C13RD POV“Dad! Ayoko pong magpakasal sa kanya!” Iyak na wika ni Anna sa kanyang ama. Hindi niya kasi inakala na basta nalang itong mag-desisyon na ipakasal siya sa anak ng kaibigan nito na si Dylan. Hindi naman maipagkakaila ng dalaga na may gusto siya sa binata, pero alam niya kasi na may girlfriend ito at mahal na mahal ito ni Dylan. “Ang pinaka-ayaw kung marinig Anna ay ang tanggihan mo ako sa lahat ng gusto ko! Alam mong si Dylan lang ang makaka-salba sa negosyo natin na palubog na!” “Pero Dad!” “Tumigil ka na Anna! Dapat kang sumunod sa iyong ama! Alam mo kung gaano siya nagsikap, para sa kumpanya natin, tapos hindi mo pa siya magawang pagbigyan?” “Paano ko siya pagbigyan Tita? Alam mo naman na masyado pa akong Bata. Isa ka, kaka-graduate ko lang.”“Wala kaming paki-alam! Basta ang gusto namin ang sundin mo.” Napa-upo si Anna, matapos niyang marinig ang sinabi ng stepmother niya. “Dad…” Mahina niyang sambit sa kanyang ama at hinawakan ang braso nito.“Kung gusto mo pang
C23RD POV“Kumain ka na, ipinaghanda kita ng pagkain.” Ngiting wika ni Anna, nang dumating si Dylan. Halos mamuti na rin ang kanyang mga mata sa kahihintay ng kanyang asawa. Ilang beses na rin niyang ininit ang mga pagkain, para hindi ito malamig kapag kumain na si Dylan. “Kumain na ako.” Balewalang wika ni Dylan at nilampasan lang siya. Napatingin naman si Anna sa mga pagkain at umupo sa mesa nang makitang pumasok na si Dylan sa loob ng kwarto nito. Hindi napigilan ni Anna ang kanyang sarili na mapa-iyak, habang nag-uumpisa na itong kumain. Akala niya, sa paglipas ng buwan na magkasama sila ni Dylan ay magbabago ang pakikitungo nito sa kanya. Pero habang tumatagal, ay mas lalo lamang na lumayo ang loob ni Dylan kay Anna. Kina-umagahan ay hindi na naabutan ni Anna si Dylan. Gusto niya sana itong ipaghanda ng pagkain, pero maaga itong umalis. Naisipan ni Anna, na dalhan nalang ulit ng pagkain si Dylan sa opisina nito. Alam niya kasi na sobrang busy nito at halos hindi na kumakai
C33RD POV“Pwede bang ‘wag ka munang umalis?” Kunot-noong nilingon ni Dylan si Anna, dahil sa sinabi nito.“At anong gusto mong gawin ko rito sa bahay? Magmukmok at titigan ka?” Insulto nitong wika kay Anna, habang natatawa. “Gusto ko lang malaman mo, na ayaw na ayaw kung makita ‘yang mukha mo! Hindi mo ba napapansin? Kaya nga ayaw kung mag-stay ng matagal dito sa bahay, dahil sa ‘yo!” Sigaw ni Dylan habang mabilis na tinalikuran si Anna. Napayuko si Anna, habang nag-uunahan sa pagbagsak ang kanyang mga luha. Gusto lang naman sana niya na may kasama, dahil masama ang kanyang pakiramdam. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at kinuha ang kanyang telepono. Dial niya ang isang agency para kukuha ito ng katulong. Hindi niya kasi kaya ang magluto at tapusin ang paglilinis na ginawa niya, dahil biglang sumama ang kanyang pakiramdam. Matapos tawagan ni Anna ang isang agency, para bigyan siya ng katulong ay naisipan niya na humiga muna sa sofa at dito nalang ito hintayin. Napamulat si An
C4 3RD POV “Bakit hindi mo man lang ako pinagtanggol!” Malakas na sigaw ni Anna kay Dylan ng maka-uwi dito. Hilaw na napangiti si Dylan sa kanya at tinitingnan siya, mula ulo Hanggang paa. “At bakit ko naman ‘yon gagawin?” “Dylan, asawa mo ako!”“Asawa? Baka nakalimutan mo na asawa lang kita sa papel! Isa pa, ito ang tandaan mo Anna, ayokong saktan si Britney, kaya ‘wag na ‘wag mong sabihin sa kanya na pinakasalan kita.” Muling napa-iyak si Anna, dahil sa narinig niya mula kay Dylan. Ni wala man lang itong pakialam sa nararamdaman niya. Napatingin si Anna kay Luz ng abutan siya nito ng tubig. Mabilis din na tumabi si Luz nang makitang muling lumabas si Dylan. “S-saan ka pupunta?” Takang tanong ni Anna, habang nakita niya ang dalang maleta ni Dylan. Mabilis na lumapit sa kanya si Anna at hinawakan ang kanyang maleta.“Saan ka ba pupunta? Pwede bang ‘wag kang umalis..” Iyak nitong pagmamakaawa sa kanya. Pero parang bingi si Dylan at walang narinig. Muling hinawakan ni Anna ang ma
C5 3RD POV“Manang!” Napahinto si Luz at napatitig kay Anna. Ibang-iba kasi ito ngayon at ang sigla ng mukha niya. Hindi na rin nito nakikita sa mga mata ni Anna ang lungkot. “A-ayos na po ba kayo?” Taka niyang wika habang nilapitan ang amo. Dumako ang kanyang mga mata nang makita ang baso na may laman na alak. “Umiinom po kayo Ma’am Anna?” Tanong nito habang bakas sa kanyang mga mata ang pagtataka. Ngayon lang kasi niya nakitang umiinom ito. “Oo naman Manang, Minsan kailangan talaga natin uminom. Teka, bakit ba masyado kayong seryoso r’yan? Halika, uminom ka rin.” Ngiting wika nito habang inabot sa kanya ang baso. Kinuha naman ito ni Luz, habang hindi niya maiwasan na titigan ang mukha ni Anna. Sabay silang napalingon ng bigla nalang bumukas ang pinto. Kunot-noo na napatingin sa kanila si Dylan at dumilim pa lalo ang mukha nito ng makita ang bote ng alak sa harapan nila. “Mukhang nag-eenjoy ka ng husto?” Wika nito habang nilapitan sila. “Anong enjoy? Paano naman ako ma-enjoy,
63RD POVHindi pa rin mawala ang isip ni Dylan ang ginawa ni Anna sa kanya. Hindi pa rin siya makapaniwala na kayang gawin ‘yon sa kanya ni Anna. Isa pang pinagtataka niya ay parang may iba sa asawa niya. Pati ang kasuotan nito ay nag-iba narin.“May problema ba?” Napatingin siya sa pinto at nakita ang kaibigan niyang si Recca na nakatayo. Mabilis naman siyang umiling dito.“I though nag-aaway na naman kayo ng girlfriend mo.” Wika nito habang umupo sa harapan ng mesa niya.“We’re fine.” “Then? Bakit parang ang lalim yata ng problema mo? ‘Wag mong sabihin pinapahirapan ka ng asawa mo?” Natatawa niyang wika.“Parang ganun na nga.” Unti-unting nawawala ang ngiti sa labi ni Recca, dahil sa sagot sa kanya ni Dylan.“What do you mean Dude?” “Iwan, napansin ko lang na bigla siyang nagbago.”“Baka nauntog na at gusto nang makipag-divorce sa ‘yo.” “Mabuti sana kung ganun. Alam mo naman na wala talaga akong gusto sa kanya.” “Kung ganun, bakit hindi mo nalang siya unahan?”“Alam mo naman na
73RD POV“Where are you going?” Tanong sa kanya ni Dylan ng makitang bihis na bihis si Anna. “Bakit mo tinatanong?” Masungit na sagot niya.“Tsk, sabihin mo sa akin kung sa’n ka pupunta.” “Paano kung ayaw ko?” Napakuyom ang kamao ni Dylan habang malakas na binagsak ni Anna ang pinto ng condo unit nila. Akmang susunod na sana siya sa kanyang asawa, pero biglang tumunog ang kanyang phone.Ayaw sana ni Dylan na pumunta sa office, pero kailangan dahil may importante silang meeting, kaya agad niyang tinawagan si Recca.“Ano? Gagawin mo pa talaga akong bodyguard sa asawa mo.” Natatawang wika ni Recca sa kabilang linya.”“Don’t worry I pay you.” Muling natawa si Recca, dahil alam niya na hindi siya mananalo kay Dylan.Samantala nagpunta si Anna sa isang sikat na boutique para bumili ng damit. Pagpasok niya pa lang ay pinagtitinginan na siya ng mga tao sa loob. Hindi rin siya pinansin ng mga sales lady roon. “Hey!” Napatingin si Anna kay Britney at hilaw na ngumiti.“Why are you here?” Na
83RD POV“Lumabas ka muna.” Gulat na napatingin sa kanya si Britney dahil sa kanyang narinig. Hindi niya akalain na siya ang palayasin nito at hindi si Anna.“Are you kidding me, Love?” Galit na wika nito“Pwede ba, ‘wag mo nang painitin pa ang ulo ko.” “Bakit ba ako ang pinapalabas mo? Bakit ba hindi siya?” Turo niya kay Anna.“Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi sa ‘yo ni Dylan?” Galit na nilingon ni Britney si Anna, at susungurin na naman sana. Pero pinigilan siya muli ni Dylan.“Lumabas ka na.” Muling wika ni Dylan sa kanya, kaya winaksi niya ang kamay ni Dylan at mabilis na lumabas.“Bakit ka nandito?” Inis na tanong niya kay Anna.“Bakit? Bawal ba akong pumunta rito?” Ngiting tanong niya. Narinig naman nila ang pagbubukas ng pinto kaya sabay silang napatingin dito.Bakas sa mukha ni Recca ang gulat ng makita si Anna na naka-upo sa swivel chair ni Dylan. Hindi niya inakala na pupunta rito si Anna, at sanay rin siya na basta nalang pumasok sa office ni Dylan. “Hi pogi!”
1613RD POV Napahawak si Hanma, sa pisngi niya. Habang niyakap siya ni Elijah at Ellie. “Daddy, bakit mo siya sinaktan?” Sigaw ni Ellie sa kanya. “Dahil tanga siya!”“Daddy, ‘wag mo na siyang sigawan.” Iyak na wika ni Elijah. Napahinga ng malalim si Aaron, at pilit na ngumiti sa mga bata. “Sorry, masyado lang talagang mainit ang ulo ni Daddy.” Ngiting wika niya sa mga bata at tinawag ang kanyang mga tauhan. “Mauna na kayo sa kotse.” Utos niya sa kanila. Nang makalabas na ang kanyang mga tauhan at ang mga bata, ay mahigpit niyang hinawakan ang braso ni Hanma. “Bakit ba ang b*bo mo?” Galit na tanong niya rito. “Hindi mo ba nakikita na aalis ako?” “Nakikita po…” Umiiyak na sagot ni Hanma sa kanya. “‘Yon naman pala? Tapos, bakit ang mga bata lang ang binihisan mo? Sino ba ang gusto mong magbantay sa kanila?” “A-akala ko po.. Hindi niyo ako isasam-.” Muling napahawak si Hanma, sa pisngi niya ng sampalin siya muli ni Aaron. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at nag-angat ng muk
1603RD POV Ilang linggo na na hindi pa rin bumalik si Hanma, sa condo ni Aaron, hindi niya maiwasan na magtaka. Aaminin niya, na na-miss na rin niya ang mga luto nito. Kinuha ni Aaron, ang kanyang phone, at tinawagan ang number ni Hanma. Pero katulad noong una, ay hindi pa rin ito matawagan. “Puntahan mo si Hanma, sa bahay nila.” Utos niya sa kanyang tauhan. “Sabihin mo, sa kanya na kailangan na niyang bumalik.” Muling wika ni Aaron, at agad na tumango ang kanyang tauhan. Matapos maka-alis ang tauhan niya, ay naisipan niya na pumasok muna sa kanyang silid, para tingnan ang kanyang email. Pero natigilan siya ng biglang bumukas ang pinto. “Bakit ngayon ka lan-.” Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin, nang makita si Evo, Kai at ang tatlo nilang anak.“Daddy!” Malakas na sigaw ng tatlo, habang yumakap sa kanya. Isa-isa niya naman silang hinalikan, at pagkatapos ay binuhat si Ellie. “Bakit kayo nandito?” Tanong sa kapatid niyang si Evo. “Na-miss ka raw ng mga bata.” Ngiting wi
1593RD POV “Akala ko pa naman, ang asawa mo ‘yon.” Natatawang wika ni Evo, sa kanya. Hindi sumagot si Aaron, habang ininom niya ang alak na nasa kanyang baso. Panay din ang tingin niya kay Hailey, habang kasama nito ang kanyang nobyo. “Bakit ba, hindi mo alam. Kung ilan silang magkakapatid Bro?” Muling tanong ni Evo. “Wala akong pakialam, kung ilan sila. Isa pa, hiwalayan ko rin naman ang kapatid nila.” Sagot ni Aaron sa kanya. “Talaga? Pero bakit? Sayang naman.” Masamang tiningnan ni Aaron, si Evo, dahil sa kanyang sinabi. “‘Wag mong sabihin, pinagnanasahan mo si Hanma?” Kunot-noo na tanong niya sa kanyang kapatid. “Hindi siya, hindi naman ‘yon maganda. Namimili pa nga ako sa dalawa niyang kamba-.” “Gusto mo bang tamaan?” Galit na wika ni Aaron, habang tinaas nito ang kamao niya. Hindi napigilan ni Evo, na matawa dahil sa ginawa ng kambal niya. “Hindi ka takot? Sabihin ko nalang sa asaw-.” “‘Wag! Hindi ka naman mabiro!” Inis na wika ni Evo, habang muli siyang pina-upo nito.
1583RD POV “Good morning.” Napakunot ang noo ni Aaron, nang makita niya si Helena, na nakaupo sa gilid ng kanyang opisina. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya, habang tumayo ito at malawak na ngumiti sa kanya. “Pinalitan ko ang kapatid ko.” Balewala na wika nito, habang inabot sa kanya ang isang tablet.“Nand’yan na lahat ng schedule mo Sir.” “Bilib din ako sa kapal ng pagmumukha mo.” Insulto na wika ni Aaron, sa kanya.“Mas mabuti ng makapal ang mukha, kaysa walang mukha ‘diba?” Ngiting wika nito, kaya inis niya itong tiningnan. “Lumayas kana, kung ayaw mong masaktan.” “Nakikita mo ba ‘to?” Wika niya, habang itinaas ang isang papel. Napakunot naman ang noo ni Aaron, habang nakatingin dito. “Baka lang kasi nakalimutan mo. Five years pa ang contract ko, bilang secretary mo.” Ngising wika ni Helena, sa kanya. “Kaya, wala kang karapatan na palayasin ako, aalis ako kung kailan ko gusto.” Wika nito at tinalikuran siya. Inis niya itong tiningnan, habang binuksan nito ang pinto ng
1573RD POV Agad na nag-bawi ng tingin si Hanma, sa kanya at muli itong kumain. “Para ‘yon, sa kaligtasan nila.” Wika ni Hanma, at itinuon na nito ang atensyon niya, sa kanyang pagkain. Gustong iwasan ni Aaron, ang pamilya niya, dahil kinakahiya niya si Hanma. Gusto niya rin sana na iwanan na ito, pero naisip niya, ang pakiusap ng daddy Recca niya sa kanya. “Magbihis ka.” Wika niya rito, habang naka-upo ito sa sahig. “Bakit po Sir?” Tanong ni Hanma, habang tumayo ito. “‘Wag kana ngang magtanong! Isa pa, bakit ba r'yan ka naka-upo? Gusto mo bang pagalitan na naman ako nila Daddy?” “S-sorry po Sir.. Baka po kasi magalit kayo, kapag sa sofa ako uupo.” Inis niya itong tiningnan at iniwan. “Bilisan mo!” Malakas na sigaw ni Aaron, sa kanya. “Ang Dami pang palusot, akala mo naman maawa ako sa kanya.” Inis na wika niya, habang kinuha ang kanyang bag. “Tapos kana ba?” Tanong niya rito, at agad naman na tumango si Hanma, sa kanya. “Wala kabang ibang damit?” Tanong niya rito, habang u
1563RD POV Lumipas ang isang linggo, na hindi nagpakita si Hanma, kay Aaron. Labis naman ang tuwa na nararamdaman ni Aaron, dahil sa hindi pagpapakita nito. Naiirita kasi siya, sa tuwing nakikita ito. Lalo na ngayon. Hindi pa rin niya naiisip kung paano niya na-pakasalan si Hanma. Sa tuwing iniisip niya ang itsura nito ay nandidiri siya. “Dad.” Wika niya, nang masagot niya ang tawag sa kanyang phone. “Aaron, bakit wala sa condo niyo ang asawa mo?” Napakunot ang noo niya, dahil sa tanong ng kanyang ama. “Anong ginagawa niyo, r’yan Dad?” “Hindi ako ang pumunta ro'n, ang daddy Recca mo. Ang sabi niya, wala raw doon ang asawa mo.” “Matagal na siyang hindi bumalik sa condo, Dad. Hindi ko alam kung nasa'n siya.”“Anong ibig mong sabihin? Ni hindi mo man lang siya hinanap?” Galit na tanong ni Dylan, sa kanya. “Dad, hindi ko naman kagustuhan na maikasal sa kanya, kaya wala akong pakialam kung sa’n, man siya magpunta, dahil hindi ko siya responsibilidad.” “Aaron!” Sigaw ni Dylan, sa k
1553RD POV “S-Sir.. Nasasaktan po ako…” Napahawak si Hanma, sa kamay ni Aaron. Habang sinakal siya nito. “Paano mo nagawa ‘yon?!” Galit na sigaw ni Aaron, sa kanya. “H-hindi ko po kayo maintindihan…” Iyak na wika niya, kaya mabilis siyang sinampal ni Aaron. “Palampa-lampa ka lang pala! Tapos niloloko mo ako!” “A-ano pong sinasab-.” Nahihirapan na tanong ni Hanma, sa kanya. “Bro! Bitawan mo siya, baka mapatay mo ‘yan!” Awat ni Evo, sa kanya. “Talagang mapapatay ko ang pangit na ‘yan!!” Galit na sigaw ni Aaron, at hindi pa rin, binitawan ang leeg ni Hanma. “Tama na ‘yan Aaron!” Sigaw ni Dylan. Habang galit na nilapitan nito si Aaron. Tinulak ni Dylan, ang anak niyang si Aaron, nang hindi ito nakinig sa kanya. Napahawak naman si Hanma, sa leeg niya habang tinulungan siya ni Dylan, na tumayo. “Bakit mo siya sinaktan?!” Galit na sigaw ng kanyang ama sa kanya. “Dahil manloloko siya Dad!” Malakas na sigaw ni Aaron, sa kanya. “Wala akong ginawang masama sa ‘yo Sir Aaron…” “Man
154 3RD POV “Aaron.” Agad na napatayo si Aaron, habang papalapit sa kanya ang kanyang ina. “Mom.” Lumapit siya kay Aira, at humalik dito.“Bakit, wala na naman ang secretary mo? Pinalayas mo na naman ba?” Galit na tanong ni Aira sa kanya. “Hindi ko siya pinalayas Mom,” “Kung ganun, nasa'n siya? Bakit wala akong makita sa labas?” “Wala, dahil ginawa ko siyang katulong.” Napakunot ang noo ni Aira, dahil sa sinabi ng anak niyang si Aaron, sa kanya. “Bakit mo naman siya, ginawang katulong? Hindi mo ba alam na matalino ang batang ‘yon? Isa pa, graduate rin siya sa paaralan na pinasukan niyo noon.” Napatingin si Aaron, sa kanyang ina, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Hindi naman, kasi siya ang na-hire niyo. ‘Yong mayabang niyang kambal.” “Kahit na, mabait naman si Hanma.” “Ano bang gagawin ko sa mabait Mom? Kung tatanga-tanga naman ito?” “Aaron,” “Mom, don't worry, kaya ko naman kahit wala akong secretary. Isa pa, mas magaling naman ‘yon sa bahay, kaya ro'n ko nalang siya nilagay
153 3RD POV “Daddy!!” Malakas na sigaw ng mga bata, habang papalapit ito sa kanya.Isa-isa niyang hinalikan ang mga bata, habang malawak na ngumiti si Evo, sa kanya. “Akala ko hindi ka pupunta rito Bro.” Wika nito, habang hinawakan siya sa balikat. Winaksi naman ni Aaron, ang kamay ni Evo. “Wala ka pa rin talagang pagbabago.” Iling na wika ni Evo sa kanya. “Ikaw ba meron?” “Naman! alam mong may asawa at mga anak na ako, kaya balewala na sa akin, ‘yang mga babae na ‘yan.” “Ikaw nga ang walang pagbabago. Puro babae pa rin talaga ‘yang nasa isip mo.” “Shhh! Manahimik ka nga Bro, baka marinig tayo ni Kai, gusto mo bang malagot ako sa kanya?” “Tinatanong mo pa talaga.” Ngiting wika ni Aaron, sa kanya, kaya masama siyang tiningnan ni Evo. “Kuya!” Mahigpit na yumakap si Dell kay Evo. “Hi my Princess.” Ngiting wika ni Evo. “Ang tagal niyo naman bumalik dito.” Himig nagtatampo na wika ni Dell, kaya napakunot ang noo ni Aaron. “Umuwi kaba rito?” Tanong niya habang mabilis na tumang