1813RD POV “Anong nangyari?” Tanong ni Anna, sa kakambal niyang si Aira, dahil marami itong dalang gamit. “Nakakainis! Alam mo bang pinagtutulungan nila ako! Pakiramdam ko, wala akong kakampi kahit isa sa kanila! Ang unfair Ate!” Inis na wika ni Aira, habang umupo. Napangiti naman sa kanya si Anna, habang tumabi ito sa kanya. “Mahal ka lang nila.” Ngiting wika nito. “Mahal? Mas mahal pa nga nila ang kanilang ama, kaysa sa akin! Isa pa, ano bang meron sa babaeng ‘yon? Bakit ba sinu-suway na ako ng anak ko, dahil sa kanya?” “Baka mahal niya.” Wika ni Anna, kaya agad na napatayo si Aira. “Anong mahal? Ate hindi niya pwedeng mahalin ang babaeng ‘yon. Isa pa kampante naman ako na hindi niya mamahalin ang babaeng 'yon!” “Aira, pwede bang hayaan mo nalang ang mga anak mo, kung sino ang mamahalin nila.” “Wala namang problema sa akin ‘yon, Ate. Pero kung sa batang ‘yon mapunta si Aaron, talagang tutol ako! Alam ko kung ano ang ugali ng kanyang ina, kaya alam ko na ganun din si Hanma.
Huling Na-update : 2025-01-02 Magbasa pa