"Ang blooming mo ngayon ma'am, ikaw lang siguro ang buntis na subrang ganda pa rin!" papuri ni Almira. Mas lalong nadagdagan ang ngiti ko. Iba ang blooming kapag nadiligan sabi ko sa isipan ko. Hindi ko iyon pwedeng sabihin kay Almira, hindi niya na dapat malaman ang tungkol sa bagay na iyon. "Siguro babae ang magiging anak ko Almira." "Akala ko po kapag lalaki ang blooming, pero kahit ano pa ang anak mo ma'am subrang ganda mo pa rin." "Stop flattering me, Almira. Hindi ako ang nagbibigay ng sweldo mo kahit bulahin mo ako ngayon hindi iyon nadagdagan." "Malapit na ang pasko ma'am, nakaabang na rin naman ako sa bunos natin." Umikot ang mga mata ko. Sino ba naman ang hindi magiging excited kapag narinig na ang salitang bunos. At isang linggo na walang pasok, binabayaran naman nila iyon rito sa kompanya. "Hati tayo ng bunos ko kapag nakuha ko, Almira. Lumabas kayo ng pamilya mo, noon palagi kaming lumalabas ni daddy kapag pasko," I sweetly said. Nakaramdam ako ng lungkot, naaalal
Last Updated : 2024-12-09 Read more