilit ni Jerry na makapagsalita. He's still weak, but he has to voice out his sentiments that his been keeping it deep within his broken heart. "Dapat nga noon pa natin pinagbayaran lahat nang mga kasalanan natin."Maraming dahilan kaya pakiramdam niya ay durog na durog ang puso niya. He's an unworthy man, a worthless father, not a so-good husband and son.Minsan hindi niya maiwasan na hilinging hindi na lang sana siya nakaligtas noong gabing maaksidente siya. Because living is pointless anymore."We did nothing wrong!" madiing saad ni Amelita. "Ang babae na iyon ang dahilan kaya nandito tayo sa sitwasyon na ito! I
"DOC, anong nangyari? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang anak ko?"Lumipas na ang mahigit apat na oras na sinabi ng doktor na dapat ay bumalik na ang malay ni Amberlyn, pero nagpalit na ang bagong araw ay nanatili pa rin itong tulog. Hindi man lang ito nagbibigay ng senyales kahit ang dumikat kahit saglit."Normal na ang kanyang mga vital signs. There is no indication of any infection or side effects and even the postoperative complication. We're confused, too.""No explanation at all? It can't be," wika ni Jamilla nang naiiling habang puno ng pag-aalala. "There might be something wrong with her.""Did your child have any traumatic experience?"Napakunot ng noo si Jamilla. "Why?""During her operation, I noticed some old scars from her body. And some are deep na para bang galit na galit ang sinumang tao na gumawa niyon."Napahagulhol si Jamilla."Who did it?"Umiling si Jamilla. "Not me. But someone who is evil!" saad niya na puno ng galit sa pagkakaalala kay Corrie