225 3RD POV “Mas mabuti pa, dahil hindi ko naman kayo paalisin, hangga't wala pa ang doctor. Lalo kana Diana.” Wika ni Helen sa kanya. “Bakit bawal akong umalis Lola? Dapat nga kanina pa kami umalis dito ng mga anak ko.” “Anong aalis? Sa tingin mo ba papayag akong dalhin mo ang mga bata?” Wika ni Reymart. Napahawak naman si Rey, sa kanyang noo dahil nag-umpisa na naman sila. “Tama na ‘yan. Kung ayaw niyong mawala sa paningin niyo ang mga anak niyo, mas mabuti na sumama na kayong dalawa sa taas.” Wika ni Rey sa kanila. “Dalhin niyo na sila sa taas.” Utos ni Helen sa mga katulong niya.“‘Wag ka nang magpatigas Diana, kung ayaw mong kunin ko ang mga anak mo sa ‘yo.” Wika ni Helen sa kanya. Hindi naman sumagot si Diana, dahil alam niya ang kayang gawin ni Helen. Lalo na at mas makapangyarihan pa ito sa pamilya niya. Habang magkatabi na natutulog ang mga anak niya, ay patuloy pa rin silang pinagmamasdan ni Diana. Hindi niya maiwasan na sisihin ang sarili niya, dahil hindi siya nagpa
2263RD POV “B-bakit ka nandito?” Tanong niya, habang nakatingin kay Diana. “At bakit mo hawak si Rafael?” Tanong niyang muli, pero gulat siyang napatingin nang makita ang isang bata na buhat ni Reymart. “Anong ibig sabihin nito? Bakit naging dalawa si Rafael?” Gulat na tanong niya. “Sa loob nalang tayo mag-usap Judith, at pwede bang hinaan mo ‘yang boses mo.” Wika ni Reymart sa kanya. Napakuyom naman ang kamao niya, habang nakatingin sa likuran ni Reymart. “Diana.. Bakit ka nandito? At bakit magkasama kayo? Anong ibig sabihin nito?” Tanong niya kay Diana. Napahinga nang malalim si Diana, bago ito tumingin sa kanya.“Mga anak ko sila Judith.” Wika niya at iniwan ito. “Ano?! Nagbibiro kaba?” Galit na tanong nito habang sinundan siya. “Seryoso ako. Anak ko si Rafael at Rowan.” “H-hindi totoo ‘yan! Impossible ‘yang sinasabi mo!” Sigaw niya habang iniwan siya ni Diana. Mabilis siyang naglakad para sundan si Diana. “Hindi totoo ang sinasabi mo! Alam kung hindi si Reymart ang ama
227 3RD POV “Sumama ka raw sa akin Kuya.” Wika ni Rey, kay Aaron.“Ayoko.” Balewala na sagot nito sa kanya. “Si Lola ang nag-utos.” “Wala akong pakialam.” Napangiti si Rey, habang nakatingin sa kanya. “Bahala ka, basta sinabihan na kita.” Wika niya at kinuha ang kanyang phone. “Mommy, ayaw ni Kuya, na sumama sa akin.” Wika niya, kaya napalingon si Aaron sa kanya.“Bakit ka tumawag?” Inis na wika nito habang kinuha ang phone ni Rey, sa kanyang tainga. “Ayaw mo kasing maniwala sa akin.” “Sasama na nga.” Sagot ni Aaron, habang tumayo. “Ano ba kasi ang gagawin mo ro'n?” Tanong niya rito. “Inutusan nga ako ni Mommy at Lola. Ayaw ko na sana na pumunta ro'n, dahil balak kung puntahan sana si Reymart.” Napakunot ang noo ni Aaron, dahil sa sinabi ni Rey. “Bakit ko naman siya pupuntahan? Alam mo na kailangan pa niyang ayusin ang pamilya niya.” “Paano niya ‘yon maayos kung laging nakabuntot sa kanya ang Judith na ‘yon.” Napatingin si Aaron, sa kanya dahil sa kanyang sinabi. “‘Yong g
2283RD POV “Anong ginagawa mo rito?” Tanong ni Diana, habang papalapit sa kanya si Reymart. “Kumain ka muna.” Wika nito, matapos nitong tingnan ang mga anak niya na mahimbing na natutulog. “Ayokong kumain.” Walang gana na sagot ni Diana. “Kung ayaw mong bumama, padalhan nalang kita rito ng pagkain.” Muling wika ni Reymart, kaya malamig siyang tiningnan ni Diana. “Ayoko, baka lalasunin mo lang ako.” Sagot nito, kaya napakuyom ang kamao niya. “Ganun ba kasama ang tingin mo sa akin, Diana?”“Bakit? Hindi ba? Nakalimutan mo ba ang ginawa mo sa akin?” Mahina na wika niya. “‘Wag mo na akong gawing tanga pa, dahil alam ko na pinag-planohan niyo na ni Judith, ang muling pagkawala ko.” Napakunot ang noo ni Reymart, dahil sa kanyang narinig. “Anong pinag-planohan?” Tanong niya, kaya tumayo si Diana. “Akala mo ba, hindi ko narinig ang pinag-usapan ninyo noon? Noong tumawag ka sa kanya?” Lalong naguguluhan si Reymart, dahil hindi niya alam ang sinasabi nito. “Noong pumasok ako sa kwart
2293RD POV Naisipan ni Diana na bilhan ng pagkain ang mga anak niya. Ayaw niya rin na i-utos nalang ito sa mga tauhan nila, kaya siya na mismo ang pumunta. Isa pa, nakabantay rin naman si Reymart sa mga anak nila. “Diana!” Napahinto siya at napatingin kay Judith, na bumaba sa kotse. “Baki-.” Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin, dahil bigla nalang napabaling ang mukha niya sa kabila. Malakas siya siyang sinampal ni Judith, nang makalapit ito sa kanya. “Ang kapal ng pagmumukha mo! Itinuring kitang kaibigan, pero ito ang iginanti mo sa akin Diana!” Galit na wika ni Judith sa kanya. “Alam mo bang lahat ay ginawa ko, para sa 'yo noon, pero ito lang pala ang igaganti mo sa akin?” Inis na napangiti si Diana, dahil sa kanyang sinabi. “Naririnig mo ba ‘yang sinasabi mo?” Galit na wika niya rito, kaya natigilan si Judith. “Hindi ba't dapat ako ang magsabi sa 'yo niyan?”“Ang kapal-kapal ng pagmumukha mo! Lahat ginawa ko sa 'yo noon, dahil kaibigan ang turing ko sa 'yo, pero anong g
230 3RD POV “‘Wag kang maingay.” Wika ni Reymart, habang nilagay sa kanya ang hawak na jacket nito. Matapos silang lampasan ng mga lalaking humahabol kay Diana, ay agad na tinulak ni Diana, si Reymart. Naiilang kasi siya sa posisyon nilang dalawa, lalo na at dumikit ang dibdib niya, kay Reymart.“W-wala na sila.” Yukong wika niya, rito habang malakas pa rin na kumakabog ang kanyang dibdib. “Sino ba ang mga ‘yon?” Tanong ni Reymart, habang nasa loob na sila ng elevator. Natagawan na rin ni Reymart, ang mga tauhan niya. Para sundan ang kotse kanina. “Hindi ko alam.” Sagot ni Diana. “Paano mo nalaman na nando'n ako?” Tanong niya, dahil hindi niya maiwasan na magtaka, kung paano napunta si Reymart, doon. Lalo na at alam niya na nando'n lang ito, kanina sa kanyang opisina. “May sasabihin sana ako sa 'yo kanina, kaya sinundan kita.” Sagot ni Reymart. “Dapat hindi ka lumalabas mag-isa. Alam mong delikado.” Napakunot ang noo ni Diana, habang tiningnan niya si Reymart. “‘Wag mong sabi
231 3RD POV “Kilala mo ako?” Taka na wika nito habang nakatitig sa kanya. “H-hindi mo ba ako kilala?” Wika ni Aaron, habang hinawakan nito ang kamay ng babae. Mabilis na winaksi niya ang kamay ni Aaron, at masama itong tiningnan. “‘Wag mo akong hawakan.” Kunot-noo na wika nito sa kanya. “Teka lang, sino kaba? At bakit mo kilala ang anak ko?” Tanong ni Junas, kaya napatingin siya rito. “A-anak? Anak mo siya?” Utal na tanong ni Aaron, habang napatango ang lalaki sa kanya.“Bakit Hijo, kilala mo ba si Hanma?” Tanong ni Minerva. “Opo Tita…” Sagot niya habang nakatitig pa rin sa babae. “Paano mo ako nakikilala? Dahil ako, hindi kita kilala.” Kunot-noo na wika nito sa kanya. “Paanong hindi mo ako kilala?” Tanong ni Aaron, habang hinawakan siyang muli, pero muling binawi nito ang kamay niya. “Dad, sino ba siya? Hindi ko siya?” Inis na wika nito sa kanyang ama. “Kuya!” Sabay silang napalingon, napalingon at nakita si Rey. “Rey!” Tuwang wika ng babae at agad na yumakap sa kanya. N
2323RD POV “Nagsalita na sila at iisa lang ang taong tinuturo nila.” Wika ni Evo, habang napatingin sila sa mga lalaki na nakatali. “Sino?” Galit na tanong ni Reymart. “Ang girlfriend mo.” Gulat na napatingin si Reymart, sa kuya niya, dahil sa sinabi nito. “Kuya, baka nagkamali ka lang. Alam kung hindi ‘yon magagawa ni Judith. Isa pa, bakit niya naman pagtangka-an si Diana?” “Bahala ka, basta sinabihan na kita.” “Pero bakit? Alam kung kaibigan ang turing niya rito?” Hindi makapaniwala na wika ni Reymart, habang hindi sumagot sa kanya ang kuya Evo niya. Naalala rin niya ang sinabi sa kanya ni Diana.‘Damn! Hindi kaya binayaran sila ni Diana? Para idiin si Judith?’ Napakuyom ang kamao niya at kinuha ang kanyang phone. “Pabalikin mo na si Judith.” Utos niya at agad na pinutol ang tawag. “Ako na ang bahala Kuya, pero sa oras na malaman kung hindi totoo ang sinasabi nila. Malalagot silang lahat sa akin.”****“Maganda ba?” Tanong niya kay Diana, habang napatingin ito sa silid na p
321 3RD POV “Hija!!” Tuwang wika sa kanya ni Alicia, at niyakap siya nito. Hindi niya napigilan na mailang dahil sa ginawa nito, dahil hindi pa rin nawala sa isip niya ang ginawa nito sa kanya noon. “Nana! Tawagin mo na ang Sir Danilo niyo, at si Noah!” Utos nito, kaya napatingin siya sa katulong. Napansin ni Dell, na gulat silang napatingin sa kanya. “Nana! Hindi mo ba ako naririnig?” Maldita na wika nito, kaya nagmamadali itong umalis. “Halika Hija, maupo ka.” Ngiting wika nito, habang hinawakan ang kamay niya. Nang makita niya si Noah, na bumana ay hindi na naman napigilan ni Dell, ang kanyang sarili na titigan ito. Pero katulad ng ginawa nito kanina, ay hindi ito tumingin sa kanya. “Masaya ako, na pumunta ka rito, Miss. Martinez.” Tuwang wika ng ama ni Lester at Noah sa kanya. Napangiti naman si Dell, sa kanya. “Alam mo bang special, talaga itong mga pagkain na pina-handa ko sa ‘yo Hija.” Pagmamalaki na wika ni Alicia. Kukuha n asana ito ng mga pagkain at ilagay sa plato n
320 3RD POV “Daddy!” Malakas na sigaw ni Dell, nang makarating siya sa kanila. Agad siyang tumakbo, papunta sa kanyang ama, at niyakap ito ng mahigpit. “Kumusta ang bakasyon mo Hija?” Ngiting tanong nito, matapos niya itong bitawan. “Ayos lang po Dad.” Sagot niya at muli itong niyakap. “Tito, pwede ko bang dalhin si Dell, sa bahay?” Napatingin siya kay Lester, dahil sa sinabi nito. “Bahay? Ano naman ang gagawin natin do’n?” Taka na tanong ni Dell, sa kanya. “Gusto kasi ni Mommy, na pumunta ka ro’n.” Sagot nito.“Mas maganda siguro, kung sa ibang araw nalang Hijo. Kailangan pa ni Dell, na bisitahin ang lola niya, baka nagtampo na ang mga ‘yon.” Wika ni Dylan. “Ganun po ba, sige po. Babalikan ko nalang siya sa susunod na araw.” Ngiting sagot nito. “’Wag ka nang mag-abala pa. Ako na ang pupunta sa inyo.” Sagot ni Dell. Agad na nagliwanag ang mukha ni Lester, dahil sa kanyang sinabi. “Sigurado ka Dell?” Tuwang wika nito. Habang hinawakan ang kamay niya. “Oo naman.” Sagot nito,
319 3RD POV “Lester!!” Tuwang wika ni Dell, at agad na bumaba sa likod ni Noah. Mabilis niyang nilapitan si Lester, at mahigpit itong niyakap. “Magaling kana?” Tuwang wika niya, habang tumango si Lester. “Ngayon ka lang ba dumating? Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka rito?” “Tinawagan kita, pero hindi ka makontak.” “Wala kasing signal rito.” Sagot niya, habang hindi pa rin nila binitawan ang isa’t-isa. “Paano mo nalaman na nandito kami?” Tanong niya rito, nang bitawan siya nito. “Si Kuya Aaron, ang nagturo sa akin.” Ngiting sagot nito sa kanya. “Bakit mo siya kasama Dell?” Tanong nitong muli, habang nakatingin kay Noah, hindi rin maiwasan ni Dell, na magtaka, dahil napansin niya na parang hindi man lang natuwa si Noah, na makita si Lester. Hindi katulad noong nakausap niya ito sa phone. “Maiwan ko na muna kayo, kailangan ko pang pumasok.” Paalam ni Noah, sa kanila. “Papasok? Saan?” Tanong ni Lester. “Pumasok kasi siya, bilang construction worker.” Ngiting wika ni
318 3RD POV “H-hello! Lester! Ikaw ba ‘yan?” Muling wika niya, pero wala na siyang narinig sa kabilang linya. Napatingin si Dell, sa kanyang phone, at nakitang lowbat ito. “Kainis! Bakit ngayon pa?” “Anong problema?” Napalingon si Dell, at nakita si Noah. Umupo ito sa tabi niya, habang naglagay ng pagkain. “Bakit ka nandito?” Tanong niya, at hindi sinagot ang tanong nito sa kanya. “Break time namin.” Sagot ni Noah, sa kanya. “Halika, kumain na tayo.” Gulat siyang napatingin sa kanya, dahil sa sinabi nito. “Gusto mo bang tumaba ako? Hindi mo ba alam, na katatapos ko lang kumain?” “Kailangan mo pa ring kumain. May binili rin pala akong prutas.” Wika nito at kinuha ang isang plastic. Kinuha niya ang isang mansanas, at hinugasan. “May balita kaba sa kapatid mo?” Tanong niya rito, at napansin na natigilan ito. “Wala.” Maikling sagot nito, habang binalatan na muli ang mansanas. “Tumawag kasi ako kay Daddy, at nakausap ko siya.” Wika niya, kaya nag-angat ito ng mukha. “Nakausap
3173RD POV “Sakay na.” Wika nito, matapos nitong lagyan ng helmet ang ulo ni Dell. “Sigurado kabang marunong ka niyan?” Tanong ni Dell, sa kanya, dahil kait sa kuya Evo niya, ay hindi siya sumasakay sa motor nito. Mas gugustuhin pa niya na maglakad. ‘Wag lang sumakay rito. “Bakit ba wala kang tiwala sa akin?” “Nakakatakot kayang sumakay r’yan! Bakit ba ‘yan ang binili mo? Mas maganda sana kung kotse nalang. Dapat kasi ako nalang ang bumili.” Inis na wika niya rito. “Alam mo, mas maganda ‘tong gamii, kaya sumakay kana, kung ayaw mong iwan kita rito.” Wika niya, kay Dell, kaya dahan-dahan itong sumakay sa motor. Gulat naman siyang napatingin sa bewang ni Noah, nang hawakan nito ang kamay niya, at pinayakap ito sa kanyang bewang. Nang buhayin nito ang makina ng motor, ay mas humigpit pa ang pag-yakap ni Dell, sa bewang ni Noah, habang pinikit niya ang kanyang mga mata. “’Wag ka nang matakot, mahina lang naman ang takbo natin. Isa pa, kapag nasanay ka nang sumakay nito. Tuturuan
3163RD POV “Saan ba talaga tayo pupunta? Gusto mo ba talaga na mapatay ka ng pamila ko?” Galit na tanong niya rito, habang sakay sila ng barko. Ito ang unang beses na nakasakay ng ganito si Dell. “Ang ingay mo naman, bakit nila gagawin sa aki ‘yon? Alam nila na kasal na tayo.” Sagot nito habang humiga. “Anong sinabi mo? Alam mong hindi pa tayo kasal!” Inis na sigaw niya rito. “Akala ko ba natatandaan mo ang lahat, noong magkasama tayo rati.” Kindat na wika niya rito. “’Yong contract marriage natin.” Namilog ang mga mata ni Dell, dahil sa kanyang narinig, at natigilan. Pero mayamaya pa, ay napangiti ito. “Nakakatawa ka talaga, hindi mo ba alam, na tiningnan ko na ro’n, at ang nakalagay pa rin ay single ako. Single.” Madiin na wika niya. “Hindi kaba nagtataka?” Wika nito, kaya nawala ang ngiti sa labi niya.“Sinadya ko lang ‘yon, para lalo kang maguluhan.” “Walang hiya ka talaga Noah!!” Galit na sigaw niya rito. “Kaya paano mo mapapa-urong ang kasal natin, kung kasal na tayo.
3153RD POV“Kanina pa kami magkasama sa taas.” Sagot nito kay Aaron, kaya napakunot ang noo nito. Habang napatingin sa kanya. “Kuya! Anong klaseng tingin ‘yan?” Inis na wika ni Dell, kaya hindi maiwasan ni Hanma, na mapangiti.“Bakit?” Asar na tanong niya rito. “Sumunod nalang kayong dalawa sa amin, at sa loob na tayo mag-usap.” Wika ni Aaron, habang pinulupot nito ang braso niya, sa bewang ng kanyang asawang si Hanma.“Paano ka nagising?” Mahina na tanong niya kay Noah, kaya taka itong napatingin sa kanya. “Ang ibig kung sabihin, paano mo nalaman na lumabas ako? Hindi ba kanina lang mahimbing ka pang natutulog?” Muling wika niya, habang napangiti ito sa kanya. “Hindi ka pa rin pala na sanay sa akin.” Iling na sagot nito, habang ginaya ang ginawa ni Aaron. Inis niya naman na winaksi ang braso nito, kaya malawak itong napangiti. “’Di kaba nagtataka kung paano ako nakapunta sa kulungan na ‘yon?” Wika niya kaya napakunot lalo ang noo ni Dell. “Bakit pa ako magtatanong, kung alam k
3143RD POV Hinayaan lang ni Dell, si Noah, at hindi na siya nagsalita pang muli. Hindi niya rin napansin ang mga bodyguard nito, at ang tangi niya lang nakita ay ang kotse nito. Pareho rin silang basang-basa, dahil nasira ang payong na kanyang dala, dahil sa lakas ng hangin. “Umuwi kana, baka magkasakit ka.” Wika nito, habang nakayuko. “Paano ka? Kailangan mo rin magpali, dahil basang-basa ka rin.” Nag-angat ito ng mukha at nakita niyang ngumiti ulit ito. Pero hindi abot sa kanyang mga mata. “Saan ‘yong hotel mo?” Muling wika niya, habang umiling ito. Napakunot naman ang kanyang mga mata, habang nakatitig kay Noah. “Anong ibig mong sabihin?” Tanong niya, rito, pero bigla nalang siyang tinalikuran ni Noah. “Sandali! Saan ka pupunta?” Tanong niya, habang sinundan ito. “Pwede bang umalis kana at iwan mo ako! Higit sa lahat, tigilan mo ‘yang pagkukunwari mo na may pakialam ka sa akin!!” Galit na sigaw niya, kay Dell. Natigilan si Dell, dahil sa kanyang narinig at hindi na ulit it
3133RD POV “Bakit ka pumasok dito?” Kunot-noo na tanong nito sa kanya. “Bakit bigla ka nalang umalis? Bakit hindi ka pumasok at sumama sa mga magulang mo?” Tanong niya rito, kaya napansin niya, na lalong napakunot ang noo nito. “Ano bang pakialam mo? At pwede bang lumabas kana.” Wika nito, habang hindi sinagot ang tanong niya. “Ayokong lumabas.” Nakataas na kilay na wika niya kay Noah. “Nagpapatawa kaba?” Inis na wika nito. “Hindi ako nagpapatawa, at lalabas lang ako, kapag i-urong mo ang kasal natin.” Ngiting wika niya habang nakita niya ang paggalaw ng pangga nito. “Paano kung ayaw ko?” Napakunot ang noo ni Dell, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Bakit ayaw mo?! Bumalik na ang kapatid mo! Nasa inyo na siya?!” Inis na wika niya rito. “Wala akong pakialam, ang gusto ko. Maikasal tayo.” Kindat na wika nito, habang nawala ang dilim sa kanyang mukha.Hindi maiwasan ni Dell, na mapatitig sa kanya, dahil mula nang makita niya ulit ito, ay ngayon lang niya itong nakita na ngumiti.