Napalakas ang hawak ko sa ballpen ng tumama sa mukha ko ang folder na kanina lang ay inabot ko sa boss ko. “Mali to! How many times do I have to correct your work?” galit niyang sigaw. Hinilot niya ang sentido at saka matalim akong tinitigan. “Are you sure you know what you are doing, Ms. Salazar?” pang-iinsulto pa niya. I close my lips tight and inhale to calm myself from saying bad words. Eh ikaw? Alam mo rin ba ang ginagawa mo? Bobo ka! Putangina mo! Paupo-upo ka lang naman dyan! Hindi ko alam ilang beses ko siyang namura-mura sa isip ko. It was so tempting to say something! Pero sempre boss ko siya at kailangan ko 'tong trabaho kaya kailangan kong magtimpi. Three months ago, I was newly hired as an assistant project manager. Maganda ang naging trabaho ko at humanga sa akin ang supervisor ko. Nagpasya siyang bigyan ako ng project na ako ang magha-handle. Ang kasamaang palad, ang boss ko ay hindi ko alam kung ano ang ikinagagalit palagi. Yumuko ako at nagpaumanhin. “I'm sorr
I tried to forget about my boss. Nang inaya ako ni Sara para sumayaw, agad akong sumama. The music was too loud and I wanted to get lost in it. I dance like it was my last dance. Bigay todo at walang pakialam sa mga naririnig na sipol. “Whooaaa…Go girl! Ang sexy mo!” sigaw ni Sara despite the loud music. For a moment while dancing, nakalimutan ko ang problema ko. Pero hindi ko alam ang nangyari bigla. I was too lost in my dance na nagulat nalang ako ng biglang may humawak sa bewang ko at tumama ang likod ko sa matigas na katawan. The immediate heat coming from the person spread on my back. Kita kong nagulat si Sara at ang mga kasamahan ko sa nangyayari. Natigilan sila sa pagsasayaw at gulat silang tumingin sa akin at sa tao sa likod ko. “Kaya mali-mali ang trabaho mo dahil ganito ang inaatupag mo,” bulong ng lalaki sa likod ko. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Agad kong hinawi ang kamay niyang nakapalopot sa bewang ko pero ayaw niyang tanggalin. Mas lalo niya pa ako idi
“Tulala ka na naman ate,” ani Serenity, kapatid ko. Umahon ako sa pagkakasandal sa sofa at saka siya binalingan. Nanliliit ang mata niya at nanantya. “Don't mind me.”I dreaded Monday. Pero ang kasamaang palad ay lunes na bukas. Hindi ko alam kung ano ang nangyari noong gabing medyo nalasing ako. I know I was still in the right mind… Or maybe not. Hindi kasi kapanipaniwala ang mga naaalala ko. Did my eyes play tricks on me? Did my hearing malfunction that day? Umiling ako at tumawa ng wala sa sarili. Imposibleng naging mabait sa akin ang lalaking 'yon. Hindi talaga ‘yon magiging mabait. He is Alaric Satanas after all! Lasing lang ako kaya hindi naging maganda ang judgment ko. “Baliw na yata,” rinig kong bulong ni Serenity. Hindi naman ako baguhan sa trabaho pero I feel unease now that I'm walking inside the office. Hindi ko alam kung bakit hindi mawalawala sa isip ko ang nangyari sa bar. Pero nang dumating ako sa office namin, I noticed na normal naman ang lahat. “Good morning,
Umatras ako dala ang anim na folder. Ramdam kong nanginginig ang kamay ko kahit anong diin kong hawak sa mga ito. Sinipa niya ang swivel chair niya paalis sa tabi niya. Nagmadali siyang tumawag sa cellphone niya. Gamit ang isang kamay ay tuluyan niyang tinganggal ang necktie sa leeg. Tumalikod siya sa akin at kita ko ang pagpupuyos ng kamao niya. Nanlalamig ang katawan ko at halos hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Nahinto ako sa paghinga ng bumaling siya sa akin. Madilim ang tingin niya at nakayulom ang kamay habang nakikipag usap pa rin sa katawagan niya. Base sa kunting naintindihan ko sa tawag niya, milyon milyon ang involve na pera sa kontrata na 'yon. Tumagal nang dalawampung minuto ang tawag. Matapos ay agad siyang umupo at may ginawa sa laptop niya. Hindi na niya ako binalingan. Pigil na pigil pa rin ang hininga ko. Hindi ko alam ilang minuto akong nakatayo. Kung matagal man' yon ay hindi ko na nararamdaman dahil sa tindi ng kaba ko. Ni hindi ko kayang gumalaw sa
Gusto kong mag absent sa trabaho. Masyado akong nawindang sa nangyari sa opisina ni Alaric. I can't believe he did that! Putang ina niya! Ano ba ang plano niya? Bakit niya ako ginaganito? Kung galit siya, galit lang dapat. Bakit may mga paganon siya? Bakit! Ilang beses kong tinanong ang sarili ko, tinansya kung gusto ko bang pumasok, pero my body, mind and soul all agree that I shouldn't, that I don't want to go to work. “Kahapon pa yan nababaliw,” rinig kong sinabi ni Serenity kay Scarlet, isa ko pang kapatid. “Talaga!”Serenity nodded with conviction. “Malala ngayon…may pahawak-hawak na sa labi. Kahapon tumatawa-tawa lang yan ng wala sa sarili,” pag-iimbento niya ng storya. Nagtawanan silang dalawa. Matalim ko silang binalingan dahil sa pagtawa nila. How could they laugh at my misery! “Will you please mind your own business? Kung wala kayong mapag-usapan, huwag ako!”“Oh please… Concern lang ako, ate,” maarteng sinabi ni Serenity. “You are not with your usual self.”I'm the old
Mas lalo pa akong kinabahan sa sinabi ni Sara. Kaya mas determinado akong huwag makita ang boss ko. Dahil nagpapanggap akong nanghihina, nang niyaya ako ni Sara para mag-lunch sa labas, hindi ako sumama. I told her na sa pantry na ako kakain para hindi na mapalayo. Sempre panindigan ang panghihina para kung may dadalhin ako sa boss ko nagyong hapon, ipapagawa ko kay Sara. Malungkot tuloy akong kumain dahil halos lahat ng colleague ko ay sa labas kumain. May bagong bukas na restaurant sa tapat ng kumpanya kaya naisipan nilang pumunta sa opening nito. Sumisimsim ako ng kape habang ngalalakad papunta sa table ko ng may nakita akong babaeng lumalapit sa akin. She was wearing an expensive suit. Alam ko dahil may mga ganong suit si mama at sinabi niyang mahal daw ang mga yon. “Excuse me, Miss. Where's the office of engr. Ferrer?” tanong niya sa akin habang tumitingin-tingin sa paligid. Napaisip ako ng ilang segundo bago nakasagot. “Ay ma'am, I think you are in the wrong place. Walang e
Hindi ko alam kung ano ang sakit ng boss ko. Seriously, galit siya pero ginugulo niya ang isip ko. Bakit matapos niya akong durog-durugin, gaganunin niya ako? Sinabunutan ko ang sarili ko habang nahihibang sa mga iniisip. Ano ba ang plano niya? This isn't right! “Sinabi ko na kay mama,” rinig kong sinabi ni Serenity kay Scarlet. Nasa sala sila kasama ko. Dapat ay sa kwarto ako pero masisiraan ako ng bait sa loob ng kwarto ko kaya lumabas ako. Akala ko madi-distract ang isipan ko kung dito ako sa labas pero bumabalik pa rin sa akin ang isipan tungkol kay Alaric. Lumiban ulit ako. At alam ko sa sarili ko na sa susunod na lunes na ako babalik. Pero nagu-guilty din ako dahil maliit ang maitutulong ko sa gastusin sa bahay. Bumuntung hininga ako at saka sinabunutan ang sarili. Hindi ko namalayan ang pag-upo ni mama sa tabi nina Serenity kaya nakita niyang nababaliw ako. “Sabi ko naman mama eh. Noong lunes pa yan ganyan,” sumbong ni Serenity. Umupo ako ng tuwid. I glared at Serenity
Pinatay ko ang tawag matapos kong sagot-sagutin ang boss ko. Kaya lang makaraan ang ilang minuto, medyo kinabahan ako matapos kong ma-realize kung bakit ko ginawa ‘yon. Boss ko siya pero he’s also a CEO! Makapangyarihan ang pamilya! Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at saka sumigaw. “Baliw ka ba, Seraphina? Gagaya ka pa sa lolo mo!” sermon ko sa sarili. “Kaya tayo mahirap ay dahil nakipag-away ang lolo mo sa isang maimpluwensyang pamilya!” Sumigaw ulit ako dahil sa mga napag tanto. Gaga! Baka hindi lang ako masibak sa trabaho. Baka pahirapan pati ang pamilya ko! Hindi na ako bumalik sa pagtulog. Nilamon ako ng sobrang pag-iisip. I walked back and forth inside my room. “Putang ina! Bakit ko ginawa ‘yon?” Kinagat ko ang kuko ko sa index finger dahil sa stress. “May pinagmanahan ako… si lolo na nakipag away sa mayamang angkan kaya mahirap kami ngayon… at baka mas maging mahirap pa kami sa daga dahil sa ginawa ko!” Sumigaw ulit ako sa frustration. Inabot ako ng tanghalian sa ka
Ako siguro ang naunang lumabas ng courtroom. Kulang nalang ay takbuhin ko ang daan papunta sa parking lot! Iba kasi ang mga titig sa akin ni Lucian! It's already bad enough that he comes from a wealthy and political family with a lot of rumors! And I wouldn't want to think about what those rumors are. They're just rumors—none of them were ever proven!Paano ko ito nalaman? I got curious. Habang binabasa ang case niya, tinignan ko kung related siya sa dating presidente. And guess what? He is the older son! Hindi ko alam yon! Nagulantang ako nang malaman ko! I tried calling Andrea to back out from the case pero hindi na siya ma-contact! My parents advised me never to involve myself in politics! Kaya nga hindi nila ako pinayagan na maging litigation lawyer. Pwede raw manganib ang buhay ko. Corporate lawyer lang sila pumayag! It's more safe as they say! As I was about to open my car, napasinghap ako nang biglang may humigit sa akin. Hindi ko natuloy ang pagbukas ko ng pintuan, imbes ay
Scarlet Ruby Salazar I walked back and forth as I was talking to Andrea on the phone! Nakahawak ang isang kamay ko sa sentido ko habang ang isang kamay ay hawak ang cellphone. Apparently, she has an emergency to attend to at mas importante iyon kaisa daluhan ang hawak niyang case! Kasi hindi raw mahirap iyon kaya ako muna ang isasabak niya sa trial. “Andrea! I am a corporate lawyer, not a litigation lawyer!” I snapped as a matter of fact. “Hindi ako papayagan ng kumpanya!” I heard her laugh slightly. “Pinayagan ka na. Darating na sayo ang memo.” She trailed off for a moment. “I already sent you the case. Hindi naman mahirap, Scarlet. I know you can do it.” “Nasasabi mo yan kasi marami kang experience sa court. This would be my first ever!” reklamo ko.Pero hindi niya ako tinantanan. Lahat ng palusot ko ay may solution siya! I groaned in frustration when I realised I have no choice but to do it! Bukas na ang trial at ngayon ko pa babasahin ang case! Hindi na ako natulog magdamag d
Ryker Knoxx Saldivar Seraphina’s vacation plan in the Maldives happened. Sumama kami pati ang mga bata. Mrs. And Mr. Salazar are here too with Scarlet. Sumama rin si mama at ang parents ni Alaric. It is a big family vacation kaya napapalibutan kami ng mga tauhan ko at ni Alaric. The incident taught us to never compromise with our security.Nasa sun lounge ako, katabi ko si Serenity. She was laughing at something. Hindi ko lang mapagtuunan ng pansin dahil may inaasikaso ako sa laptop ko. Wala dapat akong trabaho pero nagka-emergency kaya heto at ginagawa ko sa kasagdagan ng three day vacation namin. I heard my wife sigh. “Look at our children. They're so grown up now. I can't believe time fly so fast. Dati-rati ay nagpa-pampers pa sila!” she said a bit dramatic. I chuckled.Ilang minuto niyang pinagmamasdan ang mga anak namin. Matapos niya sa kanila ay ako na naman ang pinag diskitahan niya. Kahit may sarili siyang lounge ay tumabi siya sa akin. “Ano ba yan? Nandito tayo para mag-en
Ryker Knoxx Saldivar Growing up, I never got serious when it comes to women. Sa dami nilang nagpapansin sa akin, tingin ko hindi na challenging ang kumuha ng babae. Marami pa nga ang gustong sumubok ng one night stand just to be with me for a fucking night. Kung nasa mood ako at maganda naman ang babae, bakit hindi. I'm not a fucking saint to ignore it!“Ryker, pagbigyan mo na si Silvia! Hindi niya ako tinatantanan!” iritadong sabi ni Cedric. Nilagok niya ang inumin niyang whiskey. Tinawanan ko siya at inilingan. May katabi akong babae na dumadapo na ang kamay sa hita ko. Nilalapit pa sa braso ko ang gilid ng boobs niya. “Ikaw nalang. Bakit mo pa ipapasa sa akin? Pangit ba?” natatawa kong sinabi. “Asshole!” rinig kong sinabi ni Elijah sa gilid ko. Umiling siya sa akin.Nasa bar kami at ganon palagi ang scenario. Lalapitan kami ng mga babae na gustong sumubok sa amin. I never expected that there would be a time when I would be serious about a woman. Dahil sa kawalang gana ko sa b
Life has been good and bad for me. Alam ko sa sarili ko na marami akong mga desisyon sa buhay na hindi maganda. At some point in life, I was selfish to people around me. I was the kind of person who put herself first before others. Kasi palagi kong iniisip na bakit ko pag-aaksayahan ng oras ang ibang tao kung wala naman silang ambag sa buhay ko? Looking back, I didn't actually feel emphatic towards other people. Na basta ba hindi nila ako ginugulo ay okay kami. I wasn't kind to those people who were mean to me. I can be violent if needed. But that was all before. Now that I have a family of my own, natutunan kong isipin din ang nararamdaman ng ibang tao bago ang sarili ko. I can't put myself first because now, I have someone to take care of. My twin needs me. My husband needs me. Although married, I still have responsibility as a daughter to my parents. The accident taught me many lessons in life. Motherhood taught me how to be responsible. Na hindi sa lahat ng oras, ako dapat ang
It's been a month since I regained all my memories. Ryker made sure there were no complications in my health before he let me prepare for our second wedding. Naudlot pa naman ‘yon dahil sa kidnapping incident pero iyon na ang ipinagpatuloy ko. The invitation was already sent to guests. Na-feature pa sa isang sikat na magazine ang tungkol doon para lang masiguro ni Ryker na alam ng marami ang tungkol sa magiging kasal namin. Gusto raw niya na alam ng lahat ng tao na ako ang asawa niya and that they should back off. “This is good,” sabi ko habang umiikot sa salamin. Scarlet, who was sitting boredly on one couch, looked at me. Ibinaba niya ang binabasa niyang magazine at saka pumalakpak. “Congratulations! Mabuti naman at natauhan kana!” sarcastic niyang sinabi. Bored na bored na siya at kung pwede lang ay kanina pa niya ako iniwan. Inirapan ko lang siya. Kanina pa siya nagsasabi na maganda ang dress pero nakukulangan ako. Ngayon ko lang nakita na maganda pala talaga. “Kanina, pangit
It's been three days since our checkup. It's also been three days since I started talking with my friends again. Hindi na ako nakabalik agad sa table namin noon dahil ang dami naming kwento na hindi ako mapakawalan ng mga kaibigan. Gulat na gulat sila nang sabihin kong kaya ako nawala ay dahil sa buntis ako. And just like what I thought, pati sila ay na-imbestigahan dahil sa pagkawala ko. Minamanmanan sila for months hanggang sa tumigil na lang daw si Ryker. Ang alam pa nila, kaya ako ipinapahanap ay dahil may kasalanan ako kay Zephyra. Kaya nagulat sila nang bigla nalang na bankrupt ang kumpanya nina Zephyra at naibenta ang mga ari-arian. “I was so shocked. Kumakain ako nang sinasabi ni papa yon sa hapag. Halos hindi ako makalunok,” kwento ni Sofia. “Doon ako sinabihan na dumistansya muna sa kanya. Baka raw madamay kami.” Nang sinabi ko kung kanino ako nagtago, gulat na gulat naman si Elena. She didn't expect it. “Seriously? And you never told me?” gulat at may pagtatampong sinabi
Ilang oras ang byahe ng dumating kami sa bahay nina ate. Alam na nilang darating kami kaya rin pagdating namin ay nasa labas na si Ryka, naghihintay sa amin. Pag-park pa lang ng kotse sa tapat ng bahay ay tumatakbo na siya papunta sa kotse. Mabiliis kong binaba ang bintana para masuway siya. “Don’t run,” kunwari ay strict kong sinabi. But she just giggled. Huminto siya sa banda ko at gusto niyang buksan ang pintuan. I helped her open the door. Mabilis siyang sumakay nang bumukas ang pintuan. She kissed me on the cheek as she sat on my lap. “Are we going home?” tanong ni Ryka. Nakapatay na ang kotse pero walang bumababa sa amin. Umiling ako. “Nope. We are going to eat in a restaurant,” excited kong sinabi sa anak ko. I know she will be happy. Iyon ang hilig niya dati kaya alam kong masisiyahan siya. And as expected natuwa siya. Gusto na niya kaming umalis pero wala pa si Soren. “Mommy, Soren will not go with us. He will sleep here with Luca. I heard them talking about it,” sum
Nakaupo ako dito sa loob ng bathroom. Sa vanity table sana ako magma-make up pero bigla akong may naalala! Sobrang hiya ko na pinagkukuha ko ang lahat ng kailangan ko at dito nagkulong sa bathroom. “Nakakahiya ka, Serenity!” sigaw ko habang sinasabunutan ang sarili. Hindi ko alam kung ilan pa ang hindi ko maalala sa mga alaala ko pero most of my memory crash to me just earlier. Bigla kong naisip ang mga pinaggagawa ko noong wala pa akong maalala! “Ahhhhh!” sigaw ko sabay iling. Kaya pala wala akong mahanap na trabaho! I'm sure he blocked me to have one para bumalik ako sa kanya! Ang daya! Tapos ang sweldo niya ay parang sweldong ko narin ‘yon kasi akin din naman ‘yon kung gusto ko! “Ang daya talaga! Naghirap pa akong maghanap. Sayang ang effort ko!” Magpapatuloy sana ako sa pagma-make up nang maalala ko kung bakit ang bilis pumayag ni mama noong nagpaalam akong kay Ryker na ako! Isang sigaw ulit ang ginawa ko. Pinagkaisahan talaga ako! All this time, I thought I'm winning when t