2153RD POV “Bakit hindi mo sinabi sa akin na lumipat ka rito?” Tanong nito ni Reymart, habang wala siyang pakialam dito. “Hindi mo ba ako naririnig?” Galit na wika nito habang hinawakan ang kanyang braso. “Wala ka namang pakialam kung lumipat ako ‘diba?” “May pakialam ako dahil asawa kita!” Natawa si Diana, dahil sa sinabi ni Reymart. “Asawa? Ni hindi mo nga ako itinuturing na asawa!” “Paano kita ituturing na asawa? Alam mong pinakasalan lang kita, dahil sa utang na loob!” “Kung ganun, dapat maghiwalay na tayo.” Bahagyang nagulat si Reymart, dahil sa sinabi ni Diana. “Sa tingin mo ganun lang kadali ‘yon?” Kunot-noo na tanong ni Reymart sa kanya. “Nauntog ba ‘yang ulo mo?” Tanong nito habang hindi siya sumagot kay Reymart. “Sa bagay si Rey naman talaga ang gusto mo at hindi ako ‘diba? Kaya ka siguro nagkaganyan.” “Ayaw mo pa nun, maging malaya na kayo ni Judith?” Lalong napakunot ang noo ni Reymart, dahil sa kanyang narinig. “Nagseselos kaba sa kanya?” Natatawa na tanong n
216WARNING MATURED CONTEXT!!!SPG3RD POV “Ibaba mo siya.” Wika ni Reymart, habang nakatingin sa lalaki. Buhat nito si Diana, at papasok na sana ito sa isang VIP room. “Bakit ko naman gagawin ‘yon?” Galit na tanong nito sa kanya. “Sundin mo nalang ang sinabi ko kung ayaw mong masaktan.” Madiin na wika ni Reymart. Napangiti ang lalaki sa kanya, habang insulto siyang tiningnan. “Maghanap ka ng sarili mong babae. Hindi mo ba alam, na pinaghirapan kung kunin ang babaeng ‘to?” Napakuyom si Reymart, sa kamao niya dahil sa sinabi nito. Nilingon naman ni Reymart, ang kanyang mga tauhan at suminyas ito. “Teka lang! Sino ba kayo?” Gulat na tumingin ang lalaki sa mga tauhan ni Reymart, dahil pinalibutan siya nito. “Ibaba mo na siya, kung ayaw mong masaktan.” Muling wika ni Reymart, kaya agad na binaba ng lalaki si Diana, at mabilis itong tumakbo. “Dalhin mo siya sa loob.” Utos niya sa isang tauhan niya. Matapos mailagay ng tauhan niya si Diana sa loob ng VIP room, ay lumabas na ito.
2173RD POV “Gising kana pala?” Wika ni Reymart, habang hindi tumingin si Diana sa kanya. “Nandamay ka pa talaga ng tao, para sa kalokohan mo?” Napatingin siya kay Reymart, dahil sa sinabi nito. “Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” Inis na tanong niya rito. “Anong napala mo sa pag-inom?” Muling tanong nito, habang hindi sinagot ang tanong niya kanina. “Wala kang pakialam.” Sagot niya, habang kumuha ng tubig at uminom. Matapos niyang uminom ay muli na siyang tinalikuran ni Diana. “Sa'n ka pupunta?” Inis na tanong ni Reymart. Nilingon siya ni Diana, at napahinga ng malalim.“Ito naman ang gusto mo ‘diba? Ang hindi ako makita.” Sagot niya at tinalikuran siya. Inis na napatingin sa kanya, si Reymart, dahil sa ginawa nitong pagtalikod sa kanya. Isa pang kinaiinisan niya rito ay hindi man lang nito naalala ang nangyari kagabi. “Ihanda mo ang sasakyan.” Utos niya sa kanyang tauhan. Habang tumayo, dahil kailangan pa niyang puntahan ang bar, bago siya pumunta sa kanyang opisina. Isa pa nan
218 3RD POV “Kanina pa kita hinihintay.” Ngiting wika ni Diana. Habang naka-kunot ang noo ni Reymart. “Pasensya kana. Medyo traffic kasi.” Sagot nito sa kanya. “Sino pala siya Diana? Bakit hindi mo siya ipapakilala sa amin?” Wika ni Judith, kaya nilingon siya ni Diana. “Si Rodel, Rodel si Judith, best friend ko at si R-Reyamrt. Boyfriend niya.” Wika ni Diana, habang hindi tumingin kay Reymart. “Hoy! Ano ka ba naman Diana, hindi pa kami ni Reymart.” Ngiting wika ni Judith. Nagulat naman si Diana, dahil sa sinabi niya. Medyo naguguluhan kasi ito kay Judith, dahil ang sinabi nito sa kanya, ay nagkabalikan na sila ni Reymart. “Kumusta Mr. Johnson.” Wika ni Rodel, habang nilahad ang kamay nito kay Reymart. Kinuha naman niya ito. “Maupo na muna tayo.” Ngiting wika ni Judith. Habang nasa upuan ay hindi napigilan ni Reymart ang mainis dahil panay ang bulungan ni Judith at Rodel sa harapan niya. Hindi niya rin maintindihan ang sarili niya, kung bakit bigla nalang siyang nakaramdam ng
2193RD POV “Ano ‘to?” Kunot-noo na tanong ni Reymart sa secretary niya. “Need niyo pong pirmahan ‘yan Sir.” Sagot nito sa kanya, kaya kinuha niya ito at tiningnan. Napakunot lalo ang kanyang noo, dahil sa nakita niya. “Divorce paper? Ni wala pa nga kaming isang buwan, tapos…” “Madali lang po ‘yan kay Ma'am Diana, Sir Reymart. Alam niyo pong isa rin ang pamilya nila, sa mayayaman sa buong mundo.” Wika nito, kaya masama niya itong tiningnan. “Alam ko ‘yon, kaya lumabas kana.” Inis na wika niya rito. Nang makalabas ang secretary niya, ay pinunit niya ang divorce paper na nasa kanyang mga kamay.“Hinding-hindi ka makakawala sa akin Diana!” Inis na wika niya habang binato ang papel na kanyang pinunit. ***“Nasa'n si Diana?” Tanong niya sa mga katulong nila. “Umalis po Sir.” “Umalis? Saan pumunta?” Tanong niya rito. “Ang sabi po ni Ma'am, hindi na raw po siya babalik dito.” Napakunot ang noo niya, at naalala ang sinabi ng katulong sa kanya, noong binigay nito ang susi. Ang akala
2203RD POV Sa paglipas ng ilang taon ay hindi maiwasan ni Judith na mainis kay Reymart, dahil nakatuon lamang ang atensyon nito sa anak niya. Pakiramdam niya, ay parang naba-balewala na rin siya rito.“Hi!” Bati niya kay Reymart. Matapos siyang makapasok sa opisina nito. Rito na rin siya nagtatrabaho bilang Isa sa mga head ng HR. Nang mag-angat ng kanyang mukha si Reymart, ay agad itong ngumiti sa kanya. “May dala akong pagkain, kumain ka muna.” Wika nito at habang kinuha ang mga pagkain na dala niya. “Halika na. Kumain na tayo.” Yaya sa kanya ni Judith. Tumayo naman si Reymart at lumapit sa kanya. “Nasa’n pala si Rafael?” Tanong nito, habang umupo sa tabi niya. “Sumama kay Mommy, may pupuntahan daw sila.” Sagot ni Reymart sa kanya habang nag-umpisa na itong kumain. “Ganun ba, alam mo Reymart, siguro panahon na para bigyan mo ng buong pamilya ang si Rafael.” Wika niya kaya natigilan si Reymart. “Lumalaki na kasi siya, kaya kailangan niya rin ng kalinga ng isang ina.” “‘Wag ka
2213RD POV “Kumain ka.” Wika niya, pero umiling lang ito, at muli na naman na umiyak. “Sh!t! Ano ba kasi ang gusto mo?” Tanong niya, habang hindi pa rin ito tumigil. Kinuha niya ang phone niya, dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin. Hindi na kasi ito tumigil sa kakaiyak simula kanina. “Nasa bahay ba kayo?” Tanong niya kay Rey, matapos nitong sagutin ang kanyang tawag. “Oo, bakit?” “Pwede bang puntahan niyo muna si Rafael, kanina pa kasi umiyak.” Nag-alala na wika niya. “Sige, hintayin mo nalang kami.” Wika ni Reymart, at agad na binaba ang kanyang phone. Binuhat niya ulit si Rafael, habang patuloy pa rin ito na umiyak. Namamaga na rin ang mga mata, nito dahil hindi pa rin ito tumigil. “Ano ba kasi ang gusto mo? Bakit hindi ka sumasagot?” Tanong niya, dahil naninibago talaga siya sa kanyang anak. Lalo na at marunong naman itong magsalita. “Ano bang nangyari?” Nag-alala na tanong ni April. Pero lalo pang umiyak si Rafael, kaya lalo pang nagtataka si Reymart.Napakunot nam
2223RD POV “Nasa'n si Reymart?” Tanong niya sa secretary nito. “Umalis po siya kanina Ma'am Judith. Kasama niya po si Sir Rafael.” Kumunot ang kanyang noo, habang nakatingin ito sa secretary niya. “Anong umalis? Bakit hindi man lang niya, sinabi sa akin?” “Hindi ko po alam Ma'am, ang narinig ko lang po, ay inutusan siya ni Madam Helen.” ‘Ang lola nila? Kainis!! Bakit hindi man lang ako sinabihan ni Reymart. Kailangan ko siyang mahanap. Kailangan na mapansin ako ng lola niya, para ito na mismo ang magsasabi kay Reymart. Mabilis na umalis si Judith, at tinawagan si Albert, kailangan niyang malaman, kung saan pumunta si Reymart. “Hanapin mo si Reymart.” Wika niya matapos nitong sagutin ang tawag niya.“Naglalaro ako.” Lalong nainis si Judith, dahil sa sinabi nito. “Uunahin mo pa ba ‘yan? Bilisan mo na. Hanapin mo siya!” “Ikaw na kasi ang maghanap do’n.” “Albert! Makinig ka nga! Kung mahanap ko siya ngayon, malaki na ang posibilidad na maikasal kami. ‘Diba ‘yon ang gusto mo?” Wi
CHAPTER 20 3RD POV “Anong ginagawa mo rito?” Galit na wika niya. “Bawiin mo ‘yong sinabi mo!” Malakas na sigaw nito, kaya lumapit sa kanila si Marie. “Sandali! Bakit mo sinisigawan si Ate? Guard!!” Malakas na sigaw nito, kaya napatingin ang binata sa kanya. “Fvck!” Mura nito, nang bigla nalang matamaan ang kanyang itl*g. Gulat naman na napatingin si Ellie, sa dalawang anak niya, na pinag-susuntok ang hita ni Jameson. “Bakit mo away Tita? Daddy?” Lalong namilog ang kanyang mga mata, dahil sa kanyang narinig. Habang gulat na napatingin si Jameson, sa isang bata. “Bad ka!! Away mo Tita namin!!” Galit na sigaw ni Jun-Jun, habang patuloy siyang sinuntok. “A-Ate..” Utal na wika ni Marie, habang nakatingin sa dalawang bata. “Lumabas kana, ako na ang bahala rito. ‘Wag ka rin mag-alala. Walang mangyayari na masama sa akin, ‘wag kana rin tumawag ng mga bodyguard, dahil may dalawa na akong bodyguard.” Wika niya, habang pilit na ngumiti rito. Ang totoo ay gusto niya lang na umalis ang pi
CHAPTER 193RD POV “Mom, a-anong nakita? Ngayon pa nga lang namin sila dinala ni Daddy.” Kabado at utal na wika niya sa kanyang ina. “Basta, parang nakikita ko na sila. Hindi ko lang maalala kung saan.” Wika ng kanyang ina. Habang tinitigan si John-John.“Nagkakamali ka lang Mom, dahil ngayon mo lang sila nakita.” Pilit siyang ngumiti, habang kinakausap ang kanyang ina. “Basta Mommy, Daddy. Ayoko na ampunin niyo ang mga batang ‘yan. Kung gagawin niyo ‘yon, aalis ako rito!” Galit na wika ni Eloise, at tinalikuran sila. Hindi naman mapigilan ni Ellie, na makaramdam ng galit sa kapatid niya, dahil sa inasal nito. “Ibalik niyo na sila Evo, Ellie. Hindi pwede na ampunin niyo sila, dahil magagalit si Eloise.” Wika ng kanyang ina, kaya napatingin siya sa kanyang ama. “Wala tayong magagawa Ellie, kapatid mo ang ayaw.” Wika nito sa kanya.Pinipigilan ni Ellie, ang kanyang mga luha, habang binaba ng kanyang ama si John-John, at sumunod ito sa kanyang ina. Gusto niyang isigaw sa kanila, na
CHAPTER 183RD POV “Dad?” Kunot-noo na wika ni Evo. “Kasi pangalan mo dad, sabi ni Tita.” Ngiting wika nito. “Ikaw talaga, kung anu-anong kalokohan ang alam mo, sige na susunod na kami.” Ngiting wika ni Ellie, at agad na pina-alis ang anak niya. Takot kasi siya na maalala ng kanyang amang si Evo, ang mukha ni Jameson. “Kawawa naman ang mga bata. Alam kung kailangan nila ng isang ama.” Wika ng kanyang amang si Evo, kaya napatingin siya rito, at pinigilan na mapa-iyak. “Hindi nila kailangan ‘yon, Dad.” Sagot niya rito. “Marami namang nagmamahal sa kanila, kaya hindi na nila ‘yon, kailangan.” Wika ni Ellie. Habang nakatingin sa kanyang anak. “Kung magsalita ka, parang ikaw ‘yong nanay.” Iling na wika ng kanyang ama. Habang gulat siyang napatingin dito. “Kumain na tayo, dahil isasama kita pabalik.” Wika ng kanyang ama, at tinalikuran siya. “Dad! Hindi po pwede akong sumama sa inyo, kailangan po nila ako rito.” Wika niya, habang sinundan ang kanyang ama. “Uuwi lang ako, kapag kas
CHAPTER 17 3RD POV “At sino ka naman? Bakit mo ako kilala?” Taas kilay na tanong nito. Doon lang napagtanto ni Ellie, na hindi siya kilala ni Camille. “Mali pala ako, akala ko ikaw ‘yong kaibigan ko. Hindi pala.” Pagsisinungaling niya rito. Tinawag naman ni Ellie, ang staff ng store na pinasukan nila, kaya agad itong lumapit. “Tawagan mo ang may-ari at sabihin mo bibilhin ko itong tindahan niyo.” Wika niya na kina-gulat ng staff. “Mukhang nagpapatawa ka?” Insulto na wika ni Camille, sa kanya. “Nagpapatawa? Bakit ako magpapatawa? Bakit ikaw, magkano kaba?” Taas kilay na wika niya rito. “Ano pong nangyari rito?” Tanong ng isang lalaki, at sa tingin ni Ellie, ay ito ang kanilang manager. “Tawagan moa ng boss mo. Sabihin mo na bibilhin koi tong tindahan niya.” Wika niya rito, habang napatitig ito sa kanya. “’Wag kayong mag-alala. Kapag nabili koi to, mananatili kayo sa trabaho niyo.” Muling wika niya, na kina-tuwa ng manager. “Sige po Ma’am, tatawagan ko po.” Sagot nito.“Palaba
CHAPTER 163RD POV Habang nasa tapat ng bahay niya, ay hindi mapigilan ni Ellie, na makaramdam ng kaba. Hindi niya alam, kung ano ang sasabihin niya sa mga anak niya. hindi rin niya alam. “Ma’am Ellie..” Ngiting wika ni Arlene, habang lumapit ito sa kanya. “Mabuti po at naka-uwi na kayo rito.” Masayang wika nito sa kanya. “N-nasa’n sila?” Tanong niya rito. “Nasa loob po Ma’am Ellie.” Sagot nito, habang kinuha ang ibang dala niya. “Mga Anak, lumapit kayo sa akin.” Napalingon siya kay Arlene, dahil sa sinabi nito. “Mama, sino po siya?” Napatingin siya sa isang bata, na nagtago sa likod nito. “A-ang mukha niya..” Utal na wika niya, habang nakatitig rito. “Nasa’n ba si John-John?” Tanong nito sa pinsan niya. “Kasama ni Angel, sa taas.” Sagot nito. “Tawagin mo nga, sabihin mo na nandito ang tita Ellie, nila.” Muli siyang napatingin kay Arlene, dahil sa sinabi nito. Hindi niya, maiwasan na masaktan, dahil sa kanyang narinig. “Jun-Jun, lapitan mo na ang tita Ellie mo, akala ko ba
CHAPTER 153RD POV Lumipas ang tatlong taon, na hindi pa rin naka-dalaw si Ellie, sa mga anak niya, kahit mga picture nila ay wala siya, dahil sa takot niya na mahuli ng mga magulang niya. Lalo na at pakiramdam ni Ellie, ay todo bantay sa kanya ang kanyang amang si Evo. Pero patuloy pa rin siya na nagpapadala sa kanila ng pera. “Ellie.” Nag-angat siya ng kanyang mukha at napatingin sa kanyang ama. “Bakit po Daddy?” Tanong niya, habang papalapit ito sa kanya. “Sino itong Arlene Bautista?” Bigla siyang nakaramdam ng kaba, dahil sa tanong ng kanyang ama. “B-bakit po Dad?” Utal na sagot niya rito.“Anong meron sa babaeng ‘to? Bakit palagi kang naglalagay ng pera sa bank account niya?” Mas lumakas pa ang kaba na kanyang nararamdaman, dahil sa tanong nito. “Siya po ‘yong dati kung katulong Dad, na-alala niyo po ba? May nabili po kasi akong bahay, at siya ang pinagkakatiwalaan ko roon.” Sagot niya, habang pilit na tinatago ang kaba, na kanyang nararamdaman. “Bahay? Bakit ngayon mo lan
CHAPTER 14 3RD POV “Manang!!” Malakas na sigaw ni Ellie, habang napahawak siya sa kanyang t’yan. Kanina pa niya naramdaman ang pagsakit ng t’yan niya, pero binalewala lang niya ito. Ngayon ay mas lalo pa itong sumakit, kaya tinawag niya si Arlene. “Ma’am Ellie, bakit po?” Tanong nito, matapos itong makapalapit sa kanya. “Sobrang sakit na po ng t’yan ko Manang..” Iyak na wika niya, kaya natataranta na tinawag ni Arlene, ang kanilang driver. “Cesar! Halika rito! Bilisan mo! Mukhang manganganak na si Ma’am Ellie!” Malakas na sigaw ni Arlene, kaya dali-dali na pumasok ang driver nila. “Tawagin mo ‘yong guard. Magpa-tulong ka sa kanya na buhatin si Ma’am Ellie. Kailangan na dalhin na natin siya sa hospital.” Wika niya rito, habang inalalayan si Ellie, na maglakad. “Manang, hindi ko maihakbang ang mga paa ko, sobrang sakit na ng t’yan ko.” Iyak na wika ni Ellie, habang mahigpit na hinawakan ang braso ni Arlene. “T-tiisin mo muna ang sakit Ma’am Ellie, papunta na po tayo sa hospital.
CHAPTER 13 3RD POV “At bakit hindi? Nakita mo ang ginawang pambabastos ng taong ‘yan sa akin kanina. Isa pa, ano bang pakialam mo? Kung tatanggalin ko siya?” Galit na wika ni Ellie, kay Jameson. “Ellie.” Saway ng kanyang ama. “Tama na ‘yan Ellie.” Wika ni Clyde, habang hinawakan siya, at pinapasok sa loob. “Masyado ka namang high blood. Alam mo ba ang dahilan, kung bakit ka hindi pina-papasok?” Wika ng kakambal niyang si Elijah. “Kung tungkol na naman ito sa damit ko, wala akong pakialam. Isa pa, hindi ba nila alam kung magkano ‘to?” Inis na wika ni Ellie, habang umupo. Pasimple niya na tiningnan si Jameson, sa labas. Habang kausap pa rin nito ang kanyang mga magulang. MATAPOS silang kumain, ay hinatid na siya ng driver nila. Gusto sana ng kanyang ina na sa bahay na siya, matulog pero hindi pumayag si Ellie. Lahat ng dahilan ay ginawa niya, para lang hindi siya maka-uwi sa kanila. NANG makapasok siya, sa kanyang silid, ay hindi niya napigilan na mapa-iyak. Lalo na nang maalala
CHAPTER 12 3RD POV Tumango si Ellie, habang nag-unahan sa paglandas ang kanyang mga luha. “Hindi ko rin alam kung paano ko ito sasabihin sa pamilya ko, Manang. A-alam ko na magagalit sila sa akin, at baka itakwil nila ako, sa oras na malaman nila ang totoo.” Hikbing wika niya rito.“Ano po ang balak ninyo Ma’am Ellie?” Tanong nito sa kanya. “I-itago ko nalang sa kanila ang anak ko, kailangan na hindi nila ako mahuli Manang.” Sagot niya rito. “Kung gusto mo, pwede ka manatili sa amin, hangga’t sa manganak ka.” Nag-angat siya ng kanyang mukha at tumingin dito. “Malayo ba sa inyo Manang?” Tanong niya habang tumango ito. “Mas mabuti po na ‘wag na muna ninyo ‘yang isipin. Maari kasi na maka-apekto sa anak niyo, ang pag-iyak ninyo Ma’am Ellie.” Wika nito, kaya agad niyang pinunasan ang kanyang mga luha.SA paglipas ng ilang buwan, ay unti-unti na lumaki ang kanyang t’yan. Panay rin ang ginawa niyang pag-iwas sa pamilya niya. “Manang, sino po ang nasa labas kanin-.” Natigilan si Elli