Home / Romance / My Mysterious Wife / Chapter 161 - Chapter 170

All Chapters of My Mysterious Wife: Chapter 161 - Chapter 170

177 Chapters

Chapter 161

1613RD POV Napahawak si Hanma, sa pisngi niya. Habang niyakap siya ni Elijah at Ellie. “Daddy, bakit mo siya sinaktan?” Sigaw ni Ellie sa kanya. “Dahil tanga siya!”“Daddy, ‘wag mo na siyang sigawan.” Iyak na wika ni Elijah. Napahinga ng malalim si Aaron, at pilit na ngumiti sa mga bata. “Sorry, masyado lang talagang mainit ang ulo ni Daddy.” Ngiting wika niya sa mga bata at tinawag ang kanyang mga tauhan. “Mauna na kayo sa kotse.” Utos niya sa kanila. Nang makalabas na ang kanyang mga tauhan at ang mga bata, ay mahigpit niyang hinawakan ang braso ni Hanma. “Bakit ba ang b*bo mo?” Galit na tanong niya rito. “Hindi mo ba nakikita na aalis ako?” “Nakikita po…” Umiiyak na sagot ni Hanma sa kanya. “‘Yon naman pala? Tapos, bakit ang mga bata lang ang binihisan mo? Sino ba ang gusto mong magbantay sa kanila?” “A-akala ko po.. Hindi niyo ako isasam-.” Muling napahawak si Hanma, sa pisngi niya ng sampalin siya muli ni Aaron. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at nag-angat ng muk
last updateLast Updated : 2024-12-22
Read more

Chapter 162

1623RD POV Mabilis na tumayo si Aaron, habang napahawak siya sa kanyang ilong. “Fvck!” Sigaw niya habang napalingon sa paligid. “Sir..” Sambit ni Hanma, habang nasa gilid ito. “Nasa'n ang magaling mong kapatid?” Wika niya, habang hinawakan ang braso ni Hanma. “Umalis na.” Wika nito habang umupo sa kanyang tapat. Napakunot naman ang noo niya, dahil hindi naman ito umupo, kapag nasa paligid siya. “Bakit mo siya pinapunta rito?” “Ewan ko sa kanya, basta-basta lang naman sila susulpot.” Ngiting wika ni Hanma, habang tinitigan si Aaron. “Pinagloloko mo ba ako?” Tanong niya at hinawakan muli ang braso nito. Napatingin naman ito sa kamay niya, na nasa kanyang braso. “Paano mo naman nasabi na pinagloloko kita?” Muling wika nito habang may ngiti ito sa kanyang labi. Inis na hinila ni Aaron si Hanma, kaya napatayo ito. “Sino ka?” Galit na tanong niya rito, habang hinawakan ang pisngi nito. Sinipat niya ang mukha nito at wala siyang napansin na kakaiba. Wala rin palatandaan na hindi
last updateLast Updated : 2024-12-23
Read more

Chapter 163

1633RD POV “Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya kay Hailey, matapos siyang makababa sa kanyang kotse. Napansin niya naman na nagulat ito ng makita siya nito. “Bakit ka nandito Mr. Martinez?” Tanong nito sa kanya. “Napadaan lang ako. Ikaw, bakit ka nandito?” “Nag-aabang kasi ako ng sasakyan.” Sagot niya, kaya napatingin si Aaron, sa daan. “Hindi ka makakasakay rito.” “Ganun ba? Akala ko pa naman pwede rito.” Malungkot na wika nito. “Sumabay ka nalang sa akin, ihahatid nalang kita sa inyo.” Wika niya. “Talaga Mr. Martinez?” “Oo, kaya halika na.” Malawak naman na napangiti si Hailey, sa kanya at agad itong sumunod. “Mabuti nalang at dumaan ka rito Mr. Martinez.” Wika nito habang binuksan niya ang pinto ng kotse. Hindi sumagot si Aaron sa kanya at umikot sa driver seat. “Bakit kaba napadpad dito?” Tanong ni Aaron, habang binuhay niya ang makina ng kanyang kotse. “Nag-away kasi kami ng boyfriend ko, kaya binaba niya ako rito. Alam mo ang pangit ng ugali niya. Hindi man lang n
last updateLast Updated : 2024-12-23
Read more

Chapter 164

1643RD POV “Anong ginagawa mo sa ‘kin?” Tanong ni Hanma, nang magising ito. Napakunot naman ang noo ni Aaron, habang napatingin ito sa kanya. “Nagpapatawa kaba? Sa tingin mo papatulan kita?” Napairap si Hanma, at tinalikuran siya. Patuloy siyang tinitigan ni Aaron, habang papasok ito sa kanyang silid. Nang mawalan kasi ito ng malay ay pinahiga niya lang ito sa sofa. Hindi rin siya tumawag ng doctor, dahil humihinga pa naman ito. Tumayo si Aaron, at pumasok din ito sa kanyang silid. Muli nitong tinawagan ang kanyang tauhan, para tanungin kung nahanap ba nito ang mga kapatid ni Hanma..“Kumusta ang lakad niyo?” Tanong ni Aaron, matapos sagutin ng kanyang tauhan ang kabilang linya. “Sir, nasa probinsya po silang lahat.” Wika nito, kaya napakunot ang noo ni Aaron. “Probinsya?” Ulit na wika niya.“Opo Sir, at ayon dito sa record. Si Miss. Hanma, lang ang hindi sumama sa kanila.” Sagot nito sa kanya, kaya napatingin siya sa pinto. ‘Kung ganun, ibig sabihin si Hanma, talaga ang kasam
last updateLast Updated : 2024-12-24
Read more

Chapter 165

1653RD POV “Anong kailangan mo?” Tanong niya sa kanyang kakambal, habang lumapit ito sa kanya. Ang akala niya ay ang ina na niyang si Aira ang pumunta sa kanya. “Bawal kabang dalawin?” Ngising wika ni Evo, habang umupo ito sa tapat niya. Nailing naman sa kanya si Aaron, habang muli itong nag-focus sa kanyang monitor. “Bro.” Sambit ni Evo, kaya nag-angat siya ng mukha niya. “Ano?” “Pwede bang iwan ko na naman ang mga bata sa ‘yo?” “Manahimik ka nga! Alam mo na busy ako!” Singhal niya rito. “Biro lang, ayaw na nga nila sa ‘yo.” Natigilan si Aaron, dahil sa sinabi ni Evo. “Anong pinagsasabi mo?” “Kasi, sinaktan mo raw si Hanma. Bakit mo ba kasi ginawa ‘yon?” “Kasi tanga siya!” “Kahit na, sana hindi mo ‘yon ginawa sa harap nila.” “Pinagsisihan ko na ‘yon. Alam mo naman na hindi ako makapag-pigil, kapag galit ako.” Wika ni Aaron, habang napahinga ng malalim si Evo. “Kumusta na siya?” Tanong nito sa kanya, kaya napakunot ang kanyang noo. “Sino?” “Si Hanma.” “Ayos lang siya.
last updateLast Updated : 2024-12-25
Read more

Chapter 166

1663RD POV Gulat na napatingin si Aaron kay Hanma, habang nakatayo ito malapit sa switch ng ilaw. “Anong ginagawa mo r'yan?” Tanong niya rito habang nakatitig lang ito sa kanya. “Bakit ngayon ka lang?” Iyak na tanong nito, kaya napalingon siya rito. Hindi niya kasi napansin na umiiyak ito. “Ano bang pakialam mo?” Balewala na wika niya, habang tinungo ang kusina. “Wala kaba talagang pakialam sa nararamdaman ko Aaron?” Mahina na tanong nito sa kanya. Nilingon siya ni Aaron, habang natatawa ito. “Sa tingin mo may pakialam ako sa ‘yo? Alam mo naman na simula pa lang wala na akong pakialam sa ‘yo, lalo na sa nararamdaman mo.” “Sa ating dalawa. Ikaw pala ang sinungaling Aaron.” Nawala ang ngiti sa labi ni Aaron, dahil sa sinabi sa kanya ni Hanma. “Noong tatalon ako… Sinabi mong ituturing mo na akong asawa, ‘wag lang akong tumalon.” Muling napangiti si Aaron, dahil sa sinabi ni Hanma. “Naniwala ka naman? Alam mo bang ginawa ko lang ‘yon, dahil kay Daddy?” “Walang hiya ka!!” Iyak n
last updateLast Updated : 2024-12-25
Read more

Chapter 167

1673RD POV “Nasundan niyo ba sila?” Wika ni Aaron, habang kausap sa kabilang linya ang kanyang tauhan. Inutusan niya ito na sundan ang kapatid niya at si Hanma. Wala siyang tiwala kay Hanma, at pakiramdam niya ay may pina-plano ito sa kanyang kapatid. “Opo Sir, nandito po sila sa mall.” Sagot nito sa kanya. “Sundan niyo lang sila, at ‘wag niyong hayaan na mawala sila sa paningin niyo. Lalo na si Dell.” Wika niya at pinutol ang tawag. Nang makarinig ng katok sa pinto si Aaron, ay nag-angat siya ng kanyang mukha at tumingin sa pinto. “Busy kaba Kuya?” Tanong sa kanya ni Reymart. “Bakit?” Tanong niya, habang naglalakad ito papalapit sa kanya. “Gusto sana kitang yayain.” Napakunot ang noo niya, dahil sa sinabi nito. “Saan?” “Sa bar.” “Bar?” Ulit na tanong nito habang tumango si Reymart sa kanya. “Anong problema mo?” Napa-halakhak naman ito, dahil sa tanong niya rito.“Kuya naman,” “Kilala kita, hindi ka pupunta ro’n kung wala kang problema.” Napangiti ito habang tumango sa ka
last updateLast Updated : 2024-12-26
Read more

Chapter 168

1683RD POV Mabilis na tumayo si Aaron, nang makarinig ito ng malakas na kalabog. Agad siyang lumabas at tiningnan ang sala. “Hanma…” Sambit niya, habang binuksan ang switch ng ilaw. “Anong ginagawa mo r'yan?” Taka niyang tanong habang nahihirapan na tumayo si Hanma. Pawis na pawis ito at madumi ang kanyang damit. “A-Aaron..” Sambit nito habang may ngiti sa kanyang labi. “Damn! Lasing ka pa rin ba?” Inis na wika niya habang nilapitan ito. “Sh!t! Ang baho mo naman! Maligo ka nga!” Inis na sigaw niya rito at tatalikuran na sana siya. “Bakit mo ako Iniwan…” Mahinang wika nito, kaya napahinto siya. “H-hindi mo ako dapat iniwan do’n.. Alam mo bang kahit piso ay wala akong dala…” Iyak na wika nito, kaya muli niya itong hinarap. “Nakarating ka roon, kaya dapat lang na marunong kang umuwi.” Walang emosyon na wika ni Aaron sa kanya. “B-bakit niyo ba ako pinapahirapan Aaron? Ano bang nagawa ko sa inyo?” Hikbing wika niya, kaya napakunot ang noo ni Aaron, habang hinarap siya. “Ang gal
last updateLast Updated : 2024-12-26
Read more

Chapter 169

1693RD POV Gabi na ng umuwi si Aaron sa condo. May nakahanda na rin na pagkain, kaya napatingin siya sa kwarto ni Hanma. Hinahanap niya rin ang katulong na pinapunta niya, dahil hindi niya ito mahanap. “Nandito kana pala… Naghanda na ako ng pagkain.” Wika ni Hanma. Napakunot naman ang noo niya, habang napatitig sa kanya. “Ikaw ang nagluto?” Tanong niya, habang tumango ito sa kanya. “Maayos na kasi ‘yong pakiramdam ko Sir, kaya pina-uwi ko nalang si Manang Beth.” Sagot nito habang nilagyan siya ng plato. “Mabuti nalang pala at nalasing ka, dahil bumalik ka sa katinuan mo.” Wika ni Aaron sa kanya, habang nagyuko si Hanma sa kanyang ulo. “Kumain kana ba?” Tanong niya rito at napakunot ang noo niya, ng umiling ito. “Bakit hindi ka pa kumain? Alam mo naman sana na kagagaling mo lang sa sakit? Gusto mo bang magkasakit ka ulit?” Asik ni Aaron, kaya umiling siya. “Sabayan mo na ako.” Muling wika ni Aaron sa kanya, kaya nag-angat ng mukha si Hanma. “Ano pang hinihintay mo? Gusto mon
last updateLast Updated : 2024-12-27
Read more

Chapter 170

170 3RD POV “Bakit mo ako iniiwasan?” Kunot-noo na tanong ni Dylan, sa anak niyang si Aaron. “Hindi kita iniiwasan Dad, busy lang ako sa trabaho.” “Trabaho? Nagpapatawa kaba Aaron?” Galit na wika ni Dylan sa kanya. “Sabihin mo nga sa akin, kung nagtatampo ka pa rin ba sa akin?” “Dad…” Sambit ni Aaron, sa kanya. “Ilang beses ba kitang pa-intindihin Aaron?” Muling wika ni Dylan, habang hindi ito sumagot. “Ang akala ko pa naman noon, matalino ka? Pero hindi mo ginagamit ang utak mo?” Napakuyom ang kamao ni Aaron, dahil sa kanyang narinig mula sa kanyang ama. “Sinabi kona sa ‘yo na kami na ang bahala. Pero hindi ka naniniwala sa amin, ng mommy mo! Wala kana ba talagang tiwala sa amin Aaron? Sa tingin mo ba kaya ka namin ipahamak? Sa tingin mo ba natutuwa kami sa sitwasyon mo ngayon?” Napakunot naman ang noo ni Evo, dahil hindi niya maintindihan ang pinagsasabi ng kanyang ama. Ayaw niya rin na magtanong dito, dahil alam niya na mainit ang ulo nito. “Bakit ba kasi ayaw niyo na mag
last updateLast Updated : 2024-12-27
Read more
PREV
1
...
131415161718
DMCA.com Protection Status