Noong dumating ang pagkain na pinabili ni Noah, kaunti lamang ang nakain niya dahil, nasusuka siya. Hindi umalis sa tabi niya si Noah, hindi ito mapakali. "Jarren pakitawag si Doc. Llanza!" natataranta niyang sabi. Nanghihina ko na inabot ang kamay ni Noah. "Huwag mo na ng tawagan si Doc. Llanza, ayos lang ako," mahinang awat ko. He widened his eyes at me. Hindi niya ako makapaniwalang tiningnan, umigting ang kaniyang panga. "You're not okay, Clara. Kanina ka pa pabalik balik para sumuka." "It's normal. Hindi ako makakain ng maayos, magiging ayos din ang pakiramdam ko. Kailangan ko yata muna na magpahinga," paliwanag ko. Umupo ulit sa tabi ko si Noah, inayos niya ang buhok. "Hindi ako mapalagay kapag hindi ko nakakausap na ayos ka lang," mahina niyang sabi. "I'm sorry, promise! Baka busy sa clinic si Doc. Llanza." Lumambot ang mukha niya. "Why are you saying sorry, baby? If I can do something to ease it, I will." "Boss normal lang po yata sa buntis ang pagsusuka, hindi kasi y
Terakhir Diperbarui : 2024-11-04 Baca selengkapnya