“Ma’am nagpatawag ng emergency meeting si Mrs. Cynthia, mukhang nagmamadali po eh, nabalitaan ko na galit raw!” humina ang boses ni Nicole secretary niya sa huli niyang sinabi.Umikot ang mata niya sa ere. “Stop gossiping about them, Nicole. Alam ko na kung saan patungo ang pag-uusapan mamaya, ginagawa ko ang lahat para iligtas ang company dahil sa totoo lang pati ako stress na stress na rin.” Mahina niyang hinilot ang kaniyang sintido noong maramdaman ang pagkirot nito. Ilang araw na siyang walang maayos na tulog dahil babad sa trabaho, tinitingnan niya lahat ng anggulo para sa solusyon sa kinakaharap nilang problema ngayon.Maliit na ngumiti si Nicole bakas sa mukha nito ang pagka-guilty dahil napuna niya ang pagiging chismosa nito. “Ma’am to inform you, umalis na naman ang isa sa ating malaking investors, binenta niya na ang kaniyang shares, wala pa raw na bumibili kaya medyo on process pa.”Huminga siya ng malalim. “I hate our competitors, hindi talaga sila titigil hanggat hind
Last Updated : 2024-09-04 Read more