Kita ko ang gulat kay Ate. Hindi ko alam kung ilang minuto siyang natulala kay Ryka bago siya nakapagsalita. “Serenity, what is the meaning of this?” gulat na gulat niyang baling sa akin. “Did I hear it right? Tinawag ka niyang Mommy?” Napalunok ako. Hindi pa tumutulong na bumababa si Ryker galing sa taas. Natigilan siya nang makita niyang naroon sina Kuya Alaric. Matalim na ang tingin ni Kuya Alaric kay Ryker. Parang inaakusahan niya ito. “Daddy, we have a visitor. It’s Mommy’s friends,” ani Ryka. Kita ko ang pagtayo ni Soren at naglakad papalapit kay sa Daddy niya. “Are we going, Daddy?”Walang pakialam si Soren sa mga nangyayari kanina at patuloy lang siyang nanonood kaya hindi siya napagtuunan ng pansin ni Ate. Ngayon na lumapit si Soren kay Ryker ay napaawang ulit ang labi niya. Ryker licked his lips. “Can we postpone it tomorrow? Your Mommy has a visitor.” Ngayon sana sila bibilli ng playstation niya dahil baka hindi matuloy bukas dahil sa maraming meeting pero mauudlot pa
Ryker Knoxx Saldivar After we went back to the Philippines, sunod sunod na ang meeting na kailangan kong puntahan. My son wanted to buy his playstation and damn those meetings if I failed to get him one. We have already postponed it because of Alaric's visit. Ngayon ay kailangan kong siguraduhin na makakabili kami.“Make sure I don't have a meeting this afternoon. I have important things to do,” sabi ko sa sekretarya ko. “Yes, sir.” Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago binasa ang kailangan kong permahan na mga documents. Iyon ang ginawa ko habang hinihintay ang meeting na kailangan kong puntahan. Natigil lang ako sa pagbabasa nang tawagan ako ng secretary ko para ipaalam sa akin ang meeting ko. Hinilot ko ang sintido ko bago tumayo. Matapos ay dumiretso ako sa left wing para sa meeting ko sa araw na ito. Natahimik ang mga empleyado nang pumasok ako sa loob. Kita kong nagsiupuan sila ng maayos at natuun ang attention nilang lahat sa akin. Tension suddenly surrounds the room.
Ryker Knoxx SaldivarAgad na humalakhak ang tito ko nang marinig niya ang sinabi kong wala akong gusto sa pinapagpilian niya sa akin. “Akala mo siguro, hijo, may choice ka pa maging choosy? Darating din ang panahon na mamimili ka sa dalawang ito, ang gawing acting CEO ang anak ko para ipamana niya ang kumpanya sa magiging anak niya o pakasalan si Natalie para gawing hier ang anak niya!” Tumawa rin ako kay Tito. “This is my life, Tito. I choose what I want. It just so happens that what I want is not one of your choices.”I heard my father laugh. “Now, you heard what my son wants, Ardnold! Stop this nonsense already!” “You called this nonsense, Geoffrey? Kapakanan ito ng kumpanyang binuo ng ninuno natin!” inis niyang baling kay papa.“Ninono natin? Ang ama ko ang bumuo ng kumpanyang ‘to, Arnold. Walang ambag ang papa mo kaya huwag mong sabihing ninuno natin,” sarcsatic na sinabi ni papa sa pinsan niya. “Kung ito lang ang ipinunta niyo dito ay pwede na nating tapusin ‘to. Pretend thi
Serenity Isla Salazar-SaldivarApat na araw na kami dito sa Pilipinas. Nakadalawang balik na rin si Ate dito sa condo para manduhan ako na sabihin na kina mama ang tungkol sa kambal ko. Palagi ay sinasabi kong hindi muna. Not that I don't want them to know, hindi pa ako ready! I want my children to settle first before I let other people in their life. “Mommy, can I come?” nakasimangot na tanong ni Ryka. Namumungay ang matang nakatingin sa akin. I was facing my vanity table as I was finalizing my make-up. Naka-white spaghetti strap dress ako na hapit na hapit sa katawan ko. I wore a silver set jewelry na binigay sa akin ni Ryker. Bumaling ako sa anak ko. “The party is only for adults, Baby. When you grow up, you can start attending parties.” pang-aalu ko. May dadaluhan kaming party ni Ryker ngayon. Hindi maisasama sina Ryka at Soren kaya iiwan namin sila kina ate. Soren was fine with it. Nandoon si Luca at paniguradong maglalaro sila. Ryka on the other hand wanted to wear a dress a
Hindi ko na masundan ang usapan ni Ryker at ni Delia dahil iniisip ko na kung paano ako lalayo pagkakita ko sa parents ni Ryker ng hindi nahahalata! Should I go out now? Kaso kakarating lang namin!Ngumiti ako kay Delia nang magpaalam siya. Nang mawala siya, mabilis kong sinuyo ng mata ang paligid. Hindi ko nga lang namataan kung nasaang banda ang magulang ni Ryker.Napabaling ako kay Ryker nang hawakan niya ang likod ko. May papalapit sa aming direction. “Mr. Saldivar,” bati noong lalaki. Hindi talaga maubusan ng kausap itong kasama ko!“Mr. Reyes,” ani Ryker. He nodded at the man. “Pumunta ako last week sa opisina mo, wala ka pala.” Ryker chuckled. “Yes. I was with my wife in Australia.” Agad umawang ang bibig ng kauskap ni Ryker. “Wfie? You are married?” hindi makapaniwalang sabi niya. “Yes.” Bumaling siya sa akin. “This is Serenity Saldivar, my wife,” nakangisi niyang pakilala sa akin. “I didn't know you were married!” gulat na sabi nong lalaki. Ngumiti ako sa kanya nang bu
Hindi nga lang natuloy ang plano kong umuwi kami ni Ryker. Bubulong pa sana ako kay Ryker nang may marinig akong tumikhim sa gilid ko. Bumaling ako roon at agad nanlamig nang makitang ang mama ni Ryker iyon. Kitang kita niya kung paano ako nakahawak sa dibdib ng anak niya! Nag-isang linya ang labi ko. Itutulak ko sana si Ryker pero hindi niya ako hinayaan. Hinigpitan niya ang hawak sa bewang ko. I heard him hiss because of my attempt to push him. Hindi ko inalis ang mata ko sa mama ni Ryker. Tumikhim siya. “Can I talk to you, hija?” tanong niya sa akin.“Mama!!” Si Ryker, may pagbabanta sa boses niya. Hindi ako nakasagot. Hindi ko inasahan na kakausapin niya ako. Ang inakala ko ay magagalit siya, at saka ko ibabato ang matagal ko nang pinractice na mga linya. Pero hindi na iyon mangyayari dahil kasal na kami ng anak niya!“Kahit limang minuto lang, hija,” she said apologetically. Kita kong sincere naman siya. And I would feel guilty if I refused her. Kahit ano pang gawin ko, she w
Hindi natuloy ang plano kong uuwi kami ni Ryker sa condo niya. Dahil gustong makita ng magulang ni Ryker ang kambal, matapos ang party, sabay sabay kaming pumunta kina Kuya Alaric. Nasa parking lot na kami, hindi pa kami makaalis dahil hinihintay pa namin ang driver ng magulang ni Ryker. Kausap ng papa ni Ryker ang driver at base sa naririnig kong usapan nila, nagka-lbm ang driver kaya nasa CR. I shifted my weight. Bumaling ako sa mama ni Ryker na medyo stress dahil kanina pa kami naghihitay. “Uhm… ma’am, pwedeng sumabay nalang po kayo sa amin. Papuntahin nalang ang driver kina Kuya Alaric?” offer ko, na sana hindi ko na lang ginawa. Nakita ko kasi ang pagsimangot ng mukha ng mama ni Ryker. What did I do? “Kasal ka na sa anak ko, hija. The least you can do, if you're not comfortable calling me 'Mama,' is to call me Tita.” She then smiled at me.Bahagya akong tumawa. Akala ko naman ay may nagawa na naman ako! “Sige po, Tita.” “Maybe papa for me. Wala naman akong nagawang kasalan
Nang pumasok kami ni mama, lahat sila ay nasa living area na. Si Soren ay karga ni Tito Geoffrey, may sinasabi siya rito, titig na titig si Soren sa kanya. Si Ryka ay may ikinukwento, nakikinig sa kanya si Scarlet, Tita Kiara at Tita Fiona. Lahat sila ay nakangiti habang nakikinig. Si Levi at Luca ay nasa may malapit sa kusina, may pinag-aawayan kaya nasa kanila ang attention ni Ate at Kuya Alaric. Si Ryker ay pinagmamasdan si Tito Geoffrey at ang anak niya. Si papa ay nasa malayo, may kinakausap sa cellphone. Natigilan ako sa paglalakad. It was a great scene, and it somehow melted my heart. Ang pamilya ko at ang pamilya ni Ryker ay nagkakasundo—plus the fact na nandito rin ang pamilya ni Kuya Alaric, na dati ring kaaway ng pamilya namin.Love made these three families forgive past mistakes. The Ferrers forgave my family for what my grandfather did to them. I forgave Fiona Saldivar for what she did, which led to Ryker and me being apart. I don't think that without the love that ties
Mama decided na two days lang ang lamay na gagawin. First day ay maraming dumating na mga bisita sa side ng grandfather ko. Siya naman kasi ang taga Tennessee kaya malapit lang dito ang mga kamag-anak niya. Ang ibang relative ni Lola ay sa Pilipinas pa. Sa second day pa sila darating. Some can’t come because of the distance and we understand it. Busy ang mga tauhan ni Lola sa pagse-serve sa mga dumarating na mga bisita. Lola’s body was placed in the living area. Nakahilira ang mga upuan doon para sa mga bisita. Nasa hallway ako ng second floor. Plano kong bumaba pero tumigil ako nang marinig ko ang maraming boses. Pumikit ako ng mariin. It’s been four days. Medyo umo-okay naman ang pakiramdam ko pero medyo sumasakit pa rin ng konti ang ulo ko. Bukas pa naman ang huling araw ni Lola. She will be buried beside grandpa. Kaya hindi ako tumuloy sa baba at bumalik nalang ulit sa kwarto ko. Agad kong nilapitan ang bag ko para maghanap kung meron pa akong gamot. Nakita ko ang cellphone ko
Naiwan si Lucian para gawin ang dapat niyang gawin. Pinag-drive niya ang tauhan niya para ihatid ako sa bahay. “I will check on you after I’m done here,” huling sinabi niya bago siya pumasok sa munisipyo. Hindi na ako sumagot. I was scared. Paano kung kami ang tinutukoy niyang nagbe-betray sa kanila? Pero hindi pa naman namin sinisimulan ang plano. I sent those pictures, but they’re not meant to be used without my permission. They can't use them without telling me. If they do, it would feel like a betrayal!Dahil sa hindi maganda ang pakiramdam ko, nakatulog ako sa byahe. Ginising lang ako ng tauhan ni Lucian para painumin ng gamot. Tapos ay natulog ulit ako. Nagising ulit ako nang nasa tapat na kami ng bahay namin. Hindi sa labas ng subdivision! Ang kotse ko ay naka-park sa tapat ng gate. Nanghihina akong bumaba. Hindi na nagpasalamat sa tauhan. Ni hindi ko na ipinasok ang kotse ko. Iuutos ko nalang sa tauhan sa loob dahil hindi ko na kaya kung ako pa ang papasok non.Mabuti na la
Pagdating ko sa bahay, tapos nang kumain sina mama. Kaya mag-isa akong kumain. Kaunti lang ang nakain ko dahil bigla akong nawalan ng gana. Pagdating ko sa kwarto ko, dapat ay mabilis akong makakatulog dahil hinang-hina ako at medyo hindi maganda ang pakiramdam ko pero hindi! Matapos kong mag-ayos at maghanda para matulog, nahiga ako sa kama ko. Ilang oras akong nakapikit. Akala ko ay makakatulog din ako kalaunan pero hindi iyon nangyari! Kung ano anong pwesto ang ginawa ko para makatulog pero hindi ako makatulog. I tried to count, kasi kapag ginagawa mo raw iyon, aantukin ka pero hindi siya umobra sa akin. I groaned. My eyes were closed for hours now and I still couldn't sleep! Bumaling ako sa orasan sa gilid ko at kita kong alas-dos na! ilang oras pa ay sisikat na ang araw! Pinilit ko ulit na matulog. Pero nag alas kwatro na lang ay hindi pa ako nakakatulog. Kaya siguro hindi ako makatulog ay dahil sumasagi sa isip ko ang mga pictures na pinagsi-send ko! Nang hindi na talaga ako
Natahimik ang lalaki nang lumapit sa akin si Lucian. Hinawakan niya ako sa bewang at saka iginaya paalis ng library. Wala ng nagawa ang lalaki nang nilampasan namin siya. Tahimik si Lucian habang tinatahak namin ang daan pabalik sa bulwagan. Hindi rin ako nagsasalita dahil kabadong kabado ako. It wasn’t helping that Lucian was too silent. Hindi ko alam kung galit siya o hindi. Akala ko ay iiwaan niya ulit ako kapag dumating kami sa bulwagan nila pero hindi. Hindi niya ako pinakawalan. Wala naring lumalapit sa kanya kaya hindi na niya kailangan pang lumayo. Slow music was playing in the background. May nakikita akong iilan na sumasayaw sa sentro, just under the grand chandelier. The glow coming from the chandelier makes the dance floor romantic. “Let’s dance,” kalaunan ay yaya sa akin ni Lucian nang makita niyang pinagmamasdan ko ang mga nagsasayaw. Agad akong umiling. “No, it’s fine,” mahina kong tanggi. “I’m not asking you, Scarlet. I want to dance. Let’s go.” Wala akong naga
Sabay kaming bumaba ni Lucian sa bulwagan nila. Pilit kong kinakalimutan ang ginawa ko dahil kung patuloy akong kabado, baka magtaka siya. Masyado pa naman siyang tutuk sa akin minsan. Konting bagay ay napapansin niya. Marami silang bisita. I recognized some of them. May mga senador at iilang mga nasa pwesto pa! May mga iilan naman na mga businessman. I know because we were now exposed to the business world. Palagi na kaming uma-attend sa mga party at doon ko nakikita ang mga iilan dito. I sighed heavily. Walang duda, mga bigatin itong mga bisita nila! Hindi basta basta nakakasalamuha ang iilan dito! The moment we went down, maraming lumapit kay Lucian para kausapin. He has to go with them kaya naiwan akong mag-isa. Everyone has someone to talk to. Ako lang siguro ang walang kausap at nakatunganga lang. I roamed my eyes around the area. Wala akong nakikitang makakapansin sa akin dahil lahat ay ukupado sa mga kausap nila. Hinanap ko ng mata ang magulang ni Lucian. They were all oc
Matagal bago dumating si Lucian. By the time he arrived, nakaupo na ako sa sofa at kinakalma na ang sarili. Nakuhanan ko ng picture ang lahat ng kailangan kong picturan. Kahit nanginginig ang kamay ko ay mabuti at hindi naman blur ang mga kuha ko. I was breathing steady now when he entered the room. Pansin ko parin ang galit sa kanya dahil palaging madilim ang mga mata niya sa akin kapag galit. Medyo kunot din ang noo at parang isa akong malaking disappointment kung paano niya ako tignan! Hindi niya ako pinansin at sa table niya siya dumiretso. Kita kong may kinuha siya sa table niya, his wrist watch. Sinuot niya iyon. But then, he saw the folder I just took pictures of. Medyo tumagal ang mata niya roon bago niya itinago sa isang kabinet. Doon lang niya ako tinignan nang maitago niya iyon. Kita kong may sasabihin siya. Bumukas ang bibig niya para magsalita pero nang makita niya ako, natigilan siya. Ang madilim niyang mata kanina ay mas lalo pang dumilim. His eyes roamed around my bo
Kabadong kabado ako dahil sa pagdating ni Lucian! Hindi ko alam na magpapatawag siya ng doctor at lalong hindi ko alam na may nagre-report pala sa kanyang tauhan niya tungkol sa mga ginagawa ko! I thought it was only when I was with him and he had to attend something na maiiwan ako. Hindi ko inaasahan na pati pala kapag nasa bahay ako ay may nakamasid sa akin! Tahimik ako habang patapos na ang ginagawa ng bading sa ulo ko. Dapat sana ay masaya ako sa bagong hair makeover pero nakasimangot ako nang matapos iyon. “How much?” tanong ni Lucian sa bading. I insisted to pay it myself pero hindi niya ako pinapansin. Siya na ang nagbayad. He put his hand on my waist when we went outside. Ayaw ko pa sanang umalis pero may magagawa pa ba ako? “May dala akong kotse,” sabi ko nang sa kotse niya ako dinadala. “And so?” sarkastik niyang sinabi. Natameme tuloy ako. “Give me your key,” utos niya. Binigay ko sa kanya ang susi ko. Binigay niya rin ito sa isang tauhan niya. I badly wanted to ask
Walang wala ako sa mood nang pauwi na kami. Umiirap ako habang nakatitig sa kotse kong nauuna sa amin. Gusto ko sanang ako ang magmaheho roon pero hindi pumayag si Lucian. Pagdating na raw sa labas ng subdivision namin. Wala akong nagawa. Buong byahe ay tahimik ako. Naiinis dahil sa nangyari sa dinner. “I’ve known Luca for years, miss. He doesn’t drink from a glass that’s already been used. Nasa tabi mo lang naman ang baso mo. Bakit iyong sa kanya pa ang ginamit mo?” tanong sa akin ni Samantha na halatang inis. At hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. Nakatingin sa akin ang parents niya. Hindi man lang sinuway na inaaway ako. “It’s alright, Samantha,” tanging sinabi ni Lucian bago siya bumaling ulit sa dating gobernor. Hindi niya tuloy alam kung ano ang ginawa ni Samantha. She was glaring at me the whole dinner. Hindi na siya sumasali sa usapan at ibinaling ng tuluyan ang attention sa akin. Hindi ko alam kung ilang beses niyang nasipa ang paa ko sa ibabang lamesa. She was
I can’t believe Lucian! I haven’t met an obsessive person in my entire life. Just now! Hindi ko alam kung totoo ang mga pinagsasabi niya pero base naman sa mga inaasta niya, parang hindi siya nagbibiro! Who would sacrifice his important appointments just so he could be with a girl? No other than freaking Lucian Vergara! And I don’t even know how he got to know me. Sa court ko lang naman siya nakita. He then hated me for ruining his reputation and the next thing I know he is connected to my boss and now he is obsessed! It seems like now, I couldn't have a day free of Lucian! “I am invited to a dinner with the former governor. That's our last agenda for today,” sabi ni Lucian habang magmamaneho siya papunta kung saan niya kikitain ang dating governor. I sighed. “It’s too late. Pwede naman siguro na ikaw lang ang makipagkita sa kanya? Wala naman akong maiaambag dyan,’ medyo inis kong sinasabi. Gabi na at kaninang umaga pa kami magkasama! Kung hindi ako nakakandong sa kanya, nakasakay