"EVERYTHING went well. We planned ahead, and the execution was perfect and smooth. Hindi nga ako nahirapan.""Good job, Dick. Thank you. Maaasahan talaga kita.""Wala 'yon, bro. Kailan ang balik mo rito?""Soon. May mga inaayos lang ako sa kompanya. You know I can't fully trust Fred."Nasa video call sina Jordan at Dick. And Marco joined the two."Did I hear it right? Fred gets in charge of Magna?""Sino pa bang aasahan kong iba? Trina and Dina's hands are already full. They are even complaining na halos wala na silang oras sa mga anak nila.""Ganyan ang problema ng mayayaman," Marco chuckled. "Tama lang na piliin ko ang isang simpleng buhay.""Hey, we're living a simple life.""Masyado kang seryoso. I was just kidding.""Hindi ko basta puwedeng bitiwan ang Magna. Malaki ang ipinuhunan ditong panahon at pagod ng pamilya ko.""By the way, where's Fred?" Pinagala ni Marco ang tingin sa likuran ng paligid ni Jordan. "He is supposed to be there.""He's in another room.""Working? Ang sipa
"CHEERS!"Masayang itinaas nina Corrie at Amelita ang kanilang kopita at marahang iyong pinagdikit saka sinaid ang laman niyon na alak.Nangangalahati na rin halos ang bote ng whiskey, pero hindi pa nagpapaawat ang dalawa sa pag-inom.Parehong nakalarawan ang kasiyahan sa mga mukha nina Amelita at Corrie. They have an occasion to celebrate na talaga namang lumulunod sa puso nila sa labis na kaligayahan."I still can't believe until now na ako ang napiling modelo ng Blossom & Scent..."Ang nabanggit na brand ni Corrie ay isa sa mga tanyag na beauty product sa iba't ibang bansa."I'm going to show them na hindi talaga sila nagkamali because I am the best in this industry."Isang modelo si Corrie. Kilala ito sa pag-eendorso ng iba't ibang mga produkto sa loob ng bansa.She has a beauty and the body kaya madalas itong pag-agawan ng mga advertiser, producer at director.Her goal is to have her modelling career go international and walk along with all the famous models in Paris. At mukhang
NANGINGINIG man dahil sa takot kanina na muntikan nang mahuli ng lolo nito ay narating pa rin ni Amberlyn ang sariling kuwarto. Dumiretso ito sa banyo at saka hinubad doon ang salawal na naihian."Anong ginagawa mo riyan?"Napapitlag ang bata mula sa tulalang pagkakaupo sa sahig at tiningala ang tagapag-alaga. "Yaya!""Bakit nakahubad ka? Ano na naman ang nangyari sa 'yong bata ka?" Nataranta at nag-alala si Erin habang hinahagod ang likod ng alaga na naramdaman niya ang labis na panginginig. "Kakapaligo ko pa lang sa 'yo, ah?""Yaya..."Humiwalay siya sa yakap at iniharap sa kanya ang bata. "Teka. Lumabas ka ba?""Yaya, nakita ko po kasi si Kitty na hinahabol si Jerry. Baka kainin niya.""Anong nangyari?" Kinabahan si Erin na napasulyap pa sa direksiyon ng pinto ng silid. Baka sumugod na naman doon ang ina o lola ni Amberlyn. Ang dalawang ito lang ang masyadong malupit sa bata na kung makatrato ay parang hindi kadugo ang kanyang alaga. "Nagpakita ka ba sa kanila?""Hindi po ako nakit
NADAKO ang mga mata ni Jamilla sa direksiyon ng pintuan nang bumukas iyon at magkasunod doong pumasok sina Gener at Vhen."Hi," bati niya sa dalawa."Did we keep you waiting?" usisa ni Vhen na humalik sa pisngi ng dalaga."I just came early. Maupo kayo.""Nagkita kami sa reception," wika naman ni Gener na tumingin pa kay Vhen. "Hindi ko alam na iisa lang pala ang pupuntahan namin."Ipinakilala ni Jamilla ang dalawa sa isa't isa. Magiliw namang nagkamay ang mga ito.Kasalukuyan silang nasa pribadong silid ng isa sa mga eksklusibong restaurant. Pumunta ang tatlo roon para sa ilang mahahalagang bagay na dapat nilang pag-usapan."Detective ka pala.""That was a long time ago. Isa na lang akong traffic enforcer ngayon.""He was demoted because he wanted to unveil the truth behind my family's case," ani Jamilla."So, he's working again with the same case na nagpaalis sa kanya sa serbisyo." Hindi nito derektang ipinukol kay Gener ang naging kumento, "Not afraid?""The Angeles case didn't lea
PATINGKAYAD ang bawat hakbang ni Amberlyn habang patungo sa silid ng ama. Palinga-linga rin siya sa paligid.Nasa laundry room ang kanyang Yaya Erin. At ilang beses itong naghabilin sa kanya na huwag na huwag lalabas nang wala ito.Pero may gusto siyang kumpirmahin sa araw na iyon dahil hindi siya pinapatulog ng pag-iisip."I'm on my way..."Mabilis na nagtago si Amberlyn sa gilid ng malaking flower vase na nasa sahig nang maulinigan niya ang ina. Palabas ito sa silid. At nakatuon ang atensiyon nito sa kausap sa cellphone kaya hindi siya nito napansin."Just give me some minutes. Bakit ba ang kulit mo? Kung ma-late man ako, maghintay sila. I'm the star of today's commercial shoot kaya wala na silang magagawa if I come a little late. Bye."Inis nang ibinabi ni Corrie ang cellphone. Tumungo ito sa silid ni Jerry. At bago ito pumasok ay pinasadahan muna nito ng tingin ang suot."For sure, he'll regret the time he spent alone without me. That choosy cripple."Inayos ni Corrie ang pagkakal
SAAN ka na naman ba galing? Hindi ba't ibinilin ko sa 'yo na huwag kang lalabas ng kuwarto?"Dere-deretso lang sa pagpasok ng silid si Amberlyn; nakayuko pa rin at laglag ang mga balikat. Nakasunod dito ng tingin si Erin nang lagpasan siya na parang wala itong nakita. Naupo ang bata sa kama at pinili munang makipagtitigan sa hawak na teddy bear. "Nakita po ako ni Mommy.""Bakit ba kasi napakatigas ng ulo mo?" Nag-aalala siyang lumuhod sa harapan ng alaga at sinipat ang buong katawan nito. "Saan ka napalo?""Hindi naman po niya ako pinalo. Pinitik lang ako."Napatingala si Erin. Saka lang niya napansin ang namumulang noo ni Amberlyn. "Bakit ka ba kasi lumabas?""Gusto ko po kasing puntahan si Daddy.""Haist!" dismayadong bulalas ni Erin. "Ano naman ang gagawin mo roon?""I just want to see him closer kung magkamukha po ba talaga kami."Bumalik sa isip ni Erin ang sinabi niya sa bata na kahawig nito ang mga mata at ilong ng ama. "Sinaktan ka ba niya?"Umiling si Amberlyn."Pinagalitan
"SHE deserved it!""No child deserves the thing you did. Kailangan ba nating umabot sa police station para malaman natin kung sino ang tama at mali rito?""Jerry!""Ma!" balik-sigaw ni Jerry sa ina na nais siyang pigilan sa pagsasalita. "This is my territory! Dapat marunong lumugar ang bisita mo!""Right! Bisita ko siya! At pamamahay ko rin ito!""Apo mo ang sinaktan niya!"Napipilan si Amelita. Gusto sana nitong ipagsigawan na tinanggap lang nila ang bata dahil wala nang kakayahan si Jerry na magkaroon pa ng anak matapos ang aksidente, mahigit walong taon na ang nakakaraan."How did you raise your son? He clearly doesn't know the ranking!"Napangisi si Jerry na pumigil ulit sa balak na pagdepensa ni Amelita. "Hindi ko alam na nakadepende pala ngayon sa ranggo ang pagsasabi ng totoo o ang pananakit ng kapwa." Tiningala niya ang kausap na nakatayo sa may harapan. "Mrs. Eliezar, have you forgotten that your husband and the rest of your family are mostly holding a position in the governm
PINALIPAD ni Miguel ang bawat gamit na mahawakan na maliksi ring iniiwasan ng mga taong naroon sa loob ng silid.Regal Oasis was now asking for the full compensation of all the damages that were brought by the series of incidents. They want the settlement to be made as soon as possible.Ang halagang hinihingi ni Al Romeo ay halos katumbas na nang pagbagsak ng Dynamic Build King. Hindi pa kasama sa computation ang dapat na bayaran para sa mga casualties na karamihan ay nasa ospital pa rin at nagpapagaling mula sa tinamo ng mga itong injuries."The only option to save your reputation is to sell it," kumento ng abogado ng legal team."No!" pasigaw na kontra ni Miguel."You'll lose the lawsuit kapag pinilit pa nating lumaban sa korte.""Abogado ka! It's your job to defend my company na bumubuhay sa 'yo" ngitngit ni Miguel na nakalarawan sa mukha ang matinding galit. "Ano ang silbi ninyo rito kung ipapatalo niyo ang kaso?"Nagkatinginan ang apat na bumubuo sa legal team ng DBK. "Sir -"Maa
"LET'S play and be happy!""Daddy, Angel wants to play with me.""Let's play and be happy!" pag-iingay uli ng manika nang pindutin ang tiyan nito ni Amberlyn."But I can not play with her. Gusto ko po kasi kasama ka. Daddy, gising ka na po. Please? I really miss you. Angel, too.""Let's play and be happy!""Sorry, Angel. Let's play when Daddy wakes up, okay?" Pinatango niya ang manika. "Good girl."Inihiga ni Amberlyn ang ulo sa tabi ng ama habang nakatingala at nakayakap dito."Daddy, when you wake up, let's go and travel. Hindi na po kasi ako pinapalabas nina Lola at Mommy ng bahay."Naging komportable sa pagkakahiga si Amberlyn habang kausap at yakap ang ama. Kaya hindi na niya namalayan na unti-unti na siyang hinihila ng antok.Nagising na lamang ang bata dahil may marahas na humali sa kanya patayo. At nanlaki ang mga mata niya, "Mommy?!""Anong ginagawa mo rito?""Mommy, I just want to see Daddy.""Sinong nagbigay permiso sa 'yo na pumunta at pumasok dito, ha?""Sorry po, Mommy."
ITINULOS sa posisyon si Monette kahit nabugahan ng tubig ng taong matagal din niyang pinangarap na muling makita. Hindi siya makapaniwala na nasa harap niya ito. If she could just stare him that way, pipiliin niyang pigilin ang pag-ikot ng mundo. And she will hold the time to remain right just in front of him.He never changed. He is still the most handsome man in her eyes. Pero hindi siya dapat magpahalatang masaya siya sa pagtatagpo nila na iyon. She has to control her emotions."I assume na magkakilala na kayo," wika ni Jamilla na palihim na pinandilatan si Gener nang tumingin ito sa kanya. Tila bata itong nagpapasaklolo. "Tama ba?""He's an old colleague," malamig na saad ni Monette. "Anyway, I came here to meet you. Hindi ko alam na may bisita ka pala.""No, no. Hindi siya bisita rito."Gusto sanang itaas ni Monette ang isang kilay, pero pinigil niya iyon. Baka maging rude siya sa paningin ng dalawa. "Sorry. Asawa mo?""What do you think?" Naupo si Jamilla sa tabi ni Gener at kum
"ANONG ibig sabihin nito?"Bahagyang napapitlag si Gener nang pabagsak na ibinaba ng opisyal niya sa ibabaw ng mesa ang isang asul na folder."Kaya ka ba humingi ng leave para rito?"Nang buklatin ng lalaki ang folder, nakita niya roon ang ilang pahina ng mga papel at larawan ng kanyang grupo during their stakeout sa paghahanap kay Herman."You're trying to open a cold case? And you are doing it behind my back?"Muling napasulyap si Gener sa folder. Marahil ang mga papel na naroon ay tugon mula sa request nila ni Jamilla upang buksan uli ang kaso ng pamilya Angeles."What do you think you're thinking? Nasisiraan ka na ba ng ulo?""Sir -""Hindi mangyayari ang pinaplano mo!"Hinablot ni Gener ang nakasukbit na tsapa sa uniporme kasama ng ang ID saka inilapag ang mga iyon sa mesa. "Dapat noon ko pa ito ginawa.""Where did you get that guts, huh?" panlalaki nito ng mga mata sa binata habang nakalarawan sa namumulang mukha ang galit."This is not simply just guts, but courage. Alam mo ba
PATINGKAYAD ang mga hakbang ni Amberlyn maging ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kanyang silid.Dahan-dahan din ang pagbaba niya sa hagdan, palinga-linga sa paligid. Hindi niya pa naririnig ang boses ng kanyang lolo't lola. Wala ang Mommy niya.Tumungo si Amberlyn sa kusina. Naroon ang Yaya Erin niya. Abala ito sa pagkain habang nakikipagkuwentuhan sa isang bagong katulong.Nang masiguro niyang may oras pa siya bago bumalik ang Yaya niya ay saka niya tinahak ang patungo sa silid ng kanyang ama.Sandali munang huminto si Amberlyn nang tumapat sa pinto. Nang walang marinig na ingay sa loob ay marahan niyang pinihit ang seradura.Dere-deretso na siyang pumasok at tumungo sa higaan ng ama."Daddy, when will you wake up? Let's play.""Let's play and be happy!" pag-iingay ng manika nang pindutin ng bata ang tiyan nito."Daddy, Angel also wants to play with you. We miss you. Please, wake up."Biglang naalarma si Amberlyn nang makarinig siya ng mga yabag sa labas. Nasundan iyon ng tinig ng
"MAGALING magtago si Herman. Mukhang magaling din ang taong tumutulong sa kanya..."Pasimple namang napasulyap si Jamilla kay Jordan. Blangko ang reaksiyon nito. Marahil mali talaga siya ng hinala. Hindi nito magagawang maglihim sa kanya."Ang ipinagtataka ko, anong rason bakit siya itinatago?" patuloy na kumento ni Gener."It's either he will be used as a bomb na pasasabugin sa tamang oras o posibleng may kailangan silang protektahan," saad ni Jamilla na hindi naiwasan na sulyapan uli si Jordan."Kung mangyari man iyan o totoo iyan, then it is against the Villar. Kalaban ng mga ito ang tumutulong sa kanya," ani Jack. "Magandang senyales iyan, hindi ba?"Tumango-tango si Jordan. "If that's the case, should we stop looking for him?""Wala rin namang progress ang stakeout ng grupo dahil nga magaling magtago si Herman," wika ni Gener. "How about we focused on the three musketeers?"Natuon ang tingin ng lahat kay Jack."Sina Miguel, Amelita at Corrie Villar ang tinutukoy ko. Sa pagkakaal
"SO, they started the counterpart..."Napahinto sa paghakbang si Jamilla na may tangan na tray ng apat na tasa ng umuusok na tsaa. Sandali muna siyang nanatili roon at pinakinggan ang usapan sa veranda."May mga tao pa rin ang tumutulong sa kanila," wika ni Vhen."Hindi sila madaling bumitiw," tugon ni Jordan. Kasama nito ang tatlo sa mga malalapit na kaibigan. "Not because of loyalty but fear na kapag nakabangon ulit ang mga Villar ay babalikan sila ng mga ito.""Anyway, may nakakatawang balitang nakarating sa akin."Natuon ang tingin ng lahat kay Jack-- the nosy one who loves interfering to other's people lives."Ano 'yon?" tanong ni Jordan."Hindi ko alam kung matatawa ba rito o magagalit ang Daddy mo.""Why?""He was linked to Jamilla.""I heard about it to my daughter," wika ni Dick na sinundan ng pagtawa. "At lalong ginagatungan ni Fred ang kumakalat na tsismis.""Ano ba kasi iyon?" pag-aapura ni Jordan."The Villar called Ella as your Dad's mistress," tugon ni Jack."WHAT?"Nag
"WHO are you?"Napatingin ang babaing nagkakabit ng dextrose sa pagpasok ni Corrie sa silid."Hello, Ma'am.""Tinatanong ko kung sino ka?" Napansin nito ang pagtaas ng isang kilay ng babae. "Aba! Parang gusto mo ng giyera!""Ako po si Monette. I was hired as a private nurse.""Private nurse?" Pinasadahan ng tingin nito ang kabuuan ng kaharap. "And why are you not wearing your uniform?"Napasuyod naman muna si Monette sa suot na white shirt, apricot skirt at itim na rubber shoes. "Uhm, hindi pa lang po ako nakakapagbihis. Inuna kong palitan kasi ang dextrose.""And you're planning to change your clothes in my husband's room?"Napasulyap si Monette sa walang malay na pasyente. At napangisi siya na lalong ikinainis ni Corrie. "Kung magigising man ang asawa niyo kapag naghubad ako rito, siguradong matutuwa si Madam Amelita.""You -""But I always respect my patients and my self kaya imposible ang iniisip ninyo. Sige po, Ma'am." Kinuha niya ang ipinatong na bag sa ibabaw ng isang silya. "M
"ANONG ginagawa mo rito?""Yaya.""Halika ngang bata ka!" Hinatak ni Erin si Amberlyn na inabutan niya sa kuwarto ni Corrie na nagkakalkal doon. "Ang tigas ng ulo mo!""Yaya, sandali lang po!""Hindi!""Please, Yaya?""Naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan!"Wala nang nagawa si Amberlyn habang hatak-hatak ni Erin hanggang makabalik sa silid nito."Ayaw mo ba talagang makinig sa akin, ha?" asik niya nang maiupo ang bata sa kama nito. "Alam mong laging mainit sa 'yo ang ulo ng mga tao rito, bakit panay ang gawa mo ng mga bagay na ikaw rin lang ang masasaktan?"Nakayuko ito at nangingiid ang luha. "Sorry po, Yaya.""Sorry ka nang sorry, pero inuulit mo nang inuulit! Anong ginagawa mo sa kuwarta ng nanay mo?""I was looking for my phone."Sandaling napipilan si Erin. Noong isang araw kasi ay kinumpiska ng amo niyang babae ang cellphone ni Amberlyn dahil lang mainit ang ulo nito nang umuwi ng bahay. At nabalingan na naman nito ang bata."Puwede mo namang gamitin ang phone ko.""But Tita
"ALAM mo bang may nakilala akong bata na kapareho nang panlasa ko pagdating dito sa spaghetti."Napasulyap muna si Jordan sa pagkain na ibinibida ni Jamilla. "Really?""She's adorable and cute.""Who's adorable and cute? Me or that child?""What?""Ngayon lang kita narinig na nagbanggit ka nang tungkol sa bata. That's the topic you usually hate and avoid.""Iba si Amberlyn." Ngumiti si Jamilla habang nakatanaw sa kawalan. "Para kasing nakikita ko sa kanya ang anak ko."Hindi umimik si Jordan."Wait here."Tumayo si Jamilla at tumungo sa silid niya. Kinuha niya roon ang cellphone at agad ipinakita kay Jordan ang larawan nilang dalawa ni Amberlyn."Look. I gave her a hard copy. Gusto niya na i-display iyon sa sarili niyang silid.""I'm jealous," saad nito na sinabayan pa ng mahinang pag-iling. "Walong taon na rin tayong magkasama, pero hindi mo pa ginawang wallpaper ang mukha ko."Natawa si Jamilla. "She's just a kid, okay? Huwag mo siyang pagselosan.""Tsk!" Patuloy ito sa pag-iling,