Madaling araw na kaming nakatulog na dalawa ni Noah. Hindi ko sigurado sa kaniya kung nakatulog ba talaga siya. Kaya naman tanghali na akong nagising, ang sarap sarap ng tulog ko dahil malambot ang nahihigaan at malamig ang buong kwarto dahil sa aircon. Pagbaba ko tanging kasambahay lang ang nakita ko wala si Noah. Kapag bumaba naman ako ay nandito siya. "Magandang tanghali po, Miss Clara, binilin sa akin ni Sir na ipaghanda ko raw kayo ng pagkain na gusto mo pag gising mo. Nagluto po ako ng maanghang na fried chicken." Kunot ang noo na bumaling ako sa kasambahay. Umalis si Noah? "Saan po ba si Noah?" "Umalis po si Sir kanina, palagi naman po siyang umaalis para pumasok sa trabaho." "Anong trabaho niya?" tanong ko pa. Napakurap ang babaeng nasaharapan ko mukhang hindi makapaniwala sa tanong ko. "Akala ko po nobya kayo ni Sir Noah, hindi mo alam ang trabaho niya?" I massage my chin. "I don't know about his work, hindi niya nasabi sa akin. Hindi rin kami gaanong nag-
Last Updated : 2024-10-07 Read more