Share

Chapter 218

Author: Darkshin0415
last update Last Updated: 2025-01-22 20:14:24

218

3RD POV

“Kanina pa kita hinihintay.” Ngiting wika ni Diana. Habang naka-kunot ang noo ni Reymart.

“Pasensya kana. Medyo traffic kasi.” Sagot nito sa kanya.

“Sino pala siya Diana? Bakit hindi mo siya ipapakilala sa amin?” Wika ni Judith, kaya nilingon siya ni Diana.

“Si Rodel, Rodel si Judith, best friend ko at si R-Reyamrt. Boyfriend niya.” Wika ni Diana, habang hindi tumingin kay Reymart.

“Hoy! Ano ka ba naman Diana, hindi pa kami ni Reymart.” Ngiting wika ni Judith. Nagulat naman si Diana, dahil sa sinabi niya. Medyo naguguluhan kasi ito kay Judith, dahil ang sinabi nito sa kanya, ay nagkabalikan na sila ni Reymart.

“Kumusta Mr. Johnson.” Wika ni Rodel, habang nilahad ang kamay nito kay Reymart. Kinuha naman niya ito.

“Maupo na muna tayo.” Ngiting wika ni Judith.

Habang nasa upuan ay hindi napigilan ni Reymart ang mainis dahil panay ang bulungan ni Judith at Rodel sa harapan niya. Hindi niya rin maintindihan ang sarili niya, kung bakit bigla nalang siyang nakaramdam ng
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • My Mysterious Wife   Chapter 219

    2193RD POV “Ano ‘to?” Kunot-noo na tanong ni Reymart sa secretary niya. “Need niyo pong pirmahan ‘yan Sir.” Sagot nito sa kanya, kaya kinuha niya ito at tiningnan. Napakunot lalo ang kanyang noo, dahil sa nakita niya. “Divorce paper? Ni wala pa nga kaming isang buwan, tapos…” “Madali lang po ‘yan kay Ma'am Diana, Sir Reymart. Alam niyo pong isa rin ang pamilya nila, sa mayayaman sa buong mundo.” Wika nito, kaya masama niya itong tiningnan. “Alam ko ‘yon, kaya lumabas kana.” Inis na wika niya rito. Nang makalabas ang secretary niya, ay pinunit niya ang divorce paper na nasa kanyang mga kamay.“Hinding-hindi ka makakawala sa akin Diana!” Inis na wika niya habang binato ang papel na kanyang pinunit. ***“Nasa'n si Diana?” Tanong niya sa mga katulong nila. “Umalis po Sir.” “Umalis? Saan pumunta?” Tanong niya rito. “Ang sabi po ni Ma'am, hindi na raw po siya babalik dito.” Napakunot ang noo niya, at naalala ang sinabi ng katulong sa kanya, noong binigay nito ang susi. Ang akala

    Last Updated : 2025-01-22
  • My Mysterious Wife   Chapter 220

    2203RD POV Sa paglipas ng ilang taon ay hindi maiwasan ni Judith na mainis kay Reymart, dahil nakatuon lamang ang atensyon nito sa anak niya. Pakiramdam niya, ay parang naba-balewala na rin siya rito.“Hi!” Bati niya kay Reymart. Matapos siyang makapasok sa opisina nito. Rito na rin siya nagtatrabaho bilang Isa sa mga head ng HR. Nang mag-angat ng kanyang mukha si Reymart, ay agad itong ngumiti sa kanya. “May dala akong pagkain, kumain ka muna.” Wika nito at habang kinuha ang mga pagkain na dala niya. “Halika na. Kumain na tayo.” Yaya sa kanya ni Judith. Tumayo naman si Reymart at lumapit sa kanya. “Nasa’n pala si Rafael?” Tanong nito, habang umupo sa tabi niya. “Sumama kay Mommy, may pupuntahan daw sila.” Sagot ni Reymart sa kanya habang nag-umpisa na itong kumain. “Ganun ba, alam mo Reymart, siguro panahon na para bigyan mo ng buong pamilya ang si Rafael.” Wika niya kaya natigilan si Reymart. “Lumalaki na kasi siya, kaya kailangan niya rin ng kalinga ng isang ina.” “‘Wag ka

    Last Updated : 2025-01-23
  • My Mysterious Wife   Chapter 221

    2213RD POV “Kumain ka.” Wika niya, pero umiling lang ito, at muli na naman na umiyak. “Sh!t! Ano ba kasi ang gusto mo?” Tanong niya, habang hindi pa rin ito tumigil. Kinuha niya ang phone niya, dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin. Hindi na kasi ito tumigil sa kakaiyak simula kanina. “Nasa bahay ba kayo?” Tanong niya kay Rey, matapos nitong sagutin ang kanyang tawag. “Oo, bakit?” “Pwede bang puntahan niyo muna si Rafael, kanina pa kasi umiyak.” Nag-alala na wika niya. “Sige, hintayin mo nalang kami.” Wika ni Reymart, at agad na binaba ang kanyang phone. Binuhat niya ulit si Rafael, habang patuloy pa rin ito na umiyak. Namamaga na rin ang mga mata, nito dahil hindi pa rin ito tumigil. “Ano ba kasi ang gusto mo? Bakit hindi ka sumasagot?” Tanong niya, dahil naninibago talaga siya sa kanyang anak. Lalo na at marunong naman itong magsalita. “Ano bang nangyari?” Nag-alala na tanong ni April. Pero lalo pang umiyak si Rafael, kaya lalo pang nagtataka si Reymart.Napakunot nam

    Last Updated : 2025-01-23
  • My Mysterious Wife   Chapter 222

    2223RD POV “Nasa'n si Reymart?” Tanong niya sa secretary nito. “Umalis po siya kanina Ma'am Judith. Kasama niya po si Sir Rafael.” Kumunot ang kanyang noo, habang nakatingin ito sa secretary niya. “Anong umalis? Bakit hindi man lang niya, sinabi sa akin?” “Hindi ko po alam Ma'am, ang narinig ko lang po, ay inutusan siya ni Madam Helen.” ‘Ang lola nila? Kainis!! Bakit hindi man lang ako sinabihan ni Reymart. Kailangan ko siyang mahanap. Kailangan na mapansin ako ng lola niya, para ito na mismo ang magsasabi kay Reymart. Mabilis na umalis si Judith, at tinawagan si Albert, kailangan niyang malaman, kung saan pumunta si Reymart. “Hanapin mo si Reymart.” Wika niya matapos nitong sagutin ang tawag niya.“Naglalaro ako.” Lalong nainis si Judith, dahil sa sinabi nito. “Uunahin mo pa ba ‘yan? Bilisan mo na. Hanapin mo siya!” “Ikaw na kasi ang maghanap do’n.” “Albert! Makinig ka nga! Kung mahanap ko siya ngayon, malaki na ang posibilidad na maikasal kami. ‘Diba ‘yon ang gusto mo?” Wi

    Last Updated : 2025-01-24
  • My Mysterious Wife   Chapter 223

    2233RD POV “Bakit mo ako nilalayo sa anak ko?” Galit na tanong ni Diana sa kanya, dahil pilit niyang kinuha si Rafael dito. “Mommy..” Iyak na wika ni Rafael, habang ini-abot ang kamay nito kay Diana. “Hindi siya ang mommy mo!” Sigaw niya sa anak niya, kaya napakunot ang noo ni Diana. “Ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Anak ko siya!” Napakunot ang noo ni Reymart, habang nailing. “Bakit, hindi ba totoo?” Hindi maiwasan ni Reymart na matawa, dahil sa sinabi ni Diana. “‘Wag mong angkinin ang anak ko!” Muling wika ni Diana. “‘Wag kang magpatawa Diana, dahil hindi mo siya anak.” “Nababaliw kana ba? Paano mo nasabi na hindi ko siya anak?” “Ilayo niyo ang babaeng ‘yan!” Sigaw ni Reymart sa mga tauhan niya. “Hindi mo pwedeng gawin ‘yan Reymart! Dahil ako ang mas may karapatan sa anak ko! At isa pa hindi mo siya anak!” Inis na ngumisi sa kanya si Reymart, dahil sa kanyang sinabi. “Wala kang anak, at wala kang karapatan na tawagan siyang anak, dahil una pa lang ay iniwan mo na siya.” Wika

    Last Updated : 2025-01-24
  • My Mysterious Wife   Chapter 224

    2243RD POV “Rafael!” Sigaw ni Reymart, habang nilapitan ang batang nakatayo. “Daddy.” Ngiting wika nito, habang tinaas ang kamay niya. Agad naman siyang binuhat ni Reymart, habang napatingin kay Diana, at sa batang hawak niya. “Diana…” Gulat na sambit ni Anna, habang nasa likuran niya si Recca, Rey at Evo. “A-anong ibig sabihin nito?” Wika ni Diana, habang nag-uunahan sa pag-landas ang kanyang mga luha. “B-bakit… Bakit dalawa sila?!” Iyak na sigaw niya. Habang nanatiling nakatingin sa batang karga ni Reymart. “I-ibig sabihin, k-kambal ang anak niyo?” Tanong ni Anna, habang nilingon nito ang asawa niya.“K-kinuha niyo siya? Bakit nasa inyo ang anak ko?!” Muling sigaw niya, habang nilapitan si Reymart. “Ibigay mo sa akin ang anak ko!!” Hinawakan ni Diana ang kamay ng bata at hinila ito. “Tama na Diana, tinatakot niyo ang mga bata!” Sigaw ni Rey, habang nilapitan sila. “Huminahon muna kayong dalawa.” Wika rin ni Evo. “Huminahon? Paano ako hihinahon?” “Tatlong taon.. Tatlong

    Last Updated : 2025-01-25
  • My Mysterious Wife   Chapter 225

    225 3RD POV “Mas mabuti pa, dahil hindi ko naman kayo paalisin, hangga't wala pa ang doctor. Lalo kana Diana.” Wika ni Helen sa kanya. “Bakit bawal akong umalis Lola? Dapat nga kanina pa kami umalis dito ng mga anak ko.” “Anong aalis? Sa tingin mo ba papayag akong dalhin mo ang mga bata?” Wika ni Reymart. Napahawak naman si Rey, sa kanyang noo dahil nag-umpisa na naman sila. “Tama na ‘yan. Kung ayaw niyong mawala sa paningin niyo ang mga anak niyo, mas mabuti na sumama na kayong dalawa sa taas.” Wika ni Rey sa kanila. “Dalhin niyo na sila sa taas.” Utos ni Helen sa mga katulong niya.“‘Wag ka nang magpatigas Diana, kung ayaw mong kunin ko ang mga anak mo sa ‘yo.” Wika ni Helen sa kanya. Hindi naman sumagot si Diana, dahil alam niya ang kayang gawin ni Helen. Lalo na at mas makapangyarihan pa ito sa pamilya niya. Habang magkatabi na natutulog ang mga anak niya, ay patuloy pa rin silang pinagmamasdan ni Diana. Hindi niya maiwasan na sisihin ang sarili niya, dahil hindi siya nagpa

    Last Updated : 2025-01-25
  • My Mysterious Wife   Chapter 226

    2263RD POV “B-bakit ka nandito?” Tanong niya, habang nakatingin kay Diana. “At bakit mo hawak si Rafael?” Tanong niyang muli, pero gulat siyang napatingin nang makita ang isang bata na buhat ni Reymart. “Anong ibig sabihin nito? Bakit naging dalawa si Rafael?” Gulat na tanong niya. “Sa loob nalang tayo mag-usap Judith, at pwede bang hinaan mo ‘yang boses mo.” Wika ni Reymart sa kanya. Napakuyom naman ang kamao niya, habang nakatingin sa likuran ni Reymart. “Diana.. Bakit ka nandito? At bakit magkasama kayo? Anong ibig sabihin nito?” Tanong niya kay Diana. Napahinga nang malalim si Diana, bago ito tumingin sa kanya.“Mga anak ko sila Judith.” Wika niya at iniwan ito. “Ano?! Nagbibiro kaba?” Galit na tanong nito habang sinundan siya. “Seryoso ako. Anak ko si Rafael at Rowan.” “H-hindi totoo ‘yan! Impossible ‘yang sinasabi mo!” Sigaw niya habang iniwan siya ni Diana. Mabilis siyang naglakad para sundan si Diana. “Hindi totoo ang sinasabi mo! Alam kung hindi si Reymart ang ama

    Last Updated : 2025-01-26

Latest chapter

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 10

    CHAPTER 103RD POV Lumipas ang dalawang buwan, at hindi na nagpapakita sa kanya si Jameson, kahit sa mga event ng branch nila, at pagbukas nito ng bago ay hindi rin ito sumipot. ‘Nasaan na kaya siya?’ Napa-ayos siya sap ag-upo nang marinig ang katok ng pinto. “Ma’am Ellie, magsisimula na po ang meeting niyo mamaya.” Wika ng kanyang secretary, at agad siyang tumango rito. Inis naman siyang napa-hawak sa noo niya, dahil hindi niya mapigilan ang sarili niya na isipin si Jameson. Lumipas ang ilang minuto ay naisipan niyang tumayo, para pumunta sa meeting room. Pero napahawak siya sa kanyang lamesa, nang makaramdam ng pagkahilo. Muli siyang umupo at pinikit ang kanyang mga mata, dahil ang akala niya, ay mawawala agad ang pagka-hilo niya. Pero bigla nalang siyang naduwal, kaya kahit nahihilo ay mabilis niyang tinungo ang banyo at doon sumuka. “Ma’am Ellie!” Narinig niyang tawag ng secretary niya. ‘Ma’am Ellie, ayos lang po ba kayo?” Tanong nito, habang mabilis siyang umiling. “Tuma

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 9

    CHAPTER 9 3RD POV Hindi mapakali si Ellie, dahil hindi pa rin bumabalik si Jameson. Hindi rin niya mapigilan na sisihin ang sarili niya, dahil sa ginawa niya. ‘Pero teka lang? Bakit naman siya magagalit? Alam ko naman na noon pa, hindi siya naglalabas ng pera?’ Nang bumukas ang pinto, ay agad siyang napatingin dito. Nagkasalubong naman ang kanilang mga mata, at si Ellie, ang unang nag-iwas. Napatingin siya sa kanyang phone, nang bigla itong ihagis ni Jameson sa sofa. “Bakit nasa ‘yo ‘to?” Kunot-noo na tanong niya rito. “Hinahanap mo ‘yan ‘di ba? Kaya kinuha ko.” Balewala na sagot nito at pumasok sa kanyang silid. Mabilis niya itong sinundan at kinatok ang pinto. Kunot-noo naman itong napatingin sa kanya, matapos nitong buksan ang pinto. “Bakit?” Tanong nito. “Ayaw mo bang kumain?” Tanong niya rito. “Kumain na ako, kung hindi mo maubos ‘yon, lahat. Itapon mo, ‘wag ka ring mag-alala, bayad na ‘yon lahat.” Wika nito at sinara muli ang pinto. Inis naman na pinukpok ni Ellie, an

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 8

    CHAPTER 83RD POV “Bakit mo ako dinala rito?” Galit na tanong niya kay Jameson, matapos siyang ibaba nito. “Para hindi ka mawala.” Sagot nito na lalo niyang kina-inis. “Mawala? Ano bang akala mo sa akin?” “Alam mo, malalagot ka talaga sa ginawa mo sa bodyguard ko! Nasa’n na ba sila? Bakit mo sila biglang iniwan? Lalo na ‘yong secretary ko?” Muling wika niya, habang tinitigan siya ni Jameson. “Alam mo, ang ingay mo.” Wika nito at iniwan siya. “Hoy! Mr. Miller! Saan ka pupunta?” Inis na sigaw niya rito.“Hindi kita asawa, kaya hindi ako dapat magpa-alam sa ‘yo.” Wika nito, at lumabas. Napasigaw naman sa inis si Ellie, dahil sa inasta ni Jameson. Nang makaupo siya muli sa sofa ay muli niyang naalala si Jameson, napansin niya na parang nagbago ang ugali nito. Ibang-iba kasi ito noon. “Sandali lang, bakit hindi niya ako maalala? Katawan lang naman ang nagbago sa akin at hindi mukha?” NANG bumukas muli ang pinto ay napatingin siya kay Jameson, na pumasok. Napatingin din siya sa mg

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 7

    CHAPTER 73RD POV “Ma’am Ellie, kanina pa po naghihintay sa inyo si Mr. Miller.” Wika ng kanyang secretary, habang hindi pa siya nakapasok sa kanyang opisina. Napakunot naman ang noo niya, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Hinihintay? Bakit niya ako hihintayin?” Taka na wika niya. “Ngayon po kasi ninyo bisitahin ang isang branch niyo Ma’am Ellie.” Sagot nito, kaya napahawak siya sa kanyang noo.“Hindi ba pwede na siya nalang ang pumunta ro’n?” Wika niya, habang pumasok sa kanyang opisina. Gusto niya kasi itong iwasan at ayaw niya itong makasama. “Hindi po pwede Ma’am Ellie, tumawag din po kasi ang lola Aira niyo. Kailangan niyo raw pong puntahan mismo ang branch na ‘yon.” Wika nito, habang hindi siya sumagot. Nang lalabas na sana ang secretary niya, ay muli niya itong tinawag. “Saan siya naghintay?” Tanong niya rito. “Sa airport po Ma’am Ellie.” Sagot nito. “Tawagan mo siya, sabihan mong mauna nalang.” Muling wika niya rito. Binuksan ni Ellie, ang monitor na nasa harapan niya,

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 6

    CHAPTER 6 3RD POV “Ate, mabuti at nandito kana.” Wika sa kanya ng kapatid niyang si Eloise. “Sa’n ka pala galing? Bakit ngayon ka lang umuwi?” Tanong sa kanya ni Elijah. “Sa bar ni Kuya Ryker nga, roon nalang siya natulog, Kuya, dahil lasing na si Ate.” Sagot ni Eloise, kay Elijah. “Pinuntahan ko nga siya, sa room niya. Pero wala siya ro’n.” Gulat siyang napatingin kay Elijah, dahil sa sinabi nito. “Anong wala?” “Wala ka nga ro’n sa silid, kaya hinahanap kita.” Natigilan siya, dahil sa sinabi ni Elijah. Imposible na hindi siya nito nakita. “Hindi naman pwede na papasok ako, sa kabilang room. Alam ko naman na wala ka ro’n.” Muling wika ni Elijah. ‘K-Kabilang kwarto? Ibig sabihin, ako ang nagkamali ng pagpasok sa room, kung saan. Naroon si Jameson?’ “Ate, ayos ka lang ba?” Untag na wika ni Eloise, sa kanya. “Ayos lang ako.” Sagot niya sa kanyang kapatid. “Para ka kasing namumutla.” Napahawak si Ellie, sa mukha niya, dahil sa sinabi ng kanyang kapatid.“Sa’n kaba galing Ellie

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 5

    CHAPTER 5 3RD POV “Ang ganda mo na talaga Ate.” Wika ni Charles, sa kanya. Isang taon na rin ang lumipas, simula noong maghiwalay sila ni Jameson, mula nang bawiin niya, ang lahat dito, ay wala na siyang narinig na balita tungkol sa dating nobyo. Sinikap din ni Ellie, na kalimutan ito. “Bakit?” Wika niya, matapos niyang sagutin ang tawag sa kanyang phone. “Ate, samahan mo kami mamaya.” Wika sa kanya ni Dahlia. Si Dahlia, ay isa sa mga anak ng kanyang tito Reymart at tita Diana. “Saan kayo pupunta?” Kunot-noo na sagot niya rito, habang umupo sa swivel chair niya. “May bagong binuksan na bar si Kuya Ryker, kaya dapat pupunta tayo.” Wika nito sa masayang boses. “Sino ba ‘yan Ate?” Tanong sa kanya ni Charles. “Si Dahlia.” “Si Charles ba ‘yon?” Tanong muli ni Dahlia. “Oo.” “Isama mo na rin siya Ate at si Eloise.” “Hindi pwede, alam niyo na bawal ‘yon, pumunta sa bar.” Sagot niya rito. “Ate naman, may ladies drink naman do’n, kaya ‘yon nalang sa kanya.” Wika nito, kaya napa-hin

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 4

    CHAPTER 4 3RD POV “B-bakit kayo naghahalikan?” Utal na wika niya, habang nag-uunahan sa paglandas ang kanyang mga luha.“Hindi ka naman siguro bulag Ellie, at alam kung nakita mo ang ginagawa namin.” Ngiting wika sa kanya ni Camille.“Nakita mo ba ‘to? Tanong nito, habang tinaas ang kanyang daliri. “Magpapakasal na kami ni Jameson, kaya dapat layuan mo na siya.” “B-Baby..” Sambit niya habang luhaan na tumingin kay Jameson. “B-Baby, sabihin mo sa akin, na hindi totoo ang sinasabi niya!” Iyak na sigaw niya rito. “Totoo ang sinabi ni Camille, Ellie, pasensya kana, pero hindi kita kayang mahalin, at ayaw kung pagtawanan sa mga taong ka-kilala ko.” Wika nito, kaya galit siyang lumapit dito. “Walang hiya ka!! Ginamit mo lang ako!!” Galit na sigaw niya, matapos itong sampalin.“’Wag mong saktan si Jameson! Ikaw ang tanga! Dahil pumatol ka sa kanya! Kahit pa alam mong hindi ka niya magugustuhan! Tingnan mo nga ‘yang itsura mo Ellie? Sa tingin mo ba, may lalaking magkaka-gusto sa ‘yo?”

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 3

    CHAPTER 3 3RD POV “Ano na naman ang ginagawa mo rito? Hindi ba sinabi ko na sa ‘yo, na ‘wag mo nalang akong puntahan.” Inis na wika ni Jameson, kaya nagyuko ng mukha si Ellie. “Isang linggo na kasi na hindi kita nakita, tinatawagan kita, hindi ka rin sumasagot.” Wika niya, kaya masama siyang tiningnan nito. “Hindi kaba talaga nakakaintindi? Ilang beses ko bang sabihin sa ‘yo, na busy ako! ‘Yan talaga ang mahirap, kapag wala kang alam sa business.” “Gusto lang naman kitang makita.” Napapitlag siya, nang bigla nalang hampasin nito ang lamisa. “Hindi na tayo, mga bata Ellie! Kaya ‘wag kang umasta na parang bata.” Galit na wika nito sa kanya. “Baby... Ayaw mo na ba sa akin?” Hikbing wika niya, at napansin niya na tigilan ito. “Sh!t! Hindi sa ayaw. Ang akin lang sumunod ka sa akin, kapag sinabi ko. Na ‘wag kang pumunta, pwede ba, sumunod ka sa akin.” Wika nito, kaya tumango siya rito. “Sorry na, pwede bang ‘wag ka nang magalit..” Mahina na wika niya, habang tumayo. “Aalis kana?”

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 2

    CHAPTER 2 3RD POV Sa paglipas ng ilang buwan, ay lalo pang minahal ni Ellie, si Jameson. Tinutulungan niya ito, sa balak nitong buksan na negosyo, at pati mga luho nito ay binibili niya. “Ang galing mo talaga Baby, tinatanggap agad ang proposal ko, ilang araw nalang ma-umpisahan ko na ang negosyo ko.” Tuwang wika nito, habang niyakap siya ng mahigpit. “Nagawan mo na ba ng paraan ang sinabi ko?” Wika nito, habang hinalikan siya sa kanyang leeg. Hindi naman maiwasan ni Ellie, na mapangiti, lalo na at nakikiliti siya. “Oo naman Baby, alam mo naman na malakas ka sa akin.” Ngiting wika niya, at humarap dito. “Talaga Baby? Ibig sabihin, binili mo na ‘yong building na sinabi ko?” Tanong nito, habang tumango siya. “Yes! Ang swerte ko talaga sa asawa ko!!” Malakas na sigaw nito, habang pilit siyang binuhat. “Ano kaba! Alam mo naman na hindi mo ako kayang buhatin.” Natatawa na wika ni Ellie. “Yayakapin nalang kita, nang mahigpit na mahigpit.” Wika nito, at hinalikan siya sa kanyang lab

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status