แชร์

Chapter 207

ผู้เขียน: Darkshin0415
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-01-16 20:26:09

207

3RD POV

“‘Wag niyong hahayaan na makalabas muli ang lalaking ‘yan!!” Galit na sigaw nito.

Hindi naman inakala ni Rey, na marami pa pala itong tauhan. Nang pumasok din ang mga tauhan niya, ay agad niya silang pinigilan, dahil baka tamaan ang ina ni April.

“Aatras ba tayo Sir?!” Sigaw ng isa niyang tauhan.

“Hindi, kailangan natin siyang makuha!” Sagot niya rito, kaya agad na umikot ang ibang tauhan niya, para doon dumaan sa likod.

Matapos nilang napatumba ang lahat ng tauhan nila ay agad niyang nilapitan ang ina ni April.

“Sumama na kayo sa akin.” Masama siyang tiningnan ng ginang dahil sa kanyang sinabi.

“Hinding-hindi ako sasama sa 'yo!” Sigaw niyo, kaya agad itong nilapitan ng tauhan niya at tinakpan ang bibig nito. Kailangan itong gawin ni Rey, upang madala niya ang ginang. Balak niya rin na Ilipat sila sa nabili niyang safe house.

“Nasa'n ang asawa niya?” Tanong niya sa isa niyang tauhan.

“Ang alam namin Sir, sumama siya kay Alex.” Sagot nito sa kanya, habang pasakay
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (3)
goodnovel comment avatar
Yhan DeLa Cruz
si hanma ang nakita nya sheeett............
goodnovel comment avatar
Dina Villar
ang tagal mong mo update
goodnovel comment avatar
Anita Valde
si hanma cguro ang nakita Niya
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

  • My Mysterious Wife   Chapter 208

    2083RD POV “Magsihanda na kayo!” Wika ni Rey, habang kinasa niya ang kanyang baril. “Dalhin niyo siya sa akin, patay man o buhay.” Madiin na wika niya, habang agad na lumabas ang mga tauhan niya. Nang mag-umpisa na ang putukan ay agad na pumunta si Rey, sa likuran. Alam niya na may daanan sa likuran ng bahay ni Alex at doon ito minsan dumadaan. Sa tuwing may nakasalubong siyang kalaban ay agad niya itong binaril. “Sa likod mo!” Napalingon siya at agad na binaril ang taong nasa likuran niya. “Fvck! Bakit ka nandito?” Tanong niya sa kakambal niyang si Reymart. Hindi niya kasi pinaalam dito ang ginawa niyang paglusob sa bahay ni Alex, dahil ayaw niyang madamay ito. “Sinundan kita.” Sagot nito sa kanya, habang binaril ang taong sumalubong sa kanila. “Dapat hindi kana sumunod. Baka lalo lang mag-alala si Mommy!” “‘Wag kang mag-alala. Alam ni Mommy Aira, ang ginawa natin ngayon.” Natigilan si Rey, dahil sa sinabi ni Reymart sa kanya. “Pinaalam mo?” “Oo, at pinadalhan niya rin ako

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-01-17
  • My Mysterious Wife   Chapter 209

    2093RD POV Matapos mailibing ang ama ni April ay nagpasya silang dalhin ang kanyang ina sa ibang bansa kasama nila, at gusto nila na roon nalang ito tumira, dahil alam ni April na hindi titigil ang kanyang ina, hangga't hindi ito makakaganti. “Tayo na.” Wika ni Rey, sa asawa niya. Tumango ito sa kanya habang tumingin sa kanyang ina na tahimik lang na nakaupo. “Tayo na Mommy.” Wika niya rito, kaya tumayo ito. Wala itong imik na naglakad at iniwan sila. “Anak.” Sambit ni Anna. “Umuwi kayo agad ha.” Wika nito kaya tumango si Rey. “April, anak. Alagaan mo si Rey, roon ha.” Wika niya at hinalikan sa pisngi si April. “Makakaasa po kayo Ma'am.” “Ayan kana naman, mommy dapat ang itawag mo sa akin.” Wika nito at hinaplos ang buhok nito. Hindi maiwasan ni April na mahiya, dahil sa ginawa ni Anna. “Sige na Mom, mauna na kami.” Wika ni Rey at humalik sa kanyang ina. “Mag-ingat kayo ro'n, Rey.” Wikang muli ni Anna at hinalikan ang anak niya. “Dad, kayo na muna ang bahala kay Mommy.” W

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-01-17
  • My Mysterious Wife   Chapter 210

    My Mysterious Wife VI 210 3RD POV “Anak, nakakahiya naman sa mga magulang ni Diana, ‘yang gusto mo.” Wika ni Anna sa anak niyang si Reymart. Kagagaling lang niya sa ibang bansa, para puntahan si Rey at April at agad siyang bumalik, dahil nagmamadali na si Diana na maikasal ito kay Reymart. “Mom, wala akong pakialam sa sasabihin nila.” Napahinga ng malalim si Anna habang nakatingin sa anak niya. Ayaw niya na kulitin ito, dahil alam niya kung gaano kahirap ang maikasal sa taong hindi mo gusto. Ayaw niya lang kasi na mapahiya sa pamilya ni Diana. Lalo na at matalik itong kaibigan ng ina niyang si Helen. **** “Para sa 'yo.” Hindi na nag-abala pa si Reymart, na tingnan ang babaeng nasa harapan niya, at lalong wala rin siyang balak na tingnan ang binigay nito sa kanya. “Hindi ko kailangan ang mga ‘yan, kaya sa susunod ‘wag kanang mag-abala pa.” Balewala na wika nito. “Hindi naman ‘to abala sa akin.” Ngiting wika ni Diana, habang nag-angat ng mukha si Reymart sa kanya.

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-01-18
  • My Mysterious Wife   Chapter 211

    211WARNING MATURED CONTEXT!!!SPG3RD POV “R-Reyamrt…” Utal na sambit ni Diana habang papalapit si Reymart sa kanya. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong nito sa kanya, habang nilapitan niya ito. “Masama bang puntahan kita?” Ngising wika ni Reymart sa kanya. Habang napatingin siya sa paligid ng opisina nito. “A-anong gusto mo?” Wika nito habang napapansin ni Reymart, ang pagkataranta nito. “Ikaw ang gusto ko, kaya i-lock mo ang pinto.” Kunot-noo na wika sa kanya ni Reymart. “A-ano ba ‘yang pinagsasab-.” Natigilan siya nang makitang muling bumalik si Reymart sa pinto at ni-lock ito. “Maghubad kana.” Utos nito sa kanya, kaya napakunot ang kanyang noo. “Bingi kaba? Ang sabi ko maghubad kan-.” Napabaling ang mukha ni Reymart, matapos itong sampalin ni Diana. Napahawak naman si Reymart sa pisngi niya, habang nanlilisik ang kanyang mga mata na tumingin kay Diana. “Ano ba Reymart!” Sigaw ni Diana, habang hinalikan nito ang leeg niya. “Bitawan mo ako ano ba!!” Muli niyang sinampal si

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-01-18
  • My Mysterious Wife   Chapter 212

    2123RD POV “J-Judith…” Sambit ni Diana, kaya napatingin ito sa kanya, habang tinalikuran sila ni Reymart. “Bakit kayo magkasama?” Tanong nito habang lumabas si Diana, sa kanyang opisina. “May pinag-usapan lang kami.” Sagot nito. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya, habang naglalakad sila papunta sa elevator. “Pinuntahan ko lang ang pinsan ko, salamat pala Diana ha, dahil pinapasok mo rito si Mark.” Ngiting wika niya, habang papasok sila sa elevator. “Wala ‘yon, isa pa kulang naman talaga kami sa tao.” “Mabuti nalang talaga, nilapitan kita, oo nga pala, may phone number ka kay Reymart?” Natigilan si Diana, dahil sa tanong nito sa kanya. “H-ha? B-bakit?” Tanong niya, rito habang pinipigilan ang pama-iyak. Simula noon ay alam na niya na si Judith ang nag-iisang babae na minahal ni Reymart. Simula ng magkahiwalay sila, ay wala na itong nililigawan pang iba. “Gusto ko lang sana na magpasalamat sa kanya.” Sagot nito habang napatitig sa kanya si Diana.“Magpasalamat? S-saan?” Nap

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-01-19
  • My Mysterious Wife   Chapter 213

    2133RD POV “Hindi na naman maipinta ‘yang mukha mo Reymart.” Wika ni Anna sa anak niya, habang nasa hapag na sila ng kainan. “Pwede ba, hayaan mo nalang ‘yang anak natin. Alam mo naman ang ugali niya.” Wika ni Recca, kaya masama niya itong tiningnan. “Hindi pwede ‘yang ginagawa niya Recca. Alam mong may asawa na siya.” “Mommy, ayos lang po ako, wala naman po siyang ginawa na masama sa akin.” Napatingin si Reymart sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. Matapos silang kumain ay agad ng umalis si Reymart. Hindi rin siya nagpaalam kay Diana, at sa kanyang ina lang siya humalik. Habang naglalakad papunta sa taas upang gamitin ni Reymart, ang kanyang helicopter, ay hinawakan ni Anna ang kamay ni Diana. “Pagpasensyahan mo na ang anak ko, Hija. Ang totoo, mabait naman ‘yang si Reymart.” Wika niya habang ngumiti lang sa kanya si Diana.***“Diana!” Tawag ni Judith, sa kanya, kaya hindi niya maiwasan na magulat. “Anong ginagawa mo rito?” Taka na tanong niya, hindi niya kasi akalain na maki

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-01-19
  • My Mysterious Wife   Chapter 214

    2143RD POV “Diana.” Ngiting wika ni Judith at niyakap siya. Hilaw siyang napangiti rito habang tumingin siya kay Reymart. “Bakit kayo magkasama?” Tanong niya habang ang kanyang mga mata ay nanatili kay Reymart. “Niyaya niya ako rito.” Tuwang wika ni Judith. Habang napakuyom ang kamao niya. “Ganun ba, mabuti ka pa.” Inis na napatingin si Reymart sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. “Ako ba hindi niyo yayain?” Muling wika niya, kaya napatingin si Judith kay Reymart. Namilog naman ang mga mata ni Diana, nang Nakita na pinulupot nito ang kanyang isang kamay sa braso ng asawa niya. “Pwede bang isama natin si Diana?” Ngiting tanong nito, habang nakangiti rin sa kanya si Reymart. “‘Wag na, baka busy siya.” Sagot nito habang tumingin sa kanya. “Sa sunod ka nalang sumama Diana ha, susulitin muna namin ang araw na ito.” Bulong nito sa kanya at agad na silang nagpa-alam. Gustong-gusto ni Diana ang sumigaw dahil sa galit. Pero hindi niya ito ginawa, at hinayaan nalang ang kanyang mga luha

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-01-20
  • My Mysterious Wife   Chapter 215

    2153RD POV “Bakit hindi mo sinabi sa akin na lumipat ka rito?” Tanong nito ni Reymart, habang wala siyang pakialam dito. “Hindi mo ba ako naririnig?” Galit na wika nito habang hinawakan ang kanyang braso. “Wala ka namang pakialam kung lumipat ako ‘diba?” “May pakialam ako dahil asawa kita!” Natawa si Diana, dahil sa sinabi ni Reymart. “Asawa? Ni hindi mo nga ako itinuturing na asawa!” “Paano kita ituturing na asawa? Alam mong pinakasalan lang kita, dahil sa utang na loob!” “Kung ganun, dapat maghiwalay na tayo.” Bahagyang nagulat si Reymart, dahil sa sinabi ni Diana. “Sa tingin mo ganun lang kadali ‘yon?” Kunot-noo na tanong ni Reymart sa kanya. “Nauntog ba ‘yang ulo mo?” Tanong nito habang hindi siya sumagot kay Reymart. “Sa bagay si Rey naman talaga ang gusto mo at hindi ako ‘diba? Kaya ka siguro nagkaganyan.” “Ayaw mo pa nun, maging malaya na kayo ni Judith?” Lalong napakunot ang noo ni Reymart, dahil sa kanyang narinig. “Nagseselos kaba sa kanya?” Natatawa na tanong n

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-01-20

บทล่าสุด

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 32

    CHAPTER 32 3RD POV Mas lalo pang lumakas ang kaba na nararamdaman ni Ellie, habang nakikita si Daisy, na pumasok. “Dito lang pala kayo nagtatago Ate..” Mahina na wika nito, habang nailing. “Paano mo ‘to nagawa sa akin Ate? Akala ko pamilya tayo? Akala ko magkakampi tayo.. Pero bakit mo inagaw sa akin ang lalaking mahal ko?” Iyak na wika nito, habang nagyuko siya ng kanyang mukha. “Hindi ko siya inagaw sa ‘yo, Daisy. A-ako ang nauna.” Mahina na sagot niya rito. “Sinungaling! Kung wala ka naman na balak na agawin siya, sa akin! Bakit mo siya tinago rito?” Galit na wika nito. “Hindi ko siya tinago. Ang mga Anak ko ang nilayo ko sa inyo.”“Mga anak? Pero sinama mo siya!” “Kung nandito kalang, para sumbatan ako. Pwede bang umalis kana. Ayoko ng gulo.” Wika niya sa pinsan niya. “Daisy, ano ba ‘yang ginagawa mo?” Gulat na tanong niya, matapos itong makita na lumuhod sa kanyang harapan. “Pakiusap Ate.. Ibalik mo na siya sa akin..” Hikbing wika nito. Habang nag-uunahan sa paglandas

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 31

    CHAPTER 31 3RD POV “Sa paglipas ng ilang buwan, na nakasama ni Ellie, si Jameson, ay unti-unti niyang nakikita ang malaking pagbabago nito. Napansin din ni Ellie, na hindi na ito mukhang pera katulad noon. Pansin din niya na masipag ito.“Tikman mo nga ‘to.” Wika nito, nang makalapit siya. Ito kasi ang nagluluto, dahil naglalaba siya kanina, at kahit hindi siya gaanong napagod dahil tinulungan siya nito. Ito pa rin ang nagpresenta na magluto. “Masarap.” Ngiting wika niya rito. “May problema ba?” Kunot-noo na tanong niya. “Mas masarap ka pa rito.” Namilog ang mga mata ni Ellie, dahil sa kanyang narinig. “Sira!” Asik niya at iniwan ito. Narinig niya naman ang malakas na halakhak ni Jameson, kaya unti-unti siyang napangiti. Si Ellie, ang nag-subo kay Jun-Jun, habang si Jameson, naman ang nag-subo kay John-John. Masaya na nagkwento ang dalawa, sa mga magulang nila. Tungkol sa kanilang mga laruan. Nang matapos silang kumain, ay si Ellie, na ang nagliligpit sa pinagkainan nila. Sina

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 30

    CHAPTER 30 3RD POV “Kung nasaktan man kita, patawad at sana kalimutan mo na ‘yon.” Wika nito, habang tinalikuran siya. Napakuyom naman ang kamao niya, habang pinunasan ang kanyang mga luha. ‘Napaka-walang puso mo talaga Jameson! Pinagsisihan ko talaga ‘yong panahon na minahal kita.’ Agad siyang sumunod sa kanila at hinawakan ang kanyang mga anak. “May problema ba?” Tanong nito, habang nilapitan siya. Napahinto naman siya, sa paglalakad niya. “Hindi kaya nila tayo masusundan dito? A-at baka pinaghahanap kana nila? Lalo na at kilala ka ni Mommy.” Wika niya habang naglalakad muli. “Pwede bang tumigil kana, sa kalalakad mo.” Wika nito, kaya napatingin siya rito. “Masyado ka namang kabado.” Muling wika nito. “Anong masyadong kabado? Hindi mo talaga kilala ang pamilya ko!” Galit na sigaw niya rito. “Tama na ‘yang kaiisip mo sa kanila at magbihis kana.” Wika nito, kaya napatingin siya rito. “Bibili lang ako ng dami-.”“Hindi pwede. ‘Wag mong gamitin ang mga cash card mo, dahil mat

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 29

    CHAPTER 293RD POV “Bakit mo ginawa ‘yon?” Galit na wika ng kanyang ama, habang pinigilan ito ng kanyang ina. “Bakit mo natiis na malayo sa mga anak mo Ellie?! Hindi kaba naawa sa mga bata? Pinag-kait mo sila sa amin?!” Sigaw nitong muli, habang umiiyak siya. “Anong nangyari rito Mommy? Daddy?” Tanong ni Elijah, matapos itong makalapit sa kanila. Nasa likuran naman nito si Charles at Eloise. “Bakit niyo pinagalitan si Ate?” Tanong ni Charles. “Lumayas ka Ellie.” Madiin na wika ni Evo, na kinasinghap ng mga kapatid ni Ellie. “Evo! ‘Wag mo naman ‘yang gagawin sa Anak natin!” Galit na sigaw sa kanya ni Catherine. “At ano ang gusto mong gawin ko? Ang matuwa? Dahil sa ginawa niyang panloloko sa atin? Ganun ba ang gusto mo Kai?” Iyak na wika ni Evo, kaya napalapit dito ang anak niyang si Eloise. “Ano po ba ang problema?” Iyak na tanong ni Eloise, habang niyakap nito ang kanyang ama. “Hindi mo lang alam, kung gaano sila kasabik sa isang ama, Catherine.” Hikbing wika nito. “Kaya pal

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 28

    CHAPTER 28 3RD POV “Anak, saan ba tayo pupunta?” Tanong sa kanyang ina, habang nakatuon lang ang atensyon niya sa daan. Buo na ang desisyon ni Ellie, na sabihin dito ang totoo. Ang totoo tungkol sa kanyang mga anak, dahil nababalot pa rin siya ng takot. Takot na baka ilayo ni Jameson, ang mga bata sa kanya.Nang makarating sila sa mansion na dinalhan ni Jameson, sa mga bata ay dali-dali siyang bumaba ng kotse at pumasok sa loob. “Anak, kaninong bahay ‘to?” Tanong ng kanyang ina, habang nakasunod ito sa kanya. “Tita Ellie!!” Masayang sigaw ng dalawa, habang lumapit sa kanya. “Ellie, bakit sila nandito? Hindi ba sinabi ko sa ‘yo, na ayaw ko na mag-ampon ka?”“Mga Anak ko sila Mommy..” Mahina na wika niya, na kina-gulat ng kanyang ina. “A-ano? Anong sinabi mo?” Utal na wika nito sa kanya. “A-ako ang tunay nilang ina Mom..” Hikbing wika niya, habang nailing ang kanyang ina. “A-Anak..” Sambit nito, habang umiiyak.“Patawarin niyo ako Mommy, h-hindi ko sinasadya na mabuntis.. Hindi

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 27

    CHAPTER 27 3RD POV Habang lolan ng eroplano ay pinili ni Ellie, na manahimik, dahil takot siyang magsalita. Ayaw niya rin na marinig ang sasabihin sa kanya ni Jameson, lalo na at alam na nito ang katotohanan. “Tita, bakit wala si Mama?” Mahina na tanong sa kanya ni Jun-Jun.” “May pinuntahan lang siya.” Sagot niya habang ngumiti sa kanyang anak. Napatingin siya kay Jameson, nang makita na nakatingin ito sa kanila. “Tita, bakit sumakay tayo ng ganito?” Tanong naman ni John-John.“Pupunta ulit tayo sa malaking bahay mo, Tita?” Tanong nitong muli. “Hindi, ibang bahay ang pupuntahan natin, bahay ko at ‘yon na ang magiging bahay niyo.” Wika nito na kinagulat niya. “A-anong bahay? B-bakit do’n mo sila patirahin? Hindi pwede!” Galit na wika niya rito. “At saan sila titira? Sa bahay niyo? Baka nakalimutan mo na tinago mo sila sa mga magulang mo Ellie, at gusto ko lang ipaalala sa ‘yo, na hindi nila tanggap ang mga Anak ko.” Madiin nitong wika. “Alam ko na hindi mo sila kayang panindig

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 26

    CHAPTER 26 3RD POV “Wala kang maisagot? Akala mo ba hindi ko alam ang totoo? Ang sama niyo! Niloko niyo akong magpinsan!” Taka siyang napatingin dito, dahil sa kanyang narinig. “Niloko? Anong niloko?” Tanong niya, habang mahigpit na hinawakan ni Jameson, ang braso niya. “Niloko niyo akong dalawa ni Daisy, kaya pagbabayaran niyo ang ginawa niyo.” Madiin na wika nito. Nang mapatingin ito sa pinto, ay dali-dali na pinunasan ni Ellie, ang kanyang mga luha at tiningnan ang mga anak niya. “Away kayo Tita?” Mahina na tanong sa kanya ni Jun-Jun. Umiling naman siya rito at pilit na ngumiti. Nang makita ni Ellie, na lumabas si Jameson, ay dali-dali niyang tinanggal ang mga nakakabit sa kamay ni Jun-Jun. “Ma’am Ellie, ano po ang ginagawa niyo?” Taka na tanong sa kanya ni Arlene. “’Wag kang maingay Manang, tulungan mo nalang ako.” Wika niya habang binuhat si Jun-Jun. Dali-dali naman na binuhat ni Arlene, si John-John, habang nasa pinto si Ellie, at sumilip. “Tara, bilisan mo.” Wika niya,

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 25

    CHAPTER 253RD POV Gulong-gulo ang isip ni Ellie, habang nakatingin kay Jameson, na kinukuhanan ng dugo. Hindi niya rin alam kung paano niya kausapin si Jameson, nababalot siya ng takot... Takot na baka alam na nito ang totoo. ‘Paano niya ako nasundan? At b-bakit niya ako sinusundan?’ “Ma’am Ellie.” Napalingon siya kay Arlene, at napatingin sa dala nito. “Ano ‘yan Manang?” Tanong niya rito. “Ipapakain ko po kay Sir, Ma’am Ellie.” Sagot nito sa kanya. “Kailangan niya po, ito. Lalo na at kinuhaan siya ng dugo.” Muling wika nito sa kanya. Hindi siya sumagot dito, at iniwan si Arlene. Pinuntahan niya muna ang isang anak niya, na nasa loob ng kanyang kotse. Pinakuha niya ito sa kanyang bodyguard, dahil ayaw niya na maiwan ito sa bahay. “Tita.” Wika nito, habang kita niya sa mukha ni John-John, ang lungkot. “Si Jun-Jun..” Hikbing wika nito, kaya niyakap niya ito habang naglandas ang kanyang mga luha. “’Wag kang mag-alala. Magiging maayos na siya.” Wika niya habang mahigpit na niya

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 24

    CHAPTER 24 3RD POV Nang mapansin niya, na nakatitig lang ito sa kanya, ay basta niya nalang itong tinalikuran at sumakay siya sa kanyang kotse. “Sa opisina tayo.” Wika niya sa kanyang driver, kaya mabilis na binuhay nito ang makina. Hindi niya naman maiwasan na mapatingin kay Jameson, dahil nakatanaw pa rin ito sa kotse niya. Nang makarating siya sa kanyang opisina, ay agad siyang humiga sa sofa. Wala siyang balak na umuwi, dahil ayaw niyang marinig ang sermon ng kanyang ama, pagdating nito. Alam niya na magagalit ito, dahil sa bigla niyang pagkawala sa party. Wala kasi siya sa mood, at wala rin siyang gana, na makipag-salamuha sa mga tao na nandun. Lalo rin siyang nabadtrip sa lalaking pinakilala sa kanya ni Dahlia. Gusto niya sana na tawagan si Arlene, para kausapin ang mga bata, pero pinigilan niya ang kanyang sarili, dahil malalim na ang gabi. Baka maisturbo rin niya ang tulog nila. Bigla na naman siyang nakaramdam ng lungkot, dahil na-alala niya ang kanyang mga anak. Pakira

สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status