Kinabukasan, maaga akong nagising. Hindi ako nakapag impake kagabi dahil mabilis akong natulog kaya ngayon ko sana gagawin. Matapos kong maligo at mag-ayos, lumabas ako ng kwarto namin para ipag-imapake ang mga anak ko. Kaya lang, nang bumaba ako para magkape, nakita ko ang maraming luggage sa baba. Ilang segundo akong natigilan sa hagdanan bago ako nagpatuloy sa pagbaba. Nakita ko ang isang kasambahay na dinagdagan niya ang maraming luggage na nakalinya. “Whose things are those?” Bumaling sa akin ang kasambahay. “It’s Soren and Ryka, ma’am. Ma’am Diana instructed us to pack for them." Napahinga ako ng malalim. Akala ko ay ngayon ko pa sila ipag-iimpake. At sa dami ng gamit nila, baka gabihin ako! “Can you also pack my things?” utos ko sa kasambahay. Mabilis siyang tumango. “Don’t mind my husband. He will not get mad,” dagdag ko dahil mukha siyang nag-aalinlangan. Nasa kusina ako dumating si Soren sa akin. Nagtetempla pa ako ng kape ko. “Good morning, Mom.” Nag
Huling Na-update : 2025-03-02 Magbasa pa