Share

Kabanata 2

”Akala ko ba darating siya dito sa tamang oras?” Sinigawan ni Xavier ang assistant niyang si Brian sa may phone.

Sinabi sa kanya ng mga doktor na halos dalawang linggo na lang ang itatagal ng lolo niya. Nagsinungaling si Xavier sa kanyang lolo na mayroon siyang girlfriend.

Sinabi sa kanya ng kanyang lolo na dapat pakasalan niya ang kanyang girlfriend at ipakilala niya siya sa kanya bago siya mamatay upang mailipat ng lolo niya ang kumpanya sa kanyang pangalan sa tulong ng isang management specialist.

Alam ng lolo niya na isang responsableng lalaki si Xavier ngunit natatakot siya na kapag nilisan niya ang mundo, maiiwang mag-isa si Xavier at hindi kalaunan ay mawawala ang kumpanya sa kamay ng mga Delgado.

Si Dawson(ang lolo ni Xavier) ay nagdesisyon na sa halip na sukuan ni Xavier ang kumpanya pagtagal ng panahon, siya ang mag-iiwan ng kumpanya sa mga kamay ng mga taong kaya itong pamahalaan.

Hindi siya matatahimik sa kanyang libingan kapag sinukuan ni Xavier ang pinaghirapan niya. Mas gugustuhin pa niyang siya na lang ang gumawa nito.

Alam ni Xavier na utang na loob siya sa lolo niya. Noong namatay ang mga magulang niya sa isang kalunos-lunos na aksidente na kumitil sa buhay nila, tumira na siya kasama ng kanyang lolo na ginawa ang lahat upang alagaan siya.

Nais niyang manatili ang negosyo sa pamilya nila at ito ang nagtulak sa kanya upang magpakasal. Sinabi sa kanya ng assistant niya na si Brian ang tungkol sa isang contract marriage service kung saan pwede kang magbayad upang magkaroon ng asawa sa loob ng limitadong panahon.

Pumirma siya ng kontrata sa isang babae mula sa contract marriage service sa loob ng isang taon. Magpapakasal siya sa kanya ng walang anumang nararamdaman para sa isa’t isa at pagkatapos ay maghihiwalay sila ng maayos pagkaraan ng isang taon.

Nasa harap siya ng courthouse ngunit hindi sumipot ang babae. Nagtataka siya at naiinis sa nasasayang na oras. Kailangan niyang dalhin ang bago niyang asawa sa kanyang lolo ngayong araw. Tumingin siya sa kanyang relo at bumuntong hininga siya sa inis.

“Pasensya na, sir. Susubukan ko siyang tawagan ulit.” Sabi ni Brian at pinutol niya ang tawag.

“Nasayang lang ang oras ko,” bumuntong hininga ng malakas si Xavier at nainis. Ayaw na ayaw niyang nag-aaksaya ng oras at hindi siya makapaniwala na naglaho ang babae pagkatapos niyang matanggap ang bahagi ng bayad para sa kontrata.

Tumunog ang phone at hindi siya nag-aksaya ng oras na sagutin ito.

“At?” Sabi niya sa kanyang sekretarya.

“Hindi siya matawagan ng kumpanya niya,” sagot ni Brian.

“Hindi siya matawagan ngayon. Bakit hindi ka na lang muna umuwi at magpa-reschedule na lang tayo ulit sa kumpanya? Magpapadala sila ng ibang babae sa’tin,” sabi ni Brian. Maswerte siya na may maganda siyang relasyon sa kanyang boss kung hindi ay baka napaihi na siya sa pantalon niya.

“Hindi ako aalis sa lugar na ‘to ng walang marriage certificate.” Sagot ni Xavier. Hindi niya sinasadya na i-pressure ang kanyang assistant. Kailangan lang niya agad ng resulta.

“Papakasalan kita.” Ang narinig ni Xavier. Lumingon siya at nakita niya ang isang magandang babae na may itim na mga mata. Tumingin siya sa kanya at napaisip siya kung bakit iyon gagawin ng babae para sa isang taong hindi niya kilala.

“Papakasalan kita,” muling sinabi ni Jessica.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status