”Anong ibig mong sabihin dun?" Tanong ni Jessica. Sampung minuto na siyang nakikipagtalo sa kanyang phone sa harap ng courthouse.Araw ng kasal niya ngayon. Siya at ang kanyang high school sweetheart na si Burke ay magkikita dapat dito ng 10:30 am para magpakasal."Burke, 10:45 am na, nasaan ka na?” Tanong niya ng may nanginginig na boses."Jessica, hindi ako makakapunta ngayon,” sabi ni Burke.“Anong ibig mong sabihin? Ikakasal tayo ngayong araw,” muli niyang sinabi. Sa pagkakataong ito, naramdaman niya na may tumutulo mula sa kanyang mga mata. Suminghot siya upang alisin ang mga luha para hindi masira ang makeup niya."Jessica, sa tingin ko hindi sapat ang pagmamahal ko sayo para magpakasal sayo at tumira sa iisang bubong kasama ka,” sabi niya. Nadurog ang puso ni Jessica.Pinagplanuhan nilang dalawa ang kasal nila mula noong nagpropose si Burke sa kanya. Alam ni Burke ang pangarap niya na magpakasal at tumira sa isang bahay na may malawak na bakuran kung saan pwedeng maglaro a
Magbasa pa