Share

Biglaang Kasalan
Biglaang Kasalan
Author: Swiftpen123

Kabanata 1

”Anong ibig mong sabihin dun?" Tanong ni Jessica. Sampung minuto na siyang nakikipagtalo sa kanyang phone sa harap ng courthouse.

Araw ng kasal niya ngayon. Siya at ang kanyang high school sweetheart na si Burke ay magkikita dapat dito ng 10:30 am para magpakasal.

"Burke, 10:45 am na, nasaan ka na?” Tanong niya ng may nanginginig na boses.

"Jessica, hindi ako makakapunta ngayon,” sabi ni Burke.

“Anong ibig mong sabihin? Ikakasal tayo ngayong araw,” muli niyang sinabi. Sa pagkakataong ito, naramdaman niya na may tumutulo mula sa kanyang mga mata. Suminghot siya upang alisin ang mga luha para hindi masira ang makeup niya.

"Jessica, sa tingin ko hindi sapat ang pagmamahal ko sayo para magpakasal sayo at tumira sa iisang bubong kasama ka,” sabi niya. Nadurog ang puso ni Jessica.

Pinagplanuhan nilang dalawa ang kasal nila mula noong nagpropose si Burke sa kanya. Alam ni Burke ang pangarap niya na magpakasal at tumira sa isang bahay na may malawak na bakuran kung saan pwedeng maglaro ang mga magiging anak nila. Wala silang bahay na may bakuran ngunit plano nilang kumuha ng ganoong klaseng bahay.

“Hindi kita pipilitin na bumili ng bahay na may bakuran," sabi ni Jessica. Marahil ay masyado lang siyang nabibigatan sa kanyang pinansyal na pasanin. Ang rason kung bakit simple lamang ang kasal nila ay dahil sa pera. Pareho silang hindi mayaman ngunit kapag nagtulungan sila kakayanin nilang mabuhay ng komportable.

Dahil pareho silang mga ulila, wala silang maimbitahan sa pribadong kasalan. Plano nilang magkaroon ng pribadong kasal at sabihin sa mga kaibigan nila ang tungkol dito pagkatapos.

“Burke, honey hindi mo ba ako sasamahan?" Isang boses ang umalingawngaw mula sa loob ng silid. Alam ni Jessica na pamilyar ang boses na ito ngunit hindi niya ito matukoy noong mga sandaling iyon.

"Sino ‘yun?” Mahinang sigaw ni Jessica.

"Mayroon ka bang naririnig?” Tanong ni Burke sa kanya.

Alam ni Jessica na may narinig talaga siyang isang pamilyar na boses. Kilala niya ang boses na ‘yun. Iyon ang boses ng best friend niya.

“Si Emma ba ‘yun?" Tanong niya, tumulo ang mga luha mula sa mga mata niya sa pagkakataong ito.

“Bakit naman mapupunta dito si Emma?" Tanong ni Burke.

Matagal nang pinaghihinalaan ni Jessica ang kanyang kaibigan at ang kanyang boyfriend at sa wakas, napatunayan niya na totoo ang mga hinala niya.

"Jessica, umuwi ka na at pupuntahan kita mamayang gabi,” sabi ni Burke.

"Maghihintay ako na dumating ka dito,” sabi ni Jessica. Nagmamakaawa ang kanyang boses. "Papatawarin kita kahit na nangaliwa ka. Pakiusap, puntahan mo ako dito. Huwag mo akong ipahiya,” nagmamakaawa siya.

"Sige, nandito si Emma at alam mo Jessica, tapos na tayo. Hindi kita kayang pakasalan at hindi ko na rin kayang makasama ka. Maghiwalay na tayo.” Sabi niya.

“Huwag, pakiusap," nagmakaawa si Jessica, basang-basa na ng luha ang kanyang mukha. Katahimikan lamang ang sumalubong sa kanyang pagmamakaawa. Pinutol na ni Burke ang tawag.

Inalis ni Jessica ang kanyang mula sa kanyang tainga at nagdesisyon siya na tumawag ulit ngunit natuklasan niya na hindi na niya matawagan si Burke. Blinock ni Burke ang kanyang number.

Umupo siya sa harap mismo ng courthouse. Wala siyang pakialam kung may mga tao sa paligid. Iniwan siyang luhaan at nagkadurog-durog ang kanyang puso.

Umiyak siya ng umiyak ngunit hindi niya mapigilang marinig ang pakikipag-usap ng lalaking nakatayo malapit sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status