All Chapters of Biglaang Kasalan: Chapter 21 - Chapter 30

50 Chapters

Kabanata 21

Hindi gaanong marami ang hapunan nila ngunit nakakabusog ito, at ayaw man aminin ni Xavier gamit ng sarili niyang bibig, si Jessica ay isa palang napakahusay na cook.Bumabagay ang bawat putahe sa isa’t isa at sa sobrang sarap ng lasa ng mga ito ay muntik na niya siyang purihin ngunit hindi niya ito ugali.Nakakabingi ang katahimikan sa mesa. Dalawang beses sinubukan ni Jessica na makipag-usap kay Xavier ngunit pinatay niya ito gamit ng mga sagot niya kaya walang nagawa si Jessica kundi sumuko.“Salamat sa pagkain,” sabi ni Jessica habang pinupunasan ng napkin ang kanyang bibig.Hindi siya malakas kumain ngunit kumakain siya ng marami kung kailangan. Ang unang beses na kumain sila ng ganito ay habangbuhay na mananatili sa kanyang mga alaala dahil isa siyang sentimental na tao.“Salamat din,” sabi ni Xavier.Pinasalamatan siya ni Jessica hindi dahil sa siya ang responsable sa paghahanda ng pagkain kundi dahil sa pinaghirapan ni Xavier ang kinakain nila at kailangan niya siyang pas
Read more

Kabanata 22

Napangiti si Burke sa kanyang laptop na nasa mesa. Halos hatinggabi na pero maliwanag pa rin ang kanyang mga mata na parang tanghali pa lang. Ipinagmamalaki niya ang kanyang nagawa.Paano nagawang isipin ni Jessica na pwede niya siyang iwan at magpakasal sa iba? At nagpakasal pa talaga siya sa isang mayaman.Hindi rin mayaman si Burke ngunit mayroon siyang mga koneksyon mula sa kolehiyo sa mga taong mayroong marangyang buhay ngayon. Buti na lang para sa kanya, marami siyang kilalang mga reporter at manunulat ng blog na naghahanap ng magandang headline para sa kanilang page.Ang pagsusulat tungkol sa Delgado family ay magpaparami ng traffic sa kanilang page at magbibigay sa kanya ng exposure. Hindi niya kailangang gumawa ng masyadong maraming tawag bago kumalat ang headline na ang apo ni Delgado ay nagpakasal sa isang gold digger.Tuwang-tuwa si Burke sa kanyang sarili at nagmamalaki na para bang isang pabor sa para sa buong bayan ang ginawa niyang pagbubunyag sa kung sino ang asawa
Read more

Kabanata 23

Lumipat si Xavier sa may kwarto at nakita niya si Jessica na natutulog ng mahimbing. Kung alam lang niya kung ano ang sinasabi ng buong siyudad tungkol sa kanya ngayon.Gumulong siya sa higaan at kinuskos niya ang kanyang mga mata habang bumubulong.Naglinis ng kanyang sarili si Xavier at pagkatapos ay nagharang siya ng mga unan sa pagitan nila bago siya humiga sa kama. Nagpapaulit-ulit sa isipan niya ang mga headline at komento na nabasa niya.Ito ang unang pagkakataon na nasangkot ang kanyang pamilya sa entertainment news. Hindi niya inasahan na ang kasal na kinaaayawan niya ang maglalagay sa pamilya niya sa spotlight sa maling paraan?Ang Delgado family ay mga business tycoon at ang paglitaw sa mga business news ay hindi malaking bagay. Specialty niya iyon. Namuhay siya ng tahimik at iyon ang naging dahilan upang iwasan siya ng mga blog at tabloid dahil nakakabagot siya kahit na mayaman at gwapo siya.Sapat na ang kagwapuhan niya ngunit nakakagabagot ang kwento ng kanyang buhay
Read more

Kabanata 24

Habang abala si Jessica na isipin ang tungkol sa katotohanan na masyadong kalmado si Xavier para sa isang tao na pinahahalagahan ang kanyang reputasyon, abala si Brian sa paghahanap sa mga blogger at mga tabloid writer.Siguradong maghaharap sila sa korte o magmumulta sila para sa paninirang ginawa nila. Malabong palampasin ng Delgado family ang ginawa nila.Dahil hindi gumagawa ng gulo si Xavier, walang may ideya kung ano ang gagawin ng pamilya niya. Ang mga blog na naglabas ng kwento ay mga maliliit na blog lamang na gustong madagdagan ang traffic sa kanilang page.“Anong ibig mong sabihin na magmumulta ako?” Sumigaw si Burke sa kanyang phone.Nakatanggap si Burke ng mga pagbabanta buong umaga. Siya ang nagpadala ng post kaya gusto nilang lahat na makabawi sa kanya.“Sasabihin ko sa mga pulis na ikaw ang nagpadala sa’kin ng blog post. May ebidensya ako.” Kalmadong sinabi ni Max.Magkasama silang pumapasok ni Burke sa paaralan noon at nag-aalinlangan siyang ilabas ang balita ngu
Read more

Kabanata 25

Bumuntong hininga si Brian sa inis. Buong umaga siyang nasa phone kausap ang mga abogado. Pagkatapos siyang tawagan ni Xavier sa hindi magandang oras na kinagalit ng inaantok niyang asawa, kailangan pa rin niyang umalis ng maaga upang masiguro na mabubura niya ang masamang balita tungkol sa boss niya at sa asawa nito sa internet.“Anong ang unang traceable source ng impormasyon na ‘to?" Sabi ni Brian, ibinato niya ang tanong sa grupo ng mga abogado at mga advertising agent.Binuo ang grupo para sa damage control ngunit dahil si Xavier ay isang dream entrepreneur at hindi gumagawa ng anumang drama, masasabing walang silbi ang grupo. Bahala na ang misteryosong asawa ni Xavier na gamitin ang grupo para sa kung ano ba talaga ang trabaho nila."Na-trace ito pabalik sa may-ari ng isang maliit na blog na nagngangalang Max,” sabi ng isa sa mga advertiser."Anong pwede nating gawin sa mga taong nagpakalat ng balita ng hindi inaalam ang katotohanan?” Tanong ni Brian.Malapit nang dumating a
Read more

Kabanata 26

Sa wakas ay tumayo na si Xavier mula sa kama noong pasado alas dose na ng tanghali. Magaan at mas maganda ang pakiramdam niya. Kung sabagay, gabing-gabi na noong nakatulog siya. Naglinis siya ng kanyang sarili at naghanda para sa trabaho.Bumaba siya ng hagdan at may narinig siyang ingay. Parang may kumakalampag sa mga kaldero sa kusina. Sumilip siya sa may pintuan ng kusina at nakita niya si Jessica na nagpapaikot-ikot sa kusina."Anong nangyayari dito?" Tanong ni Xavier nang makapasok siya sa kusina."Young master," ang mga kasambahay na nalilito sa bawat kilos ni Jessica ay yumuko upang batiin siya nang makita nila siya.Nakatuon ang atensyon ni Jessica sa kanyang ginagawa. Abala siya sa paghahagis at pagpihit ng kung ano sa kaldero sa gas cooker."Anong nangyayari?" tanong ulit ni Xavier. Sa pagkakataong ito ay mas malakas ang boses niya at ngayon ay nasa kusina na siya."Nagluluto ang young lady," sabi ng isa sa mga kasambahay."Bakit?" tanong ni Xavier.Isa ba itong sitwa
Read more

Kabanata 27

Hindi maintindihan ni Jessica kung bakit gustong lumabas ni Xavier sa ganitong sitwasyon. Ang tanging lohikal na bagay na gagawin niya ay ang magtago mula sa mga balita at press hanggang sa maging maayos ang lahat at ibang bagay na ang pinag-uusapan ng mga tao."Magbihis ka ng maganda," muling sabi ni Xavier."Hindi ko gustong pumunta kahit saan," sabi ni Jessica habang nakakrus ang kanyang mga braso."Hindi pwede. Tatayo ka ngayon at magsusuot ng magandang damit na kaiinggitan ng bawat babae sa lungsod at makikipagkita ka sa’kin dito at sabay tayong lalabas," sabi ni Xavier.Napakadominante ng boses niya. Nakatitig si Xavier sa kanya na binabalaan siya na hamunin siya at huwag sumunod sa kanya."Hindi ko gagawin ‘yan," sabi ni Jessica na tumayo at ibinaba ang kanyang paa.Sino siya sa akala niya? Sino siya sa tingin niya para utusan siya ng ganun? Akala ba niya susuko na lang siya at susunod sa kanya? Nababaliw na siguro siya."Oo, gagawin mo ‘yun," sabi ni Xavier na hinila ang
Read more

Kabanata 28

"Maghahanda na ako at lalabas ako kasama ka pero dahil lang ‘to sa damay ako dito. At sana maghanda ka nang matulog sa may sofa," sabi ni Jessica at isinara niya ang pinto sa pagmumukha ni Xavier.Hindi siya papayag na kayan-kayanan siya ng lalaking ito. Mahirap siya at pinakasalan niya si Xavier ngunit hindi iyon nangangahulugan na dapat siyang tratuhin na parang isang hampaslupa. Ang tanging ginawa niya sa buong araw ay mag-utos at sigawan siya na parang isa siyang tanga.Mabilis siyang nagsuot ng isang maikling gown at kumuha ng jacket. Nag-makeup siya ng kaunti at lumabas. Naghihintay si Xavier sa baba. Nang makita niya kung gaano siya kaganda, hindi maiwasan ng kanyang isip na sumang-ayon sa kanyang puso na nagsasabing napakaganda niya."Tara na ba? O itutuloy mo pa ba ang pagsigaw sa’kin?" Tanong ni Jessica na nakatayo sa harap ni Xavier.Dedepensahan na niya ang sarili niya sa paligid ni Xavier mula ngayon. Pinatunayan ni Xavier na hindi siya mabuting asawa at kaya itong tii
Read more

Kabanata 29

Tuluyan nang huminto ang sasakyan sa harap ng Hyshoo restaurant kung saan sila kakain."Ang pagtatalo ay hindi makakatulong sa’tin na makuha ang impresyon na kailangan natin," sabi ni Xavier at huminga siya ng malalim.Walang tigil sa pagtunog ang phone ni Jessica at tumanggi siyang sagutin ito kahit na pinipilit siya ni Xavier na sagutin ito upang patunayan na inosente siya. Gusto lang malaman ni Xavier kung hindi talaga siya niloloko ni Jessica.Si Jessica naman ay hindi interesadong makipag-usap sa kanyang tiyahin kahit na paulit-ulit siyang kinukulit ni Xavier."Hindi ko gustong makipagtalo. Ikaw ang nagsimula nito." sagot ni Jessica at tinanggal niya ang kanyang seat belt.Pinagmasdan ng mga valet ang kotse, hindi sila sigurado kung dapat silang lumapit dito. Dahil sa tinted na salamin ng bintana, nahihirapan silang malaman kung sino ang nasa loob nito dahilan upang magkaroon ng kalayaan mag-asawa na magtalo tungkol dito hangga't gusto nila."Huwag na tayong magtalo. Kumain
Read more

Kabanata 30

Ano ang silbi ng pagkain nila sa labas kung uupo sila sa isang private room? Kailangan nilang makita kaya kailangan nilang kumain sa labas.Nanlaki ang mga mata ni Richard nang marinig ang hiling ni Xavier. Hindi ito kapani-paniwala ngunit ginawa niya pa rin ito.Dinala niya sila sa isang mesa na malayo sa paningin ng mga tao."Bigyan mo kami ng ibang table," sabi ni Xavier nang mapansin niya na hindi sila makikita ng mga tao sa mesang inaalok sa kanila ni Richard.Para kay Richard, parang may nagpalit ng kaluluwa ni Xavier. Ang kanyang mga kahilingan ay tila kakaiba para sa kanya. Sumunod pa rin siya at binigyan niya sila ng isang mesa na bukas sa mga mata ng publiko."Salamat, Mr. Richard. Napakabait mo," sabi ni Jessica, medyo mas mataas pa sa normal ang kanyang boses."Walang anuman, ma'am. Babalik ako para kunin ang order niyo," sabi ni Richard bago siya naglakad palayo.Para kay Jessica, kakaiba ang lahat ng ito. Ang manager ang kumukuha ng mga order, hindi pa siya nakaki
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status