Share

Kabanata 3

”Ano?” Sabi ni Xavier, binaba niya ang phone mula sa kanyang tainga upang tumingin sa babae. Paano niya naisip na magpakasal sa kanya kung wala siyang kaalam-alam tungkol sa kanya?

“Mula ka ba sa marriage service?” Tanong ni Xavier. Nagulat si Jessica sa tanong niya.

“Hindi,” sabi niya habang kinakagat ang kanyang mga labi. Sigurado siya na nasira na ang kanyang makeup dahil sa kakaiyak niya. Ang usapan na narinig niya ang nagtulak sa kanya na magdesisyon na siguraduhing maikakasal siya bago siya umalis sa courthouse at dahil nangangailangan ng asawa ang lalaking ito nagdesisyon siyang gawin ito.

“Kailangan mo ng mapapangasawa, hindi ba?” Tanong ni Jessica habang sumisinghot siya. Sinipon siya dahil sa kakaiyak niya.

“Oo, tama ka,” sagot ni Xavier. Naisip niya na posibleng siya na ang sagot sa kanyang problema.

“Iniwan ako ng groom ko sa araw ng kasal ko. Hindi ko na ikukwento sayo ang mga detalye pero nakikita ko na kailangan mo ng mapapangasawa. Pwede akong maging asawa mo.” Sabi ni Jessica.

Tiningnan siyang maigi ni Xavier. Mukha naman siyang matino maliban sa nasirang makeup sa mukha niya. Ibinalik niya ang phone sa kanyang tainga.

“Siguraduhin mo na mababawi mo ang pera mula sa agency. Ako na ang bahala sa sarili ko. Magkita na lang tayo sa opisina,” sabi ni Xavier, pinutol niya ang tawag at inilagay niya ang phone niya sa kanyang bulsa.

"Magpakasal na tayo. Kailangang-kailangan ko ng mapapangasawa kaya hindi ako pwedeng maging mapili,” sabi ni Xavier at tumango si Jessica.

Iniwan nga naman siya at mukhang walang balak si Burke na makipagbalikan sa kanya lalo na’t blinock ni Burke ang number niya. Napaisip siya kung kailan nagsimulang manlamig ang relasyon nila at bakit nangaliwa si Burke.

"Papasok ka ba ng ganyan?” Nagtanong si Xavier habang nakaturo sa mukha niya.

“Bigyan mo ako ng ilang minuto para linisin ang mukha ko. Magkita na lang tayo sa loob.” Sagot ni Jessica, tumalikod siya at nagtungo siya sa pinakamalapit na banyo.

Mas mabilis siyang natapos sa pagtatanggal ng makeup niya kaysa sa inaasahan niya. Wala siyang mga gamit upang ayusin ang kanyang makeup kaya ang pinakamagandang magagawa niya ay ang alisin ito.

Bumalik siya at nakita niya si Xavier na nakatayo doon. Tiningnan niya siya mula ulo hanggang paa at naisip niya na at least hindi pangit ang pakakasalan niya.

Kahit paano maganda siyang tingnan. Agad siyang nakita ni Xavier, tumalikod si Xavier at nagsimulang maglakad papasok sa nakareserve na kwarto. Nakapagpareserve siya ng isang private room dahil sa kanyang yaman. Sinundan siya ni Jessica papasok at pareho silang umupo ng nakaharap sa judge.

“Walang mga witness?” Nagtanong ang judge habang nakangiti kay Xavier.

Agad na nakahalata si Jessica na maimpluwensya si Xavier dahil kilala siya ng judge at kaya niyang magpareserve ng isang private room.

“Kung ganun, tatawag ako ng dalawang tao para tumayo bilang mga witness,” dagdag ng judge bago siya tumawag ng dalawang tao. Isang lalaki at isang babae.

Ang lalaki ay tatayo bilang witness para kay Xavier at ang babae naman ay para kay Jessica.

Mas maikli ang proseso nito kaysa sa iniisip niya at hindi nagtagal ay legal siyang naikasal sa isang lalaking hindi niya kilala.

“Simula ngayon, kayong dalawa ay ganap nang mag-asawa.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status