Home / Romance / My Mysterious Wife / Chapter 201 - Chapter 210

All Chapters of My Mysterious Wife: Chapter 201 - Chapter 210

283 Chapters

Chapter 201

201WARNING MATURED CONTEXT!!!SPG 3RD POV Napatingin si April sa paligid habang umupo ito. “Anong gusto mo?” Tanong ni Rey sa kanya. “Ikaw nalang ang bahala.” Wika niya habang nakayuko. “Segurado kabang ayos ka lang talaga?” Muling tanong niya, at agad itong tumango sa kanya. “R-Rey..” Problemado na sambit nito. “Bakit?” “H-hindi ko pwedeng gamitin ang cash ko.” “Ayos lang, sinabi ko naman sa 'yo na ako na ang bahala.” Sagot sa kanya ni Rey. “Malaki ba ang sahod mo bilang bodyguard?” Muling tanong nito, kaya napakunot ang kanyang noo. Naalala rin niya ang damit na suot niya noong, nakita siya ni April.“Oo,” balewala na sagot niya rito. “Mabuti naman, pasensya kana ha.” “Bakit?” “K-kasi ikaw ang pinapa-bayad k-.” “‘Wag mo nang alalahanin ‘yon.” Sagot ni Rey sa kanya. Nang matapos silang kumain ay muli silang sumakay sa motor ni Rey. “Saan mo balak pumunta?” Tanong sa kanya ni Rey, habang mahigpit na yumakap si April sa bewang niya. “Kahit saan Rey, basta malayo sa p
last updateLast Updated : 2025-01-13
Read more

Chapter 202

2023RD POV Mabilis na tinadyakan ni Rey, ang lalaking may hawak kay April at agad niyang hinila ni April palabas. “Bilisan mo!” Malakas na sigaw ni Rey, sa kanya. Habang ang mga tauhan niya ay nakikipaglaban sa mga tauhan ng lalaking tinatawag ni April na Alex. Mabuti nalang at napindot na niya kanina ang kanyang relo na pambisig. Kahit hindi siya magdala ng phone ay matutunton siya ng mga tauhan niya gamit ang relo niya. Naka-konect ito sa kanyang mga tauhan, at kapag pinindot niya ito ay makikita agad nila ang location niya. “Sino ang mga taong ‘yon?” Taka na tanong ni April. Habang papalayo sila sa lugar. “Mga kaibigan ko.” Sagot ni Rey sa kanya. “Kailangan natin bilisan!” Muling wika ni Rey, at agad niyang pinapasok si April sa isang kotse. “Teka! Kaninong kotse ‘to? B-baka makulong tayo, dahil sa pagnanakaw mo nito?” “Pwede ba, ‘wag mo na ‘yang alalahanin. Ang mahalaga ay makatawag tayo ng pulis.” “P-pulis?” Utal na wika ni April sa kanya. “Oo, bakit?” Tanong ni Rey, ha
last updateLast Updated : 2025-01-14
Read more

Chapter 203

2033RD POV “Sigurado kaba na ito ang bahay nila Kuya?” Tanong ni Rey, habang nakatingin sa bahay na nasa harapan nila. Nagkukunwari sila na nasiraan ng sasakyan, para makalapit sa mansion nila April. “Oo, nakita ko na rin ang paglabas-masok ng asawa mo sa bahay na ‘yan.” “Ibig mong sabihin, wala man lang siyang kasamang bodyguard.” “Meron, pero minsan nahuli ko siyang lumabas mag-isa.” Sagot ni Aaron sa kanya. Hindi naman nagsalita pa si Rey, at panay lang ang tingin niya sa malaking gate. Hindi rin siya makasilip sa loob, dahil sa taas ng pader. Nang may huminto na sasakyan ay agad silang tumabi. Napakunot din ang noo ni Rey, nang makilala niya ang boses ng taong nagsasalita. ‘Hindi ako pwedeng magkamali. Siya si Alex.’ Napakuyom ang kamao niya, habang nakayuko. Ayaw niya na masira ang Plano ng kuya Aaron niya. “Anong ginawa niyo d’yan?” Tanong nito sa kanila. Habang bumaba ito ng sasakyan. “Inayos lang namin ang kotse namin, nasiraan kasi kami.” Sagot ni Aaron, sa kanya. “
last updateLast Updated : 2025-01-14
Read more

Chapter 204

204 3RD POV Malakas na tinulak ni Rey ang tao na nasa pinto, kaya napasinghap si April. Mabilis niya rin itong binuhat at agad na lumabas. Hindi rin nakaharang sa kanya ang mga tauhan nila, dahil napatumba na silang lahat ng kanyang mga bodyguard. Nang makapasok siya sa bahay ng kuya Aaron, niya ay agad niyang pina-upo si April sa sofa. Nagyuko naman ito ng kanyang mukha at hindi makatingin kay Rey. “Sinong gumawa niyang sa 'yo?” Muling tanong niya rito, dahil halos pasa ang mukha nito. Hindi sumagot si April sa kanya, at tanging hikbi lang nito ang kanyang naririnig. “‘Yong Alex ba? Sumagot ka April?” Tanong niya habang patuloy pa rin na umiiyak si April. “Sino ba ang Alex na ‘yon? At bakit hinahayaan lang siya ng mga magulang mo na gawin niya ‘yan sa 'yo?” Tanong ni Reymart, kaya nag-angat ng mukha si April. Pero gulat siyang napatingin dito habang pilit na tumayo. “S-sino ka?” Utal na tanong niya, habang tiningnan si Rey at Reymart. “‘Wag kang matakot
last updateLast Updated : 2025-01-15
Read more

Chapter 205

2053RD POV “Rey!!” Galit na sigaw sa kanya ng kanyang lola Helen. Hindi maiwasan ni April na makaramdam ng takot, habang naguguluhan pa rin ito sa mga nangyayari. Lalo na noong pumasok sila sa malaking mansion. Sa tingin ni April, ay parang servants quarter lang nito ang mansion nila. “Ano ‘tong gulong pinasok mo?” Muling tanong nito sa kanya, habang nagtatago si April sa likuran ni Rey. “Sa tingin mo ba gagawin ko ‘yan Lola?” Sagot niya rito habang masama siyang tiningnan nang kanyang ina at lola. “Lumabas ka.” Napapitlag si April, nang marinig nito ang boses ni Aira. “Ngayon sabihin niyo sa amin, kung bakit nangyayari to? At ikaw babae? Wala kabang balak umuwi sa inyo? Para linisin ang pangalan ng anak namin?” Mahabang wika ni Aira sa kanya. “Mom.” “Manahimik ka!!” Malakas na sigaw ni Aira, kay Rey. Habang si Anna ay tahimik lang na tumingin sa kanila. “H-hindi siya pwedeng umuwi, dahil kasal na kami.” Napasinghap sila dahil sa narinig nila. “Anong sinabi mo?!” Gulat na ta
last updateLast Updated : 2025-01-15
Read more

Chapter 206

2063RD POV “Salubungin niyo sila at ‘wag niyong palapitin dito.” Wika ni Helen habang pumasok ito sa loob. Hindi niya maiwasan na matawa. ‘Mukhang hindi nila kami kilala.’ Ngiting wika nito. “Anong nangyari?” Tanong ng asawa niyang si Max. “Wala, may mga naligaw lang na aso.” Ngiting wika niya, habang napatango ito sa kanya. Samantala, agad na pumasok si Rey sa silid kung nasaan si April. “Rey.” Sambit nito habang dali-dali niya itong niyakap. Ang akala niya ay hindi na naman niya ito makikita. “Sorry April, hindi ko intensyon na saktan ka..” Hinging tawad niya habang niyakap ito ng mahigpit. “H-hindi kana ba galit sa akin?” Utal na tanong ni April sa kanya, agad naman na umiling si Rey. “Patawad Rey, hindi ko sinadya na saktan ka…” Iyak na wika sa kanya ni April. “‘Wag ka nang umiyak.” Wika ni Rey, habang pinunasan nito ang kanyang luha. “May nangyari ba sa labas?” Tanong ni April. “‘Wag mo ‘yong pansinin.” Ngiting wika niya rito. Habang tumabi siya kay April sa higaan
last updateLast Updated : 2025-01-16
Read more

Chapter 207

207 3RD POV “‘Wag niyong hahayaan na makalabas muli ang lalaking ‘yan!!” Galit na sigaw nito. Hindi naman inakala ni Rey, na marami pa pala itong tauhan. Nang pumasok din ang mga tauhan niya, ay agad niya silang pinigilan, dahil baka tamaan ang ina ni April. “Aatras ba tayo Sir?!” Sigaw ng isa niyang tauhan. “Hindi, kailangan natin siyang makuha!” Sagot niya rito, kaya agad na umikot ang ibang tauhan niya, para doon dumaan sa likod. Matapos nilang napatumba ang lahat ng tauhan nila ay agad niyang nilapitan ang ina ni April. “Sumama na kayo sa akin.” Masama siyang tiningnan ng ginang dahil sa kanyang sinabi. “Hinding-hindi ako sasama sa 'yo!” Sigaw niyo, kaya agad itong nilapitan ng tauhan niya at tinakpan ang bibig nito. Kailangan itong gawin ni Rey, upang madala niya ang ginang. Balak niya rin na Ilipat sila sa nabili niyang safe house. “Nasa'n ang asawa niya?” Tanong niya sa isa niyang tauhan. “Ang alam namin Sir, sumama siya kay Alex.” Sagot nito sa kanya, habang pasakay
last updateLast Updated : 2025-01-16
Read more

Chapter 208

2083RD POV “Magsihanda na kayo!” Wika ni Rey, habang kinasa niya ang kanyang baril. “Dalhin niyo siya sa akin, patay man o buhay.” Madiin na wika niya, habang agad na lumabas ang mga tauhan niya. Nang mag-umpisa na ang putukan ay agad na pumunta si Rey, sa likuran. Alam niya na may daanan sa likuran ng bahay ni Alex at doon ito minsan dumadaan. Sa tuwing may nakasalubong siyang kalaban ay agad niya itong binaril. “Sa likod mo!” Napalingon siya at agad na binaril ang taong nasa likuran niya. “Fvck! Bakit ka nandito?” Tanong niya sa kakambal niyang si Reymart. Hindi niya kasi pinaalam dito ang ginawa niyang paglusob sa bahay ni Alex, dahil ayaw niyang madamay ito. “Sinundan kita.” Sagot nito sa kanya, habang binaril ang taong sumalubong sa kanila. “Dapat hindi kana sumunod. Baka lalo lang mag-alala si Mommy!” “‘Wag kang mag-alala. Alam ni Mommy Aira, ang ginawa natin ngayon.” Natigilan si Rey, dahil sa sinabi ni Reymart sa kanya. “Pinaalam mo?” “Oo, at pinadalhan niya rin ako
last updateLast Updated : 2025-01-17
Read more

Chapter 209

2093RD POV Matapos mailibing ang ama ni April ay nagpasya silang dalhin ang kanyang ina sa ibang bansa kasama nila, at gusto nila na roon nalang ito tumira, dahil alam ni April na hindi titigil ang kanyang ina, hangga't hindi ito makakaganti. “Tayo na.” Wika ni Rey, sa asawa niya. Tumango ito sa kanya habang tumingin sa kanyang ina na tahimik lang na nakaupo. “Tayo na Mommy.” Wika niya rito, kaya tumayo ito. Wala itong imik na naglakad at iniwan sila. “Anak.” Sambit ni Anna. “Umuwi kayo agad ha.” Wika nito kaya tumango si Rey. “April, anak. Alagaan mo si Rey, roon ha.” Wika niya at hinalikan sa pisngi si April. “Makakaasa po kayo Ma'am.” “Ayan kana naman, mommy dapat ang itawag mo sa akin.” Wika nito at hinaplos ang buhok nito. Hindi maiwasan ni April na mahiya, dahil sa ginawa ni Anna. “Sige na Mom, mauna na kami.” Wika ni Rey at humalik sa kanyang ina. “Mag-ingat kayo ro'n, Rey.” Wikang muli ni Anna at hinalikan ang anak niya. “Dad, kayo na muna ang bahala kay Mommy.” W
last updateLast Updated : 2025-01-17
Read more

Chapter 210

My Mysterious Wife VI 210 3RD POV “Anak, nakakahiya naman sa mga magulang ni Diana, ‘yang gusto mo.” Wika ni Anna sa anak niyang si Reymart. Kagagaling lang niya sa ibang bansa, para puntahan si Rey at April at agad siyang bumalik, dahil nagmamadali na si Diana na maikasal ito kay Reymart. “Mom, wala akong pakialam sa sasabihin nila.” Napahinga ng malalim si Anna habang nakatingin sa anak niya. Ayaw niya na kulitin ito, dahil alam niya kung gaano kahirap ang maikasal sa taong hindi mo gusto. Ayaw niya lang kasi na mapahiya sa pamilya ni Diana. Lalo na at matalik itong kaibigan ng ina niyang si Helen. **** “Para sa 'yo.” Hindi na nag-abala pa si Reymart, na tingnan ang babaeng nasa harapan niya, at lalong wala rin siyang balak na tingnan ang binigay nito sa kanya. “Hindi ko kailangan ang mga ‘yan, kaya sa susunod ‘wag kanang mag-abala pa.” Balewala na wika nito. “Hindi naman ‘to abala sa akin.” Ngiting wika ni Diana, habang nag-angat ng mukha si Reymart sa kanya.
last updateLast Updated : 2025-01-18
Read more
PREV
1
...
1920212223
...
29
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status