2233RD POV “Bakit mo ako nilalayo sa anak ko?” Galit na tanong ni Diana sa kanya, dahil pilit niyang kinuha si Rafael dito. “Mommy..” Iyak na wika ni Rafael, habang ini-abot ang kamay nito kay Diana. “Hindi siya ang mommy mo!” Sigaw niya sa anak niya, kaya napakunot ang noo ni Diana. “Ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Anak ko siya!” Napakunot ang noo ni Reymart, habang nailing. “Bakit, hindi ba totoo?” Hindi maiwasan ni Reymart na matawa, dahil sa sinabi ni Diana. “‘Wag mong angkinin ang anak ko!” Muling wika ni Diana. “‘Wag kang magpatawa Diana, dahil hindi mo siya anak.” “Nababaliw kana ba? Paano mo nasabi na hindi ko siya anak?” “Ilayo niyo ang babaeng ‘yan!” Sigaw ni Reymart sa mga tauhan niya. “Hindi mo pwedeng gawin ‘yan Reymart! Dahil ako ang mas may karapatan sa anak ko! At isa pa hindi mo siya anak!” Inis na ngumisi sa kanya si Reymart, dahil sa kanyang sinabi. “Wala kang anak, at wala kang karapatan na tawagan siyang anak, dahil una pa lang ay iniwan mo na siya.” Wika
2243RD POV “Rafael!” Sigaw ni Reymart, habang nilapitan ang batang nakatayo. “Daddy.” Ngiting wika nito, habang tinaas ang kamay niya. Agad naman siyang binuhat ni Reymart, habang napatingin kay Diana, at sa batang hawak niya. “Diana…” Gulat na sambit ni Anna, habang nasa likuran niya si Recca, Rey at Evo. “A-anong ibig sabihin nito?” Wika ni Diana, habang nag-uunahan sa pag-landas ang kanyang mga luha. “B-bakit… Bakit dalawa sila?!” Iyak na sigaw niya. Habang nanatiling nakatingin sa batang karga ni Reymart. “I-ibig sabihin, k-kambal ang anak niyo?” Tanong ni Anna, habang nilingon nito ang asawa niya.“K-kinuha niyo siya? Bakit nasa inyo ang anak ko?!” Muling sigaw niya, habang nilapitan si Reymart. “Ibigay mo sa akin ang anak ko!!” Hinawakan ni Diana ang kamay ng bata at hinila ito. “Tama na Diana, tinatakot niyo ang mga bata!” Sigaw ni Rey, habang nilapitan sila. “Huminahon muna kayong dalawa.” Wika rin ni Evo. “Huminahon? Paano ako hihinahon?” “Tatlong taon.. Tatlong
225 3RD POV “Mas mabuti pa, dahil hindi ko naman kayo paalisin, hangga't wala pa ang doctor. Lalo kana Diana.” Wika ni Helen sa kanya. “Bakit bawal akong umalis Lola? Dapat nga kanina pa kami umalis dito ng mga anak ko.” “Anong aalis? Sa tingin mo ba papayag akong dalhin mo ang mga bata?” Wika ni Reymart. Napahawak naman si Rey, sa kanyang noo dahil nag-umpisa na naman sila. “Tama na ‘yan. Kung ayaw niyong mawala sa paningin niyo ang mga anak niyo, mas mabuti na sumama na kayong dalawa sa taas.” Wika ni Rey sa kanila. “Dalhin niyo na sila sa taas.” Utos ni Helen sa mga katulong niya.“‘Wag ka nang magpatigas Diana, kung ayaw mong kunin ko ang mga anak mo sa ‘yo.” Wika ni Helen sa kanya. Hindi naman sumagot si Diana, dahil alam niya ang kayang gawin ni Helen. Lalo na at mas makapangyarihan pa ito sa pamilya niya. Habang magkatabi na natutulog ang mga anak niya, ay patuloy pa rin silang pinagmamasdan ni Diana. Hindi niya maiwasan na sisihin ang sarili niya, dahil hindi siya nagpa
2263RD POV “B-bakit ka nandito?” Tanong niya, habang nakatingin kay Diana. “At bakit mo hawak si Rafael?” Tanong niyang muli, pero gulat siyang napatingin nang makita ang isang bata na buhat ni Reymart. “Anong ibig sabihin nito? Bakit naging dalawa si Rafael?” Gulat na tanong niya. “Sa loob nalang tayo mag-usap Judith, at pwede bang hinaan mo ‘yang boses mo.” Wika ni Reymart sa kanya. Napakuyom naman ang kamao niya, habang nakatingin sa likuran ni Reymart. “Diana.. Bakit ka nandito? At bakit magkasama kayo? Anong ibig sabihin nito?” Tanong niya kay Diana. Napahinga nang malalim si Diana, bago ito tumingin sa kanya.“Mga anak ko sila Judith.” Wika niya at iniwan ito. “Ano?! Nagbibiro kaba?” Galit na tanong nito habang sinundan siya. “Seryoso ako. Anak ko si Rafael at Rowan.” “H-hindi totoo ‘yan! Impossible ‘yang sinasabi mo!” Sigaw niya habang iniwan siya ni Diana. Mabilis siyang naglakad para sundan si Diana. “Hindi totoo ang sinasabi mo! Alam kung hindi si Reymart ang ama
227 3RD POV “Sumama ka raw sa akin Kuya.” Wika ni Rey, kay Aaron.“Ayoko.” Balewala na sagot nito sa kanya. “Si Lola ang nag-utos.” “Wala akong pakialam.” Napangiti si Rey, habang nakatingin sa kanya. “Bahala ka, basta sinabihan na kita.” Wika niya at kinuha ang kanyang phone. “Mommy, ayaw ni Kuya, na sumama sa akin.” Wika niya, kaya napalingon si Aaron sa kanya.“Bakit ka tumawag?” Inis na wika nito habang kinuha ang phone ni Rey, sa kanyang tainga. “Ayaw mo kasing maniwala sa akin.” “Sasama na nga.” Sagot ni Aaron, habang tumayo. “Ano ba kasi ang gagawin mo ro'n?” Tanong niya rito. “Inutusan nga ako ni Mommy at Lola. Ayaw ko na sana na pumunta ro'n, dahil balak kung puntahan sana si Reymart.” Napakunot ang noo ni Aaron, dahil sa sinabi ni Rey. “Bakit ko naman siya pupuntahan? Alam mo na kailangan pa niyang ayusin ang pamilya niya.” “Paano niya ‘yon maayos kung laging nakabuntot sa kanya ang Judith na ‘yon.” Napatingin si Aaron, sa kanya dahil sa kanyang sinabi. “‘Yong g
2283RD POV “Anong ginagawa mo rito?” Tanong ni Diana, habang papalapit sa kanya si Reymart. “Kumain ka muna.” Wika nito, matapos nitong tingnan ang mga anak niya na mahimbing na natutulog. “Ayokong kumain.” Walang gana na sagot ni Diana. “Kung ayaw mong bumama, padalhan nalang kita rito ng pagkain.” Muling wika ni Reymart, kaya malamig siyang tiningnan ni Diana. “Ayoko, baka lalasunin mo lang ako.” Sagot nito, kaya napakuyom ang kamao niya. “Ganun ba kasama ang tingin mo sa akin, Diana?”“Bakit? Hindi ba? Nakalimutan mo ba ang ginawa mo sa akin?” Mahina na wika niya. “‘Wag mo na akong gawing tanga pa, dahil alam ko na pinag-planohan niyo na ni Judith, ang muling pagkawala ko.” Napakunot ang noo ni Reymart, dahil sa kanyang narinig. “Anong pinag-planohan?” Tanong niya, kaya tumayo si Diana. “Akala mo ba, hindi ko narinig ang pinag-usapan ninyo noon? Noong tumawag ka sa kanya?” Lalong naguguluhan si Reymart, dahil hindi niya alam ang sinasabi nito. “Noong pumasok ako sa kwart
2293RD POV Naisipan ni Diana na bilhan ng pagkain ang mga anak niya. Ayaw niya rin na i-utos nalang ito sa mga tauhan nila, kaya siya na mismo ang pumunta. Isa pa, nakabantay rin naman si Reymart sa mga anak nila. “Diana!” Napahinto siya at napatingin kay Judith, na bumaba sa kotse. “Baki-.” Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin, dahil bigla nalang napabaling ang mukha niya sa kabila. Malakas siya siyang sinampal ni Judith, nang makalapit ito sa kanya. “Ang kapal ng pagmumukha mo! Itinuring kitang kaibigan, pero ito ang iginanti mo sa akin Diana!” Galit na wika ni Judith sa kanya. “Alam mo bang lahat ay ginawa ko, para sa 'yo noon, pero ito lang pala ang igaganti mo sa akin?” Inis na napangiti si Diana, dahil sa kanyang sinabi. “Naririnig mo ba ‘yang sinasabi mo?” Galit na wika niya rito, kaya natigilan si Judith. “Hindi ba't dapat ako ang magsabi sa 'yo niyan?”“Ang kapal-kapal ng pagmumukha mo! Lahat ginawa ko sa 'yo noon, dahil kaibigan ang turing ko sa 'yo, pero anong g
230 3RD POV “‘Wag kang maingay.” Wika ni Reymart, habang nilagay sa kanya ang hawak na jacket nito. Matapos silang lampasan ng mga lalaking humahabol kay Diana, ay agad na tinulak ni Diana, si Reymart. Naiilang kasi siya sa posisyon nilang dalawa, lalo na at dumikit ang dibdib niya, kay Reymart.“W-wala na sila.” Yukong wika niya, rito habang malakas pa rin na kumakabog ang kanyang dibdib. “Sino ba ang mga ‘yon?” Tanong ni Reymart, habang nasa loob na sila ng elevator. Natagawan na rin ni Reymart, ang mga tauhan niya. Para sundan ang kotse kanina. “Hindi ko alam.” Sagot ni Diana. “Paano mo nalaman na nando'n ako?” Tanong niya, dahil hindi niya maiwasan na magtaka, kung paano napunta si Reymart, doon. Lalo na at alam niya na nando'n lang ito, kanina sa kanyang opisina. “May sasabihin sana ako sa 'yo kanina, kaya sinundan kita.” Sagot ni Reymart. “Dapat hindi ka lumalabas mag-isa. Alam mong delikado.” Napakunot ang noo ni Diana, habang tiningnan niya si Reymart. “‘Wag mong sabi
CHAPTER 83RD POV “Bakit mo ako dinala rito?” Galit na tanong niya kay Jameson, matapos siyang ibaba nito. “Para hindi ka mawala.” Sagot nito na lalo niyang kina-inis. “Mawala? Ano bang akala mo sa akin?” “Alam mo, malalagot ka talaga sa ginawa mo sa bodyguard ko! Nasa’n na ba sila? Bakit mo sila biglang iniwan? Lalo na ‘yong secretary ko?” Muling wika niya, habang tinitigan siya ni Jameson. “Alam mo, ang ingay mo.” Wika nito at iniwan siya. “Hoy! Mr. Miller! Saan ka pupunta?” Inis na sigaw niya rito.“Hindi kita asawa, kaya hindi ako dapat magpa-alam sa ‘yo.” Wika nito, at lumabas. Napasigaw naman sa inis si Ellie, dahil sa inasta ni Jameson. Nang makaupo siya muli sa sofa ay muli niyang naalala si Jameson, napansin niya na parang nagbago ang ugali nito. Ibang-iba kasi ito noon. “Sandali lang, bakit hindi niya ako maalala? Katawan lang naman ang nagbago sa akin at hindi mukha?” NANG bumukas muli ang pinto ay napatingin siya kay Jameson, na pumasok. Napatingin din siya sa mg
CHAPTER 73RD POV “Ma’am Ellie, kanina pa po naghihintay sa inyo si Mr. Miller.” Wika ng kanyang secretary, habang hindi pa siya nakapasok sa kanyang opisina. Napakunot naman ang noo niya, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Hinihintay? Bakit niya ako hihintayin?” Taka na wika niya. “Ngayon po kasi ninyo bisitahin ang isang branch niyo Ma’am Ellie.” Sagot nito, kaya napahawak siya sa kanyang noo.“Hindi ba pwede na siya nalang ang pumunta ro’n?” Wika niya, habang pumasok sa kanyang opisina. Gusto niya kasi itong iwasan at ayaw niya itong makasama. “Hindi po pwede Ma’am Ellie, tumawag din po kasi ang lola Aira niyo. Kailangan niyo raw pong puntahan mismo ang branch na ‘yon.” Wika nito, habang hindi siya sumagot. Nang lalabas na sana ang secretary niya, ay muli niya itong tinawag. “Saan siya naghintay?” Tanong niya rito. “Sa airport po Ma’am Ellie.” Sagot nito. “Tawagan mo siya, sabihan mong mauna nalang.” Muling wika niya rito. Binuksan ni Ellie, ang monitor na nasa harapan niya,
CHAPTER 6 3RD POV “Ate, mabuti at nandito kana.” Wika sa kanya ng kapatid niyang si Eloise. “Sa’n ka pala galing? Bakit ngayon ka lang umuwi?” Tanong sa kanya ni Elijah. “Sa bar ni Kuya Ryker nga, roon nalang siya natulog, Kuya, dahil lasing na si Ate.” Sagot ni Eloise, kay Elijah. “Pinuntahan ko nga siya, sa room niya. Pero wala siya ro’n.” Gulat siyang napatingin kay Elijah, dahil sa sinabi nito. “Anong wala?” “Wala ka nga ro’n sa silid, kaya hinahanap kita.” Natigilan siya, dahil sa sinabi ni Elijah. Imposible na hindi siya nito nakita. “Hindi naman pwede na papasok ako, sa kabilang room. Alam ko naman na wala ka ro’n.” Muling wika ni Elijah. ‘K-Kabilang kwarto? Ibig sabihin, ako ang nagkamali ng pagpasok sa room, kung saan. Naroon si Jameson?’ “Ate, ayos ka lang ba?” Untag na wika ni Eloise, sa kanya. “Ayos lang ako.” Sagot niya sa kanyang kapatid. “Para ka kasing namumutla.” Napahawak si Ellie, sa mukha niya, dahil sa sinabi ng kanyang kapatid.“Sa’n kaba galing Ellie
CHAPTER 5 3RD POV “Ang ganda mo na talaga Ate.” Wika ni Charles, sa kanya. Isang taon na rin ang lumipas, simula noong maghiwalay sila ni Jameson, mula nang bawiin niya, ang lahat dito, ay wala na siyang narinig na balita tungkol sa dating nobyo. Sinikap din ni Ellie, na kalimutan ito. “Bakit?” Wika niya, matapos niyang sagutin ang tawag sa kanyang phone. “Ate, samahan mo kami mamaya.” Wika sa kanya ni Dahlia. Si Dahlia, ay isa sa mga anak ng kanyang tito Reymart at tita Diana. “Saan kayo pupunta?” Kunot-noo na sagot niya rito, habang umupo sa swivel chair niya. “May bagong binuksan na bar si Kuya Ryker, kaya dapat pupunta tayo.” Wika nito sa masayang boses. “Sino ba ‘yan Ate?” Tanong sa kanya ni Charles. “Si Dahlia.” “Si Charles ba ‘yon?” Tanong muli ni Dahlia. “Oo.” “Isama mo na rin siya Ate at si Eloise.” “Hindi pwede, alam niyo na bawal ‘yon, pumunta sa bar.” Sagot niya rito. “Ate naman, may ladies drink naman do’n, kaya ‘yon nalang sa kanya.” Wika nito, kaya napa-hin
CHAPTER 4 3RD POV “B-bakit kayo naghahalikan?” Utal na wika niya, habang nag-uunahan sa paglandas ang kanyang mga luha.“Hindi ka naman siguro bulag Ellie, at alam kung nakita mo ang ginagawa namin.” Ngiting wika sa kanya ni Camille.“Nakita mo ba ‘to? Tanong nito, habang tinaas ang kanyang daliri. “Magpapakasal na kami ni Jameson, kaya dapat layuan mo na siya.” “B-Baby..” Sambit niya habang luhaan na tumingin kay Jameson. “B-Baby, sabihin mo sa akin, na hindi totoo ang sinasabi niya!” Iyak na sigaw niya rito. “Totoo ang sinabi ni Camille, Ellie, pasensya kana, pero hindi kita kayang mahalin, at ayaw kung pagtawanan sa mga taong ka-kilala ko.” Wika nito, kaya galit siyang lumapit dito. “Walang hiya ka!! Ginamit mo lang ako!!” Galit na sigaw niya, matapos itong sampalin.“’Wag mong saktan si Jameson! Ikaw ang tanga! Dahil pumatol ka sa kanya! Kahit pa alam mong hindi ka niya magugustuhan! Tingnan mo nga ‘yang itsura mo Ellie? Sa tingin mo ba, may lalaking magkaka-gusto sa ‘yo?”
CHAPTER 3 3RD POV “Ano na naman ang ginagawa mo rito? Hindi ba sinabi ko na sa ‘yo, na ‘wag mo nalang akong puntahan.” Inis na wika ni Jameson, kaya nagyuko ng mukha si Ellie. “Isang linggo na kasi na hindi kita nakita, tinatawagan kita, hindi ka rin sumasagot.” Wika niya, kaya masama siyang tiningnan nito. “Hindi kaba talaga nakakaintindi? Ilang beses ko bang sabihin sa ‘yo, na busy ako! ‘Yan talaga ang mahirap, kapag wala kang alam sa business.” “Gusto lang naman kitang makita.” Napapitlag siya, nang bigla nalang hampasin nito ang lamisa. “Hindi na tayo, mga bata Ellie! Kaya ‘wag kang umasta na parang bata.” Galit na wika nito sa kanya. “Baby... Ayaw mo na ba sa akin?” Hikbing wika niya, at napansin niya na tigilan ito. “Sh!t! Hindi sa ayaw. Ang akin lang sumunod ka sa akin, kapag sinabi ko. Na ‘wag kang pumunta, pwede ba, sumunod ka sa akin.” Wika nito, kaya tumango siya rito. “Sorry na, pwede bang ‘wag ka nang magalit..” Mahina na wika niya, habang tumayo. “Aalis kana?”
CHAPTER 2 3RD POV Sa paglipas ng ilang buwan, ay lalo pang minahal ni Ellie, si Jameson. Tinutulungan niya ito, sa balak nitong buksan na negosyo, at pati mga luho nito ay binibili niya. “Ang galing mo talaga Baby, tinatanggap agad ang proposal ko, ilang araw nalang ma-umpisahan ko na ang negosyo ko.” Tuwang wika nito, habang niyakap siya ng mahigpit. “Nagawan mo na ba ng paraan ang sinabi ko?” Wika nito, habang hinalikan siya sa kanyang leeg. Hindi naman maiwasan ni Ellie, na mapangiti, lalo na at nakikiliti siya. “Oo naman Baby, alam mo naman na malakas ka sa akin.” Ngiting wika niya, at humarap dito. “Talaga Baby? Ibig sabihin, binili mo na ‘yong building na sinabi ko?” Tanong nito, habang tumango siya. “Yes! Ang swerte ko talaga sa asawa ko!!” Malakas na sigaw nito, habang pilit siyang binuhat. “Ano kaba! Alam mo naman na hindi mo ako kayang buhatin.” Natatawa na wika ni Ellie. “Yayakapin nalang kita, nang mahigpit na mahigpit.” Wika nito, at hinalikan siya sa kanyang lab
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK IX CHAPTER 1“Tama na ‘yan.” Wika ni Elijah, sa kambal niya na si Ellie. “Gusto ko pa ngang kumain!” Galit na sigaw nito sa kapatid niya. “Hayaan mo na siya.” Wika ni Clyde, habang umupo ito. “Ang taba-taba na nga ni Ate, Kuya.” Iling na wika ni Eloise, kaya masama siyang tiningnan ni Ellie. “Ano bang pakialam mo? Ikaw nga payatot!” Wika niya habang nilabas ang dila. “Kuya o! Si Ate, nang-aaway na naman!” Sombong niya sa kapatid niyang si Clyde. “Kung anu-ano kasi ang sinasabi mo kay Ate.” Kunot-noo na wika ni Charles, sa kanya. “Ano bang kaguluhan ‘yan?” Tanong ni Evo, sa mga anak niya. “Kasi Dad, si Ellie, ang taba-taba na nga, kain pa rin ng kain.” Sagot ni Elijah, sa kanilang ama. “Anak, hayaan mo na ‘yang kapatid mo, sadyang masarap lang talaga ako magluto, kaya tumataba kayo.” Ngiting wika ng kanilang inang si Kai, habang nilagyan sila ng pagkain. “Ayan kana naman Mommy, kaya sobrang taba ni Ellie, ang pangit niya tulo-.” “Elijah!” Napatingin
354 WAKAS 3RD POV “Mabuhay ang bagong kasal!!” Malakas na sigaw ng mga tao, matapos na pumasok si Dell at Noah, sa hotel, katatapos lang ng kanilang kasal at tuwang-tuwa ang anak nilang si Marie at ang mga pinsan nito nang, makita nila ang mga bulaklak at lobo. “Sinabi ko naman sa ‘yo noon Hija, na kayo ang magkatuluyan ‘di ba?” Ngiting wika sa kanya ng kanyang lola Paula. Napangiti naman si Dell, dito habang humalik sa pisngi nito. “Salamat po Lola..” Wika niya habang niyakap siya nito. “Payaw-ayaw ka pa noon.” Iling na wika ng lola Helen niya, kaya hindi niya mapigilan na mapangiti. “Lola naman..” Malambing na wika niya rito. “Paano naman ako Apo? Hindi mo ba ako yayakapin?” Nagtatampo na wika ni Kim. “Lola, yayakapin naman talaga kita.” Wika niya at nilapitan ito. “Alam mo bang palagay na ang loob ko ngayon Apo? Lalo na at may pamilya kana. Alam mo naman na kahit hindi ako gaanong tumatawag sa ‘yo, ay lagi ko pa rin na tinatanong sa iyong ama, kung maayos ka lang ba.” “A