The next day, hindi pumasok si Ryker. Kanina ko pa siya ginigising pero ayaw niya talaga. Hinihigpitan lang niya ang yakap sa akin. “Ryker, may trabaho ka pa! Gumising ka!” Tinampal ko ang kamay niyang nakapalupot sa akin.He groaned. “I'll do my work here. I'll reschedule my meetings,” mananaos niyang sinabi. Umirap ako. “Umayos ka ha! Hindi tayo pwedeng mamulubi. Hindi maganda sa feeling.” He chuckled in my ear. “Shut up, Serenity, and let's sleep for another hour.” I giggled. Hindi ko rin napigilan at nakatulog ulit ako. Alas dyes na nang magising kami. At iyon ay dahil panay ang katok ng kambal sa pintuan. Walang nagawa si Ryker. Tumayo siya para pagbuksan ang mga anak. Nanatili akong nakapikit, babalik na sana sa pagtulog. “Good morning! Mommy! Daddy!” si Ryka na kung makasigaw ay akala mo hindi ako nakakarinig. Naudlot tuloy ang tulog ko. At dahil hindi pa ako dumidilat, hindi ko napaghandaan na biglang may tumalon sa kama at biglang bumagsak sa akin. I groaned in pain. K
Dernière mise à jour : 2025-03-26 Read More