2093RD POV Matapos mailibing ang ama ni April ay nagpasya silang dalhin ang kanyang ina sa ibang bansa kasama nila, at gusto nila na roon nalang ito tumira, dahil alam ni April na hindi titigil ang kanyang ina, hangga't hindi ito makakaganti. “Tayo na.” Wika ni Rey, sa asawa niya. Tumango ito sa kanya habang tumingin sa kanyang ina na tahimik lang na nakaupo. “Tayo na Mommy.” Wika niya rito, kaya tumayo ito. Wala itong imik na naglakad at iniwan sila. “Anak.” Sambit ni Anna. “Umuwi kayo agad ha.” Wika nito kaya tumango si Rey. “April, anak. Alagaan mo si Rey, roon ha.” Wika niya at hinalikan sa pisngi si April. “Makakaasa po kayo Ma'am.” “Ayan kana naman, mommy dapat ang itawag mo sa akin.” Wika nito at hinaplos ang buhok nito. Hindi maiwasan ni April na mahiya, dahil sa ginawa ni Anna. “Sige na Mom, mauna na kami.” Wika ni Rey at humalik sa kanyang ina. “Mag-ingat kayo ro'n, Rey.” Wikang muli ni Anna at hinalikan ang anak niya. “Dad, kayo na muna ang bahala kay Mommy.” W
My Mysterious Wife VI 210 3RD POV “Anak, nakakahiya naman sa mga magulang ni Diana, ‘yang gusto mo.” Wika ni Anna sa anak niyang si Reymart. Kagagaling lang niya sa ibang bansa, para puntahan si Rey at April at agad siyang bumalik, dahil nagmamadali na si Diana na maikasal ito kay Reymart. “Mom, wala akong pakialam sa sasabihin nila.” Napahinga ng malalim si Anna habang nakatingin sa anak niya. Ayaw niya na kulitin ito, dahil alam niya kung gaano kahirap ang maikasal sa taong hindi mo gusto. Ayaw niya lang kasi na mapahiya sa pamilya ni Diana. Lalo na at matalik itong kaibigan ng ina niyang si Helen. **** “Para sa 'yo.” Hindi na nag-abala pa si Reymart, na tingnan ang babaeng nasa harapan niya, at lalong wala rin siyang balak na tingnan ang binigay nito sa kanya. “Hindi ko kailangan ang mga ‘yan, kaya sa susunod ‘wag kanang mag-abala pa.” Balewala na wika nito. “Hindi naman ‘to abala sa akin.” Ngiting wika ni Diana, habang nag-angat ng mukha si Reymart sa kanya.
211WARNING MATURED CONTEXT!!!SPG3RD POV “R-Reyamrt…” Utal na sambit ni Diana habang papalapit si Reymart sa kanya. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong nito sa kanya, habang nilapitan niya ito. “Masama bang puntahan kita?” Ngising wika ni Reymart sa kanya. Habang napatingin siya sa paligid ng opisina nito. “A-anong gusto mo?” Wika nito habang napapansin ni Reymart, ang pagkataranta nito. “Ikaw ang gusto ko, kaya i-lock mo ang pinto.” Kunot-noo na wika sa kanya ni Reymart. “A-ano ba ‘yang pinagsasab-.” Natigilan siya nang makitang muling bumalik si Reymart sa pinto at ni-lock ito. “Maghubad kana.” Utos nito sa kanya, kaya napakunot ang kanyang noo. “Bingi kaba? Ang sabi ko maghubad kan-.” Napabaling ang mukha ni Reymart, matapos itong sampalin ni Diana. Napahawak naman si Reymart sa pisngi niya, habang nanlilisik ang kanyang mga mata na tumingin kay Diana. “Ano ba Reymart!” Sigaw ni Diana, habang hinalikan nito ang leeg niya. “Bitawan mo ako ano ba!!” Muli niyang sinampal si
2123RD POV “J-Judith…” Sambit ni Diana, kaya napatingin ito sa kanya, habang tinalikuran sila ni Reymart. “Bakit kayo magkasama?” Tanong nito habang lumabas si Diana, sa kanyang opisina. “May pinag-usapan lang kami.” Sagot nito. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya, habang naglalakad sila papunta sa elevator. “Pinuntahan ko lang ang pinsan ko, salamat pala Diana ha, dahil pinapasok mo rito si Mark.” Ngiting wika niya, habang papasok sila sa elevator. “Wala ‘yon, isa pa kulang naman talaga kami sa tao.” “Mabuti nalang talaga, nilapitan kita, oo nga pala, may phone number ka kay Reymart?” Natigilan si Diana, dahil sa tanong nito sa kanya. “H-ha? B-bakit?” Tanong niya, rito habang pinipigilan ang pama-iyak. Simula noon ay alam na niya na si Judith ang nag-iisang babae na minahal ni Reymart. Simula ng magkahiwalay sila, ay wala na itong nililigawan pang iba. “Gusto ko lang sana na magpasalamat sa kanya.” Sagot nito habang napatitig sa kanya si Diana.“Magpasalamat? S-saan?” Nap
2133RD POV “Hindi na naman maipinta ‘yang mukha mo Reymart.” Wika ni Anna sa anak niya, habang nasa hapag na sila ng kainan. “Pwede ba, hayaan mo nalang ‘yang anak natin. Alam mo naman ang ugali niya.” Wika ni Recca, kaya masama niya itong tiningnan. “Hindi pwede ‘yang ginagawa niya Recca. Alam mong may asawa na siya.” “Mommy, ayos lang po ako, wala naman po siyang ginawa na masama sa akin.” Napatingin si Reymart sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. Matapos silang kumain ay agad ng umalis si Reymart. Hindi rin siya nagpaalam kay Diana, at sa kanyang ina lang siya humalik. Habang naglalakad papunta sa taas upang gamitin ni Reymart, ang kanyang helicopter, ay hinawakan ni Anna ang kamay ni Diana. “Pagpasensyahan mo na ang anak ko, Hija. Ang totoo, mabait naman ‘yang si Reymart.” Wika niya habang ngumiti lang sa kanya si Diana.***“Diana!” Tawag ni Judith, sa kanya, kaya hindi niya maiwasan na magulat. “Anong ginagawa mo rito?” Taka na tanong niya, hindi niya kasi akalain na maki
2143RD POV “Diana.” Ngiting wika ni Judith at niyakap siya. Hilaw siyang napangiti rito habang tumingin siya kay Reymart. “Bakit kayo magkasama?” Tanong niya habang ang kanyang mga mata ay nanatili kay Reymart. “Niyaya niya ako rito.” Tuwang wika ni Judith. Habang napakuyom ang kamao niya. “Ganun ba, mabuti ka pa.” Inis na napatingin si Reymart sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. “Ako ba hindi niyo yayain?” Muling wika niya, kaya napatingin si Judith kay Reymart. Namilog naman ang mga mata ni Diana, nang Nakita na pinulupot nito ang kanyang isang kamay sa braso ng asawa niya. “Pwede bang isama natin si Diana?” Ngiting tanong nito, habang nakangiti rin sa kanya si Reymart. “‘Wag na, baka busy siya.” Sagot nito habang tumingin sa kanya. “Sa sunod ka nalang sumama Diana ha, susulitin muna namin ang araw na ito.” Bulong nito sa kanya at agad na silang nagpa-alam. Gustong-gusto ni Diana ang sumigaw dahil sa galit. Pero hindi niya ito ginawa, at hinayaan nalang ang kanyang mga luha
2153RD POV “Bakit hindi mo sinabi sa akin na lumipat ka rito?” Tanong nito ni Reymart, habang wala siyang pakialam dito. “Hindi mo ba ako naririnig?” Galit na wika nito habang hinawakan ang kanyang braso. “Wala ka namang pakialam kung lumipat ako ‘diba?” “May pakialam ako dahil asawa kita!” Natawa si Diana, dahil sa sinabi ni Reymart. “Asawa? Ni hindi mo nga ako itinuturing na asawa!” “Paano kita ituturing na asawa? Alam mong pinakasalan lang kita, dahil sa utang na loob!” “Kung ganun, dapat maghiwalay na tayo.” Bahagyang nagulat si Reymart, dahil sa sinabi ni Diana. “Sa tingin mo ganun lang kadali ‘yon?” Kunot-noo na tanong ni Reymart sa kanya. “Nauntog ba ‘yang ulo mo?” Tanong nito habang hindi siya sumagot kay Reymart. “Sa bagay si Rey naman talaga ang gusto mo at hindi ako ‘diba? Kaya ka siguro nagkaganyan.” “Ayaw mo pa nun, maging malaya na kayo ni Judith?” Lalong napakunot ang noo ni Reymart, dahil sa kanyang narinig. “Nagseselos kaba sa kanya?” Natatawa na tanong n
216WARNING MATURED CONTEXT!!!SPG3RD POV “Ibaba mo siya.” Wika ni Reymart, habang nakatingin sa lalaki. Buhat nito si Diana, at papasok na sana ito sa isang VIP room. “Bakit ko naman gagawin ‘yon?” Galit na tanong nito sa kanya. “Sundin mo nalang ang sinabi ko kung ayaw mong masaktan.” Madiin na wika ni Reymart. Napangiti ang lalaki sa kanya, habang insulto siyang tiningnan. “Maghanap ka ng sarili mong babae. Hindi mo ba alam, na pinaghirapan kung kunin ang babaeng ‘to?” Napakuyom si Reymart, sa kamao niya dahil sa sinabi nito. Nilingon naman ni Reymart, ang kanyang mga tauhan at suminyas ito. “Teka lang! Sino ba kayo?” Gulat na tumingin ang lalaki sa mga tauhan ni Reymart, dahil pinalibutan siya nito. “Ibaba mo na siya, kung ayaw mong masaktan.” Muling wika ni Reymart, kaya agad na binaba ng lalaki si Diana, at mabilis itong tumakbo. “Dalhin mo siya sa loob.” Utos niya sa isang tauhan niya. Matapos mailagay ng tauhan niya si Diana sa loob ng VIP room, ay lumabas na ito.
2833RD POV Napaatras si Dell, matapos niyang marinig ang tawa nito. “I-ikaw…” Utal na wika niya, habang muling napasigaw. Akmang tatakbo na sana siyang muli, pero mabilis siyang hinawakan nito.Tangka na naman sana na tuhudin ni Dell, ang kanyang gitna, pero mabilis na nahawakan ni Noah, ang tuhod niya. “Ibaba mo ako hay*p ka!!” Malakas na sigaw niya, habang pinag-susuntok ang dibdib nito. “Ummm…” Unti-unti na nakaramdam ng panghihina si Dell, nang maamoy niya ang itinakip ni Noah, sa kanyang ilong. ****“Daddy…” Mahina na sambit ni Dell, habang pilit na minulat ang kanyang mga mata. Dahil hindi pa rin niya mai-mulat ang mga mata niya, ay kinapa niya ang harapan niya. Nang mawala siyang makapa rito, ay sunod niyang kinapa ang tagiliran niya. Napakunot naman ang noo ni Dell, nang may nahawakan siya sa kanyang tabi. Nang napagtanto niya na isa katawan ito ng isang lalaki, ay agad niyang hinawakan ang buong katawan niya. Pinapakiramdaman din ni Dell, ang kanyang gitnang bahagi, k
2823RD POV Matapos maligo ni Dell, ay kinapa niya ang kanyang mga damit. Matapos niya itong nahawakan ay mabilis niya itong sinuot. “Noah!!” Sigaw niya, habang kinakapa nito ang gilid. “Bakit? Tapos kana ba?” Narinig niyang wika nito. “Tatawagin ba kita kung hindi pa! Tulungan mo ako!” Muling sigaw niya rito. Hindi naman ito sumagot at narinig lang ang tunog ng pinto. Napapitlag siya ng may mga kamay na humawak sa kanya. “Bakit kaba nanggugulat?” Tanong niya rito. “Bakit ka naman magugulat? Alam mo naman na tayo lang dito.” Natigilan si Dell, at hindi umimik. ‘Kung ganun, kami lang pala rito?’ Lihim na napangiti si Dell, dahil sa kanyang nalalaman. “Hindi kana ba pumapasok?” Tanong niya, habang inalalayan siya nito. Hindi naman ito sumagot sa tanong niya. “Bakit nandito ako? Bakit wala ako sa kama?” Kunot noo na tanong niya rito. “Magpahangin ka muna.” Narinig niyang wika nito. “Umalis kana sa pabrika?” Muling tanong niya rito. “Bakit mo tinatanong?” “Dahil lagi kang n
2813RD POV Nang magising si Dell, ay hindi niya pa rin maidilat ang mga mata niya. Kinakapa niya ang paligid habang nagtataka. Kanina lang ay nasa likuran sila ng pabrika, pero ngayon ay nasa ibabaw na siya ng malambot na kama. Gulat niyang kinapa ang kanyang sarili, ng napagtanto ang lugar na kinalalagyan niya. Wala naman siyang napansin na kakaiba sa sarili niya, kaya nakahinga siya ng maluwag. “Walang hiya ang lalaki na ‘yon!” Inis na wika niya, habang napakuyom siya sa kamao niya. “Alam mo bang mas walang hiya pa kayo sa akin?” Narinig niyang wika ni Noah. “Hindi ko maintindihan kung bakit mo ginawa sa akin ‘to?” Naguguluhan wika niya, pero hindi na niya ito narinig pa na nagsalitang muli. Ngayon niya lang din naisip ang sinabi ni Kyla, sa kanya. ‘Hindi kaya siya ang dahilan kung bakit nagka-ganun si Kyla? At hindi kaya totoo ang sinabi niya tungkol sa kanya? Nakakainis! Bakit ba kasi ang tigas ng ulo ko? Bakit ba hindi ako nakinig sa kanya! Kaya pala lagi ko siyang nakiki
2803RD POV “Kyla…” Sambit niya, habang tulala itong nakatingin sa kisame. “Hindi ko alam paano, tawagan ang mga magulang o pamilya mo, kaya ako nalang ang nandito.” Wika niyang muli, habang nakikita niya na naglalandas ang mga luha sa mata ni Kyla.“Bakit hindi mo sinabi sa akin, na buntis ka?” Tanong niya pero wala pa rin siyang nakuhang sagot, mula kay Kyla. “H-hay*p siya…” Mahina na wika nito, kaya napakunot ang noo niya. “S-sino?” Tanong niya rito. Napatingin naman siya sa kamay nito, matapos hawakan ni Kyla, ang kanyang braso. “‘Wag kang lumapit sa kanya, layuan mo siya!” Iyak na sigaw nito. “Sino ba ang ibig mong sabihin?” Taka na tanong niya, habang patuloy na itong umiiyak. “Kyla!!” Napalingon siya sa isang ginang na pumasok. Mabilis nitong niyakap si Kyla, habang humagulgol ng iyak. Tumayo naman si Dell, at iniwan sila sa kwarto. Hindi niya rin maiwasan na napa-isip dahil sa sinabi ni Kyla. KINABUKASAN ay maaga na pumunta si Dell, sa pabrika nila. Patuloy siyang nag
2793RD POV “Kuya naman eh! Bakit kaba nanggugulat?” Inis na wika niya, kay Evo. “Bakit ba?” Natatawa na tanong nito sa kanya. “Anong bakit? Baka may makakita sa atin?”“Ano naman?”“Ayoko kasi na malaman nila na magkapatid tayo.” Napakunot ang noo ni Evo, dahil sa sinabi ni Dell. “Bakit hindi pwede?” “Kuya, gusto ko pang mag-stay rito, kaya ayokong malaman nila. Baka kasi mailang sila sa akin.” “Kung gusto mo tanggalin ko silang lahat dito.” “Kuya, ‘wag mo ngang gawin ‘yan. Mas gusto ko pa silang makilala.” Ngiting wika ni Dell. “Sige, basta kung may problema ka, tawagan mo lang ako.” Ngiting wika ni Evo, kaya agad niya itong niyakap. “Salamat Kuya.” Ngiting wika niya, habang nag-angat siya ng kanyang mukha.“Basta ikaw Princess.” Ngiting wika niya. “Paano, uuwi na ako.” Napakunot ang noo niya, habang bumitaw dito. “Bakit?” “Alam mo naman ang Ate mo.” “Sos! Ang bilis mo naman siyang ma-miss.” “Ganun talaga.” Ngiting wika ni Evo, sa kanya. Matapos silang mag-usap ay umu
278 3RD POV “Sagutin mo nga ako!” Hinihingal na tanong ni Dell, sa kanya. “Nilalayo lang kita sa kanila.” “Nilalayo? Pero bakit? Wala naman tayong masamang ginawa? Isa pa kakain lang naman tayo?” “Sinasagot mo kasi sila. Alam mo bang pwede nila tayong tanggalin sa trabaho natin, dahil sa ginawa mo?” Nailing si Dell, habang napangiti. “Wala kabang tiwala sa akin?” “Wala sa tiwala ‘yan. Halika na, maghahanap nalang tayo ng iba.” “‘Wag na, nawalan na ako ng gana.” Wika ni Dell. “Uuwi nalang ako. Pagod na rin kasi ako.” Muling wika niya rito. “Paano, mauna na ako sa 'yo. Magkita nalang tayo bukas.” Wika ni Dell, habang tinalikuran siya at kinawayan. Napatitig naman ito sa likuran niya habang napangisi. ****“Ma'am Dell, kumain na po kayo.” Wika ng katulong niya. “Sige po, ako na po ang bahala. Magpahinga nalang po kayo.” Wika niya rito. Habang nakaupo si Dell, sa harapan ng mesa ay napatingin siya sa kanyang phone. Balak niya sana na ipatanggal ang mag-asawa na ‘yon, sa kump
2773RD POV “Pasensya kana.” Yukong wika nito, kaya nilapitan ito ni Dell. “Bakit ka humihingi ng tawad? Wala ka namang ginagawang masama?” Nag-angat ito ng mukha niya, at napatitig sa kanya. “H-hindi ka galit?” Wika nito, habang bakas sa mukha nito ang saya. “Hindi, bakit naman ako magagalit. Upo ka.” Yaya ni Dell, sa kanya. Mabilis naman itong umupo sa kanyang tabi. “Gusto mo?” Alok ni Dell, sa kanya. Hindi niya naman maiwasan na mapatitig dito, dahil sa nakatingin lang ito sa hawak niya. “Sige lang sa 'yo nalang ‘yan.” Ngiting wika nito sa kanya. “Nakakapunta kana pala sa hotel dito?” Tanong niya, at kita niya sa mukha nito ang gulat. “O-oo..” “Kung ganun, pwede mo ba akong ipasyal do’n?” Ngiting wika niya, habang hindi naman ito makapaniwala na tumingin sa kanya. “I-ibig mong sabihin, sasama ka sa akin?” “Oo naman, bakit hindi? Maganda nga ‘yon, may tour guide ako.” “Dell!” Malakas na sigaw ni Kyla, hindi niya ito napansin na nasa likuran na nila ito. “Halika! At ‘wag
2763RD POV “Bakit kaba nakikipag-usap sa kanya?” Tanong ni Kyla. “Anong masama?” Balewala na tanong niya rito. “Alam mo bang ang weird ng taong ‘yan, kaya hindi namin siya pinapansin. Ang sabi-sabi pa nga ng iba, ay bal*w siya.” Napatingin si Dell, sa lalaki na busy sa trabaho nito. “Normal naman siya.” Sagot niya kay Kyla. “Anong normal? Hindi siya normal. Sa mga naririnig ko, ay isa siyang killer.” Hindi napigilan ni Dell, na matawa, dahil sa sinabi ni Kyla, kaya napatingin sa kanila ang lahat ng kasamahan nila. Sinaway naman siya ni Kyla, kaya siya tumigil. “Anong nakakatawa?” Tanong ni Kyla, sa kanya. “Paano mo kasi na isip na isa siyang mamamatay tao?” Natatawa pa rin na wika ni Dell. “‘Yon kasi ang sabi nila, isa pa. Mukha naman na totoo, kasi tingnan mo naman ang kanyang itsura.” “‘Wag mo siyang husgahan, dahil lang sa itsura niya, malay mo. Kapag inayos na niya ang sarili niya, baka ma-inlove ka sa kanya.” Si Kyla, naman ang natawa dahil sa kanyang sinabi. “Malabo
My Mysterious Wife Book VIII Chapter 2753RD POV “Nasa’n kana naman?” Wika ng kanyang ina, matapos niyang sagutin ang phone niya. “Mommy, nasa probinsya ako.” Sagot niya rito. “Probinsya? Bakit nand’yan kana naman? Nakalimutan mo ba ang nangyari sa ‘yo noon?” Wika ni Aira sa kanya. “Mommy, kalimutan niyo na po ‘yon, Isa pa. Wala naman nakakakilala sa akin dito.” “'Yon nga ang inaalala ko. Lalo na at wala ka pang dalang bodyguard.” Napangiti si Dell, dahil sa narinig niya, mula sa kanyang ina. Hindi pa kasi ito nasanay sa kanya. “Mom, ako na po ang bahala sa sarili ko, Isa pa wala naman pong nakakakilala sa akin dito.”“Kaya nga, bakit ba kasi ang hilig mo sa lugar na ganyan? Pwede ka naman sana rito?” “Mom, hayaan niyo na po muna ako, I love you Mommy..” Malambing na wika ni Dell, kaya napahinga ng malalim si Aira, bago nito pinutol ang tawag niya. Noon paman ay ito na talaga ang hilig ni Dellemarre. Ang pumunta sa mga probinsya, at magmasid sa mga tauhan nila. “Napa-angat s