As much as I don't want to end this, I have to. Kaya ayaw kong mag-type kasi alam ng utak ko na pa-end na. Huhu Thank you for reading the story up until here. Thank you for always there waiting for updates. Thanks for your support. I really really appropriate it!
Scarlet Ruby Salazar I walked back and forth as I was talking to Andrea on the phone! Nakahawak ang isang kamay ko sa sentido ko habang ang isang kamay ay hawak ang cellphone. Apparently, she has an emergency to attend to at mas importante iyon kaisa daluhan ang hawak niyang case! Kasi hindi raw mahirap iyon kaya ako muna ang isasabak niya sa trial. “Andrea! I am a corporate lawyer, not a litigation lawyer!” I snapped as a matter of fact. “Hindi ako papayagan ng kumpanya!” I heard her laugh slightly. “Pinayagan ka na. Darating na sayo ang memo.” She trailed off for a moment. “I already sent you the case. Hindi naman mahirap, Scarlet. I know you can do it.” “Nasasabi mo yan kasi marami kang experience sa court. This would be my first ever!” reklamo ko.Pero hindi niya ako tinantanan. Lahat ng palusot ko ay may solution siya! I groaned in frustration when I realised I have no choice but to do it! Bukas na ang trial at ngayon ko pa babasahin ang case! Hindi na ako natulog magdamag d
Ako siguro ang naunang lumabas ng courtroom. Kulang nalang ay takbuhin ko ang daan papunta sa parking lot! Iba kasi ang mga titig sa akin ni Lucian! It's already bad enough that he comes from a wealthy and political family with a lot of rumors! And I wouldn't want to think about what those rumors are. They're just rumors—none of them were ever proven!Paano ko ito nalaman? I got curious. Habang binabasa ang case niya, tinignan ko kung related siya sa dating presidente. And guess what? He is the older son! Hindi ko alam yon! Nagulantang ako nang malaman ko! I tried calling Andrea to back out from the case pero hindi na siya ma-contact! My parents advised me never to involve myself in politics! Kaya nga hindi nila ako pinayagan na maging litigation lawyer. Pwede raw manganib ang buhay ko. Corporate lawyer lang sila pumayag! It's more safe as they say! As I was about to open my car, napasinghap ako nang biglang may humigit sa akin. Hindi ko natuloy ang pagbukas ko ng pintuan, imbes ay
Sunday came and I'm so scared as hell. Halos hindi na ako nakatulog kagabi dahil sa pag-iisip sa letcheng lalaking ‘yon! Naghanap ako ng criminal record nila kung meron man pero wala. Masyado silang malinis for a family of politicians! Pababa ako ng hagdanan, halos walang tulog nang makita ko si mama. She was preparing to go to church! I don't usually go to a church pero parang mapapapunta ako ngayon. Bumaling sa akin si mama nang makita niyang pababa ako. She smiled at me before she continued what she was doing. “Mama, magsisimba kayo?” tanong ko. Napabaling ulit siya sa akin. “Oo. Nakahanda na ang almusal mo,” aniya. Mabuti na lang at nakaligo na at nakabihis na ako. Pwede akong sumama sa kanya! “Sasama ako, mama. Mamaya na ako kakain pagdating natin.” Bahagyang nagulat si mama dahil sa sinabi ko. Pero kalaunan ay ngumiti siya sa akin. “Mabuti naman at nagka-oras kana para magsimba! Palagi mo na lang sinasabi na marami kang trabaho.” Matapos ni mama ay tumulak na kami papu
Kinabukasan, maaga akong pumasok sa opisina. Pilit ko nang kinakalimutan ang naging encounter namin ni Lucian. I'm sure naman na hindi na kami magkikita pa. My family has no whatsoever connection with any politicians. Kaya hindi magc-cross ang landas namin. Pagpasok ko sa legal department, rinig na rinig ko na ang ingay galing sa printer at ingay galing sa mga keyboard. May kukunting bulungan din. Ang aga kong pumasok pero heto at buhay na bahay na ang opisina!Pagpasok ko sa opisina ko, tumambad sa akin ang marami frame certificate ko at organized shelf for my books. Makikita ang view ng kahabaan ng Manila galing sa glasswall ko. Bumaling ako sa lamesa ko kung nasaan ang mga gagawin dahil absent ako noong pumunta ako kay Lucian. Kung alam ko lang na gaganunin niya lang ako, sana hindi na ako pumunta! Tumambak pa ang trabaho ko dahil sa ginawa ko!Mabilis kong binuhay ang computer ko. Matapos ay lumabas ako para kumuha ng kape. Pagbalik ko, ready na akong magsimula sa trabaho. I si
Nagtambay pa ako kay Andrea dahil hindi ko kayang mag-drive sa nalaman ko. Ayaw pa niyang pabulaan iyong dati niyang pinapaniwalaan na mabait nga si Lucian…na empty threat lang yong ginawa niya sa akin. Parang convince na siya na totoo ang threat sa akin and it scared the hell out of me! Hating gabi na ako nakauwi. Gusto ko sana na kay Andrea na matulog pero baka hanapin ako ni mama bukas. Hindi pa naman ako pinapayagan na mag-condo non dahil sa nangyari kay Ate Serenity! Baka raw may gawin ako na hindi niya alam dahil hindi niya ako nakikita! Pagdating ko sa bahay, hindi rin ako agad nakatulog. Paikot-ikot ako sa kama ko dahil kahit saang puwesto ang gawin ko, hindi ako makatulog! My mind was occupied with Lucian and his damn threat! Kaya kinabukasan, medyo na-late ako ng gising. Halos hindi ko na magawa-gawa ng tama ang mga morning routine ko dahil late na ako! I skipped breakfast which made mama a bit annoyed. Wala nga lang siyang nagawa dahil late na ako at wala akong time mak
Paglabas ni Matteo sa room, nagmadali rin akong umalis, halos hindi na makapaniwala sa nangyayari. He is indeed a part of the Vergara family! All this time, I am connected to one of the family of politicians! Dumeritso ako sa opisina ko para pakalmahin ang sarili. I may have looked composed inside during the meeting but deep inside, I was so tense! Dahil sa nerbyos, medyo nanghihina ang tuhod ko. Mabilis akong umupo sa swivel chair ko nang dumating ako sa opisina ko. “What am I going to do now?” problemado kong tanong sa sarili. Napahilot ako sa sentido ko, hindi na alam ang gagawin. After a few minutes, I groaned in annoyance. “Surely, hindi naman siguro konektado ang kumpanyang to sa political power ng family niya? According to an article, he refused to join politics. Baka ayaw niyang masangkot sa politika?” bulong bulong ko sa sarili ko. Ilang oras akong tulala sa opisina ko, medyo kinakalma ang sarili. Surely, hindi naman ako mapapahamak dahil dito ako nagtatrabaho? Nang mag
Hindi ko alam kung ano ang pakulo ni Lucian. Hinigit ko ang kamay ko sa kanya pero masyado niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Naging hilaw tuloy ang ngiti ko. Isang haplos pa ang ginawa niya bago niya pinakawalan iyon. I almost rolled my eyes at him! May lumapit sa kanilang isang lalaki kaya natuun ang attention nila sa kanya. What the hell is wrong with him? Umupo ako at saka nagsimulang kumain. Tahimik sa table namin hanggang sa lumayo sina Lucian dahil may nilapitan pa silang ibang tao. Nakahinga ako ng malalim. Akala ko ay tatahimik na ang buhay ko pero hindi pala! “Scarlet, bakit ka ipinakilala ng boss natin sa kapatid niya?” gulat na tanong ni Jasmine. Shock was evident on her face. Pati ang mga kasama namin sa table at gulat din. “I don't know! Nagulat nga ako! I wasn't expecting our CEO to introduce me to that man!” kunwari ay gulat kong sinabi. Well, gulat ako…but not in a good way. Kung pwede lang iuntog silang dalawa para makalimutan nila ako! “Pero kil
Curious na curius ako kung sino ang pinag-uusapan nila kaso ay wala silang nababanggit na pangalan. Yong feeling na nakikinig ka na sa chismis pero hindi ka rin maka-relate kasi hindi mo kilala ang pinag-uusapan nila!Naubos ko nalang ang cake na binigay sa akin ni Lucian, wala akong narinig na pangalan. I just know that this poor girl, Lucina is obsessed with her! Papabantayan sa bodyguard para walang lumapit na lalaki sa kanya? He is sick!Paano kung gusto lang makipagkaibigan nitong babae sa isang lalaki? Hindi pwede kasi itong obsess na ito ay hindi papayag? “I still have work to do, sir. I’ll go ahead,” paalam ko nang wala akong rason para manatili. Inubos ko na ang cake ko. Tumango si Matteo kaya umalis na ako. Pagdating ko sa opisina ko, nagpatuloy ako sa trabaho.And just like that, naubos ang oras ko sa pagtatrabaho. Nawalay lang ako sa swivel chair ko nang pa-out na ako sa work. Naglalakad na ako palapit sa kotse ko nang marinig kong nag-ring ang cellphone ko. Kahit pagod
Kahit anong pilit kong tanggal sa kamay ni Lucian sa akin, hindi ko magawa. “Let me go!” sigaw ko sa pinaghalong inis at takot. I could feel his anger. Just his grip on my waist, I could already tell that he was very mad. Pero hindi niya ako pinakawalan. May tinawag siyang kasama niya na ngayon ko pa napansin. He motioned for him to check Rajul. Ni hindi pa niya hinitay na matignan nong lalaki, hinigit na niya ako paalis doon.My heart is now beating wildly at my chest! I am so dead! Buong akala ko ay hindi niya ako masusundan dito! No, I thought it would be inconvenient for him to go here just to get me. Hindi ko alam na ganito pala siya kabaliw? And what? We just knew each other for like months? Tapos ganito na?Binuksan niya ang passenger seat ng dala niyang kotse. Pero hindi ako pumasok. Imbes ay hinarap ko siya. Nagagalit rin. I am responsible for Rajul because he is one of our staff! “Why did you do that to Rajul?” galit kong tanong. Kita kong mas lalo siyang nagalit sa tano
Nanatili si mama ng isa pang linggo. Mostly she just stayed inside the old mansion. Ako ay palaging nasa lupain. I kinda miss my childhood lifestyle. Ever since I entered college, hindi na ako nakakapag-vacation ng matagal. And then when entered law school, wala na. Kaya tuwang-tuwa ako ngayon na parang nakabalik ako. The only saddening about it is some staff are new. Iyong mga umalis na tauhan ay pinalitan. Maganda sana kung walang umalis sa mga ka-close ko. Pinapakain ko ang mga manok sa barn house nang nakita kong lumalapit si Rajul. Good thing he stayed. Pwede niya akong tulungan sa pamamahala dito kasi matagal na siya. For sure marami siyang alam. Tumigil siya nang nasa tapat ko na siya. “Bakit ikaw ang gumagawa niyan?” I shrugged my shoulders. “I just want to try. Na-miss ko ang ganito.” Tumango siya. Lumapit siya sa akin at saka kinuha ang lalagyan ng pagkain ng mga manok. Siya na ngayon ang nagsasaboy ng mga pagkain. “Kinausap ako ng mama mo kanina. Maiiwan ka raw par
Lucian Vergara POVI was so mad when I was calling Scarlet the next day and I couldn’t contact her. She was out of coverage. Hindi siya lumabas ng bahay nila sabi ng bodyguard na inassign ko sa kanya. “Sir, hindi pa po siya lumalabas. Baka po may sakit. Hindi po maganda ang pakiramdam niya kahapon.” “I know that!” I snapped. Ibinaba ko ang tawag bago ko pa mamura ang tauhan ko.I had no way of checking on her now that her damn phone can't be contacted!"You should have put her in her place, Luca. Why did you even allow her to roam freely? Ang laking perwisyo nito!” reklamo ni Beatriz. We were talking about Amanda, who once again tried to mess with our family.“Fuck!” mura ko nang maka sampung beses akong tawag sa cellphone ni Scarlet at wala parin. Anong oras na? It's already one in the afternoon! Imposibleng hindi pa siya gising! Humigpit ang hawak ko sa cellphone habang nag-iinit na ang ulo ko. “Kuya! are you even listening?” galit na baling sa akin ni Beatriz. Umigting ang pang
Mama decided na two days lang ang lamay na gagawin. First day ay maraming dumating na mga bisita sa side ng grandfather ko. Siya naman kasi ang taga Tennessee kaya malapit lang dito ang mga kamag-anak niya. Ang ibang relative ni Lola ay sa Pilipinas pa. Sa second day pa sila darating. Some can’t come because of the distance and we understand it. Busy ang mga tauhan ni Lola sa pagse-serve sa mga dumarating na mga bisita. Lola’s body was placed in the living area. Nakahilira ang mga upuan doon para sa mga bisita. Nasa hallway ako ng second floor. Plano kong bumaba pero tumigil ako nang marinig ko ang maraming boses. Pumikit ako ng mariin. It’s been four days. Medyo umo-okay naman ang pakiramdam ko pero medyo sumasakit pa rin ng konti ang ulo ko. Bukas pa naman ang huling araw ni Lola. She will be buried beside grandpa. Kaya hindi ako tumuloy sa baba at bumalik nalang ulit sa kwarto ko. Agad kong nilapitan ang bag ko para maghanap kung meron pa akong gamot. Nakita ko ang cellphone ko
Naiwan si Lucian para gawin ang dapat niyang gawin. Pinag-drive niya ang tauhan niya para ihatid ako sa bahay. “I will check on you after I’m done here,” huling sinabi niya bago siya pumasok sa munisipyo. Hindi na ako sumagot. I was scared. Paano kung kami ang tinutukoy niyang nagbe-betray sa kanila? Pero hindi pa naman namin sinisimulan ang plano. I sent those pictures, but they’re not meant to be used without my permission. They can't use them without telling me. If they do, it would feel like a betrayal!Dahil sa hindi maganda ang pakiramdam ko, nakatulog ako sa byahe. Ginising lang ako ng tauhan ni Lucian para painumin ng gamot. Tapos ay natulog ulit ako. Nagising ulit ako nang nasa tapat na kami ng bahay namin. Hindi sa labas ng subdivision! Ang kotse ko ay naka-park sa tapat ng gate. Nanghihina akong bumaba. Hindi na nagpasalamat sa tauhan. Ni hindi ko na ipinasok ang kotse ko. Iuutos ko nalang sa tauhan sa loob dahil hindi ko na kaya kung ako pa ang papasok non.Mabuti na la
Pagdating ko sa bahay, tapos nang kumain sina mama. Kaya mag-isa akong kumain. Kaunti lang ang nakain ko dahil bigla akong nawalan ng gana. Pagdating ko sa kwarto ko, dapat ay mabilis akong makakatulog dahil hinang-hina ako at medyo hindi maganda ang pakiramdam ko pero hindi! Matapos kong mag-ayos at maghanda para matulog, nahiga ako sa kama ko. Ilang oras akong nakapikit. Akala ko ay makakatulog din ako kalaunan pero hindi iyon nangyari! Kung ano anong pwesto ang ginawa ko para makatulog pero hindi ako makatulog. I tried to count, kasi kapag ginagawa mo raw iyon, aantukin ka pero hindi siya umobra sa akin. I groaned. My eyes were closed for hours now and I still couldn't sleep! Bumaling ako sa orasan sa gilid ko at kita kong alas-dos na! ilang oras pa ay sisikat na ang araw! Pinilit ko ulit na matulog. Pero nag alas kwatro na lang ay hindi pa ako nakakatulog. Kaya siguro hindi ako makatulog ay dahil sumasagi sa isip ko ang mga pictures na pinagsi-send ko! Nang hindi na talaga ako
Natahimik ang lalaki nang lumapit sa akin si Lucian. Hinawakan niya ako sa bewang at saka iginaya paalis ng library. Wala ng nagawa ang lalaki nang nilampasan namin siya. Tahimik si Lucian habang tinatahak namin ang daan pabalik sa bulwagan. Hindi rin ako nagsasalita dahil kabadong kabado ako. It wasn’t helping that Lucian was too silent. Hindi ko alam kung galit siya o hindi. Akala ko ay iiwaan niya ulit ako kapag dumating kami sa bulwagan nila pero hindi. Hindi niya ako pinakawalan. Wala naring lumalapit sa kanya kaya hindi na niya kailangan pang lumayo. Slow music was playing in the background. May nakikita akong iilan na sumasayaw sa sentro, just under the grand chandelier. The glow coming from the chandelier makes the dance floor romantic. “Let’s dance,” kalaunan ay yaya sa akin ni Lucian nang makita niyang pinagmamasdan ko ang mga nagsasayaw. Agad akong umiling. “No, it’s fine,” mahina kong tanggi. “I’m not asking you, Scarlet. I want to dance. Let’s go.” Wala akong naga
Sabay kaming bumaba ni Lucian sa bulwagan nila. Pilit kong kinakalimutan ang ginawa ko dahil kung patuloy akong kabado, baka magtaka siya. Masyado pa naman siyang tutuk sa akin minsan. Konting bagay ay napapansin niya. Marami silang bisita. I recognized some of them. May mga senador at iilang mga nasa pwesto pa! May mga iilan naman na mga businessman. I know because we were now exposed to the business world. Palagi na kaming uma-attend sa mga party at doon ko nakikita ang mga iilan dito. I sighed heavily. Walang duda, mga bigatin itong mga bisita nila! Hindi basta basta nakakasalamuha ang iilan dito! The moment we went down, maraming lumapit kay Lucian para kausapin. He has to go with them kaya naiwan akong mag-isa. Everyone has someone to talk to. Ako lang siguro ang walang kausap at nakatunganga lang. I roamed my eyes around the area. Wala akong nakikitang makakapansin sa akin dahil lahat ay ukupado sa mga kausap nila. Hinanap ko ng mata ang magulang ni Lucian. They were all oc
Matagal bago dumating si Lucian. By the time he arrived, nakaupo na ako sa sofa at kinakalma na ang sarili. Nakuhanan ko ng picture ang lahat ng kailangan kong picturan. Kahit nanginginig ang kamay ko ay mabuti at hindi naman blur ang mga kuha ko. I was breathing steady now when he entered the room. Pansin ko parin ang galit sa kanya dahil palaging madilim ang mga mata niya sa akin kapag galit. Medyo kunot din ang noo at parang isa akong malaking disappointment kung paano niya ako tignan! Hindi niya ako pinansin at sa table niya siya dumiretso. Kita kong may kinuha siya sa table niya, his wrist watch. Sinuot niya iyon. But then, he saw the folder I just took pictures of. Medyo tumagal ang mata niya roon bago niya itinago sa isang kabinet. Doon lang niya ako tinignan nang maitago niya iyon. Kita kong may sasabihin siya. Bumukas ang bibig niya para magsalita pero nang makita niya ako, natigilan siya. Ang madilim niyang mata kanina ay mas lalo pang dumilim. His eyes roamed around my bo